CHAPTER 69

Habang nasa biyahe siya at nakatingin sa camera na hawak niya. Napapangiti siya, hindi niya akalain na ang inosente pa ni Elaiza noon pero, ngayon ang laki na ng pinagbago. Hindi pa sila nakakalayo ay may natanggap siyang mensahe sa isang unregistered number. 'she will going to die tonight.' Kinabahan siya sa nabasang mensahe kaya agad siyang tumingin sa driver niya. "kailangan nating bumalik." aniya at agad naman na niliko ng driver pabalik ang sasakyan kaya lang nasa highway sila kaya medyo matrapik. Kaya ang ginawa niya ay bumaba ng sasakyan at agad na tumakbo pabalik sa pinagdausan ng party. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Ang mahalaga makaabot siya sa oras at mailigtas ang mga tao do'n. hindi niya hahayaan na may buhay na naman na mawawala dahil sa kapabayaan niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa lola niya. Ayaw niyang pagsisihan ang nangyari dahil wala siyang nagawa upang iligtas ang mga taong malapit sa kaniya. hinihingal na siya sa pagtakbo pero kinakaya niya, pagod lang siya at maibabalik ang lakas niya, pero kapag buhay ang nawala hindi na maibabalik pa.
Ilang minuto naman din siyang tumatakbo pero lumalaban pa din ang katawan niya, kaya niya ito dahil nagtraining din naman siya ah. Walang-wala ang pagtakbo kumpara sa mga bala, punyal na muntik ng tumapos sa buhay niya. Nang malapit na siya ay may narinig siyang pagsabog kaya mas binilisan niya ang kaniyang pagtakbo. Nakita niyang may mga tumatakbong mga empleyado din patungo sa kaniya kaya hinarang niya. "anong nangyayari!?" sigaw niya.
"may nagpaputok po ng baril kanina." Sagot nung lalaking hinarang niya. Hinihingal din ito. "nandoon po sina miss Elaiza at iyong mga iba pang bisita." Anito at tumakbo pagkatapos.
Biglang dumilim ang kaniyang paningin at tumakbo ulit. May mga nakakasalubong pa din siyang mga tao pero hindi niya ang mga ito pinansin. May mga sumakay at nagharurot paalis sa lugar pero iba ang hinahanap ng mga mata niya, si Elaiza ang hinahanap niya. Nasaan ang babae? Inilibot niya ang kaniyang paningin pero hindi niya mahanap. Nasaan kana? Nang papasok na sana siya sa pinto at akmang bubuksan ito nang may biglang nagpaputok na naman at muntik na siyang tamaan. Agad siyang nagtago sa poste at inilibot ang mata para tingnan kung sinong pangahas ang nagpaputok. Mga tauhan ng tiyuhin niyang fake. Ang bumangga sa kaniya kanina sa loob. Hindi siya basta-basta makalabas at makalaban dito dahil wala siyang dalang baril, pero , mas nag-aalala siya sa sigawan na nasa loob. Ano na kayang nangyayari sa loob? May naririnig siyang nagsisigawan kaya mas lalo siyang kinakabahan eh. sana maayos lang sina Elaiza at ang pamilya nito.
Binabaril din ang pinagtataguan niya ng lalaki, kaya huminga siya ng malalim at tiningnan ito, nasa right side ito kaya ang gagawin niya kailangan niyang tumakbo pakaliwa. Huminga siya ng malalim at nagbilang ng tatlo, bigla na lang tumakbo pakasalungat dito. Alam niyang kagaguhan ang ginawa niya pero wala din naman siyang magagawa kaya agad siyang tumakbo papasok sa loob at agad na sinara ang pinto para hindi makapasok ang nasa labas. Agad siyang nagtago sa mga ilalim ng mesa at tiningnan kung anong nangyayari. Nakikipaglaban sina Elaiza, Edzel, Caleb at Rhea sa mga kalaban. Nakipaglaban din ang mga magkapatid na Hanazono sa kaliwang parte. May silencer ang mga baril ng mga ito at nakatalikod ang mga ito sa bawat isa, pero, hindi napansin nina Elaiza ang isang taong kanina pa nakamasid sa kanila. May baril itong dala, pero bago pa mabaril nito sina Elaiza ay may isang tao na bumaril dito. Wala iba kundi si inspector Salvacion, nang makita siya nito ay tinapunan siya nito ng baril. May mga trabahante pa din na naiwan sa lugar kaya kailangan nilang protektahan ang mga iyon. Ang iba umiiyak na sa sobrang takot, ang iba nahimatay, duguan, tulala, at hindi na niya ma-explain pa.
Napalingon siya sa bandang kaliwa, nakita niya si Shino kasama si sina, Shane, Shikaya, Shimon, at ang mga magulang nito pati na din ang ina ni Elaiza, ang pumoprotekta dito walang iba kundi ang ama ng kambal kasama ang mga ibang tauhan. Binaril niya ang mga nagtangka na barilin ang dalaga. "ang tagal mong dumating!" sigaw ni Rhea nang makita siya. Sinamaan niya ito ng tingin, may kasalanan pa ang babaeng ito sa kaniya.
"tumahimik ka! Barilin kita diyan!" sigaw niya din pabalik dito habang nakikipagbarilan sa mga kalaban. Ang daming kalaban hindi niya mabilang. Hindi din pwede na bumaril siya kung saan baka tamaan ang mga empleyado. Huminga siya ng tawad at tumakbo sa mga empleyado na nagtatago sa ilalim ng mesa. "ayos lang kayo?" tanong niya, gago ba siya, tinanong niya kung ayos lang eh, alam naman niyang hindi. Kailangan niyang madala ang mga ito sa safe na lugar. Lumingon-lingon siya sa paligid para maghanap ng mga tauhan niya pero, wala siyang Makita. Nasaan na ba ang mga iyon? Huminga siya ng malalim at agad na binuhat ang babaeng may tama ng bala sa paa. "dito lang kayo, dapa lang kayo dito. Ilalabas ko muna itong kasamahan niyo at babalikan ko kayo dito." Tumango naman ang iba, pero yung iba parang walang narinig. Dahil na din siguro sa putok ng baril, nawalan sila ng pandinig.
Nakita ni Elaiza si Mr. Tan na buhat-buhat ang isang sugatang babae. Ano ang gagawin niya do'n? "focus Elaiza!" sigaw ni Rhea sa kaniya. " narinig din niyang sinisigawan nito si Mr. Tan kanina, at sumigaw din ito pabalik dito. Ibig bang sabihin ay matagal ng kilala ni Rhea si Mr. Tan? Bakit ganito nito tratuhin ni Rhea? Sa pagkakaalam niya ay kalaban ito, isang sindikato, isang investor sa kompanya nila, isang lalaking baliw na baliw sa kaniya. Sa pagkakaalam niya umalis na ito kanina, pero bakit ito bumalik? Para tulungan sila? Nang makaalis ito kanina at lumipas ang ilang minuto ay may bigla na lang nagpaputok ng baril at ilang Segundo lang din may biglang sumabog kaya nagkagulo ang mga tao sa paligid dahil sa pagsabog na naganap. Akala niya nung una baka fireworks pero iba ang tunog kaya nagtaka na siya.
Nakita niyang bumalik na si Mr. Tan at wala na ang babae, saan nito dinala? "mag-focus ka Elaiza, marami tayong kalaban. Isa pa wala tayong baril. Hindi tayo binigyan ng inspector na 'yon." Ani ni Caleb sa kanila at tumingin sa inspector na nakikipagbarilan sa mga kalaban. May mga empleyado pa din na nasa loob. Anong gagawin niya? Kailangan niyang tulungan si Mr. Tan. May tiwala siya dito, dahil pinanghahawakan niya ang sinabi nito sa kaniya kanina sa party. Kanino siya poprotektahan ni Mr. Tan? Sino ba talaga ang totoong kalaban nila?
"kayo muna ang bahala dito, tutulungan ko lang si Mr. Tan sa paglikas sa mga empleyado. Kargo ko sila dahil mga empleyado natin sila." Aniya sa mga kaibigan niya.
"mag-ingat ka." Ani ni Caleb.
"kayo din." aniya pabalik. Tumakbo siya patungo kay Mr. Tan at hindi na siya nagtaka na may bumabaril sa kaniya. kaya nagtago siya sa ilalim ng mesa at gumapang patungo sa mga empleyado niyang nagtatago sa ilalim ng malaking mesa. Kailangan niyang iligtas ang mga ito, ayaw niyang mapahamak ang mga empleyado niya, kargo de konsensiya niya iyon. Habang gumagapang siya may nakita siyang nakahandusay sa na tao sa sahig at wala ng buhay may baril ito sa kanang kamay kaya agad niyang kinuha ang baril at tumayo pero, bago niya pa maiputok ang baril sa kalaban ay may nagpaputok na nang baril at nanlaki siya sa nakita. Napailing-iling siya. Hindi niya nadinig ang sigaw nito. Bigla na lang humandusay sa kaniya ang katawan ni Mr. Tan. Nanlaki ang mata niya, agad niyang binaril ang taong bumaril din dito. Nang tingnan niya ay may tama ito sa tiyan. "Mr. Tan!" sigaw niya. "Mr. Tan!" sigaw niya pa din. nakapakit kasi ito.
Hindi maari... ganito ba siya kamahal nito para isakripisyo nito pati ang sariling buhay? Nakita niyang bumukas ang mata nito at ngumiti sa kaniya. "k-kuya..." nahihirapan itong magsalita kaya inilapit niya ang kanyang tenga sa bibig nito para marinig niya ang sasabihin nito. Naluluha na din siya pero pinipigilan niya. Kailangan niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito. "kuya Ji is here a-always for... you.. to protect y-you." anito. Ji? Ji? Ji? Nagpabalik-balik ang katagang iyon sa ka kaniyang tenga. Napailing siya, hindi! Hindi maaari! Biglang bumuhos ang pinipigilang luha niya, no!
"ikaw? I-ikaw ang kuya ko?" tanong niya sa gumagaragal na boses, ang luha niya ay hindi na mapigilan... Masaya siya dahil buhay ito pero naiinis din siya dahil nagsinungaling ito sa kaniya..
"sorry for lying..." anito at naluha na din, umiling siya ng umiling.. wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kanila, "I did that for you.. to protect you.. I'm sorry baby... please forgive me..." hindi siya makapagsalita dahil humahagulgol na siya ng iyak. Ang sakit na nagsinungaling ito na patay na pero heto pala at pinoprotektahan siya. "ikaw lang ang baby ko.. ang baby.. lagi kang nasa puso ko.. sa puso ko.." kumakanta ito kahit nahihirapan na.
"kuya please.. huwag ka na pong magsalita.. please... huwag mo na po akong iwan ulit.. hindi niyo na ako iiwan ulit di'ba? Mahal niyo ako di'ba?" nagsusumamo siya dito. "dadalhin kita sa hospital.. hindi niyo po ako iiwan ulit kagaya noon.. dito na kayo sa amin.. ako na bahala sa inyo... ako na mag-aalaga sa'yo... love na love ka po ni baby Elaiza... hindi ka naman nawala sa isip ko kuya eh.. ikaw ang always number kuya for me..." aniya kahit nahihirapan din siyang magsalita dahil sa umaagos na luha. Masakit pero kailangan niyang patawarin. "love na love din kita kuya.. kaya.. please lang... huwag ka na magsinungaling ulit sakin.. lagot ka talaga. " aniya at medyo tumawa ng konti. Natawa din ito dahil sa sinabi niya pero ilang Segundo ang lumipas ay ipinikit nito ang mga mata. "Kuya! Kuya!" sigaw niya. Niyugyog niya din ito. Nang tingnan niya ang kaniyang kamay na nakahawak sa natamaang parte ay maraming dugo na ang tumagas dito. "kuya!" lumingon-lingon siya para sana humingi ng tulong pero wala siyang nakita. Walang ibang paraan, hinawakan niya ang pulsuhan nito at naramdaman niyang may pumipintig pa pero mahina na. "hang in there, kuya.. don't leave me again, promise me..."
"I won't." narinig niyang sabi.
"dahil hindi din ako papayag na iiwan mo ako." Aniya at binuhat ang kuya Ji niya palabas ng pinagdausan ng party. Hindi madali dahil may mga ligaw na bala na baka bigla na lang tumama sa katawan niya. Kahit hindi na malinaw ang mga nakikita niya dahil na din sa luha niya hindi matapos-tapos pero, pinipilit niya ang sarili para matulungan ang nag-aagaw buhay na binata. Hindi siya papayag na iiwan siya nito ng tuluyan. Ngayon pa na alam niyang buhay talaga ito, at marami siyang hihinging paliwanag mula rito. Kahit nahihirapan siya sa pagbubuhat ay ayos lang kapag nalaman niyang maging ligtas na ito, nang makalabas sila ay may isang lalaking tumatakbo patungo sa direksiyon nila hindi niya ito kilala pero pamilyar ang mukha nito.
"young master!" sigaw nito. "miss Elaiza." Anito at agad na tinulungan siya sa pagbubuhat sa binata.
"dalhin natin siya sa hospital." aniya dito, tumango ito at agad na ngumiti sa kaniya.
"thank you." Sabi nito sa kaniya at binilisan nila ang paglakad palabas. Ang mama na mismo ang nagbuhat sa kuya Ji niya. Wala na siyang oras para magpaalam pa sa mga tao na nasa loob at isa pa delikado dahil may nagpapaputok pa din. Nang maisakay ang kuya Ji niya sa backseat ay doon din siya sumakay at inalalayan ang katawan nito.
"hang in there, kuya.. hang in there. Dadalhin ka namin sa hospital at gagamotin ka, magiging okay ka. Hindi mo na ulit ako iiwan kagaya dati at isa pa, marami kang dapat ipaliwanag sa akin.."aniya habang tumutulo ang luha... nanalangin din siya na sana hindi muna kukunin ang kuya Ji niya, hindi pa nit oras, bata pa ito, marami pa itong gagawin sa buhay. " ilang beses mo na ba akong niligtas kuya? Naalala ko noon bata pa kami, niligtas mo kami ni best friend sa rumaragasang motor. Ang bait mo, kaya love na love kita..."aniya habang tumutulo ang mga luha.. "pi-nat mo ang ulo ko no'n kasi umiiyak ako. Takot na takot ako noong araw na iyon but you save me, that's why noong sinabi nila na namatay ka daw iyak ako ng iyak kasi wala na akong kuya... sabi mo di'ba hindi mo ako iiwan...dapat tuparin mo iyon, kasi masama ang hindi tumutupad sa pangako..." aniya habang pinupunasan ang mga luha. "I don't care if you lied before but the important things, you need to explained to me, why did you lied? Bakit mo ako pinaniwala sa isang kasinungalingan na wala ka na? nalungkot din naman ako, umiyak ako at nangulila sa'yo. Akala mo nakalimutan kita? hindi kuya.. hindi kita nakalimutan kahit kailan kasi importante ka sa akin, kasi niligtas mo ako..kasi love na love kita kasi ikaw ang kuya ko, ang kuya namin ni Best."
Humihikbi na siya dahil hindi na niya kayang pigilan ang mga luhang tumutulo na. "naalala ko noon, tumingin ako sa'yo tapos humihikbi ako at agad kitang niyakap at umiyak ako ng malakas tapos ang ginawa mo, kinarga mo ako at ngumiti ka sa akin.. naalala ko pa iyon kuya... sabi mo nga sa akin no'n. 'huwag ka ng umiyak, okay? Kasi, hindi ka na maganda kapag umiyak ka. Gusto mo bang pumangit? Tapos umiling ako no'n kasi ayaw ko namang pumangit no." tumawa siya pero 'yong luha niya tumutulo pa din. "ano ba kuya! Pinapaiyak mo ako...bakit ka po tumatawa no'n? tapos naalala ko, hinalikan mo ako sa pisngi kagaya kanina, tapos sabi mo na mag-ingat kami parati ni Best, pinisil mo din ang pisngi ko no'n. Ang sakit kaya, pero, hindi na ako nagreklamo kasi niligtas mo kami dalawa ni Best eh. Ang laki ng pasasalamat namin sa'yo. Tinanong mo din kami, kung ilang taon na kami sagot naman ni Best. 'Five and one half po. Ikaw po? See? Naalala ko pa ang una nating pagkikita kuya.. I know that you are not evil, you are so kind, niligtas mo nga ako di'ba? Niligtas mo iyong mga tauhan ko, hindi totoo ang sinasabi ni Rhea di'ba? Hindi ka naman mamamatay tao di'ba? You are not a killer, because you are my savior." Aniya at pinunasan na ang ilong dahil hindi lang luha ang tumatagas pati sipon na din sumasama. "Tapos sabi ko sa'yo 'Kuya. Dapat po.' Kaya napagpasiyahan ko na kuya ang itawag sa'yo kasi wala akong kuya at isa pa mas matanda ka kaya sa amin." Narinig niyang tumatawa ang driver kaya sinamaan niya ito ng tingin sa rearview mirror. " 'wala kasi akong kuya. Gusto ko magkaroon ng kuya.' Sabi ko noon, tapos tinanong kita. 'pwede po ba na ikawa na lang po ang kuya ko?' alam mo ba nang pumayag ka, ang saya-saya ko no'n kasi may kuya na kami ni Best. Kahit alam namin na hindi ka naman namin kadugo ni best pero, ang saya pala magkaroon ng kuya.. sobrang saya ko no'n kuya..nagpasalamat nga ako sa'yo kasi pumayag ka na maging kuya ko." Sabay hikbi, gusto niyang sumigaw dahil nasasaktan na siya ng husto. "tapos... sabi mo pa.. 'kaya simula ngayon. Ako na ang kuya mo.' Nag-apir din nga tayo no'n eh. hindi kita kailanman nakalimutan kuya, naalala mo iyong kuhanan natin ng litrato sa waiting shed? Ang saya natin ng hapon na iyon.. hanggang ngayon tinatago ko pa din ang mga litrato natin, hindi kita kinalimutan.. hindi kita nakalimutan.. bakit ko naman kakalimutan ang nag-iisang kuya Ji ko di'ba? My one and only human savior." Aniya.. "kaya huwag na huwag kang susuko... huwag na huwag mo ulit akong iiwan kagaya ng ginawa mo dati!" sigaw niya. "lumaban ka.. malapit na tayo sa hospital.. konting tiis na lang kuya.." aniya at hinawakan ang mukha nito. "I will always here for you. Hindi kita iiwan, ako naman ang magpoprotekta sa'yo. Love you, kuya." 

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata