"You did what?" galit na tanong niya sa lalaking nasa kaniyang harapan at gulat na nakatingin sa kaniya. Alin man sa amin ay hindi inaasahan ang pagdating ng lalaking ito. Bakit siya naririto? Subalit sa kabilang banda, hindi na rin ako dapat pa na magtaka. Magkakakilala sila. Parehas silang kasapi ng organisasyon. Ang tanging ipinagtataka ko na lamang sa mga sandaling ito ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako isinusuko sa harap ni Au. Sa harap ng organisasyon. Anong dahilan? Mabilis na napalitan ng ngisi ang ekspresyon ng isa. Bumalik ang natural na mapang-asar niyang mukha. Pagkatapos ay iiling-iling na tumingin sa lalaking bagong dating lamang. Ramdam ko ang galit sa ekspresyon ni Evander nang sumulyap siya sa akin. Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon. Palagi siyang ganito sa akin ... Sa kabilang banda, nararapat ba talaga akong humingi ng magandang reaksyon mula sa kaniya? Ano ba ang dapat na ekspresyong ipakita niya sa tuwing titingin siya sa akin? Napailing ako. Pinanatili kong walang mababasang reaksyon mula sa aking mukha. Nagtagal ang galit na titig niya sa akin. Isang beses niyang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Nag-igting ang panga saka galit na bumaling muli sa lalaki sa harap niya. "You did fucking what?" Mapang-asar na tumawa lamang si Godwin. Hindi siya nababahala sa galit na ipinapakita ng isa. Hindi ko alam kung ano ang relasyon nila sa isa't-isa. O kung gaano na sila katagal magkakilala. Subalit sa ipinapakita nila sa mga oras na ito, halatang sanay na sila sa ugali at pag-aasal ng bawat isa. "Well... I just saved that girl from drowning." tugon ng lalaki. Sumulyap siya sa akin ng isang beses habang nakangisi saka muling bumaling sa kausap niya. "That's not what you fucking said a while ago." Tumawa si Godwin. Nahihimigan ko ang matinding pang-aasar sa tono niya. Mistulang natutuwa pa siya kahit halatang nagagalit na ang kaniyang kausap. "Well, I didn't really kissed her torridly the way I did to my girls. I was just tempted. Her lips was so red when we got ourselves out of the water-- "Fucking asshole!" Mabilis na tumama sa mukha niya ang kamao ni Evander. Kaagad siyang natumba sa sahig habang sapo ang parte ng mukha na siyang natamaan. Bago pa man siya tuluyang makabawi ay kaagad na siyang dinaluhan ng isa. Galit na galit na lumapit sa kaniya at saka siya malakas na muling sinuntok sa mukha. Gumanti si Godwin. Bumawi at gumanti ng suntok sa isa. "Damn you! Why do always have to punch my face! You are so reckless as ever!" "You are an asshole! Fucking shit! Of all people, why do you have to do that to her! There are tons of girls out there, you asshole. Fucking asshole! I am going to destroy your stupid fucking face!" Muli siyang lumapit at gumanti ng suntok kay Godwin. Nagpatuloy sila sa pag-aaway ng hindi iniintindi ang presensiya ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang mag-away sa harap ko. Sa ginagawa nilang iyan, hindi na rin sila nalalayo sa mga sangganong palaging ganiyan ang ginagawa sa tuwing nagkikita-kita. Ang kaibahan nga lamang ay mas matindi kung mag-away ang dalawang ito. Malalakas ang mga suntok na ibinabato nila sa isa't-isa. May kasama iyong galit. "I saved her! I just saved her! Why are you being so unreasonable as fuck?!" sinuntok niya sa panga si Evander. Parehas lamang silang napaatras sa ginawang pag-atake sa isa't-isa. Parehas na galit na galit ang kanilang mga mata habang mabilis ang pagtaas-baba ng kanilang dibdib. Indikasyon ng paghahabol ng hininga. "And why do you have to brought her in your fucking filthy house?! You could have just save her, alright, but why do you have to fucking bring her here?! Did something already happened with you two?!" Humina ang boses niya sa pagbigkas ng mga huling kataga. Para bang hirap na hirap siyang sambitin ang mga iyon. Dumaan ang matinding paninikip ng dibdib ko nang makita kung gaano kapagod ang kaniyang ekspresyong ipinapakita. Bukod sa pagod ay nahimigan ko rin ang matinding pait sa kaniyang tono. Pagod ka na ba? Parehas lamang tayo rito. "Did something happened with you two?" pag-uulit niya. Ang mga mata ay pagod na dumapo sa akin. Naghihintay ng aking isasagot. Nakita ko kong muli ang ekspresyon niyang hindi galit. Ang mga mata niya ngayon ay... Malungkot. Nagsusumamo. Mistulang may isang bagay na hinihintay upang muli siyang makabangon. Upang muli siyang bumalik sa dati. "Yes. She stayed here for two days. Well, she was so shy at first but I showed her that there was nothing to be afraid of." sagot ni Godwin. Nakangisi siya habang nakatingin kay Evander. Ang isa naman ay halatang natigilan. Kumuyom ng matindi ang mga kamao at mariing nag-igting ang panga. Ang litid sa kaniyang leeg ay mas malinaw kong nakikita ngayon. Mas bumilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Blangko ang mga ekspresyong sumulyap siya sa akin. "And oh, I didn't really kissed her torridly. Because I kissed her passionately-- Sunod-sunod siyang sinuntok muli ni Evander. Galit na galit. Ang matinding galit niya kanina ay mas nadagdagan lamang ngayon. Sa hindi malamang dahilan... Ayokong makita siyang ganiyan. Bakit siya nagkaka ganiyan? He always think of me as that filthy and disgusting woman like what he always say. Gone was the day when I could still say that he... Cares for me. At sa loob ng ilang buwan kong pakikibagay sa bagong mundong ito. Sa loob ng mga buwan na sinikap kong makisabay sa paraan ng pamumuhay nila, natutunan kong maunawaan ang ibig sabihin ng komplikadong sitwasyong ito. Natutunan kong maunawaan kung ano ang pinag-uusapan nila. "Is that the reason why you saved her? Iyon ba? Putangina ka!" Tumayo si Godwin nang matigil ang isa sa pagsuntok sa kaniya. At kahit dumudugo na ang kaniyang labi ay nakuha pa rin niyang ngumisi sa harap ng kaniyang kausap. "I saved her from drowning. Do you know the reason why?" nakakaloko siyang tumawa saka bumaling ang paningin sa akin. Hindi ko nakuhang tugunan ang ngiti niya. Hindi ko nakuhang suklian ang ang ekspresyong kaniyang ipinapakita. Muli siyang tumingin sa unahan. Sa kaniyang kausap na ngayon ay blangko ang mga ekspresyong nakatingin sa kaniya. "Do you know the reason why? No you don't. You don't even know a single thing because you only cares about what your father might think of you. You only cares about your position. You are selfish. You never really cared for her." "And why were you so angry? Dahil hindi ikaw ang nakauna? Ganoon ba? What would happen if you got her first? Will it change the fact? Will it make you happy?" "From the very beginning, you know what's that woman means to me." tugon ni Evander. Ang boses niya ngayon ay walang kasing lamig. Kahit hindi siya sa akin nakatingin, nararamdaman ko ang matinding panlalamig ng aking kalooban dahil sa mga mata niya. It was dark and dangerous before but now... It was so damn cold. "But you were never there for her. You just let her do the stunts while you were busy following the order of your father. You were never really there for her. That's the truth." Namutawi ang matinding katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Wala ni isa man ang nagtangkang magsalita. Nanatili lamang ang seryosong titigan ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Godwin. Hindi ko siya kakilala. Hindi ko siya kaano -ano. Wala kaming relasyon sa isa't-isa. Walang kahit na anong matibay na sinulid na nag-uugnay sa pagitan naming dalawa. Kaya bakit niya ba ito ginagawa? Bakit? At kahit walang katotohanan ang mga sinasabi niya, hindi ko makuhang magalit. Dahil sa pamamagitan noon ay nalaman ko lamang kung gaano kababa ang tingin sa akin ng lalaking una kong nakilala. Hindi tumugon si Evander. Ilang minuto pa silang nagsukatan ng tingin hanggang sa dumako ang kaniyang malamig na paningin sa akin. Walang kasing lamig iyon. Na kahit may distansya sa pagitan naming dalawa ay malinaw ko pa ring nararamdaman ang matinding lamig na dulot ng mga tingin niya. Ilang minuto siyang tumitig sa akin. Tahimik. Nanunuri. Para bang sinisisid ang kaibuturan ng kaluluwa ko. Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ko. Mabilis na dumapo ang kakaibang pakiramdam sa aking kalooban na ngayon ko pa lamang unang naramdaman. Ang pakiramdam na ito at dayuhan para sa akin. Nang walang ano-ano'y bigla niya akong marahas na hinigit sa aking braso. Masakit iyon. Mahigpit at madiin. Hindi ko nagawa pang magprotesta nang magsimula na siyang hilahin ako palabas ng silid. Mabilis ang kaniyang paglalakad. Malalaki ang kaniyang mga hakbang. At hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makasabay sa kaniya ngayon. Hindi ko masabayan ang bilis niya. Hindi ko siya maabot. Hindi ko kaya. Wala ako sa posisyon. Marami kaming nadaang mga silid. Maganda ang disenyo ng kabuuan ng bahay kahit na hindi ko na ito nagawa pang pagtuunan ng sapat na atensyon. Komplikado at maayos ang pagkakagawa ng