logo text

Special Chapter 101

"daddy! Uwi na tayo sa pilipinas!" sigaw ni Shinaiza ang apat na taong gulang niyang anak na babae.
"hindi pa pwede. Next week pa tayo uuwi may ginagawa pa si mommy mo sa kompaniya niya at sa Aquino Corporation." Aniya sa anak niya. "Bakit ba gusto mo ng umuwi?"
"kasi po, ngayon po dadating si ninong Ji galing singapore 'tapos may pasalubong na naman iyon sa akin." Anito sa kaniya na may malaking ngiti. "sige na daddy...sabihin mo na kay mommy...please...please... uwi na tayo." Magkatagpo pa ang dalawang palad nito parang nananalangin.
"sa mommy mo 'yan sabihin. Huwag ako ang sabihan mo, alam mo naman kapag sinabi ng mommy na next week pa tayo uuwi, iyon talaga ang masusunod."
"sige na daddy, Ikaw na lang po magsabi kay mommy... eh, pagalitan na naman ako no'n kapag ako naman ang nagsabi."
Huminga na lang siya ng malalim. May magagawa ba siya eh, kinukulit siya ng anak niyang babae. "teka nga muna, nasaan na ang kakambal mo?" tanong niya dito, kung makulit itong anak niyang babae, mas makulit ang kakambal nitong lalaki na mas hyper pa sa kapatid niya noong bata pa sila.
"kalaro po ni kuya pinsan." Sagot nito na naka-pout pa.
"ano na naman kaya ang pinaggagawa ng dalawa-?" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya may narinig na siyang mga nabasag at galing iyon sa kusina. Kaya dali-dali siyang tumakbo para tingnan kung anong nangyayari. Humahangos siya at kinakabahan na din, nang makarating sa kusina nakita niyang mga basag na baso, plato, at ibang mga kagamitan na babasagin. Napalunok siya, nanlalamig ang mga kamay niya, hindi pwede! Patay na naman siya sa asawa niya. "what is going on here!?" sigaw niya sa dalawang may hawak na espadang plastic. Napatampal siya sa noo. Sinamaan niya ng tingin si Shiro at ngumisi lang ito sa kaniya.
"you're dead, uncle... you're dead." Anito. Nasaan na ba ang mg magulang nito at pinababayaan lang nila ang anak nila dito? Nanlaki ang mata niya, nang maalala na siya pala ang bantay sa tatlo. Tumawa lang ito at umalis sa kusina, kinarga si Shinaiza na nakasunod pala sa kaniya. Nakahinga siya ng malalim at hindi ito pumasok sa kusina, "lagot ka kay auntie." Pahabol na sabi nito sa kaniya.
"ang sakit niyo sa bumbunan!" sigaw niya. "ikaw naman. Ano bang nakain niyo at dito kayo sa kusina nag-espadahan? Malaki naman ang garden at may training room naman sa likod na pinagawa ng mommy niyo. Bakit nandito kayo sa kusina?"
"iyon po kasi ang sabi ni kuya Shiro, sa kusina daw po kami maglalaro dahil Masaya daw po." Sagot ng anak niya. Huminga siya ng malalim, at kinarga ito palabas ng kusina baka kasi mabubog, lagot siya sa asawa niya, matinik pa naman iyon. Kaya cherry blossom ang tawag niya dito, matinik eh, ang ganda tingnan kapag sa malayo pero kapag nakilala mo ng husto, matinik pa sa rosas na regalo niya kapag may tampuhan sila.
"sige na, doon kayo sa sala maglaro huwag dito may mga bubog huwag na huwag kayong magbasag do'n ah. Isumbong ko kayo sa mommy niyo, sige, gusto niyo 'yon?" panakot niya dito, kung siya nga takot sa asawa niya, mga anak pa kaya niya. Sa anim na taon na nilang mag-asawa, may natutuklasan siyang ugali sa asawa niya, iyon ay masinop sa pera, sadista sa lahat ng bagay, nakakatakot tuloy galitin, sana naman hindi pa iyon dadating habang naglilinis siya dito baka sa labas siya matutulog mamayang gabi may libre pang black-eyed sa mata, sisipain na naman siya no'n. Masakit pa naman sumipa ang asawa niya, gano'n daw ang pagmamahal. Habang naglilinis siya may isang kasambahay ang lumapit sa kaniya. Isang pilipina din ito.
"sir, bakit kayo ho ang naglilinis diyan? Ako na ho sir." Anito sa kaniya.
Tiningnan niya ito at ngumiti't umiling lang. "hindi na po, ako na, sina Shiro at Shilaire kasi ang bumasag sa mga ito kaya ako na ang maglilinis."
"nako! Ito talagang si Shiro, ang kulit talaga at spoiled pero pagdating kay ma'am Elaiza titiklop iyon, pero spoiled pa din."
"pabayaan mo na, gano'n talaga ang ugali niya kahit dati pa. kailangan masusunod siya dahil kung hindi baka umiyak, pero, takot iyon sa asawa ko minsan." Aniya at ngumiti na dito pagkatapos "sige na po, ako na po dito pakitingnan lang po muna saglit ang mga bata kung ano ang ginagawa nila po."
"okay po sir." Anito at umalis na din. siya naman ay nagwalis na lang, mabuti na lang at nakainom na siya ng gamot niya sa allergy niya kanina bago siya bumaba. Hindi na din naman siya masiyado nangangati dahil nadadala lang naman ng gamot niya. laking pasasalamat niya na naimbinto ang gamot dahil kung hindi, hindi siya makakalabas ng bahay nila, hindi niya makikilala ang asawa niya at higit sa lahat hindi siya magiging masaya kasama ang pamilya niya. Kung papipiliin siya kung sino ang pakakasalan niya, si Rin or Elaiza, he will chose the latter. Hindi siya magkakaroon ng kambal na anak kung si Rin ang napangasawa niya.
Nang matapos siya sa paglilinis ng mga nabasag na gamit ay agad niyang tinapon ito sa basurahan pero, winalisan niya ulit dahil ayaw niyang may mga bubog pang hindi nadala sa pagwawalis niya. Ayaw niyang may mabubog ang anak niya, ang sakit no'n sa pakiramdam. Mahal na mahal niya ang mga anak niya kahit pasaway ang mga ito. Kung babalik siya sa nakaraan, gagawin niya ang lahat upang hindi masaktan ang mahal niyang Elaiza noon, nagsisisi na siya dahil sa mga kasalanan niyang nagawa sa asawa noon at nangangako siyang hindi na ito sasaktan pa. Ayaw na niyang makita ulit ang taong mahal niya na umiiyak ng dahil sa kaniya, dahil nasasaktan din siya, mas doble ang sakit na nararamdaman niya dahil siya mismo ang nanakit dito.
"daddy!" sigaw ni Shinaiza. Ano na namang nangyayari sa anak niya? Napalingon siya dito "look." May dala itong album na hindi niya alam kung saan nito nakuha.
"where did you get that?"
"doon po sa guest room daddy. Look daddy, she looks like me." Turo nito sa isang picture ng bata. "is she, my sister, too? Where is she, daddy?"
Tiningnan niya kung sino ang tinuturo ng anak niya. "nope baby, that girl is your mom." Pinakita kasi ng asawa niya ang picture na kuha daw ng kuya Ji niya sa kaniya noong bata pa sila. Kung siya iyan, matagal na niyang tinapon ang mga picture na iyan pero, iba ang asawa niya.
"She's my mom?" tumango siya sa tanong nito. "but, how po? Mommy is big na already." Inosenteng tanong nito sa kaniya.
"yes, baby, that girl in the picture is your mom when she was a child." Sagot niya dito.
"wow, mom is gorgeous." Tumango na lang siya sa sinabi nito at nginitian.
"Sige na baby, punta kana sa sala. May tatapusin lang si daddy tapos after magluluto ako ng meryenda. What do you want?"
"mmm... how about, we ordered pizza?" tiningnan niya ito ng masama, nang makita na ,seryoso siya ay agad itong ngumiti sa kaniya. "ay, huwag na lang pala, luto na lang po tayo. Hmm... I want pancake daddy... I miss pancake, matagal na hindi gumawa si mommy ng pancake po eh." napangiti siya sa sinabi nito. Gusto naman talaga niya na bilhan ito ng pizza kaya lang, sa asawa niya siya malalagot. Gusto niyang ibigay lahat ng gusto ng anak niya, kaya lang, mas takot siya sa asawa niya, kung hindi sa labas siya matutulog. Ayaw ng asawa niya lumaking spoiled ang anak nila, hindi nga nila inii-spoiled pero ang mga ninong at ninang ang nag-ii-spoiled sa mga ito. Nako! "sige na po daddy, magluto ka na po. Dito lang po kami sa sala po maghihintay po." Inutusan pa siya, napailing na lang siya. Kaugali nito ang asawa niya. Wala siya nagawa kaya hinanda na niya ang mga gagamitin sa paggawa ng pancake, no'ng matapos siya sa pagwawalis.
***********
Habang nasa sala kumakain at nanonood ng tv. May narinig siyang sasakyang bumusina kaya agad-agad ang mga anak niya nagsitakbuhan palabas ng bahay para salubungin ang asawa niya na kakarating lang. "mommy! Mommy!" sigawan ng dalawa niyang anak.
"hello! Mga baby ko!" ani naman ng asawa niya. Siya naman ay sumunod sa mga anak niya nagsitakbuhan. Nang makita ang asawa niya agad niya itong sinalubong ng halik sa labi at kinuha na din niya ang bag na dala nito.
"mommy... buhat po." Ani ng anak niyang babae. Binuhat naman ito ng asawa niya at hinalikan sa pisngi
"how about you, young man?" tanong niya sa anak niyang lalaki.
"nope. I'm already big, hindi na ako magpapakarga kay mommy." Nagkatinginan sila ni Elaiza at napangiti sa isa't-isa.
"but, you are always be my baby." Ani naman ng asawa niya.
"I'm not a baby anymore." Sagot nito sa kanila na nakasimangot pa.
"eh... pero big na po ako, I can marry a girl na nga eh." nanlaki ang mata ng asawa niya sa sinabi ng anak. Tumingin si Elaiza sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Umiling-iling siya, wala siyang alam sa pinagsasabi ng anak.
Lumapit ang mukha nito at hinalikan siya nito sa pisngi sabay sabing. "mag-usap tayo ng masinsinan mamaya, or else, uuwi ka ng Pilipinas mag-isa." Anito sa kaniya, tumango siya sa sinabi nito. Walang saysay kung pagtatalunan nila ito at lalo na sa harap ng mga bata. Dahil karga nito si Shinaiza, dumiretso ang mga ito sa sala. Siya naman ay sumunod na din at nilapag ang bag ng asawa sa may center table. Nang makaupo ang asawa niya ay agad na kumuha ito ng pancake na gawa niya't kinain. "mmm... ang sarap nito." Anito habang kumakain.
Tumabi siya sa asawa at kinuha ang anak na nakaupo sa mga hita nito at nilipat sa mga hita niya. "how's the meeting?" tanong niya, palagi niyang tinatanong ang asawa pagkagaling sa trabaho.
"ayon, nag-away na naman sina Caleb at Rhea. Ayaw kasi tanggapin ni Caleb ang kasong kinahahantungan ngayon ng Aquino corporation eh. Ewan ko bas a Caleb na 'yon, ilang taon na ang lumipas, mga isip bata pa din." sagot nito at sinandal nito ang ulo sa balikat niya. "ang TanaZono naman, ayos lang, tapos itong si kuyang Ji na'to naman, binibigay sa akin ang share niya sa kompaniya ng Yamamoto. Kainis, aanhin ko naman iyon? Hindi ko na kailangan ang share niya, iniispoiled niya din ang kambal, kapag dumating talaga 'yon lagot iyon sa akin."
"mommy... dadating po si ninong Ji?" ani ng anak niyang babae na kanina pa pala nakikinig sa kanila.
"Shinaiza! Bawal kang sumabat sa usapan ng may usapan. Do you understand?" sermon nito sa anak niyang babae.
"hai! Mommy, gomenasai." Hingi nito ng tawad agad. Narinig kasi nito ang pangalan ng ninong Ji niya.
"sige na, doon ka na sa kambal at kay kuya pinsan." Tumango ito at bumaba. Sumusunod agad sila kapag ang asawa na niya ang nagsasalita pero siya, nunkang susundin ka. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit nag-aaway sila mag-asawa dahil sa mga anak niya. Ini-spoiled daw niya ang kambal, talaga naman na spoiled ang dalawa sa kaniya, kaya lang, asawa niya ang makakalaban niya. Hindi niya kayang kalabanin ang asawa niya, baka umuwi siya ng Pilipinas na walang saplot, pero joke lang. Ayaw na ayaw kasi ng asawa na lumaki ang mga anak nila na nakukuha ang gusto na hindi pinaghihirapan. Isa pa, hindi lang naman si Jian ang nag-iispoiled sa dalawa eh, pati na ang mga magulang niya at ang nanay ng asawa niya. Sumali pa nga ang tiyuhin nitong si Soskie pati na din ang mga anak nitong lalaki, hindi lang sa kambal pati kay Shiro.
"auntie... can I barrow po your cellphone?" ani ni Shiro sa asawa niya.
"yes, baby. Kunin mo na lang sa bag ko and call your dad, bumili siya ng ice cream." Nang marinig ng dalawa ang sinabi ng asawa niya, nagsitalon ang mga ito ng 'yes' natawa na lang siya. Ang dalawa talaga sobrang kulit.
***************
Habang kumakain sila ng ice cream kasama ang mga pinsan ng asawa ay may isang sasakyan ang nagbusina sa labas. Kilala niya ang busina ng sasakyan nito, walang iba kundi ang best friend ng asawa niya si Edzel. "nandiyan na si Ninong Edzel!" sigaw ni Shinaiza. Agad itong tumakbo palabas ng bahay.
"hey! Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka!" sigaw ng asawa niya.
"hey, you are over protective." Ani ni Harold na hawak ang baso na may lamang ice cream. "much better na madapa siya para malaman niya na masakit at para masanay na siya sa sakit di'ba?" anito. Sinamaan niya ito ng tingin at tumawa lang ito.
"tsk. Eh, kung magkasugat na naman iyon, the last time na nadapa iyan, dinala ko 'yan sa hospital dahil nilalagnat kinagabihan." Anito.
"weak ang anak mo, masiyado mo kasing binuro sa bahay. Palabasin mo kaya minsan at hayaan mo siyang makipaglaro sa mga kaedad niya din. Ikaw naman kasi, matatakotin ka pa din, matagal nang nakakulong ang Tan na iyon kaya hindi niya magagalaw ang pamilya natin."
"matagal na nga, kaya lang, may mga galamay pa din iyan sa labas ng selda nang hindi natin alam. Alam mo naman na demonyo ang taong iyon. Pasalamat siya at hindi ko siya tinuluyan." Napatingin agad siya sa dalawang batang naglalaro at nakahinga siya ng malalim na naka earphone ang dalawa at mukhang nag-eenjoy sa mga ginagawa. Napatingin si Elaiza sa kaniya, "what?" tiningnan niya ang dalawang bata at agad naman siyang tinaasan ng kilay ng asawa. "I know, hindi ko iyon sasabihin kung alam ko naman na maririnig ng mga bata. Tsk." So, alam pala ng asawa niya na hindi nakikinig ang dalawa. "nakita ko sila na nagtatawanan at may pinapanood sa cellphone ko."
Tumawa lang si Harold ng malakas dahil sa sinabi ng asawa niya. "alam mo kasi, kapag si Shiro may pinagkakaabalahan iyan na iba, wala na iyang pakialam sa paligid niya. Ito namang si Shilaire wala din iyang pakialam. Busy iyan sa ginagawa at pinapanood nila." Anito na may ngiti sa labi. Pinapamukha b nito na mas kilala nito ang anak kesa sa kaniya? ang tanong, kilala niya ba talaga ang anak niya? Si Elaiza kasi halos alam na ang ugali ng anak, siya naman sa babaeng anak niya lang napapansin ang mga ugali na katulad ng asawa niya. Sa kakambal nito, hindi niya napapansin or naka-focus siya sa anak niyang babae kasi babae at kailangan na protektahan. Naiiwanan na ba niya ang anak niyang lalaki? Hindi niya ba talaga ito kilala? huminga siya ng malalim at niyakap sa tagiliran ang asawa. "kailangan mo talagang bigyan ng attention ang mga anak mo para makilala mo siya ng husto. Huwag palaging iniispoiled ang anak, okay?" anito at nginisihan siya. "spoiled ka pa naman." Anito sa mahinang boses pero narinig niya pa din.
"magsitigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata. May anak na kayo't lahat ganiyan pa din kayo sa isa't-isa." Sermon sa kanila ng asawa niya.
"sorry cuz... sarap kasi asarin ng asawa mo eh, pikon pala." Anito na nakangisi sa kanila. Napailing na lang ang asawa niya. "so, nabalitaan ko na maayos mong napapatakbo ang Yamamoto at ibibigay din daw sa'yo ang share na nabili ni Ji."
"isa pa 'yan sa kinaiinisan ko kuya. Bakit niya ibibigay sa akin ang share eh, sa kaniya iyon at hindi ko iyon kailangan. Marami akong share sa kompaniya at may TanaZono pa akong pinapatakbo, ito namang si Rhea, inuna iyong pagiging pulis niya at sa akin din daw ipapaubaya ang Aquino Corporation. Ano tingin nila sa akin? Hindi ba ako napapagod? Bakit niya kailangang maging pulis in the first place kung wala ng ibang maghahandle ng kompaniya niya kundi siya lang. tsk. Binibigyan nila ako ng problema, isa pa may problema ang kompaniya nila ngayon kaya sa akin ipapaako kasi hindi siya marunong maghandle. Ito namang si Caleb, marunong maghandle ng kompaniya at bakit ba ayaw tanggapin ng huli ang kaso na kinakaharap ng kompaniya?"
Mukhang stress na stress ang asawa niya tapos wala man lang siyang magawa, gusto niyang tulungan ang asawa niya sa paghandle ng kompaniya kasi trabaho niyang bigyan ng masaganang buhay ang asawa pero, siya ang nagiging pwersiyo sa kompaniya. No'ng unang taon kasi ng pagbubuntis ni Elaiza sa kambal nila ay hindi naging madali para sa asawa niya dahil, stress na stress ito sa kompaniya kaya siya ang pumalit kaya lang, no'ng mga panahon na iyon muntik ng bumagsak ang kompaniya dahil ginawa niyang pagperma sa isang documents na nagbibigay siya ng pera. Hindi niya kasi alam na napermahan niya iyon kaya galit na galit ang mga pinsan nito sa kaniya at pati ang asawa niya. Hindi lang kasi sila ang mga maaapektuhan pati na din ang mga empleyado nila. Ganoon ang asawa niya sa mga empleyado nito, mahal na mahal nito at tinuturing nitong pamilya. Kaya ang humandle ay si Edzel at ang secretary nitong si Kisses para hindi bumagsak ng tuluyan kaya siya, ay inalagaan niya na lang asawa niya hanggang sa manganak ito.
Lumipas ang ilang buwan at kaya na nitong magtrabaho ulit. Nalaman din nito mula sa mga pinsan nito na maraming pinatalsik si Edzel na mga traydor sa kompaniya mula sa mga kalabang ibang kompaniya. Nang bumalik na ang asawa niya ay napanatili nito ang kaayusan sa kompaniya at ang mga taong kahinahinala ay agad na pinapatalsik. Her wife can handle the stress from her work. Hinalikan niya ito sa pisngi sabay sabing "I love you, cherry blossom."
"I love you too."
She isn't Elaiza Hanazono Recuelles-Yamamoto for nothing because she's my wife, the mother of my children and she's also MY JAPANESE BOSS.
THE END

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo