CHAPTER 68

"Let's welcome with a round of applause the CEO and the chairman of the board. Miss Elaiza and miss Erina Hanazono Recuelles." Pumaalingangaw ang masigabong palakpakan habang paakyat ng stage sina Elaiza at ang nanay nito. Nakaalalay sa mga ito ang mga kadate nito sa party. Siya naman ay nasa counter pa din at hawak ang camera, kinukuhanan niya si Elaiza ng litrato. Nakita niya sa kamera na inabutan ni Edzel ng microphone ang dalaga at ngumiti pa ito pabalik. Malayo man siya sa stage pero nakita niyang may sinabi ang best friend nito sa dalaga tapos ay humarap na ito sa mga tao.
"good evening everyone. Akala ko talaga, wala akong speech ngayon eh. So, sabi nga nila, expect the unexpected. Kaya hindi ako naghanda ng speech. Kasi, sabi ng tao diyan . hindi daw ako mag-speech." Tumawa ang dalaga, napatawa din ang mga tao at pati siya. Panigurado, si Edzel ang pinaparinggan nito. Habang kumukuha siya ng litrato may nahagip ang mata niya, hindi niya ito pinansin, patuloy pa din siya sa pagkuha ng litrato sa dalaga. Kaya lang nang patayo na siya saka naman nakatanggap siya ng isang text sa hindi kilalang numero. 'she will going to die.' He clenched his fist in so much anger. Kailangan niyang makalapit sa dalaga ngayon. Kaya hindi na siya nakikinig sa nagsasalita sa stage dahil nakafocus ang mga mata niya sa pagmamasid. Sino ang nagtext sa kaniya? tsk. Bakit niya pa tinatanong kung alam naman niya kung sino ang kalaban niya eh.
Isang oras na ang lumipas may mga bisita pa din na nagsidatingan, mga Filipino talaga. Filipino time. Balak niya sanang kausapin sina Rhea at Caleb pero naisip niyang mamaya na lang. inililibot niya ang mata niya sa paligid at tiningnan ang mga kahinala-hinala. Napatingin siya sa bar counter at nagtaka kung bakit wala na ang lalaking nagbigay ng alak niya. Napangisi siya, oo nga naman, nagtext siya ng code kanina at panigurado, pinaglalamayan na ang katawan nito or nasa puder na ng kasamahan niya. Tsk. Nasa dalawa lang yan eh, buhay or patay na ang mga iyon.
Napalingon siya sa paligid at nakita niya si Elaiza na mag-isa lang sa mesa. Napangiti siya, bahala na, ang importante ay makausap niya man lang ito kahit papaano. Kahit konting oras , kahit ilang minuto lang. habang nakatingin siya dito ay nakita niyang may tinawag na waiter ang dalaga at hindi niya alam kung anong sinabi niya at namula ang pisngi ng waiter. Nag-usap ang dalawa na may mga ngiti sa labi. Kaya lang ng papalapit na sana siya ay dumating si Shino at may sinabi ito sa waiter na agad naman na umalis. Balak niya sanang sundan ang waiter kaya lang naisip niya kukunin niya na lang ang kamera niya at kukuha ng videos para may ma-upload siya sa kaniyang YouTube channel. Matagal –tagal na din siyang walang update dahil naging busy siya nitong mga nakaraan pero kailangan bago siya kumuha ng videos lalapitan niya muna ang magkasintahan. Nakita niya sila Elaiza at Shino na umiinom ng alak. Kinabahan siya, paano kung may lason ang alak na iniinom ng dalaga. Habang naglalakad siya palapit sa dalaga ay may mga kababaihan ang ngumingiti sa kaniya at nginingitian niya din ang mga ito pabalik. Namumula pa ang mga pisngi ng iba. Nagkibit-balikat na lang din siya, may magagawa ba siya kung maglupasay sa kilig ang mga babae na iyan?
Nang makalapit siya sa dalaga, parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit, halikan kahit nasa harap pa nito ng nobyo nito pero, hindi niya iyon gagawin, nirerespeto niya ang dalaga. Hindi siya gagawa ng kahit anong ikakasira dito, pero, kaya niya bang pigilan ang sarili? ngumiti siya at inilahad ang kamay sa dalaga. "nice to meet you miss Elaiza." Nakipagkamay din ito sa kaniya, for how many years nahawakan na din niya ang dalaga. Hindi niya muna binitawan ang kamay ng dalaga.
"nice to meet you, too. Mr. Hao." Ngumiti ito sa kaniya. habang hawak niya pa ang kamay ang kamay ng dalaga, hindi siya nagdalawang isip na halikan ang kamay nito. Ang bango, nakakabaliw. Sabi na nga ba, hindi niya mapipigilan ang sarili niya. May narinig siyang nagsisinghapan sa paligid malapit sa kanila pero binaliwala niya iyon, pero isa lang narinig niyang malakas na kalabog at napangiti siya sa isipan. He smirk. Binawi agad ni Elaiza ang kaniyang kamay, nakita niyang hinawakan ng dalaga ang kamay ng kasintahan nito. Napansin din niyang nanggagalaiti ito sa galit, dahil siguro sa ginawa niyang paghalik sa kamay ng dalaga. Napatawa siya sa isipan... huwag ipahalata na nagseselos ka boy, halatang-halata ka eh. aniya sa isip. Nawalan ng emotion ang mata niya nang makita niyang may binulong si Elaiza kay Shino, dahilan para magmura ito.
"shit! Shit! Shit!" namumula din ang mga pisngi ng binata. Hinarap ng binata si Elaiza at nakita niyang sinamaan nito ng tingin. Hoy! Wala kang karapatan na samaan ng tingin ang mahal ko! Baka hindi ako makapagtantiya barilin kita! aniya sa isip.
"what?" ani ni Elaiza.
"don't tease me, my cherry blossom or else. Baka hindi matapos ang gabing ito na wala kang saplot sa ilalim ko." Nasaktan siya sa narinig mula sa binata. Mahina lang iyon pagkasabi pero masakit pa din marinig. "kanina pa ako nagtitimpi kaya huwag na huwag mo akong susubukan. Dahil nasisiguro ko na magiging puyat ka magdamag. Dahil hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa akin na tigilan na kita at magmakaawa ka." Iyong punyal na nakatusok sa puso niya ay mas pumailalim pa. dumudugo ang puso niya sa mga naririnig pero, kailangan niyang indahin ang sakit na nararamdaman. Dahil ang mahal niya may mahal ng iba. Alam niyang kahit nasa malapit lang ito pero hindi niya man lang mayakap. Siguro tama na iyong ginawa niya kani-kanina lang. Sapat na nahawakan niya ito kahit ilang Segundo lang. Napansin niyang bumaling si Shino sa kaniya pero siya nakatingin lang sa babaeng mahal niya at tiningnan din siya nito ng masama. Tsk. Nakita niyang hinigpitan ni Elaiza ng hawak ang kamay ni Shino, umusbong ang galit niya para sa binata. Tiningnan niya ang binata, galit na galit din ito na tumingin sa kaniya. kung galit ito, mas galit na galit siya dito dahil sa ginawa nito sa dalaga noon. Baka akala ng taong ito nakalimutan niya ang ginawa nito sa dalaga.
Huminga ito ng malalim para siguro pakalmahin ang sarili nito. Hmp... ayaw nito yata ng gulo, siya din naman eh. kaya lang 'yong galit niya dito ay lumalala kapag nakikita niya ng malapitan ang mukha nito. Pasalamat ito at hindi na ito ang may-ari ng kompaniya dahil kung ito pa sisiguraduhin niyang babagsak ang kompaniya nito at hindi na makakabangon pa. "paalam miss Elaiza. See you around." Aniya na may ngiti sa labi at umalis. Nang medyo nakalayo na siya sa dalawa, may natanggap siyang mensahe galing kay Harold. 'anong ginawa mo? Lumapit ka kay pinsan, may sinabi ka ba?'
'tsk,' he replied. 'Wala pa.'
Napalingon siya sa paligid at nahagip ng mata niya sina Caleb at Rhea na nag-uusap. Isa pa itong babaeng ito. Nakipaglandian muna bago ang trabaho, paano ito makakapaghiganti eh, inuna ang harot kesa trabaho. Tsk. Isa din itong Caleb na'to, akala mo santo, may sa demonyo din iyan. Nagpipigil lang iyan. Napatuon ang atensiyon niya kay Rhea na nakangiti, nang sundan niya ng tingin ay kay Elaiza ito nakatingin. Tsk. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ni Rhea. Hinalikan nito si Caleb sa pisngi at ang huli...ayon ang sama ng tingin kay Rhea pero sa loob-loob naman ng isang iyan, nagustuhan naman ang ginawa ni Rhea. May galit daw. Tsk. Umalis si Rhea sa tabi ni Caleb at nagtungo kay Elaiza. Nang sundan niya ito ng tingin ay pinaalis nito si Shino, mukhang may girl to girl talk yata ang dalawa, pero bago umalis si Shino, hinalikan muna sa labi nito ang babaeng mahal niya. Napalingon na lang siya sa kanan para baliwalain ang sakit na nararamdaman. Ano kayang pag-uusapan ng dalawa?
Napatingin siya kay Rhea na nakatingin sa kaniya at may pinipindot sa cellphone nito. Si Elaiza naman ay kay Shino pa nakatingin na papunta sa kay Shikaya. Nag- vibrate ang cellphone niya, agad niyang sinagot ang tumatawag na si Rhea lang pala. Kumunot ang noo niya kaya ang ginawa niya, naglagay siya ng AirPods sa tenga at binulsa ang cellphone.
"so, who's Mr. Tan?" narinig niyang tanong ni Elaiza sa kabilang linya. So ibig sabihin ay gusto ni Rhea na makinig siya sa usapan nila.
"isa siya sa mga nakausap mo. Siya si Mr. Jian Hao, also known as Mr. Tan. He's a multi-billionaire and a drug lord around Asia." Ani ni Rhea. Walang hiyang babaeng iyon. Alam naman niya na plano nila ito pero ang sakit pala marinig mismo sa bunganga ni Rhea na sinasabi nito at kay sa babaeng mahal niya pa. drug lord daw siya! Eh, hindi nga siya nagda-drugs tapos siya pa drug lord. "he's a vlogger too. Sikat siya, pero sa likod niyan ay masama talaga siya." Dapat ganiyan iyong sinasabi mo. May script ba itong babaeng ito? "akala mo lang mabait siya. He's one the mafia lord in Singapore." Kailan pa siya tumira sa Singapore? Ang pinag-usapan nila China bakit naging Singapore? "kaya mag-iingat ka sa kaniya Elaiza." Itong babaeng ito ang mag-ingat sa kaniya mamaya. Mali-mali! "pero, hindi ka niya sasaktan dahil nalaman naming sa source naming na patay na patay siya sa'yo." At bakit niya naman sasaktan ang babaeng mahal niya? Nagawa na niya dati at hindi na niya uulitin pa. tama na ang pagpapaiyak niya dito. "pero, si Shino kaya niyang saktan." Sasaktan niya talaga ang lalaking iyon kapag sinaktan nito ang babaeng mahal niya. Kinuha niya ang camera niya at nag-umpisa na mag-vlog. Para hindi naman halata na nakikinig siya sa usapan.
"good evening people!" bati niya sa camera pero nakikinig siya sa kabilang linya. "nandito ako ngayon sa party" at inilibot ang camera. "ang ganda di'ba? Kagaya ng nag-organisa nito." Aniya sa harap ng camera na may ngiti sa labi. "hey people. Say hi to my vlog." Aniya sa mga trabahante ng Hanazono group.
"hi." Bati ng mga binata , dalaga at may mga edad ng trabahante.
"Elaiza, mag-ingat ka ng husto. Dahil hindi basta-basta ang kalaban natin ngayon." Tama. Halang ang kaluluwa ng tiyuhin niyang fake at hindi niya alam kung ano ang iniisip nito sa mga oras na ito. "don't worry, ginagawa namin ang lahat upang walang masaktan. Hangga't maaari ay bantayan mo ang pamilya mo na hindi sila madamay dito." Damay na sila magmula ng tinanggap niya ang kinasusuklaman niyang apiliyedo sa lahat. Tumahimik ng ilang saglit sa kabilang linya.
"so, ano ang gagawin natin? Dadamputin ba natin siya?" tanong ng dalaga kay Rhea. Ang mahal niyang babae mismo ang magpapakulong sa kaniya. Ang sakit isipin na kalaban ang turing ni Elaiza sa kaniya.
"ang ganda at ang gwapo ng mga kasama ko di'ba? Sino gusto maging girlfriend ko?" tanong niya sa camera habang tumatawa.
"ako! Ako! Ako!" sigaw ng mga kababaihan. Tumawa naman ang mga kalalakihan. Nagsasayahan lang sila sa harap ng camera.
"mukhang mahihirapan tayo Elaiza. Ang gagawin lang natin ngayon ay pagmasdan siya at kailangan na bantayan siya na hindi siya gagawa ng masama ngayon. Iyan lang muna, mahirap dahil nasa party tayo ngayon. Isa pa, mukhang wala din siyang balak na gumawa ngayon lalo pa't nandito ka sa party." Siya pa talaga ang gagawa ng masama hah? Wow! Hoy Rhea anong pinagsasabi mo!? Humanda talaga sa kaniya ang babaeng iyan. Ginawa pa siyang criminal.
"lagot ka talaga sa akin mamaya." Aniya dahil nakita niyang si Rhea nakalagay na ang cellphone sa tenga.
"okay ba?"
"humanda ka sa akin." Aniya na may ngiti pero nanggagalaiti. Tumikhim lang ito sa kabilang linya. Nakikita niyang seryoso ang mukha nito pero sa utak ng babaeng iyan tumatawa na 'yan. Naglalakad siya papalapit kay Elaiza bitbit ang camera at bumabati sa mga ito at alam niyang nakikita siya ni Elaiza na papalit siya. Nakapatay na din ang nasa kabilang linya. "say... hi to the camera guys." Aniya dito nang makalapit ng husto. Napansin niyang nagtitigan muna sina Rhea at Elaiza bago ngumiti sa camera. Kasalan ng babaeng pulis 'to eh.
Unang kumaway si Rhea. "hello." Plastic mo. Kumaway lang si Elaiza at ngumiti sa harap sa camera. Alam niyang hindi komportable ang dalaga dahil sa presensiya niya. Tiningnan niya si Elaiza sa camera kaya ngumiti si Elaiza sa kamera.
"this is miss Elaiza Hanazono Recuelles." Sabay tutok niya sa camera sa dalaga at inilapit pa ng husto ang mukha niya sa dalaga. Kumaway ulit si Elaiza sa camera na hindi nawawala ang ngiti. "she's beautiful right?" sabi niya sabay tango sa harap ng camera. "she's my crush too." Shit! Kinikilig siya habang sinasabi niya iyon at umiinit din ang pisngi niya dahil sa sinabi niyang gusto niya ang dalaga. Lupa! Please kunin mo na ako. Nakakahiya pala umamin sa babaeng mahal mo na gusto mo siya.
"ah. Masiyado kang malapit mr. Hao." Ani ni Elaiza sa kaniya. nahiya tuloy siya sa ginawa niya.
"sorry." Aniya at yumuko. Nakita kaya ng dalaga na namumula siya? Narinig niyang nakahinga ng malalim si Elaiza dahil medyo lumayo siya ng konti. Nang tingnan niya si Rhea ng palihim nakangiti ito at sumisinyas sa labi na may tinuturo. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito, walang iba kundi ang may-ari ng dalaga, eh, hindi pa naman sila kasal ah. Tsk. "sige, I'll go ahead." Paalam niya dito pero, bago siya umalis ay inilapit niya ang mukha niya sa dalaga at hinalikan ito sa pisngi. shit! Ang bango niya. Kung pwede lang na maging sa kaniya na lang si Elaiza ay ginawa na niya. "I will protect you, from him." bulong niya dito at naglakad paalis. Hindi pa siya nakakalayo ay may humawak sa balikat niya at nang lumingon siya ay pinagsusuntok siya sa mukha at natumba siya. Kabayaran ba ito sa paghalik niya sa babaeng mahal niya? Pero, bago pa siya suntukin ulit ni Shino ay pumagitna si Elaiza sa kanila. Tsk. Parang babae kung sumuntok, baka mas malakas pa sumuntok si Elaiza kesa sa taong ito.
"tama na!" sigaw nit okay Shino. Lumingon si Elaiza sa kaniya, pero hinawakan nito si Shino, para siguro pakalmahin. Tsk. Nakatingin si Shino sa kanya na galit na galit ang mukha na parang papatay ng tao. Ang tanong, kaya ba siyang patayin ng lalaking ito? Eh, noong nag-away nga ito at si Edzel eh, wala itong napala daw. Tsk. May gana itong suntukin siya? Pasalamat ang taong ito at hindi siya sa lumaban, baka sa hospital ito pulutin. Pasalamat siya't nakapagtimpi pa siya, dahil kung hindi, baka siya mismo ang papatay dito sa dami ng kasalanan nito sa babaeng mahal niya. "calm down shino!" sigaw pa din ni Elaiza dito. He smirk. Nanggagalaiti pa din ito sa galit pero, lumingon ito sa gawi ni Elaiza at huminga ng malalim. Lumapit sina Rhea at inspector Salvacion sa kaniya
"hinalikan ka niya! Hinalikan ka! Dapat ako lang ang may karapatan na sa'yo. Ako lang!" sigaw nito sa dalaga. Tiningnan niya ito ng masama kahit hindi nito nakikita. Wala itong karapatan na sigaw-sigawan ang dalaga. Tsk. Selos ka na no'n?
"opo. Sa'yo lang ako." Anito sa nobyo. Nang tumingin ito sa nobya ay huminga ito ng malalim at pumulupot ang mga braso nito sa baywang ng dalaga. Tsk. PDA lang. Harap-harapan ba siyang saktan ng mga ito? Nakita niyang hinawakan ni Shino ang pisngi ni dalaga at may binura do'n, sa parte kung saan niya hinalikan ang dalaga. Sarap patayin talaga. Tatanggapin na lang niya na ang babaeng mahal niya ay harap-harapan siyang saktan. Pagkatapos ay hinalikan ito ni Shino.
"I love you, right?" ani ni Elaiza
" I love you too. Let's go home. Kanina pa ako naiinis sa mga taong tumitingin at lumalapit sa'yo." Ani ni Shino. Isa pang ka-OA-han, barilin kita diyan. Sobra sa pagiging seloso isn't healthy for Elaiza. Lumingon si Elaiza sa kanila. "ikulong niyo 'yan." Sabi ni Shino
"huwag!" pigil ni Elaiza sa sinabi ni Shino. Ano kaya ang iniisip nito? Nakita niyang huminga ito ng malalim, siguro nahihirapan din ang mahal niyang magdesisyon. "huwag niyong ikulong. Wala naman siyang kasalanan eh." nakita niyang tiningnan nito ng makahulugan ang dalawang pulis. Ngumiti si Elaiza sa kaniya ng matamis at ganoon din siya pabalik. Iyan ang babaeng matagal na niyang minahal.
"thank you." He mouthed
"welcome." ani ng dalaga. 

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata