Homepage/My Japanese Boss/
CHAPTER 51
Handa na si Elaiza sa party niya at ganoon din si Shino. Elaiza is wearing a cocktail dress, that's fits her body. She's so stunning and mas lalong lumabas ang kaputian niya dahil sa suot niyang damit. Si Shino naman ay nakatingin lang sa kaniya. Hindi maipinta ang mukha nito.
Hindi niya ito pinapansin dahil bago sila umuwi ay nag-away pa silang dalawa. "Tsk." anito at tumayo't umalis. Pinabayaan niya lang, alam naman niya na hindi siya matitiis ng mokong niyang boyfriend. Napapangiti na lang siya. Mataas ang pride niya dahil siya ang babae. Kung pataasan ng pride sigurado siyang siya na ang mananalo.
Si Shino din ang hihingi ng tawad sa kaniya at makikipagbati. Sa pagkapossessive pa lang ng boyfriend niya ay naku! Walang makakapantay dito. Seloso din ito, dapat ito lang ang kinakausap niya na minsan ay kinaiinisan na din niya dahil sobra na ito sa pagiging seloso.
Mabuti na lang at hindi umaabot sa buhatan ng kamay. Hindi parehas sa mga ibang babae ay may pasa sa mukha at ang may kagagawan ng mga iyon ay ang kanilang mga asawa. Tsk. Siguro, may kasalanan din ang mga babae kung bakit sila pinagbubuhatan ng kamay ng kanilang mga asawa. Tsk. Sa estado naman nila ni Shino, baka ang huli pa ang mabugbug niya.
Siya kasi sa kanilang dalawa ang marunong lumaban. Kawawa nga ito dahil may mga pasa pa din sa mukha pero, hindi pa din nabawasan ang pagiging gwapo ng boyfriend niya. Hay. Bakit ba ang gwapo nito? Saan ba ito nagmana? Sige na nga, nagmana na sa ama nito na gwapo din.
Habang naglalagay siya ng lipstick nandiyan pa din ang ngiti sa labi niya. Alam niya na babalik si Shino in just ten seconds. Ten, nine, eight. Bilang niya sa utak.
One. "Cherry blossom." sambit nito sa kaniya.
Nang tingnan niya ang reflection nito sa salamin ay may namumuo ng luha sa mga nito. Agad itong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap mula sa likuran. "Sorry na please. Kahit na ikaw ang may kasalanan. Ako na lang ang magsosorry."
"So, ako pa ang may kasalanan ngayon? Sino ba sa atin ang bigla na lang nanuntok ng lalaki? Sinuntok mo pa si Caleb. Alam mo bang wala kang kaya do'n. Hinamon mo pa sa away. Mabuti at hindi ka pinatulan ng taong iyon dahil kung hindi sa hospital ang bagsak mo. He knows how to fight because he trained a lot like me. Ka-sparing ko siya minsan sa laban. So, what do you expect ha? Kampihan ka dahil boyfriend kita? No. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil patas ako sa lahat ng bagay." Pwera na lang sa business. Dugtong niya sa isip. Pero, patas naman talaga siya kahit sa bussiness minsan. Kapag walang void ang mga documents. Pinipirmahan niya agad.
Lalo na kapag ang nanay niya ang humawak sa negosyo nila. Mas malala iyon sa kaniya. Ang tito niya at ang mga pinsan ang nagturo sa kaniya sa bussiness at nag-aral din siya tungkol dito. "Okay na. Sorry na please. Huwag kana magalit sa akin." anito.
"Hindi ako galit. Kundi, galit na galit sayo. Hay naku." aniya. Hindi naman niya kayang magalit talaga ng husto dito. Si Shino ang pinipigilan na luha. Tumulo na nang dahil lang sa narinig nito ang sinabi niyang galit na galit siya. Hay. Iyakin naman pala ito. Possessive tapos, iyakin.
"Sige na nga. Bati na tayo. Kainis ka kasi, nag-uusap lang kami dahil sa trabaho. Kaya, huwag kang mag-isip ng kung ano-anong bagay diyan."
"Alam mo naman nagseselos ako eh. Ayaw ko na may ibang lalaki na kumausap sa'yo. Gusto ko ako lang. Dahil ako ang boyfriend mo." anito at nilagay ang baba nito sa may balikat niya. "Amoy cherry blossom talaga." anito at hinalikan siya sa pisngi.
"Hey. Stop it. Masisira ang makeup ko." aniya at nagpumiglas sa mga yakap nito. Pero, mas lalong hinigpitan ni Shino ang yakap sa kaniya.
"Alam mo, kanina pa ako nababaliw sa'yo. Naiinis din ako kasi, sa lahat ng pwedeng damit na isuot mo eh. Ito pa ang napili mo na kitang-kita ang likod mo. Ayaw na ayaw ko na may makakakita sa katawan mo. Na hindi ako. Ako lang dapat. Akin ka lang. Akin lang." anito. Ito na naman po tayo sa pagiging possessive niya. "Can we have a first round?" anito.
Nang napalingon siya sa gawi nito ay agad na sinalubong nito ang mga labi niya. Ang lipstick niya! Hinapit siya paharap nito at agad na pinalalim ang mga halik. Hindi siya dapat tutugon sa mga halik nito kaya lang, iba ang sinasabi ng katawan niya. Ito talaga ang kahinaan niya. Ang mga halik ni Shino sa kaniya.
Pero, mas pinairal niya ang utak niya. Kaya agad niyang tinulak ito. Nang tingnan niya ang mukha nito may kislap sa mga mata nito. Nakakuha ng prize ang mokong eh. "I love you. My Cherry blossom."
Hingang malalim. "I love you too."
"Napilitan ka lang yata eh. Hindi mo na ako mahal."
Ang OA talaga ng isang 'to. Niyakap niya ito at hinalikan sa labi. Pagkatapos agad-agad din siyang kumalas. Tumingin na naman siya sa salamin. Nagkalat na naman ang lipstick kaya kumuha siya ng tissue at agad na inalis ang lipstick na nagkalat sa gilid ng labi niya dahil sa halikan nila ni Shino.
Tsk. Kapag ang labi talaga nito ang humalik sa kanya. Hindi niya talaga mapipigilan ang labi niya na halikan din ito pabalik. Naiinis din siya sa sarili niya eh. "Tara na. Walang round na mangyayari dahil may party tayong pupuntahan. Baka nakalimutan mo. You're my escort this night." aniya.
"Yeah. Dapat lang na ako. Dahil ako ang boyfriend mo." anito.
Nakabihis na din kasi ito ng americana na bagay na bagay dito. Mas lalo tulog naging gwapo paningin niya si Shino. Anong breed ang meron ito at ang gwapo? Panigurado maraming babae ang hahabol dito. Katulad na lang ng Ex nito na si Rin na tsugi na. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
May kumuha kaya sa patay na katawan ng babaeng iyon? Kawawa naman, dead on the spot. Barilin ba naman. Sino kaya ang pumatay sa babaeng iyon? Si Mr. Tan kaya? Sino din si Mr. Tan.
Hindi din kasi niya natanong kay Rhea kung sino si Tan. Nag-iimbestiga pa din kasi ito sa kaso ni Rin. Kung sino ang mastermind ng lahat.
"Let's Go." aniya at kinuha ang sandals na nasa ibabaw ng kama. Susuutin na sana niya iyon. Kaya lang, inagaw ni Shino eh. Pagkatapos ay pinaupo siya sa may kama at si Shino na mismo ang nagsuot ng sandals niya.
"Bagay na bagay talaga sa'yo kahit ano pa ang isuot mo. " anito at hinalikan ang paa niya. Napadilat tuloy ng malaki ang mata niya dahil sa ginawa nito. "Hmm. Sarap kainis at dilaan. Sarap din halikan. Amoy cherry blossom talaga." anito na nakapikit pa.
Ang puso niya tumatakbo na naman. Nang ibuka ni Shino ang mga mata nito at agad na tumingin sa mga mata niya. Sa buong mukha niya talaga. Ngumiti ito at kumindat pa. Na mas lalong ikinabilis ng pintig ng puso niya. Para siyang kakapusin ng hininga. "Your blushing again, my cherry blossom." anito sa kaniya.
Kapag bumibilis ang pintig ng puso niya. Umiinit din ang dalawang pisngi niya. Hindi niya kayang pigilan ang mga iyon. Nang matapos si Shino ay agad na hinawakan ni Shino ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo.
"Pwede ba kitang buhatin papunta do'n sa party?" tanong nito sa kaniya ng makatayo na siya. Imbis na mainis dito. Mas lalo tuloy siyang kinikilig sa mga sinasabi nito. "Naiinis kasi ako kapag may lalaking tumitingin sa'yo."
"Hindi pwede. Huwag kang maghanap ng gulo do'n ah. Nako! Ako mismo ang sisipa sa'yo."
"Dapat ba akong kabahan?"
"Hindi naman. Pero, panigurado sa hospital ang bagsak mo." banta niya dito. Nanlaki naman ang mata nito at medyo namutla din. Ngumiti tuloy siya. "Joke lang. Hindi ko naman kayang saktan ka ng walang dahilan. Pero, nandito lang ako. Ako ang magtatanggol sa'yo." aniya.
"Ano ba 'yan!? Para naman hindi ako lalaki nito. Dapat ako ang magtatanggol sa'yo not the other way around." maktol nito.
Parang bata din ang mokong. Tsk. "Tara na. Baka akala mo wala tayong pupuntahan." aniya at nauna ng lumabas sa kwarto.
"Matte! (Wait!)" sigaw nito habang hinahabol siya. Napailing na lang siya. Ang tagal kasi nito kaya iniwan na lang niya ng dahan-dahan.
Hindi man lang niya napansin na nakalabas na ang girlfriend niya kanina. Hay. Sabay hingang malalim. Nasa party na silang dalawa at ang host ay ang secretary nitong si Kisses kasama si Edzel na nakasuot din ng americana suit. Lumingon siya sa paligid, may mga lalaking nakatingin kay Elaiza at naiinis na naman siya. Kaya tinanggal niya ang suot niya at pinatong sa balikat ni Elaiza upang hindi pagpiyestahan ang likod nito.
Siya lang dapat ang makakakita sa likod nito hindi ang iba. No one can see his girlfriend's back only him. For his eyes only. Nakatiim-bagang na si Shino dahil sa mga lalaking nakatingin sa girlfriend niya. Tiningnan niya ng masama ang mga taong nakatingin sa girlfriend niya. Napayuko naman ang mga ito. Dapat lang, dahil kapag siya nainis ng sobra ay ipapabugbog niya talaga ang mga lalaking iyan.
Napalingon naman si Elaiza kay Shino. "Pabayaan mo na nga sila. Sumusobra kana hah." aniya sa binata na kanina pa tinitignan ng masama ang mga empleyado nila. Mas lalong nagalit ito dahil sa sinabi niya. Kapag hindi siya talaga nakapagpigil siya na mismo ang sisipa dito. Kaya lang, kailangan niyang maging kalma. Dahil ayaw niyang magkaroon ng eskandalo sa party na siya mismo ang nag-organisa.
Napapangiti na lang siya sa kaniyang nakikita. Nasa mini stage sina Kisses at ang bestfriend niya. Masaya itong nakangiti sa mga bisita nila. Dapat siya ang host ngayong gabi kaya lang, nagpresinta na si Edzel at Kisses na sila nalang daw ang gagawa.
Kaya pinayagan na lang niya. Mas maganda nga iyon eh dahil may makakasama ang bestfriend niya at malilibang ito sa presensya ni Kisses. Ang ganda kaya ng secretary niya. Bagay sila ni Edzel. Kinikilig tuloy siya sa dalawa.
Hindi lang pala siya kay Shino kinikilig eh. Sa loveteam din pala nina Kisses at Edzel. Nag-iinit na naman ang pisngi niya. Ngayon hindi si Shino ang may dahilan no'n. Kundi sina Kisses at ang bestfriend niya mismo.
Kumunot naman ang noo ni Shino, sa nakikita niya. Bakit namumula ang pisngi ng girlfriend niyang nakatingin sa stage. Nang tingnan niya iyon ay nandoon si Edzel at Kisses. Ang host ng party. Tiningnan niya ng masama ang bestfriend ng dalaga pero, nang tumingin sa gawi niya ang huli ay ngumiti lang ito ng nakakaloko.
Mas lalong siyang nag - alburoto dahil sa ginawa nitong pagngiti. Hindi lingid sa kaalaman ni Shino. Nakamasid lang si Elaiza sa kaniya ng palihim. Hay. Ito na naman ang pagiging seloso ng boyfriend niya. Pati sa bestfriend niya nagseselos ito. Ano bang gagawin niya dito? Minsan naiinis na siya sa ugali nito but a part of her na gustong-gusto ang ginagawa nito lalo na kapag nagseselos ito.
Sabi nila, mahal ka daw ng isang tao kapag nagseselos ito. Mahal niya din naman ito eh. Kaya lang, ang pagiging seloso nito wala na sa lugar. Hay. "Stop torturing yourself Shino. Wala kang mapapala sa kaniya. He said he loves me, it's just him and not the other way around. A one-sided love. Kaya tama na 'yan." aniya dito.
Lumingon ito at inakbayan siya. Inisnob niya lang ang huli. "Siyempre, kasi ako lang naman ang mahal mo eh." anito. Nakangisi pa ang boyfriend niya na parang nakakuha ng reward galing sa kaniya. Wala naman talagang mapapala ito. Ito lang naman ang galit sa bestfriend niya eh. Hindi ang bestfriend niya. Iyon, wala na iyong pakialam sa kaniya dahil may boyfriend na siya. Pero, binabantayan pa din siya ng bestfriend niya ng palihim na akala nito ay hindi niya alam. Nag-aalala pa din pala kasi ito sa kaniya.
Ito lang naman kasi ang kaibigan niya na totoo. Hindi niya ito ipapalit sa iba. Mahal niya ito pero, bilang kaibigan lang hindi na ito lalampas pa doon. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit wala pa si Caleb? Nasaan na kaya iyon? Ang nanay niya din wala pa din. Hindi pa naman nila inuumpisahan ang party dahil alam naman ni Edzel na wala pa ang nanay niya. Bakit kaya ang tagal nila? Nag-aalala na siya sa mga ito?
Limang minuto ang nakalipas ay isa-isang nagsidatingan ang mga pinsan niya. Nauna si Harold at ang misis nito kasunod si Hanrich at ang girlfriend din nito. Ang panghuli ay sina Harry at Shikaya. Masaya pa ang dalawa. Nang makita din sila nito ay lumapit ito kay Elaiza at niyakap siyang mahigit. Katulad ng nauna.
Nakipagkamay naman si Harry kay Shino. Tinanggap naman ng huli. Tumingin siya sa gawi ni Harry. "Si Nanay?" tanong niya.
"Kasama ni Caleb at Rhea." sagot nito. Tumango lang siya at ngumiti dito. Parang nakahinga siya ng malalim dahil sa sinabi nito. Mabuti na lang at ang dalawa ang kasama niya. Tumingin si Harry sa gawi ni Shikaya at nilahad ang braso nito. Kumapit naman si Shikaya kay Harry at nagpaalam sa kanilang dalawa.
"Are you okay, now?" tumango siya. Agad na niyakap siya ni Shino mula sa likuran. Sinandal din nito ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ko pa napapansin iyang hingang malalim mo." anito na may pag-aalala sa boses. "Don't worry, okay?" tahimik lang siya. "She'll be fine going here. Kasama niya si Rhea. Wait. Where's Shimon?" tanong nito sa sarili.
Iyan din sana ang itatanong niya. "Baka sabay na sila pumunta dito." aniya.
"Yeah. Baka nga. Imposible naman na hindi pupunta sina okaasan at otoosan sa party for the take over ng pagiging chairman of the board. Baka nga maging masaya pa iyon na ang nanay mo na ang hahawak sa board."
Alam na niya iyon. Napag-usapan na nila ng dating chairman ang tungkol doon. Sa kanila naman talaga ang company kaya lang, nabili nito ang mas malaking share sa dating may-ari mismo ng kompanya.
Hindi niya kasi alam ang buong estorya ng kompanya nila eh. Hindi din niya naitanong sa kanyang lolo at lola ang history ng kompanya.
Sino ba talaga ang dating may-ari ng kompanya bago ang Yamamoto at Hanazono? Sino ba talaga ang nagpatayo ng kompanya? Bakit nito binenta ang kompanya sa dalawang Hapon na mayayaman din? Anong rason nito? Saan na ito ngayon?
Nang makita ng dalawang mata niya ang ina niyang papasok. Nakaalalay dito ang pulis na hinahangaan niya. Si senior Inspector Salvacion. Nang makita sila ng mama niya ay ngumiti ito sa kaniya. Nang makalapit ay nagyakapan sila. "Nanay, Your already here with a handsome inspector." aniya na may ngiti sa labi.
Lumingon ang inspector sa kaniya at kinindatan siya. Nakita iyon ni Shino kaya agad naman na dumilim ang mukha nito. Ayaw na ayaw nito na may kumindat sa kaniya. Kaya agad siniko ito, tiningnan niya ng masama si Shino.
Ngumuso lang ito sa kaniya. Inirapan niya lang ang pagiging cute nito. Dahil kapag hindi na siya nakapagpigil, ay mahalikan niya ito ng wala sa oras dahil sa kagwapuhan nito at ka-cute-an. Tsk.
"Kumusta na Elaiza? Long time no see. Matagal ka ng hindi dumadalaw sa presinto. Miss na miss kana namin." anito.
"Miss ko na din po kayo." aniya na may ngiti sa labi.
Napansin niyang hawak nito ang baywang ng nanay niya. Sa pagkakaalala niya na may asawa ang inspector. "Mabuti at pinayagan ka ng asawa mo?" aniya dito.
Nakasuot ito ng americana na nababagay dito. Gwapo tuloy ito sa paningin niya. Kaya lang, mas pa din ang Shino niya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso at agad siyang giniya palayo sa mga madaming tao. "Tumahimik ka. Makarating iyan sa asawa ko, patay na naman ako. Humingi kasi ng pabor ang nanay mo. Hindi ko matanggihan. Alam mo naman na mabait ako eh."
"Mabait daw. Mabait ka nga sa lahat ng tao. Sa mga babae nga lang." aniya na may ngiti sa labi.
"Mahal ko kaya asawa ko. Sabi ko pa naman sa kaniya na may party ako na pupuntahan. Pinayagan ako. Ang bait kaya no'n."
"Yeah. Sa sobrang bait niya. Hindi niya alam na niloloko mo siya."
"Hoy! Iyang bibig mo hah! Hindi totoo iyan. Mahal ko kaya iyon." anito na seryoso ang mukha. Hay. Magagawa ba siya? "Nga pala. Nasa labas si Rhea at kasama si Caleb. Nag-iimbestiga ang dalawa. May nadiskubre kasi silang dalawa. Nandito daw Sa party na ito si Mr. Tan. Hindi ko alam kung totoo iyon. Pero, kung totoo nga iyon. Delikado ka at ang nanay mo. Pati lahat ng tao dito. Kaya nagdala ako ng tauhan ko kahit konti lang. Naka-espeya sila sa buong lugar."
Kinabahan siya sa binalita nito sa kaniya. Kung totoo nga na nandito si Mr. Tan. Sino kaya sa mga ito ang tunay nilang kalaban. "Kailangan nating maging handa Elaiza. Malaki itong delubyo." tumango siya sa sinabi nito.
Lumingon siya sa direction ng nanay niya at kay Shino na seryoso na nag-uusap. "He loves you that much." anito sa kaniya.
Napalingon tuloy siya sa pulis na kausap niya. Ngumiti siya ng matamis. "Yeah. He really is... and his so possessive too. And this time, I think, I need to protect him from the incoming danger."
"Not the other way around?" tanong nito sa kanya.
"Hindi naman kasi siya marunong makipaglaban eh. Nakakaawa nga eh."
Tumawa ang pulis na kausap niya. "Kabaliktaran nga kayong dalawa. Mabuti na lang ako mabait ang asawa Mabuti na lang ako mabait ang asawa ko. Minsan!" tapos tumawa na naman.
"Yeah. Mabait nga asawa mo inspector. Kaya pala under de saya ka sa kanya? Ikaw iyong TAGA-... Taga-laba, Taga-Saing, Taga-hugas, Taga-linis ng bahay, Taga-bantay ng anak." tapos siya naman ang tumawa dito.
Sa sobrang kabaliktaran eh. Narinig nila bigla ang pumainlanlang na boses ni Edzel. "Good evening everyone." Bati nito sa kanila.
Tumingin siya sa gawi nito at tumango kay inspector. "Alam na ba ni Nanay na nandito si Tan?" umiling muna ito.
"But I think, may hinala na siya."
"I see." aniya. "Let's Go." dagdag niya. Bumalik na sila sa mga kadate nila baka maghinala ang mga ito. Pero, mukhang napaliwanag ng nanay niya ang relasyon nila ng inspector. "Cherry blossom." sambit nito sa kaniya. "Let's Go." tumango siya at ngumiti. Nauna na silang maglakad patungo sa stage.
"Let's welcome with around of Applause the CEO and the chairman of the board. Miss Elaiza and Miss Erina Hanazono Recuelles."
Masigabong palakpan ang naririnig nila habang naglalakad sila patungo sa stage. Inalalayan siya ng husto ni Shino upang hindi siya matumba at gano'n din ang ginawa ng inspector sa nanay niya. Napapangiti na lang siya. Nang nasa stage na siya ay inabutan siya ng microphone ni Edzel at ngumiti dito.
"You look beautiful today and everyday." ani ng bestfriend niya. Napailing na lang siya sa sinabi nito. She mouthed 'thank you' and then she face all the people nasa harap silang dalawa ng nanay niya. May hawak din itong microphone. "Good evening everyone. Akala ko talaga, wala akong speech ngayon eh. So, sabi nga nila. Expect the unexpected. Kaya hindi ako naghanda ng speech. Kasi, sabi ng tao diyan. Hindi daw ako mag- speech." napatawa tuloy siya.
Tumawa din ang nanay niya at ang lahat ng nakarinig dito. Si Edzel kasi ang pinaparinggan nito. Ang huli ay ngumiti lang at nag peace sign sa kanila. Nakangiti siya sa lahat ng mga tauhan at mga bisita niya. May naririnig siyang may humahanga sa kaniya. Nanalangin din siyang sana hindi ito marinig ni Shino dahil malaking gulo na naman. Nagsimula ng mag- speech ang nanay niya. Imbis na makinig dito ay ngiti lang siya ng ngiti sa mga tao pero, ang mata niya nililibot niya dahil may hinahanap siya. Ang taong kalaban nila. Sino ba talaga ang Mr. Tan na iyon? Paano ito nakapasok sa party?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice novel i enjoy it from the start
19/04/2022
0jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕
11/08/2024
0Havee a nice read!
22/07/2024
0Tingnan Lahat