maraming muwebles. Malaki ang bahay. Siguro ay isa itong mansyon. Pabatong niyang binitawan ang aking braso nang makalabas kami sa malaking tarangkahan ng bahay. Sa aming harapan ay matatanaw ang isang magara at magandang sasakyan na dalawang tao lamang ang naiisip kong maaaring mag may-ari. Malamig ang mga ekspresyong tumitig siya sa akin. "Leave." panimulang anas niya. Ang tono ay walang kasing lamig. "I am now giving you the chance to go. Hide. Run away from all of these mess. Go back to the place where you came from... You don't belong here. Frail woman like you don't belong here." Hindi ko ipinakitang apektado ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko ipinakitang ang bawat katagang ibinabato niya sa akin... ay tumatagos hanggang sa kailaliman ng damdamin ko. Ayokong ipakita sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Hangga't maaari ay itatago ko iyon. Kagaya ng palagi kong ginawa sa tuwing magkaharap kami. Sa tuwing kaharap ako ang ibang tao. "Bakit kailangan mong..." garalgal ang boses ko. Siguro ay dahil na rin sa matinding panunuyo nito kanina lamang. Iyon lamang ang tanging dahilang gusto kong paniwalaan sa mga sandaling ito. "Bakit kailangan mong magpanggap na nag-aalala ka kung mamamatay ako o hindi?" Tumawa siya. Subalit bakas ang kasarkastikuhan doon. " lWhat do you mean?" sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ngayon, nasisiguro kong ang taong kaharap ko ngayon, ay hindi ko nga talaga kilala. Noong una ay inakala kong isa lamang siyang estrangherong naligaw sa kagubatan sa gitna ng pagligo ko. Ngayon ay nasisiguro kong isa pa rin siyang estranghero. Isang estrangherong hinding-hindi ko makikilala kailan man. Mahirap siyang makilala. Ayaw niyang magpakikilala. "Are you fucking deaf or what? That bastard inside fucking said that I'm selfish. And it's true. I never really cared for anyone... I never did." Kung ganoon ay bakit kailangan kong malito ng ganito? "Kung iniisip mong nag-aalala ako sa'yo, then your probably wrong. I don't give a damn care about you. You are just that filthy and dirty and disgusting woman that I met in the middle of that disgusting forest." Muli niya akong marahas na hinawakan sa aking braso. Ramdam ko ang pananakit noon sa diin at higpit ng hawak niya. Kahit kailan... Wala naman talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Ironically, kung dati ay ako ang siyang gustong-gusto makalayo mula sa kaniya, kung dati ay ayaw na ayaw ko siyang makita, kung dati ay ayaw na ayaw kong magkatagpong muli ang aming mga landas, ngayon ay nabaliktad na ang lahat. Tuluyan nang nabaliktad ang sitwasyon. Dahil ngayon, siya naman ang gustong-gustong makalayo sa akin. "And I'm warning you. Go run as fast as you can away from me, away from us. Go run and hide. Because one of these days... Au might order me to kill and bring you to the horizon of life." Seryoso niya akong pinakatitigan sa mga mata. Kagaya iyon noong dati. Noong mga panahong una ko pa lamang siyang nakita. Pabagsak niyang binitawan ang aking braso. Matagal na tinitigan ang aking mga mata bago isang beses na pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan gamit ang nasusuklam na mga mata. Those midnight raven eyes that I use to hate before, hates me now. "Disgusting." Iyon ang huling katagang binigkas niya bago siya mabilis na sumakay sa kaniyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis nang hindi lumilingon sa akin. Sa hindi malamang dahilan, lihim akong humiling sa hangin na sana... Sana kasabay ng mabilis na pag-alis at pagkawala niya sa harap ko, sana tinangay na rin niya paalis ang masakit at hindi magandang pakiramdam na dulot ng mga sinabi at ginawa niya sa akin. "I'm sorry for saying those things. I just... wanted him to realize something." Pagod akong lumingon sa kaniya na ngayon ay nakasandal na sa mataas na pader sa labas ng kaniyang bahay. Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang aking braso. May mga pulang markang namumuo roon. "Let's do something with your wrist." Akma niya akong hihilahim papasok subalit kaagad kong binawi ang braso ko. Seryoso ko siyang pinakatitigan. "Help me." anas ko. Ang aking tono ay walang kasing seryoso. Sa hindi malamang dahilan, nakisama ang kaniyang ekspresyon ngayon. Wala na ang natural na mapang-asar niyang ngiti na lagi niyang suot-suot at nagpapasalamat ako dahil doon. "Help me again."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
10/06/2024
0Tingnan Lahat