Homepage/My Japanese Boss/
CHAPTER 56
Nagising siya na medyo madilim na sa labas kaya bumangon siya, nakatulog pala siya habang umiiyak kanina, matapos malaman sa bodyguard na umiyak si Elaiza ay nasakatan siya. Gusto niyang Makita si Elaiza pero paano? Hindi niya alam ang gagawin mahal niya ito at ayaw niyang saktan ang bata, bahala na siya lang masaktan basta huwag lang ang pinakamamahal niyang si Elaiza. Bumangon siya sa higaan at agad na tumungo sa kusina, alam niyang nandoon ang lola niya at nagluluto. Nagugutom na din siya dahil na din sa hindi siya kumain ng pananghalian. Kailan ba matatapos ang mga problema niyang dala. Nang makababa siya, nakita niya ang guard na may binabasa na mga papel kaya napangiti siya at agad na tumabi dito. Nang maramdaman siya nito ay lumingon ito sa kaniya at ngumiti. "gusto kong puntahan si Elaiza ko at Makita siya't mayakap man lang, pero, natatakot akong kamuhian niya ako dahil sa hitsura ko ngayon." Aniyang may malungkot na boses.
"huwag kang mag-alala, pupuntahan natin si Elaiza sa paaralan niya bukas o sa makalawa para Makita mo man lang siya, kaya lang bawal kang lumapit sa kaniya, dahil alam mong may kalaban tayo at baka masaktan si Elaiza." Anito sa kaniya. Agad naman siyang napangiti ng abot hanggang tenga dahil sa narinig, ayos nayon sa kaniya basta Makita niya lang si Elaiza kahit sa malayo lang , pagmamasdan niya ang batang nagbigay ng saya sa bata niyang puso. "nga pala," sabay bigay nito ng mga papel na binabasa nito sa kaniya. " may nagpadala niyan na hindi ko alam ang apiliyedo eh, TanaZono ang nakasulat, binasa ko na iyan at gusto nilang makipagkita sayo sa lalong madaling panahon. "
"pero, kasi-" may pag-aalangan sa boses niya, " baka matakot sila sa mukha ko." Aniya ditto na may malungkot na boses at binaba niya ang mga papel at malungkot na mukha na humarap sa kaniyang bodyguard. Ngumiti ito sa kaniya at agad ginulo ang ulo niya.
"hindi sila matatakot sayo dahil, mabait kang bata, at masunurin pa." anito na may ngiti sa labi.
"paano kung kagaya rin sila ng fake kung tiyuhin na masama?" may pag-aalinlangan pa din sa puso niya.
Huminga ng malalim ang bodyguard at niyakap siya nito. "nope, they're not. Hindi ka nila iimbitihan kung masama sila, isa pa nabasa ko din diyan na pag-aaralin ka nila at sila ang bahala sa mga gastusin hanggang tumungtong ka ng koliheyo, iyon ay kung magpapakita ka sa kanila. Ito na ang tiyansa mo na makapagtapos at makahiganti sa taong iyon. Iyon lang ay matutupad kung makikipagkita ka sa kanila." Anito sa kaniya.
Nagtataka siyang tumingin ditto, "paano mo nalaman? Wala naman ditto sa papel." Aniya.
"hay nako, hindi mo naman binasa, unang pahina lang ang binasa mo diyan. Hindi mo na binasa ang kasunod. Tsk." Agad niyang dinampot ulit ang mga papel at nabasa nga niya doon ang mga sinabi nito at matutupad lang iyon kung makikipagkita siya sa mga ito sa isang dinner sa bahay ng mga ito. Nanlaki ang mga mata niya, totoo ba itong mga nababasa niya? Hindi ba siya pinaglalaruan ng kaniyang mga mata? "so, ano? Payag kana? Malaking opportunity mo na 'to. May sponsor ka na at hindi ka na mamomoroblema sa pag-aaral." Anito na may ngiti sa labi.
"sige, pupunta ako." Pasya niya. Walang mawawala sa kaniya kung susubukan niya di'ba? Malay mo totoo ito? At least, hindi na niya poproblemahin ang pera sa pag-aaral. Isa pa ay, hindi niya pa makukuha ang pinamana sa kaniya hangga't hindi siya tumutungtong ng twenty-one at ilang taon pa bago mangyari iyon? Kailangan niya ito para sa pag-aaral niya. Wala siayang pakialam kung ginagawa nila ito sa kaniya dahil naaawa sila, ayos lang sa kaniya. Ang mahalaga ay makapagtapos siya ng pag-aaral. Lulunukin niya muna ang kaniyang pride at kahihiyan dahil sa kaniyang mukhang nasunog para sa pag-aaral. Gagawin niya lahat para matupad ang mga pangarap noiya sa buhay. "pero, bago tayo pumunta sa mga nagpadala nito ay kailangan muna nating puntahan si Elaiza kahit saglit lang, kahit nakatanaw lang ako sa malayo." Aniya dito, tumango naman sa kaniya ang kaniyang bodyguard. Napangiti siya sa at agad na yumakap dito. "maraming salamat sa lahat."
" walang anuman. Trabaho ko ang alagaan at protektahan ka sa abot na aking makakaya. Kaibigan ka din ng anak ko at kahit wala na ang mga magulang mo ay pinangako sa kanila na kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan. Dahil malaki din ang naitulong ng mga magulang mo sa akin at lahat ng iyon ay hindi sila humingi ng kahit anong kapalit. " mas naiyak siya sa sinasabi nito sa kaniya. Ang babait talaga ng mga magulang niya at nagpapasalamat siya dahil ibinigay nito sa kaniya ang bodyguard niya. Maasahan sa oras ng pangangailangan. "sige na, kumain kana at pagkatapos ay magpahinga ka." Tumango siya at agad na kumuha ng plato at kutsara. Hindi man lang niya napansin na kanina pa pala nakahain ang mga pagkain sa mesa. Siguro nung Makita siya ng lola niyang nagdadrama kaya iniwan silang dalawa ng bodyguard niya para makapag-moment man lang silang dalawa. Nang tingnan niya ang pagkain na nakahain ay tumingin siya sa kaniyang bodyguard. "kain ka lang, mamaya pa ako kakain. Ang gusto ko mauna ka sa akin dahil iyon dapat ang nararapat." Tiningnan niya ito ng masama "oo na. sasabay na." anito habang tumatawa. Napailing na lang siya at kumain ulit.
**************
Kinabukasan agad siyang pumunta sa lugar kung saan niya makikita si Elaiza. Nakita niya itong malungkot parang dinurog ang puso niya at nasa taas ito ng puno. Nag-alala siya na baka mahulog ito, pero, ang pag-alala niya napalitan ng ginhawa nang dumating si Edzel ang kababata nito. "hoy! Tarzarina! bumaba ka diyan!" sigaw nito. Natawa siya sa tawag ni Edzel kay Elaiza. Binansagan ba naman na Tarzarina si Elaiza. Kahit nasa malayo naririnig niya ang boses nito. Nagtatago lang man din siya sa mga puno eh. "hoy! Kung ayaw mong bumaba tatawagin ko si nanay!" sigaw nito.
"huwag mong tawagin si nanay." Anito at agad na kumapit sa sanga ng puno na parang wala lang dito.
"ang galing." Aniya sa mahinang boses. Napangiti siya, kaya naman pala tinawag na Tarzarina si Elaiza eh, dahil sa galing nitong umakyat ng puno. Kung ibang bata iyon baka hindi kaya ang ginagawa nito.
"bakit ba nandoon ka naman sa taas ng puno?" tanong ni Edzel.
"kasi naman, namimiss ko na si papa at kuya Ji." Anito na may malungkot na boses, gusto niyang tumakbo at yakapin ng mahigpit si Elaiza at agad na halikan ang noo pero, natatakot siyang ayawan nito at baka agad siya na itulak nito palayo dahil sa takot sa kaniyang mukha. "kumusta na kaya si kuya Ji at papa? Masaya kaya sila kung nasaan man sila?" anito sa garagal na boses pati siya nagpipigil na din ng luha. "miss na miss ko na sila best, miss na miss ko na sila." Anito at di na napigilan ang umiyak. Pumalahaw ito sa pag-iyak kaya siya ay agad na tumalikod at tumakbo palayo. Ayaw niyang nakikita ang batang Elaiza na pumalahaw ng iyak parang dinudurog ang puso niya sa nakikita. Nang makalayo na siya ay agad siyang humihikbi ng iyak, gusto niyang sumigaw pero baka marinig ng dalawa ang sigaw niya. Kaya ang ginawa niya ay sinuntok ang puno habang dumadaloy ang luha niya. Mahal niya si Elaiza kahit sa mura niya pang edad, si Elaiza ang nagpupuno ng mga kulang sa pagkatao niya. Napapasaya siya ni Elaiza. Pinunasan niya ang luha niya at agad na huminto sa pagsuntok sa puno. Alam niyang nakamasid lang sa kaniya ang kaniyang bodyguard kaya umupo na lang siya sa lupa at tumingala sa langit at nagdasal na sana hindi na masaktan ang babaeng mahal niya nang dahil lang sa kaniya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang yakap ng kaniyang bodyguard sa kaniya. Ganito na ba ako ka ka-awa-awa? Tanong niya sa kaniyang sarili.
Ilang sandal silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa mapagpasyahan niyang kumalas sa yakap nito at agad na tumayo. Wala ng bakas ng luha sa mga mata niya dahil naubos na lahat. Iniyak na niya lahat dahil sa sakit na nararamdaman. " tara na, may pupuntahan pa tayong bahay medyo malayo pa iyon at bago maggabi ay kailangan nandoon na tayo." Anito sa kaniya at tumayo't nagpagpag ng damit.
Tumango siya sa sinabi nito. " tara na." muli niyang nilingon kung saan sila Elaiza at ngumiti siya ng mapait. "Mula ngayon ay pagmamasdan na lamang kita mula sa malayo mahal kong Elaiza. Sana sa susunod nating pagkikita ay mayakap na kita at mahalikan sa noo. Sana kilala mo pa ako nun. Sana." Aniya at tumalikod na naglakad palayo, palayo sa batang babaeng mahal niya. Sana magkita pa sila ulit. Piping hiling niya sa sarili. Ano kaya ang naghihintay sa kanila sa pupuntahan nila? Sino kaya ang mga ito? Bakit kaya siya tutulungan ng mga iyon? Ano kayang kapalit? Sa mga taong katulad ng mga nag-imbita sa kaniya, napaka-imposible sa mga ito na gagawa sila ng ganito ng walang kapalit. Kailangan niyang paghandaan kung ano ang mga condition ng mga ito. Kung pabor ba sa kaniya or hindi? Bakit niya ba iniisip ang mga ganoong bagay? Baka mabait lang siguro ang mga ito sa kaniya. Simple lang ang suot niya, naka hoodie jacket siya at pantalon, wala naman siyang damit na magara dahil pati ang bahay na tinitirahan nila bago ang malagim na trahidya ay nasunog din, pinasunog ng kampon ni satan**. Natupok lahat sa sunog kaya walang natira sa mga gamit nila. Nakakuyom ang mga kamao niya dahil sa sobrang galit para dito. Alam niyang wala pa siyang magagawa sa ngayon pero, gagawin niya ang lahat mabawi lang ang para sa kaniya.
Habang nakasakay sa jeep, nakayuko lamang siya at katabi niya ang kaniyang bodyguard. May suot naman siyang maskara na natatakpan ang kalahati ng kaniyang mukha pero ayaw niya pa din dahil sa nahihiya siya sa hitsura niya. Ilang oras na din silang nagbabiyahe pero malayo pa din sila. May mga taong bumaba ng jeep at sumasakay, pero wala doon ang kaniyang isipan kundi nasa batang umiyak, nakakalungkot man isipin pero hanggang sa pagtanaw sa malayo na lang siya. Pero sinisiguro niya ang na ang pagtanaw niya sa malayo ay unti-unting lalapit at magkakadikit na ang mga ito, iyon ay kung siya ang mahalin ni Elaiza. Sana siya, kaya lang mahirap turuan ang puso na mahalin ka nito. Kung sino man ang mamahalin ni Elaiza iin the future ay tatanggapin niya basta huwag na huwag lang niyang sasaktan si Elaiza in physical and emotional way. "tulog ka muna," ani ng bodyguard niya pero umiling siya, " malayo pa tayo at isa pa bababa pa tayo sa isang sakayan bago natin mapuntahan ang lugar na iyon." Tumango na lang siya at agad na humilig ang ulo niya sa balikat ng bodyguard. Agad naman na inayos nito ang hood ng jacket niya at pinasuot sa kaniya ang suot nito kaninang sunglasses. Agad niyang sinunod kung ano man ang sasabihin nito sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Siguro kailangan niya talagang matulog dahil pagod siya, hindi lang ang katawan niya kundi pati na din ang isipan niya.
************
"we're here." Ani ng bodyguard niya sabay yugyog sa mga balikat niya. Nagisinig siya sa yugyog nito sa kaniya at bumaba sila sa tricycle. Ang layo naman pala ng pinuntahan nila, hindi pa man din sila nananghalian, tumungo siya sa gate na sobrang laki, at namangha siya sa nakita. Sobrang yaman naman pala ng mga taong iyon eh. Nagsawa na siguro sa pagiging mayaman kaya pinamimigay sa iba ang mga pera, he bet may mga charity itong tinutulungan. Ano nga kaya ang totoong pakay ng mga ito sa kaniya? Huminga siya ng malalim bago nag-doorbell. Ilang minute lang ang lumipas ay bumukas ang napakalaking gate at tumambad sa kanila ang isang napakalaking bahay. Mansiyon na ito, ay hindi, palasyo na sa paningin niya. Sobrang laki kasi, mas lalo siyang kinakabahan sa mga nangyayari. Mga hari kaya at rayna ang nakatira dito? May ganito palang bahay dito sa Pilipinas? Nakakamangha naman pala, ang yaman talaga ng mga iyon. May orphanage siguro ang mga iyon.
"tara na." ani ng bodyguard niya. Tumango siya sa sinabi nito at naglakad sila papasok, kahit na kinakabahan siya kailangan niyang itago pero, ang panginginig ng mga kalamnan niya ay hindi niya makakaya parang matutumba siya. Kailangan niyang tatagan ang kaniyang mga tuhod para makapaglakad siya ng maayos. Hindi siya nagpaalalay sa kaniyang bodyguard. Kalagitnaan ng paglalakad niya sa isang mahabang daanan, may isang matanda na sumundo sa kanila, nagbow lang ito't ngumiti. Kahit sa medyo malayo ang bahay ay napakali nito.
"sumunod kayo sa'kin. Kanina pa kayo hinihintay nila." Ani ng matanda sa kanila kaya, sumunod sila dito. Wala silang imik habang nakasunod dito, pati ang bodyguard niya ay seryoso lang ang mukha na nakatingin sa likuran ng matanda. Kaya sumeryoso siya kahit kinakabahan siya, para na siyang natatae dahil sa kaba na hindi niya alam kung ano ang uunahin. "just relax. Hindi naman kayo kakainin ng mga tao dito. Hindi naman kami mga cannibal, katulad ng mga napapanood niyo sa wrong turn. Hindi din naman kami mga masasamang tao, isa pa tumutulong kami sa mga taong may mga pinagdaanan, katulad niyo." ani ng matanda habang naglalakad. Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. " matagal na akong naninilbihan sa kanila at nakita ko kung gaano sila kabait sa mga tao na tinutulungan nila, maswerte ka at mukhang especial ka sa kanila." Dagdag nito at ilang hakbang na lang ay narrating na nila ang isang napakalaking pinto. Tumingala siya at namangha sa nakita. Ganito din kalaki ang pinto namin dati, nung mga araw na nakatira pa siya sa malaking bahay. Napangiti na lang siya ng mapait sa naisip, nakaraan na iyon, hindi na niya mababalikan pa dahil wala na ang bahay na iyon, sinunog ng kampon ng d*******. Sisiguraduhin niya lahat ng kayamanan nito ay mawawala din dito pagdating ng panahon. Pumasok sila at dinala sila ng matanda sa isang napakalaking komedor. Marami siyang upuan na nakita at nakatayo lang silang dalawa ng bodyguard niya sa may pinto. May dalawang bata na magkamukha siyang nakita na nakaupo ng magkatabi, magkambal ito panigurado at may kasama itong nakatalikod sa kanila. May mga medyo matanda na silang kasama at tumingin ang kambal sa kaniya at ngumiti.
"who are you?" tanong ng isa. Sasagot sana siya kaya lang may tumayo na isang makisig na lalaki, iyong nakatalikod sa kanila at humarap ito sa kanila't tiningnan sila ng mula ulo hanggang paa, minamaliit ba sila ng taong ito? Pinapunta ba sila ditto para maliitin? "daddy. Don't scare him." Ani ng bata na nagtanong sa kaniya kanina.
"oo nga daddy." Sang-ayon naman ng isa. "kawawa naman po siya, tapos ginaganiyan niyo, sumbong ko kayo kay lolo." Anito at tumakbo palabas ng komedor. Napatingin na lang siya sa nilabasan nito at napailing, spoiled brat siguro 'yun sa lolo nito.
"hay nako!" anito at umiling sabay ngiti sa kanilang dalawa. "pasensiya na kayong dalawa sa akin, ganiyan lang talaga ako, sa mga taong nakakasalamuha ko ng unang beses. Halika kayo, kanina pa namin kayo hinihintay." Anito at umupo ulit. Nawala na ang kaba niya dahil sa mga sinabi nito, kaya tinungo nila ang napakalaking mesa at maraming upuan, umupo silang dalawa ng bodyguard niya at agad na humarap sa taong nasa harapan din nila. Katabi pa din nito ang bata na nagtanong sa kaniya kanina.
"daddy,"sambit nito, kaya nabaling ang atensiyon ng lalaki sa bata. " pwede po ba natin dalawin ang lolo ni pinsan tutal nandito pa tayo sa pinas at baka sa makalawa babalik na kami nina mommy. Please daddy, gusto ko rin na Makita sa pinsan kahit sa malayo lang." napangiti siya sa nadinig mula dito, mahal na mahal siguro nito ang pinsan nito? Ayos lang kahit sa malayo magmamasid, parang siya kay Elaiza, ayos lang sa malayo , Makita niya lang itong nakangiti, umiyak, lahat ng emosiyon nito , gusto niyang Makita.
"okay, bukas." Sagot nito sa anak. Napangiti naman ito at agad na lumabas ng komedor, "sasabihin ko kay kambal na pupunta kami sa lolo ni pinsan, matutuwa 'yun." Anito at habang lumalabas na may ngiti sa labi. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice novel i enjoy it from the start
19/04/2022
0jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕
11/08/2024
0Havee a nice read!
22/07/2024
0Tingnan Lahat