CHAPTER 66

Lumipas ang ilang araw, buwan at mga taon ay naging panatag ang mga buhay nila. Walang nagtangka sa mga buhay nila kaya nakapagfocus siya sa mga taong iyon sa trabaho niya at sa kaniyang kompaniya. Alam naman din niya na nasa maayos na lagay ang dalaga dahil nasa japan na ito kasama ang ina nito. Siya naman ay nandito lang sa opisina niya kaharap ang pinermahang papeles. Hindi na niya napigil ang sarili na bumili ng shares sa kompaniya ng mga Yamamoto. Alam na din naman ng kambal kaya lang sa ibang name nakapangalan at ibang tao din ang nagpapakita sa board meeting. Nagpa-imbistiga din siya , nalaman niyang may isang traydor sa board at sinabi niya ito sa ina ng dalaga kasama ang kapatid nito at ang mga ito na ang bahala. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay maayos na ang buhay ng babaeng mahal niya. Tanggap na din niya na may iba na din itong mahal. Alam niya sa ngayon na mahirap kalimutan si Elaiza pero ito na huli, kailangan masabi niya man lang dalaga na mahal na mahal or gusto niya ito kahit hindi na siya makatanggap ng pagkagusto dito. Kailangan niyang bantayan ang dalaga dahil may mga sindikato na pumasok sa teritoryo ng mga ito. Palalabasin nila na isa siyang druglord para kamuhian siya ng dalaga pero alam niya sa sarili niya na hindi kayang magalit ni Elaiza. Hindi nito kayang kamuhian ang isang kagaya niya. Nakaplano na ang lahat sa gabing ito.
Tinawagan niya si mr. Chan, ang kaniyang proxy sa board meeting. "kailangan mong umatend ng meeting ngayon. Siguro naman ay kinausap kana ni Harold tungkol sa meeting na iyan?"
"opo boss." Anito sa kabilang linya.
"good. Ayusin mo ang trabaho mo mr. Chan kung ayaw mong sa kalye ka ulit pulutin kasama ang pamilya mo." Aniya. Hindi nakaimik ang nasa kabilang linya. Nakilala niya ito nang minsang naglakad-lakad siya sa kalye. It's a win-win situation. Kakatalsik lang daw nito sa trabaho dahil papalubog na daw ang kompaniya na pinagtatrabahuan nito, kaya siya naman ay nag-offer dito ng trabaho at iyon nga na maging proxy si mr. Chan sa kompaniya na binilhan niya ng shares.
Alam niya din na hindi siya kayang traydorin nito dahil sa ang tinitirahan nitong bahay ay siyang bahay na pagmamay-ari niya. Ayaw naman siguro nito na paalisin niya ang pamilya nito at wala siyang ibibigay na pera sa mga ito kahit isang piso.
"opo boss." Anito at agad na pinatay ang tawag.
May nakakabit na maliit na device sa damit ni mr. Chan ngayon at alam din niya na papunta na ang mga ito conference room dahil sa gaganaping meeting. Ito na siguro ang meeting na sinasabi ng kambal sa kaniya. narinig niyang bumukas ang pinto, hindi niya alam kung sinu-sino ang nasa loob niyon.
"I think, we need to start the meeting." Ani mr.Chan "and who are you, by the way?" ilang minutong katahimikan ang namutawi. "you're not belong here." Sino kaya ang tinutukoy ng matandang ito?
"oh.. I forgot to tell my name." nanlaki ang mata niya sa narinig, ang babaeng mahal niya. Naririnig niya ang boses nito. Ilang taon din na hindi niya ito narinig magmula ng umalis ito patungong japan kasama ang ina nito. Nandoon din naman siya sa japan nung mga panahong bumabalik siya para bisitahin si Shiro kaya lang hindi niya ito natsatsambahan, ayaw niya din maistorbo ang dalaga ng mga panahon na iyon dahil busy daw ito sa pag-aaral ng business management. "I'm Elaiza Hanazono Recuelles. Nice to meet you mr. Chan."
"that's my girl." Aniya habang nakikinig sa earpiece. Nasa sasakyan siya sa labas ng building ng kompaniya.
"finally. I've meet you, miss Recuelles." Biglang dumilim ang mukha niya ng marinig ang boses na nasa kabilang linya. Ang sinasabi niyang traydor sa kompaniya. Subukan mo lang galawin ang babaeng mahal ko makikita mo. "nice to meet you, by the way, my name is Nathan San Jose.. but you can call me Nate for short." Tsk. Halata na nagpapacute ang traydor, akala naman madadala sa mga pacute niya ang babaeng minamahal.
"nice to meet you too." Sagot ng dalaga. ilang saglit lang ay tumahimik ang paligid. Narinig niyang may mga gumagalaw ng mga upuan. "siguro naman, kilala niyo na ako?"
"tutunganga na lang ba tayo dito?" tanong ng isang lalaki, kumunot ang noo niya. Ang traydor na naman. Baka pwede niyang barilin? Ang bastos lang kasi nito, akala mo naman kung sinong gwapo. Tsk.
"hindi. Alam mo, pwede ka ding umalis dito. you know what? Dahil hindi ka naman ditto kailangan. You can also quit too as a board member." Napangiti siya sa narinig, iyan ang babaeng mahal niya. Nalulungkot siya kasi hindi na siya kayang mahalin nito, mapatawad kaya siya nito pagdating ng panahon. Umaasa siyang mapapatawad din siya ng dalaga. May naririnig siyang naglalakad, hindi niya alam kung sino ang naglalakad at may narinig din siyang bumukas ang pinto. "you can leave now. Kaya ka naming palitan kung ano man ang pwesto na kinalalagyan mo ngayon." Ang galing! She's not a Hanazono for nothing and she isn't my Elaiza if she's a weak. Ang lamig ng boses, tumindig ang balahibo niya sa sinabi nito. Kahit nakikinig lang siya, nararamdaman niya ang lamig ng boses nito. "so, ano pang inuupo mo diyan? Tumayo kana at umalis."
"wala kang karapatan na paalisin ako. Sino ka ba? You're just nothing." dumilim ulit ang mukha niya sa narinig. Subukan mong pagsalitaan ng ganiyan ang dalaga at ako mismo ang makakaharap mo. Itatanong niya kay Harold at siya mismo ang tatapos sa taong iyan, kung makapagsalita ng ganiyan akala mo kung sinong president ng isang bansa. Utusan lang pala ng magaling niyang tiyuhin na fake. Magkano kaya ang binabayad ng magaling kong tiyuhin para mapasunod ang lalaking ito? Eh, nasa kaniya na ang pera dahil ilang taon din bago nakuha. Kaya lang, hindi na iyon kasing laki dahil sa apileyedo niyang kinasusuklaman niya muntik ng maubos ang pera na iniwan para sa kaniya. kaya sa nakalipas na mga taon, nagfocus siya sa trabaho upang mapalago pa ang pera na naiwan sa kaniya ng mga magulang niya.
May nadinig siyang kalabog kaya agad niyang inilayo suot na earpiece. "wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganiyan!" sigaw ng isa pang boses. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa loob ng conference room. Lalabas sana siya ng may pumigil sa kamay niya, nilingon niya ito si Shikaya, ang kapatid ni Shino na mahal ng babaeng mahal niya. Umiling ito sa kaniya, nanlisik ang mata niya dito. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa dalaga. Kinalma niya ang sarili baka mapatay niya ang katabi na wala sa oras.
"huwag na tayong makialam, kaya na nila ang sarili nila. Alam ko naman na, hindi din pababayaan ng kapatid ko si Elaiza. Mahal na mahal niya 'yon eh." anito. Mas lalo siyang nanggalaite sa narinig mula dito. ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim. Ilang saglit lang ay may narinig siyang mga yabag. Baka sina Harold na ang dumating. Sana sila na nga, ayaw niyang baka huli na ang lahat at hindi niya man lang mailigtas si Elaiza kung sakaling may gulong mangyayari, halang pa naman ang bituka ng kalaban nila, walang pinipili basta makuha lang nito ang gusto nito.
" and who the hell are you!?" sigaw nito, napaigik siya sa sakit ng boses na naririnig niya. Kailangan bang sumigaw? Patayin kita diyan eh. "what are you doing here?" ilang segundong katahimikan ang naganap. Hindi niya na alam ang nangyayari sa conference room, sana ayos lang silang lahat.
"huwag ka ng mag-alala pa diyan. Alam ko na nandoon na sina Harold, dahil kakatext lang nito sa akin. Papunta na din dito si Harry." Anito sa kaniya. sinamaan niya ito ng tingin, "what?" sabay tinaasan siya ng kilay.
"akala mo ba nakalimutan ko 'yong ginawa niyo kay Elaiza? Hah!? Tumahimik ka diyan, baka hindi kita matansiya." Aniya na nanggagalaite sa galit. "pasalamat ka at babae ka. Dahil kung hindi baka matagal na kitang tinumba." Tapos ay huminga siya ulit ng malalim.
"ang tagal na no'n. hindi mo pa rin nakalimutan? Si Elaiza nga pinatawad na kami sa kasalanan namin sa kaniya."
Magsasalita na sana siya nang pumasok si Harry ng sasakyan. "anong nangyayari dito?" tumingin siya sa rearview mirror at nakita niyang kumunot ang noo nito. Tumingin si Shikaya kay Harry at ngumiti lang, pero, alam niyang peke ang ngiti nito. Napakuyom na lang siya ng kamay at tumahimik. "Ji?" sambit nito sa kaniya.
"nothing happened." Sagot niya.
"tsk. Ako talaga pinagloloko niyo? Alam ko ang nangyayari sa inyong dalawa. Nag-away na naman kayo, dahil na naman sa pinsan ko? Ji, past is past. Kalimutan mo na ang nangyari, alam ko naman na nasaktan ka sa nasaksihan mo pero, kami din naman eh. Si pinsan nga napatawad niya si Shikaya, dapat ganoon ka din, para tuluyan ka ng maging masaya. Isa pa, hindi ang Yamamoto ang kalaban natin dito, kundi ang magaling mong tiyuhin na fake. Siya Ji, hindi ang Yamamoto family. Wala silang kasalanan, nadamay lang sila dito, hindi sila ang may pakana ng lahat, tandaan mo 'yan. Sana maliwanagan ka." Anito. Nakinig lang siya sa mga pinagsasabi nito. Totoo naman na nadamay lang ang Yamamoto dahil sa tiyuhin niyang peke eh, pero masakit pa din ang nakita niya.
Tahimik lang siya at nakinig na lang siya sa pinag-uusapan ng mga tao na nasa conference room. "okay. I know some of you are shock of the biggest announcement. I am too, but, I am very thankful for my daughter here." Hindi na niya nasundan kung anong pinag-usapan sa loob ng conference dahil naglitanya si Harry. Ang bastos naman kung hindi siya makikinig dito, siguro, kailangan niya ngang kalimutan ang lahat ng nangyari sa nakaraan sa pagitan nina Elaiza at Shikaya noon. Dahil ang mahal nga niya nagawang magpatawad, dapat siya ay ganoon din sa mga ito, total, totoo naman ang sinasabi ni Harry eh. "I am so very busy so, mamadaliin ko na ito. I know some of you are traitor of this company, so, mr. Nathan san Jose. You can leave this company now, or you want some revelations?" ani ng nanay ni Elaiza.
"ang galing talaga ni tita." Ani naman ni Harry na nakikinig din pala. Tiningnan niya ito sa rearview mirror, nang mapansin nito na nakatingin siya. "what? Tsk, akala mo ba ikaw lang ang merong ganiyan? Naglagay din ako sa damit ni kambal no." anito at ngumisi. Napailing na lang siya.
"ano bang pinagsasabi mo? Nambibintang ka ng tao na walang basehan at walang pruweba!" sigaw nito.
"sigawan ba naman si auntie. Ako ang bahala sa lalaking iyan mamaya, makakatikim talaga iyan sa akin. Walang pwedeng sumigaw kay auntie ng ganiyan." Anito na madalim ang mukha. Mukha yatang hindi lang siya ang may galit sa Jose na iyon kundi pati ang pinsan ng dalaga. Napailing na lang siya sa magaganap mamaya. "so, you want proof? I'll give you the proof. Caleb."
"oh, kasama pala 'yong kuripot diyan?" aniya sa mga kasama. Narinig niyang tumawa si Shikaya, napatingin siya dito na walang emosiyon ang mga mukha. Tinaasan at inirapan lang din siya nito pabalik.
"uh-uh. So, do you want to hear it?" ani ng nanay ni Elaiza.
" Akala ko, hindi na hahawak ng kompaniya si miss Erina?" tanong niya kay Harry nakikinig lang din.
"yeah, dapat si pinsan lang talaga hahawak sa kompaniya, pero mukhang nagbago yata isip ni dad eh, pinakiusapan niya siguro sina obaasan na ipamahala na lang kay auntie ang kompaniya ng mga Yamamoto, tutal sa amin naman talaga ang kompaniya na iyon." Nagkibit balikat lang ito. "usapan ng matatanda hindi pwedeng makisali. Isa pa, wala din naman akong pakialam sa kompaniya nina pinsan dahil sa kanila naman iyon, tumutulong ako minsan kapag kailangan niya talaga ng tulong ko." Anito. "isa pa, may sarili din naman kaming negosiyo ni Kambal at kuya Hanrich so, bakit pa kami mangingialam kina pinsan? Pera naman nina auntie iyon, hindi din naman kami gahaman sa pera hindi kagaya ng tiyuhin mong peke, kahit hindi sa kaniya inaangkin niya. Tsk. Ang nagagawa nga naman ng pera, eh, kapag namatay naman siya hindi naman niya madadala sa libingan ang pera niya." Tumango siya sa sinabi nito. May punto naman kasi ang binata sa sinasabi nito. Aanhin nga naman ang pera kung mamamatay ka lang din naman, madadala mo ba ito hanggang libingan?
Masuwerte nga iyong mga taong walang kapera-pera pero, masaya sila sa buhay nila. Kahit isang kahig isang tuka lamang sila eh, kahit mahirap ang buhay nila ayos lang dahil ang importante sa kanila, hindi sila gumagawa ng masama para lang mabuhay. Hinihiling nga din niya nga na sana hindi siya ipinanganak na may pera ede sana buhay pa ang mga magulang niya ngayon. Kaya lang, talagang malas siya buhay dahil kahit isang kapamilya niya ay wala ng natira sa kaniya.
Ilang segundong katahimikan din ang namutawi. Ano na kaya ang nangyayari?
"aray!" sigaw ng traydor. Biglang nagkatinginan silang dalawa ni Harry. Nagtataka kung bakit ay sumisigaw na si Nathan san Jose, anong nangyari dito?
"gentlemen. Please leave this place now." Ani ng babaeng mahal niya. Tinanggal niya ang earpiece at agad na tinawagan si mr. Chan.
"what happened? Bakit sumigaw si san Jose ng 'aray'?" tanong niya agad ditto pagkasagot.
"tinapunan po siya ng sandals sa mukha ni miss Elaiza." Napangiti siya sa narinig, hmm... mukhang naging mas palaban pa ang babaeng mahal niya.
"okay. Thanks." Aniya at binabaan agad niya ng tawag ito. Napatingin siya kay Harry na nakikinig pa din sa earpiece nito. Pinanlakihan niya ito ng mata at agad na ni-loud speaker.
"alam mo bang mamahalin ang sandal na iyon? Gusto mo bang malaman kung magkano ang presyo na iyon?" nakakatakot talaga itong babaeng mahal niya minsan ba. Hindi niya man nakikita pero, nararamdaman niyang nakangisi ito. May narinig silang lumagabog, hindi nila alam kung ano iyon. "opps. Napalakas yata." Anito. Napailing na lang siya. Sadista din kahit kailan.
"call the guards." Ani ni Harold.
"anong gagawin natin sa traydor na iyon?" tanong ni Shikaya. "Magpatawag tayo ng pulis? Abogado? Kasuhan natin siya?" sabi nito sa kaniya na may kunot ang noo. Hindi niya ito pinansin at tumingin lang sa pinsan ng dalagang mahal niya. Nagkibit balikat lang ito, sinamaan niya nga ng tingin. "tse." Anityo at inirapan pa siya. "wala naman akong kasalanan sa'yo, kay Elaiza lang naman meron." Anito na nakataas pa ang kilay. "kaya wala akong pakialam sayo."
"oh... nagsisimula na naman kayong dalawa. Pwede ba, grow up." Ani naman ng kasama nilang si Harry. Kung hindi niya lang kaibigan ang taong ito, baka nasuntok na niya ito dahil sa alam niyang may pinapanigan eh.
"what if, magpatawag na ako ng pulis?"narinig niyang tanong ni Elaiza.
"don't you dare call her Elaiza! Or I will sue you." Ani ni Caleb. Napatawa siya sa narinig, kung hindi siya nagkakamali, si Rhea ang sinasabi nito na hindi dapat tawagan.
"mabait naman si Rhea di'ba?"tanong niya kay Harry na seryosong nakikinig lang din.
"yeah. Ewan ko ba diyan kay Caleb, maganda naman ang pulis na iyon, mabait, matalino, palaban din." anito sa kaniya. napatango siya sa sinabi nito. Totoo ang lahat ng sinabi nito. "napakapihikan kasi niyan ni Caleb eh, akala mo naman hindi dating playboy. Tsk." Dagdag nito.
Nalaman din kasi niya na, hindi lang si Edzel kundi pati Caleb ay may gusto din kay Elaiza, kaya lang ang huli ay walang nagustuhan sa dalawa. Mahal pa din kasi nito si Shino ang taong nanakit din dito. Kaya siya, hindi na siya aasa na mamahalin din siya ni Elaiza pabalik. Ayaw niyang ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw sa kaniya. Ang hangad na lang niya ngayon ay sana mapatawad na siya nito.
"sue me? Are you sure?" napangiti na lang siya. Siguro nga, minahal niya ang dalaga sa matagal na panahon pero, hindi pa din siya minahal nito pabalik. Ayos lang sa kaniya kahit manatili siyang kaibigan ng isang nagngangalang Elaiza Hanazono Recuelles.
"let's go!" aniya at tumingin sa mga kasama niya. Tumango si Shikaya, si Harry naman ay ngumiti at pinatay na ang naka-loud speaker. Huminga siya ng malalim. "magpapahinga pa ako at may party mamayang gabi. Kailangan ko ng maraming lakas para makatabi man lang kahit papano si Elaiza." Aniya sa dalawa na tahimik lang din. napatingin siya sa rearview mirror at nakita niyang pangiti-ngiti si Harry habang nagtitipa sa cellphone nito. Napatingin din siya sa katabi niyang si Shikaya, gano'n din. "alam niyo kayong dalawa pwede naman kayong mag-usap eh!" sigaw niya sa mga ito. "nagtetext pa kayo eh, ang lapit-lapit niyo lang sa isa't-isa. Mga baliw!" 

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata