"Sa tingin mo ba ay kakayanin mo sila?" Kahit mahinahon ay nahihimigan ko ang kaunting galit sa kaniyang tono. Nanatili akong nakatanaw sa labas ng bintana. Hinihintay kung kailan titigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. "Napapayabang ka naman yata masyado? Ang akala ko ba ay susunod ka sa naunang plano?" Humarap ako sa kaniya. Doon ko nakita ang matinding pagkakakunot ng noo ni Tantalium. Ilang segundo ko siyang sinuri bago ako tumugon. "Hindi na ako makakapaghinatay pa, Tantalium. Gusto ko nang matapos ito, alam na alam mo iyan." "At paano kung ikaw ang mapatay sa halip na sila?" bahagyang tumaas ang tono ng boses niya. Nakatayo pa siya habang seryosong nakatingin sa akin. Ngayon ko lamang siya nakitang hindi naglilinis ng kaniyang mga sandata. Buong akala ko ay hindi siya mabubuhay ng hindi iyon ginagawa. "Alam mong hindi nila kayang gawin iyon." kalmadong tugon ko. Tumawa siya. Mistulang hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili. Kahit gaano ka pa kagaling, kung sabay -sabay na tumira ang higit sa isang daan nilang mga tauhan, sa tingin mo ay may magagawa ka?" umiling-iling siya at habang nakangisi. Ang paningin ay wala na rin sa akin. Natahimik ako. Siya itong minamaliit ang aking kakayahan. "Bakit hindi ko subukan? Nandito na rin lang naman ako... bakit nga ba hindi ko pa subukan-- Naitigil ko ang aking pagsasalita nang may isang matalas na patalim ang bumulusok patungo sa aking direksyon. Naiwasan ko iyon subalit dumaplis pa rin sa aking pisngi. Pinahid ko ang aking pisngi saka tumingin sa ngayon ay nakangising si Tantalium. "Bakit nga ba hindi natin subukan? Tingnan natin kung gaano nga ba kagaling na tagapag-turo ang iyong tatay-tatayan." Sumugod siya at pinaulanan ako ng pag-atake. Naiiwasan ko iyon subalit sa katandaan ng isang ito ay hindi maipagkakailang naroon pa rin ang nakakamanghang bilis. Lumikha ng malakas na tunog ang lamesang gawa sa kahoy nang matamaan niya. Nawasak iyon at nahati sa dalawa. Kasunod ay nahawakan niya ako sa braso at malakas niya iyong naihampas sa pader. Gumanti ako at siniko siya sa mukha hanggang sa tuluyan akong makawala. Pinigilan kong mapainda sa sakit nang tumama ang aking likod sa tokador na gawa sa metal. Mabilis akong yumuko at umiwas nang itaas niya ang kaniyang paa at handa na akong sipain. Nahuli ko ang kaniyang paa, inikot iyon malakas na hinampas sa halip na baliin. Nasapo niya ang aking leeg kung kaya't muling humampas ang aking likod sa tokador. Idiniin niya ang kaniyang kamay sa aking leeg, ramdam ko ang pagkakapos ng aking hininga habang pinipigilan niya ang pagdaloy ng hangin sa aking katawan. Inabot ko ang kaniyang ulo. Sumablay. Mahigpit kong kinapitan ang kaniyang dalawang braso. Pagkatapos ay magkakasunod na pinuntirya ang kaniyang sikmura gamit ang aking tuhod. Parehas kaming napasalampas sa sahig, ako naghahabol ng hininga, siya iniinda ang sakit sa sikmura. Hindi na ako naghintay pa ng pagkakataon, mabilis akong tumayo at muling hinanda ang aking sarili sa sunod niyang pag-atake. Malalakas pa rin naman ang kaniyang pwersa kahit miminsan ay nahahalata ko ang pag-aalangan doon. Kanina ay ibinato niya sa akin ang sirang lamesa pagkatapos na bitawan ang babasaging plorera. Ganoon rin ang ginawa niya nang mahawakan ang porselenang maliit na stante ng mga anghel. Paniguradong nag-aalangan siyang baka masira ang mga gamit niya rito sa loob ng bahay niya. Maging ako ay nag-aalangan rin naman sa aking mga atake, kung ibang tao ay paniguradong kanina ko pa napatumba ang isang ito. Subalit dahil siya si Tantalium, ang matandang tumulong at nagpatuloy sa akin matapos akong mawalan ng direksyon at maligaw sa gitna ng lugar na kinamulatan ko ay pilit kong iniiwasan ang balian siya ng buto sa katawan. "Wala naman pala itong kwenta." umiling-iling siya habang nakatingin sa akin. Animo'y masyadong nadidismaya sa aking ipinapakita. Wala na akong sinayang pang pagkakataon. Sumugod ako at pinatama sa kaniyang mukha ang aking sipa. Nasalag niya iyon ng kamay subalit Ilang beses pa rin siyang napaatras. "Alin ba rito ang walang kwenta?" muli akong sumugod at pinaulanan siya ng atake. Sa pagkakataong ito ay mas nalalaman ko na kung paano siya makipaglaban at kung gaano kalakas pa ang kaniyang pwersa sa edad niyang iyan. Masasabi kong talagang nakakamangha ang kakayahan ng isang ito. Paniguradong mas magaling pa siyang makipaglaban noong mas bata pa siya. Natigil kami sa pag-atake sa isa't-isa nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng bahay. Sabay kaming dalawa na napalingon roon. Saglit na nagkatitigan na para bang alam na kung ano ang kasunod na gagawin. "Buksan mo." utos niya. Sumama kaagad ang tingin ko. "Pamamahay mo ito, ikaw magbukas." inis kong tugon sa kaniya. Ang boses ay sapat upang siya lamang ang makarinig. "Ikaw ang nakikitira, kaya ikaw ang magbukas." "Baka gusto mong basagin ko mga gamit mo rito?" nagsukatan kami ng tingin. Hanggang sa siya ang unang bumawi. Bumuntong-hininga muna saka sinimulang maglakad patungo sa pintuan. Nanatili naman ako sa isang tabi kung saan hindi ako makikita ng kahit sino mang nasa labas. Dahan-dahang binuksan ni Tantalium ang pintuan. Walang tao. Bakante ang buong paligid nang mabungaran. Ilang saglit pa siyang luminga-linga sa kabuuan ng lugar. Hanggang bumaba ang kaniyang paningin sa lupa. Yumuko at may kung anong bagay ang pinulot mula roon. Mabagal akong naglakad palapit sa kaniya. Tinitigang maigi kung ano ang bagay na kaniyang hawak. "Napakatagal naman yata nilang natukoy kung nasaan ka?" natatawang saad ni Tantalium. Umiling ako. Matagal na nila iyong alam. Talagang ngayon pa lamang sila gumawa ng unang hakbang. Matagal kong pinakatitigan ang bagay na hawak niya. Isa iyong klase ng bomba. Sa gitnang bahagi ay may kulay pulang mga numero na patuloy sa paggalaw. Sa madaling salita ay isa iyong indikasyon kung kailan sasabog ang bomba. Napatigil ako sa pagsusuri ng bagay na iyon nang marinig ang malakas na tawa ni Tantalium. Nanghahamak. Halatang hindi makapaniwala. "Napakahilig naman yata nilang maglaro? Hindi man lamang ako kinabahan sa bagay na iniregalo nila." natatawa niyang saad. Isang beses ko siyang sinulyapan bago ako naglakad patungo sa labasan. "Manahimik ka riyan." Mabilis akong nakalabas ng tarangkahan at inilibot ang buong paningin sa lugar. Tahimik at walang bakas ng kahit na ano ang buong paligid. Walang tunog ng kung anong sasakyan at wala ang maiingay na mga tao na nag-iinuman tuwing gabi sa daan. Mabilis at maingat kung kumilos ang taong nag-iwan ng bagay na iyon sa tapat ng bahay ni Tantalium. Siguro ay dahil abala kami sa pakikipagbuno sa isa't-isa kung kaya't hindi kaagad napansin ang pagdating ng hindi inaasahang bisita. May dalawang posibleng ruta lamang maaring dumaan ang taong iyon. Una ay sa hilaga, kung saan ay matatagpuan ang maraming kabahayan at mga taong gising hanggang gabi sa bayang ito. Pangalawa ay sa kanluran, iyon ang daan palabas ng bayan. Nasa timog ang bahay ni Tantalium. Sa silangan naman ay imposible sapagkat malaking posyento ng katubigan ang matatagpuan roon. Umatras ako ng isa. Saka mabilis na lumingon sa aking likuran nang makarinig ng mga yabag ng taong paparating. Parehas lamang kaming nagkagulatan nang makilala ang isa't-isa. "Eist..." bigkas niya. Kaagad ring kumunot ang kaniyang noo nang makitang maigi ang kabuuan ko. "Antonio." "Dugo ba iyang nasa pisngi mo?" takang tanong niya. Umiling ako at mabilis na pinahid ang parte ng mukha na nasugatan. Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon sa kaniyang harapan. Iniiwasang madagdagan ang pagtataka sa kaniyang reaksyon. Kahit naman madilim ay malinaw ko pa ring nakikita ang mga ekspresyon na ipinapakita niya. Siguro ay dahil na rin sa liwanag mula sa poste ng ilaw. Sa ganoong paraan ay kitang-kita ko paanong magusot ag kaniyang noo sa matinding pagkakakunot. Tumigil na rin ang malakas na pagbuhos ng malakas na ulan kani-kanina lamang. Subalit mahahalata mo pa rin ang pag-ulan dahil sa basang sementadong kalsada. "Anong ginagawa mo rito?" pag-iiba ko sa usapan. Matagal niya akong tinitigan. Saka tuloy-tuloy na humakbang upang mas magkalapit ang distansya sa pagitan naming dalawa. "Napadaan lang. Saka nag-alala rin ako... ilang araw na kasi kitang napapansin na masyadong ilag sa mga kasamahan natin sa trabaho... Pati sa amin na rin ni Caryl." Umiwas siya ng tingin at doon malungkot na ngumiti. Sa ipinapakita niya ay hindi ko masiguro kung iyon lamang ba ang ipinunta niya rito. Isa pa ay hindi ko rin naman maunawaang lubos ang sinasabi niya. Hindi ako lumalayo sa kanila... ganito na talaga ako dati pa. Siguro ay kusang kumilos ang katawan ko kahit wala pang pahintulot ng utak. Inunahan ako sa pagdedesisyon na dumistansya upang hindi na muli pang madismaya. Ilang beses nang nangyari iyon sa akin. Hindi maganda sa pakiramdaman. Masakit. Ayoko ng maulit. "Iyon lamang ba ang ipinunta mo rito? Kung wala na... may importanteng bagay pa akong kailanganng gawin." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay ni Tantalium. Alam ko na ang kailangan kong gawin sa sandaling ito. Isa ito sa mga plano. Matagal na namin itong napag-usapan. At ngayon ay dumating na nga kami sa puntong iyon. Kung saan, tuluyan na nilang natukoy kung nasaan ako. Tuluyan na silang nagparamdam at gumawa ng hakbang. "Pero, Eist... may... gusto lamang sana akong itanong." katamtamang lakas ng pagkakasaad ng lalaki sa aking likuran. Sapat lamang iyon upang marinig ko. Tumigil ako sa paglalakad. Huminto. Ilang sandali pa ay hinintay ko kung ano man ang kaniyang sasabihin subalit wala. Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagtangka akong lumingon pabalik. Doon ko nabungaran ang labis na... kalungkutan sa ekspresyon niya. Kita iyon sa mapupungay niyang mga mata. Matamlay na ekspresyon at mabagal na paghinga. "Eist.. gusto ko sanang malaman kung..." nahimigan ko ang paghihirap niyang magsalita. Animo'y may kung anong bagay ang nakabara sa kaniyang lalamunan na pinipigilan siyang bigkasin ang mga katagang nais niyang itanong sa akin ngayon. "May ... relasyon ba kayo ni Malthe?" Malungkot siyang umiwas ng tingin. Ako naman ay bahagyang nagulat dahil sa sinabi niya. Hindi ko iyon lubos na naunawaan. Subalit alam kong hindi ko rin gugustuhin ang magiging reaskyon ko kung sakaling maintindihan ko man iyon. "Ano naman ang... ibig mong sabihin?" mahina kong saad. Ang ekspresyon ay muli nang naging kalmado. Itinago ang kaninang pagkakakunot ng noo. Ngayon ay diretso ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata nang ibaling niyang muli ang paningin sa akin. Nakipaglaban siya sa titigan. Subalit siya rin ang unang natalo. Kumamot sa ulo at yumuko na animo'y hindi maunawaan kung ano ang susunod na katagang sasabihin. "O baka naman ay nililigawan ka pa lamang ni Malthe?" Tumawa siya. Subalit hindi ko mahanap kung alin sa mga sinabi niya ang nakakatawa. Nililigawan... Hindi ako tumugon. Bukod sa hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang nakikita kong mga ekspresyon sa kaniya ay hindi ko rin lubos na maunawaan kung ano ang kaniyang ipinupunto. Muli siyang tumawa at nagbaba ng tingin. "Totoo pala talaga ang sinabi ni Caryl na hindi mo nga talaga nauunawaan ang mga ganoong bagay." nakita ko ang pait sa pagkakangiti niya. Halatang pinilit lamang na i-arko ang kaniyang labi upang magmukhang nakangiti. "Pero, Eist... bakit ang manhid -manhid mo?" Nagulat ako ng tuloy-tuloy siyang lumapit. Tatlong beses akong umatras upang hindi masyadong magkalapit ang aming distansya. Nanunubig na ang kaniyang mga mata. Malungkot iyon at mapungay. "Bakit ang manhid mo?" Hindi ko nagawang tumugon. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa kaniya. "Tonio, tama na 'yan." Sabay kaming napalingon sa gawing likuran nang marinig ang boses ni Caryl. Mabilis siyang naglakad hanggang sa tuluyang makalapit sa amin. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang masamang pagkakatingin niya sa akin. Mistulang galit. Iba ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Parang... Hindi ito ang nakilala kong siya. "Nakakabakla 'yang ginagawa mo. Huwag kang magmakaawa. Para kang tanga." anas niya. Bigla ay hindi ko maunawaan ang ekspresyong kaniyang ipinapakita. Nanatiling tahimik sa kaniyang tabi si Antonio. Hindi iyon makasulyap sa gawi ko. Sa tuwing naabutan ko naman ang paningin niya ay mabilis siyang umiiwas na para bang natatakot na magkasasalubong ang aming mga mata. Ako man ay hindi nagtangkang magsalita. Lalo na at hindi ko maunawaang lubos ang ipinunta nilang dalawa rito. Sige, aaminin kong mas dumistansya ako sa mga tao sa aking paligid nitong mga nakaraang araw. Nawala na rin ang interes at paghahangad ko na manalo sa poker na isa sa mga naging dahilan upang maganyak akong maghanap ng pagkakakitaan. Nalaman ko ring hindi pala magandang dahilan iyon. Pumapasok na lamang ako sa trabaho upang kahit papaano ay malipat naman sa ibang bagay ang aking atensyon. Kung sa ibang pagkakataon ay babalewalain ko na lamang ito. Sa kasamaang palad ay naaaninag ko sa dilim ang limang bulto ng kalalakihang may mga armas na dala at diretsong nakatutok sa gawi namin ang mga hawak na baril. Mistulang umaasinta ng tudlaan. Napansin ko ang pagdating nila kanina. Kasabay ni Caryl. Pinanatili ko ang aking paningin sa dalawang tao sa aking unahan. Subalit ang aking atensyon ay nasa aking paligid. Pinapakiramdaman kung anong oras nila kakalabitin ang gatilyo ng mga baril. "Caryl..." pagtawag ko sa kaniya. Kanina pa siyang salita ng salita. Halos hindi ko na nasubaybayan ang lahat ng kaniyang sinabi. Si Antonio ay tahimik pa rin sa kaniyang tabi. Kung mamalasin ka nga naman. Ngayon pa talaga dumating ang mga sangganong ito... Natanaw ko hindi kalayuan ang grupo ng mga sanggano na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Malas. Hindi naman ako maaaring basta na lamang umalis dito. Iniisip ko pa rin ang kapakanan ng aking mga kasama. Paiguradong madadamay sila kung sakali. "Kung sinuswerte ka nga naman! Naabutan ka rin namin." nakangising saad ng lalaki na nasa pinakagitna. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan. Pamilyar na sa akin ang ganitong klase ng postura. Paniguradong isa ang grupong ito sa mga nakakwentuhan ko noong mga nakaraang buwan. Nasa sampu ang bilang ng mga ito. Kapag ganitong magkakasama ay nalalaman ko na kaagad kung ano ang pakay nila. Lalo pa at sa akin kaagad natuon ang kanilang atensyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
10/06/2024
0Tingnan Lahat