CHAPTER 67

Naghanda na siya para sa gaganaping party mamaya. Kailangan niyang mauna sa party para siguraduhing ligtas at walang kalabang makakapasok. May mga bantay na din siya doon na nagpapanggap na mga tauhan at empleyado ng Yamamoto group. Sana maging matagumpay ang plano nila. Ngayong gabi kasi ang pinakadelikadong oras dahil nandito din sa Pilipinas ang tiyuhin niyang fake at balak daw itong masama ngayong gabi. Kailangan nilang maging handa sa lahat ng oras. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang sarili sa salamin at ngumiti. Hindi na din masama ang porma niya.
Tumingin siya sa kama niya at kinuha ang camera, binuksan at napangiti ng tipid. Ang mga nakaw na kuha niya kay Elaiza. Pinatay niya na at ipinasok sa bulsa niya. Lumabas na siya ng silid at agad na bumaba. Tiningnan niya ang taong mapagkakatiwalaan niya at tumango dito, tumango din ito sa kaniya at sabay na naglakad sila palabas ng bahay kung saan siya ngayon nakatira. Nasa bahay siya ngayon nila na luma kung saan siya nakatira dati. Mahal na mahal niya ang bahay na tinutuluyan niya ngayon dahil, pinamana ito sa kaniya ng mga magulang niyang pumanaw na dahil sa kagagawan ng peke niyang tiyuhin.
Nang nasa biyahe na sila ay may tumawag sa cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ito, si Rhea, ano na naman ang kailangan ng makulit na babaeng ito? Yes, kilala niya si Rhea, alam niya din ang nangyari sa kapatid nito dahil sa kagagawan ng peke niyang tiyuhin. "bakit?"
"so, sinagot mo rin sa wakas. Ang tagal mo namang sumagot." Bungad agad nito sa kaniya sa kabilang linya. Kaya siguro ayaw ni Caleb dito dahil sa ugali nitong makulit.
"anong kailangan mo? Nasaan kana?"
"magkita tayo tapos ng party, may sasabihin akong importante sa'yo." Anito sa kaniya.
"siguraduhin mo lang na hindi malalaman ni Elaiza na magkakilala tayo kundi ako mismo ang magsusumbong sa'yo sa plano mo."
"takot ba naman ako. Tsk, ede sabihin mo. Sasabihin ko din sa kaniya na hindi ka naman talaga namatay at nagpanggap ka lang, panigurado, hindi ka mapapatawad ng babaeng mahal mo. Blee." Anito at binabaan siya. 'yong babaeng iyon talaga, kahit kailan ay panira ng oras. Ang plano lang naman ng bruhildang babaeng iyon ay akitin si Caleb at siyempre balak niya daw magkaanak silang dalawa. Iyong utak niya lumalagpas sa earth eh. Hanep ng imagination! Pang universe na.
Hindi kasi ito pinapansin masiyado ni Caleb dahil disaster daw ang dalawa. Ang hindi alam ni Caleb ay sabay sila ni Rhea na magmanman sa paligid. Kahit hindi na talaga trabaho ni Caleb iyon, sinabi niya kay Harold kaya ayon, walang nagawa ang huli kundi sumang-ayon. Utos ni Harold eh, hindi dapat baliwalain baka buhay mo mawala din. Iba pa naman magalit ang isang iyon, babarilin ka na lang ng wala sa oras, mabuti na lang at hindi niya pa ulit nakitang nagalit ito ng husto. Nang minsan ay bigla na lang binaril ang paa ni Harry dahil sa kakulitan nito minsan, mabuti na lang nakatakbo ang huli at napakalma naman niya si Harold nang mga oras na iyon.
Hindi nga ito nangingialam din sa buhay ng iba, pero subukan mong kantiin ang mga mahal niya sa buhay, panigurado buhay niya kakantiin mo.
Nang makarating sa lugar kung saan gaganapin ang party. May mga bisita na siyang nakikita. Binigay niya ang invitation card sa namamahala dito. Nilibot niya ang mga mata baka sakaling may Makita siyang kilala niya. Napatingin siya sa stage, nakita niya doon si Kisses ang secretary ni Elaiza na dati niya ding empleyado. Hmm.. sinabi na kaya nito sa taong mahal na nito na may anak sila? Matatanggap kaya ng lalaking iyon ang bata? Magiging Masaya kaya ang lalaking iyon kapag nalaman niyang may anak na siya? Tsk. Hindi na siya mangingialam sa love life ng iba. Love life nga niya hindi niya nagawang maging katotohanan, 'yong love life pa kaya ng iba.
Nalaman niya din na namatay si Rin, ang dating kasintahan ni Shino. Binaril ito sa airport at iyong mga pulis ang nag-asikaso sa katawan nito. Nagpasalamat siyang walang nangyaring masama sa dalaga at sa pamilya nito. Alam naman niyang kung sino ang pumatay utos na at nag-utos na patayin ang babaeng iyon, walang iba kundi ang tiyuhin niya. Maraming alam si Rin kaya pinatay nila ito. Anong alam ng babaeng iyon para patayin ito? Bakit ito nakipagkasundo sa tiyuhin niya? Anong ini-offer ng tiyuhin niya para sumanib sa kanila ang ganoong babae? Pera? Pero imposible naman na ganoon lang kababaw, dahil lang sa pera. Buhay? Pero kaninong buhay ang mawawakas? Pamilya? Nanlaki ang mata niya, sa lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na may bumangga na sa kaniya. kaya na-out of balance siya at nahulog ang camera na nilagay niya sa bulsa niya.
Agad – agad niya itong pinulot ito. "Pasensiya na po kayo sir." ani ng isang waiter. Napalingon siya dito at sinamaan ng tingin. "pasensiya na po talaga. Huwag niyo po akong ipapatanggal sa manager namin, kailangan ko po ang trabahong ito para sa anak kong maysakit ngayon at nasa hospital." anito at yumuko, huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Tumango siya at ngumiti, pero tiningnan niya ang nametag nito bago niya ito pinaalis. Naawa naman siya ng konti sa boses nito kaya lang halata naman kasi na nagsisinungaling lang ito sa kaniya. tsk.
Strike one! Kailangan niyang kalmahin ang sarili kaya agad siyang nagtungo sa isang maliit na bar na nasa gilid lang. umupo siya sa isang stool chair at nagrequest sa bartender ng wine. "red wine, please." Aniya rito.
"coming sir," anito at ngumiti sa kaniya, ayaw niyang malasing ngayon, gusto niya lang uminom para kumalma ang sarili niya. May espeya na nakapasok sa teritoryo niya.
"code red. Be alert." Bulong niya, gamit niya kasi ang device na binigay ni Harold sa kaniya.
"yes boss." Narinig niyang sagot sa kabilang linya.
"here is your request sir." Anito at nilapag ang red wine.
"thank you." Hinawakan niya ang wine glass at inikot-ikot muna niya ito, inamoy at tiningnan ang nagserve na bartender na nakatingin lang sa kaniya. napangisi siya at dahan-dahan na binaba ang glass wine na may lamang red wine. "hmm.. drink my wine first. Hindi naman ako maarteng tao eh. ikaw muna bago ako." Aniya sabay ngisi.
Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. hmm... "sir, sa inyo po iyan. Bawal po kaming tumanggap ng bigay galing sa bisita po." Palusot nito.
"ay, sayang naman. Bakit bawal? Nasaan ba ang manager niyo? Kakausapin ko lang siya dahil sa rules na iyan. Dapat kayo din ay kailangan niyong magsaya sa party na ito." Pamimilit niya dito.
"bawal po talaga sir, pasensiya na po." Anito at iniwan siya. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa niya din nilagay at nagtext kay Rhea.
'where are you? I'm already here at the party.' Send
Nagreply naman agad ito sa kaniya. 'papunta na. kasama ko sina miss Erina at ang kambal.'
'tsk. Ang bagal niyo naman, mas nauna pa ako sa inyo. Ikaw ang bantay dito pero mukhang trabaho ko din na magmasid dito ah. Bisita ako remember.'
'tsk. Nagrereklamo ka? Asahan mo magbabantay ako pagkadating na pagkadating ko.'
'code red.'
'opps. Mabuti na lang at dala ko ang baby ko.'
'wala ka namang baby, kasi iyong baby mo may mahal na iba. Wawa ka naman.' He's referring to Caleb.
'wow! Kung makapagsabi, akala mo naman minahal ng babaeng mahal niya. Baka nga hindi alam nung girl kung nag-eexist ka ba sa mundong ito. Baka nga nilibing ka na no'n sa limot baby.' Asar din nito sa kaniya. akala niya maasar niya nang husto ang dalaga pero mukhang siya yata ang mas natamaan sa mga pinagsasabi nito sa kaniya.
May mga nagdatingan pang mga bisita. Napalingon siya sa pumasok, si Edzel. Wala itong kasama at dumiretso ito kay Kisses na nasa stage. Sinundan niya ito ng tingin at nakipag-usap ito sa dati niyang secretary. Lapitan niya kaya? Kilala pa kaya siya ni Edzel? Sa tagal na panahon at nag-iba na din ang mukha niya ay hindi na din siya magtataka kung hindi na siya kilala ng binata. Bata pa itong iwan niya at ilang taon na ang lumipas? Sa tagal, hindi niya din binilang pa. Akmang tatayo na sana siya at lalapitan na niya ang binata nang mapalingon siya entrance, pumasok sina Elaiza at Shino. Kahit medyo malayo siya nakikita niya ang dilim ng mukha ni Shino. Tsk. Alam niyang nasa tamang edad na ang babaeng mahal niya para magsuot ng magagandang damit kaya lang kitang-kita niya ang likod nito dahil nakatalikod ito sa kaniya, napailing na lang siya nakikita. Kung siya kay Shino, hindi niya papayagan ang dalaga na magsuot ng mga ganiyang damit. Lumingon siya sa paligid, hindi lang siya ang nakatingin sa dalaga kundi halos ng kalalakihan. Ang ganda naman kasi ng babaeng mahal niya. Nakita niyang hinubad ni Shino ang suot nitong Americana at ipinatong sa balikat ni Elaiza. Hmm.. one point ka do'n. Tiningnan din ni Shino ang mga lalaking nakatingin kay Elaiza at napayuko ang iba pero siya, hindi siya natinag sa lalaki.
Napalingon si Elaiza kay Shino at kinausap ito, hindi naman niya naririnig ang mga pinag-uusapan ng dalawa, pero mukha yatang nag-aaway ang dalawa, kitang-kita niya sa sama ng mukha ni Shino. Nag-usap pa ang dalawa at inakbayan ni Shino si Elaiza, mukhang nagkabati na yata dahil nakitang nakangiti si Shino. Limang minute ang lumipas, ay nakatingin pa din siya kay Elaiza, hindi niya kasi pagsasawaan ang mukha nito. Hindi lang maganda, mabait pa at sinong lalaking hindi maiinlove sa dalaga kung ang ugali nito kasing ganda ng mukha nito? Nang mapalingon siya sa entrance pumasok si Harold kasabay ang asawa nito, kasunod naman ay ang kuya nitong si Hanrich kasama ang girlfriend nito at ang panghuli si Harry at ang kinaiinisan niyang babae walang iba kundi si Shikaya at mukhang nagkakasayahan ang dalawa kitang-kita kasi sa mukha ng mga ito. Tsk. Nang mapalingon ang mga ito kay Elaiza ay nagsilapitan at isa-isang niyakap ang dalaga. Nakipagkamay naman sina Harry kay Shino. Tinanggap naman ng huli. Nag-usap pa si Elaiza at Harry, hindi naman niya naririnig ang mga pinag-uusapan dahil medyo malayo siya. Tumingin si Harry sa gawi ni Shikaya at nilahad ang braso nito, agad-agad naman kumapit si Shikaya sa braso ni Harry at nagpaalam sa dalawa. Nakita niyang niyayakap ni Shino si Elaiza mula sa likuran, kung hindi sana siya nagsinungaling at niligawan ang dalaga bago pa nito makilala si Shino, ede sana siya ang nasa posisyon ngayon ni Shino, siya ang yumayakap, humahalik, kaibigan, kasama sa tawanan, iyakan at higit sa lahat siya sana ang magiging asawa ng dalaga at ama ng mga anak nila pero hindi eh.
Habang nakatingin siya sa dalawa, parang pinapatay ang puso niya sa sakit, ang babaeng mahal niya, may mahal na iba. Lumingon na lang siya sa entrance at nakita niya ang ina ng dalaga, kasama si inspector Salvacion, sinundan niya ito ng tingin, lumapit ang ina nito sa dalaga at nakipagyakapan, nakitang niyang masaya ito kaya napangiti na lang din siya. He need to stop his craziness over Elaiza, isn't healthy anymore. Nag-usap saglit sina Elaiza at ang inspector, napansin din niya na hawak nito sa baywang si miss Erina, hmp. Sa pagkakaalam niya, may asawa na ang pulis, under din ito ang pulis kay Elaiza at agad na giniya ito sa madaming tao pero palapit sa kaniya, siya lang kasi ang umiinom sa counter. Hindi pa yata napapasin ng mga ito na nasa malapit lang siya. "tumahimik ka. Makarating iyan sa asawa ko, patay na naman ako. Humingi kasi ng pabor ang nanay mo. Hindi ko matanggahan. Alam mo naman na mabait ako eh." ani ng pulis. See... under sa asawa iyan.
"mabait daw. Mabait ka nga sa lahat ng tao. Sa mga babae nga lang." napatawa siya ng mahina dahil sa sinabi ng dalaga, binara lang naman ang pulis.
"mahal ko kaya ang asawa ko. Sabi ko pa naman sa kaniya na may party ako na pupuntahan. Pinayagan ako. Ang bait kaya no'n."
"yeah, sa sobrang bait niya. Hindi niya alam na niloloko mo siya." Napapailing na lang siya sa tinuran ng dalaga. Hindi pa din pala ito nagbabago, straight pa din kung magsalita.
"Hoy! Iyang bibig mo hah! Hindi totoo iyan. Mahal ko kaya iyon." Anito sa seryosong mukha.
"nga pala. Nasa labas si Rhea at kasama si Caleb. Nag-iimbestiga ang dalawa. May nadiskubre kasi silang dalawa. Nandito daw sa party na ito si Mr. Tan. Hindi ko alam kung totoo iyon, pero, kung totoo nga iyon. Delikado ka at ang nanay mo. Pati lahat ng tao dito. Kaya nagdala ako ng tauhan ko kahit konti lang. Naka-espeya sila sa buong lugar."
Siya siguro ang tinutukoy ng pulis na mr. Tan at hindi ang tiyuhin niyang fake. Nakakalungkot isipin na sa mata ng taong mahal niya ay masama siya. Masama naman talaga siya, ilang buhay na ba ang nakitil niya? May magagawa ba siya para mapatawad lang ng dalaga? Nakita niya medyo nanginginig ang dalaga dahil sa sinabi ng inspector, gusto niya itong lapitan at yakapin para pakalmahin, kaya lang hindi niya iyon magagawa, may nagmamay-ari sa babae.
"kailangan nating maging handa Elaiza. Malaki itong delubyo." Tumango ang dalaga. Napatingin si Elaiza sa gawi kung nasaan ang nanay at ang nobyo nito. "he loves you that much." Dagdag ng pulis.
Nakita niyang ngumiti ng matamis si Elaiza sa pulis, gusto niya din na ngitian siya ni Elaiza ng gano'n. "yeah. He really is... and his so possessive too and this time, I think, I need to protect him from the incoming danger." Ani ng dalaga. Swerte naman ng mokong na iyon, ang dalaga pa ang magproprotekta dito. Tsk. Patayin niya na lang kaya? Hindi pwede, baka mas lalo siyang hindi mapatawad ng dalaga sa gagawin niya.
"not the other way around?"
"hindi naman kasi siya marunong makipaglaban eh. Nakakaawa nga eh." narinig niyang sabi ng dalaga sa pulis. Tsk. Ede mag-aral siya makipaglaban hindi iyong ang babae pa ang magtatanggol dito. Tsk. Ito namang babaeng mahal niya, minsan sakit din sa ulo ang pagiging mabait.
Tumawa ang pulis. "kabaliktaran nga kayong dalawa. Mabuti na lang ako mabait ang asawa ko. Minsan!" tapos tumawa na naman. Kumunot ang noo niya. Abnormal lang.
"yeah. Mabait nga asawa mo inspector. Kaya pala under de saya ka sa kaniya? ikaw iyong taga-... taga-laba, taga-saing, taga-hugas , taga-linis ng bahay, taga-bantay ng anak." Tapos tumawa ang dalaga. That's my girl.
Bigla na lang pumailanlang ang boses ni Edzel "good evening everyone." Kaya napatingin siya sa stage. Nang mapalingon siya sa gawi ng dalaga naglakad na ang dalawa pabalik sa mga kasama nito. Abot-kamay na niya ang dalaga pero, pinigilan niya ang sarili na abutin ito. Ang dalaga ay bituin sa kalangitan siya naman ay isang taong nakatingin lang dito. Kahit kailan ay hindi niya maaabot ang dalaga. Kahit pareahas sila ng estado sa buhay pero, ang puso nito ay nasa isang tao lang at hindi siya iyon. Kailangan na niyang maging Masaya para sa dalaga, susuportahan niya na lang ito pero, hindi pa din siya titigil na protektahan ito kahit buhay niya man ang magiging kapalit. 

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata