Chapter 29

Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang presensya ng isang taong nakatitig sa akin. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa maputi at malambot na kama nang makita na hindi pamilyar para sa akin ang buong paligid.
"Your awake." namamanghang aniya.
Itinigil ko ang aking paningin upang masalubong ang kulay kape niyang mga mata. Ang buhok niya na pamilyar na para sa akin ay mas lalong tumitingkad ang kulay dahil sa liwanag.
Kung paano siya ngumisi noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ang ekspresyon niya ay palagi na lamang... mapaglaro.
"Godwin."
Tumawa siya. Pagkatapos ay muling lumagok ng alak mula sa hawak niyang kopita.
"How's the sleeping beauty? Damn! you sleep so damn long."
Kumunot kaagad ang noo ko.
Gaano ba ako katagal dito? Kung ganoon ay siya pala ang nagligtas sa akin mula sa pagkalunod sa ilalim ng dagat. Hindi ko nagawang tanggalin ang pagkakagapos ng aking mga kamay dahil sa matinding panghihina. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay hindi ako aabutin ng isang minuto sa pagkakalas niyon.
Subalit dahil pinanghihina ako ng kung ano mang bagay na itinurok nila sa aking leeg ay hindi ko na iyon kinaya pang gawin. Kinain ako ng matinding dilim at lamig. Ang matinding kadiliman sa ilalim ng dagat ang siyang nagsasabi sa akin na wala na akong natitira pang pag-asa.
Na roon na magtatapos ang lahat. Na hindi ko na magagawa pa ang mga bagay na kailangan kong tapusin. Na sa pagkakataong iyon ay nabigo ako.
Subalit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay may isang imahe ng lalaki ang nakita kong lumalangoy patungo sa akin.
"Gaano ako katagal dito? At gaano ka na katagal na nakaupo riyan?"
Hindi ko pinansin ang mapaglarong tono niya. Pati ang paraan niya ng pagsasalita ay pamilyar na para sa akin. Naaalala ko na kung saan ko unang narinig ang boses niya. Naaalala ko na kung saan ko unang nakita ang pamilyar niyang mga mata.
Bukod pa iyon sa pagkikita namin sa reunion nang isinama ako ni Malthe upang maging kapareha. Doon lamang kami unang nagkakilala. Subalit hindi iyon ang una naming pagkikita.
"You have been sleeping in my bed for two days." tugon niya sa akin.
Hindi sinagot ang aking pangalawang katanungan. Ni hindi man lamang nawala ang pagkakangisi ng kaniyang mga labi.
Ibinaba niya sa katabing lamesa ang hawak na kopita. Pinagkrus ang mga binti at mga braso saka muling tumitig sa akin.
Hindi maipagkakailang magandang lalaki rin ang isang ito. Mula sa matipunong pangangatawan hanggang mukha ay wala kang maiipintas.
Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon sa harap niya. Nanunuyo ang aking lalamunan. Kung totoo nga na dalawang araw akong nakatulog, ibig sabihin ay dalawang araw na rin akong hindi kumakain at umiinom ng tubig.
Isang patunay niyon ang matinding panunuyo ng aking lalamunan na siyang dahilan kung bakit namamaos ang aking tinig nang magsalita kanina.
Mabilis kong nasalo ang bote na may lamang tubig na ihinagis niya patungo sa akin. Hindi ko na inintindi pa ang sasabihin niya.
Kaagad ko iyong nilagok hanggang sa tuluyang maubos ang laman. Kahit papaano ay nabawasan ang matinding pagkauhaw ko. Subalit hindi pa rin iyon sapat.
Hinintay ko hanggang ihagis niya muli sa akin ang bote ng tubig na hawak niya. Subalit hindi niya iyon ginawa. Nanatili lamang na nakatitig sa akin ang mapaglarong mga ekspresyon niya.
"You want another one?" tanong niya. Nakangisi. Halatang nang-aasar. Pagkuwa'y biglang napalitan ng kaseryosohan ang ekspresyong ipinapakita niya. "I'll give you this one ... just tell me the location of the thing that your father had stolen from us."
Mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"I don't know what you're saying."
Nagsukatan kami ng tingin. Ipinakita ko sa kaniyang wala siyang mahihitang impormasyon sa akin dahil hindi ko alam ang kaniyang sinasabi.
My father...  had stolen something from the organization?
"Then I won't give you this." bumalik ang mapaglarong tono niya. Ang bote ng tubig ay nilaro -laro niya sa kaniyang mga kamay. Hinagis-hagis pa iyon sa ere habang nakatingin sa akin.
Halatang may gustong kalagyan ang isang ito.
Mabilis akong tumayo at sumugod sa kaniya. Wala akong pakialam sa mga ipinaglalaban niya. May sarili akong problema rito.
Mabilis rin siyang tumayo at umilag sa akin. Ang mukha ay halata ang pagkamangha. Kahit ganoon ay hindi naalis ang pagkakangisi niya.
"You're quite fast." anas niya.
Muli akong sumugod at pinatamaan siya sa mukha. Nasalag niya iyon. Malakas siya. Hinawakan ko ang bote ng tubig at hinila. Hindi niya iyon binitawan.
Naitaas ko ang aking kamay nang isandal niya ako malamig na pader. Ipinako niya ang aking kamay sa pader at hinawakan iyon ng mahigpit. Hawak-hawak pa rin niya sa isang kamay ang bote ng tubig.
Tinangka kong gamitin ang aking tuhod subalit lumapit siya ng todo sa akin. Idinidikit niya ng todo ang kaniyang katawan sa akin. Ako naman todo atras na para bang may maatrasan pa ako.
Nasalubong ko ang nang-aasar niyang mga tingin. Ang kulay kapeng buhok ay mas lalong luminaw sa aking nga mata. Mas lalo kong nakumpirma kung saan ko siya unang nakita.
Nakangisi siyang tumingin sa akin. Ilang segundong tumitig bago bumaba ang tingin sa mga labi.
"By the way... you haven't saying thank you, yet." anas niya.
Bakit ko naman gagawin iyon?
Panigurado namang kaya lamang niya ako iniligtas ay dahil may kailangan siya sa akin. Hindi ako ganoon kahina upang hindi maintindihan iyon.
"I can save myself without you."
"Really?" bumalik ang tingin niya sa aking mga mata. "Then why do I have to perform CPR with you?"
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaniyang sinabi.
What kind of... CPR?
"I did everything, but you wouldn't wake up. That's why I chose to brought you here."
Gamit ang aking lakas ay binawi ko ang aking mga kamay mula sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay natamaan ko na siya sa mukha.
Paatras siyang lumayo habang sapo ang kaniyang labi na may bakas ng kaunting dugo.
"Damn! Why do you have to punch my face?! You're being so fucking unreasonable damn!" inis na inis siyang tumingin siya akin.
Ihinagis ang bote ng tubig na kaagad kong sinalo at binuksan upang makainom.
Hindi ko pinansin ang masasamang tingin na ipinupukol niya sa akin habang umiinom ako sa kaniyang harapan.
Wala akong pakialam sa isang ito. Isa pa ay halatang hindi siya ganoon kaseryoso sa itinanong niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla niya iyong itinanong. Naroon ang interes subalit naroon din ang kawalan.
Kung ano man iyon...
Itinapon ko sa basurahang nasa kwarto ang boteng wala ng laman. Pagkatapos ay kalmado akong naglakad patungo sa bintana at sumilip sa labas.
Hindi ko alam kung saang lugar ito.
Malalaki ang bahay na makikita sa labas. Malayo ang agwat sa pagitan ng mga bahay. Magaganda ang mga disenyo at komplikado ang pagkakagawa ng mga iyon. Ang kalsada ay malinis at walang bakas ng kahit na anong kalat at wala ring mga nakatambay na mga sanggano.
Mukhang hindi ito kagaya ng bayan na pinagmulan ko sa Tagkawayan.
"Anong petsa na ba ngayon?" tanong ko sa tao sa aking likod.
Nanatili ang aking paningin sa labas ng bintana. Inaalam kung bakit napakatahimik naman yata rito.
Maliwanag sa labas dahil umaga pa lamang. Hindi ko matantiya ang oras kahit sinubukan ko. Sa hindi malamang dahilan, ang mga ginagawa ko noon habang naninirahan ako sa kagubatan ng Evening Glory ay madalang ko nang magawa ngayon.
May mga pagkakataon na napapanaginipan ko ang aking sarili na tahimik at payapang naliligo sa Yaganak kagaya ng palagi kong ginagawa noon.
May mga pagkakataon na napapanaginipan ko ang aking sarili na kontentong naglalakad at nililibot ang mga pamilyar na lugar sa kagubatan na siyang naging tahanan ko sa loob ng maraming taon.
Hinahanap-hanap ko iyong pakiramdam na wala akong ibang iniintindi kung hindi ang kung paano ko gagawing mas mabilis ang pagkakalas at pagbabalik sa ayos ng mga baril at sandata. Kung paano ako mas gagaling pa sa pagdedepensa. Kung gaano karami pang libro ang mababasa ko sa loob ng isang araw.
Kahit marami akong katanungan noon...
Kontento ako.
Alam kong kontento ako lalo na at kasama ko ang kaisa-isang tao na lubos kong hinahangaan hanggang ngayon.
Kahit nalaman kong hindi normal ang mga ginagawa ko noon, mas mabuti pa iyon.
Sapagkat iyon 'yong mga panahon na hindi ko pa kailangang makipagpatintero sa kamatayan.
Kailan kaya magiging payapa muli ang buhay ko?
Ayoko nito.
Ayoko sa lahat ng ito. Subalit wala akong magagawa dahil wala namang ibang naiwang pagpipilian para sa akin.
Palagi naman akong walang ibang pagpipilian.
"Petsa? You mean peperroni or hawaiian or meat with cheese and mushroom toppings?" takang tanong niya sa akin.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip. Inis akong lumingon sa kaniya.
Anong sinasabi nito?
"Pinaglololoko mo ba ako?" hindi ko na napigilan pang angasan ang tono ng boses ko.
Sa hindi malamang dahilan, hindi ko nagugustuhan ang lumalabas na mga salita mula sa kaniya.
Malakas siyang tumawa saka prenteng naupo sa malambot na sofa sa tabi niya. Muling pinagkrus ang mga braso pati na ang mga binti pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
"Just kidding." ang bakas ng pagtawa ay halata pa rin sa ngisi niya. "You are so lovely, you know that? I think I know the reason why they keep on being crazy with you."
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya kumunot lamang ang noo ko.
"Petsa ang tinatanong ko, ang layo na ng narating mo."
Tumawa muli siya. Nakakaloko na ang isang ito.
"It's the thirteenth day of July."
July 13...
Bigla kong naalala ang mga katagang nakasulat sa pader ng bahay ni Tantalium gamit ang dugo. July 13. Sigurado akong ngayon iyon.
Seryoso akong tumitig sa kaniya.
"Dalhin mo ako ngayon kay Au." utos ko.
Namamangha ang mga matang tumingin siya sa akin. Ang kilay ay bahagyang tumaas. Halatang nanghahamon. Nanunubok.
"Do you think you can do it... alone? And without any weapons?"
Nanatili ang kalmadong pagtingin ko sa kaniya. Hindi ako natatakot. Kailangan lamang naming mag-usap ng masinsinan.
"You are underestimating my capabilities." anas ko. Ang kalmado kong pagkakatitig ay naging malamig.
Tumawa siya. Nang matapos ay muling ngumisi sa aking harapan.
"I heard a lot about you. You are a very strong woman, indeed. You reminds me of Stone's defender, Zanda. She is very brave and strong and blank... like you."
Hindi ako kaagad na tumugon. Masugid kong sinuri ang kaniyang ekspresyong ipinapakita. Kahit papaano ay mas nakikilala ko ang pagkatao ng isang ito.
Madalas siyang magsali ng mga bagay na hindi naman kasali sa usapan.
But I think I know the woman that he was talking about.
Kasama nilang tatlo iyon noong unang beses na nagkatagpo ang aming mga landas sa kagubatan.
Sa tingin ko, ang tinutukoy niyang Zanda ay ang babaeng nakita kong kasama nilang maglakad paalis bago pa man sila tuluyang mawala noon sa paningin ko.
"You talk too much." puna ko sa kaniya. Hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay binagong muli ang pinag-uusapan.
"I wonder how Malthe and Evan would react if ever the'd finally found out that I brought you here with me."
Naramdaman ko ang matinding panlalamig nang marinig ang huling pangalang binanggit niya. Sa hindi malamang dahilan, bigla ko lamang naalala ang huling gabing magkasama kami sa sasakyan niya.
Galit at napakalamig ng pakikitungo niya sa akin noon. Na kahit bago pa man niya tuluyang maiparada ang kaniyang sasakyan ilang metro ang layo mula sa bahay ni Tantalium ay inutusan na niya akong lumabas na para bang ayaw na ayaw na niya akong makasama sa iisang lugar.
Napakalamig ng tono niya noon. At hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin iyon.
Kinabukasan ng araw na iyon ay nagtungo siya sa restaurant na pagmamay-ari ni Malthe. Inaasahan kong maganda ang rason ng pagpunta niya roon.
Subalit binatuhan niya lamang ako ng masasama at masasakit na salitang tumatak sa akin hanggang ngayon.
"What do you get from flirting with him, huh? Are you fucking enjoying everytime you are being under him?"
"Dirty woman."
"You are so fucking disgusting as ever. Filthy woman. Bitch!"
Disgusting.
I was always that filthy and disgusting woman in his eyes. Everytime he calls me that,
I felt so empty.
Nanlalamig ang aking pakiramdam.
"And I wonder how Evander would react if ever he founds out that I've tasted the sweet flavor of your lips before he--
"Motherfucker."
Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon.

Komento sa Aklat (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    10/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata