CHAPTER 48

Umuusok na ang ilong  ni Elaiza  dahil sa galit.  Nakalabas na silang dalawa  ng secretary niya sa elevator.  Nakatingin lang siya sa dalawa.  Tinitingnan lang niya ang dalawa ng masama. 
Nakakuyom na ang kamao ni Elaiza.  Naiisip na nga niya na suntukin at sipain  ang dalawa sa mukha.  Dahil sa sobrang  galit.  Nasa harap  pa din sila ng elevator.  Hindi sila gumagalaw.  Ang mukha naman  ni Shino na nakatingin sa kaniya ay nagmamakaawa sa kaniya. 
"My....  Cherry...  Blossom...  Sorry...  Hindi ko iyon sinasadya." anito sa kaniya. 
"Sadya  mo man or hindi!" sigaw niya "halik  pa din 'yon!" wala siyang pakialam kung may makarinig man sa kaniya na sumisigaw.  Building niya ito! 
"Hindi ko nga iyon sinasadya." anito at lumapit sa kaniya pero, umatras  siya.  Napahinto  naman si Shino sa paglapit.  Napailing  siya,  gusto niyang sumigaw dahil sa galit pero,  pinipigilan niya lang ang sarili  niya.  Kahit gusto na niyang bugbugin  ang dalawa.  
Agad siyang tumalikod at iniwan ang dalawa.  Nakasunod lang din ang secretary niya.  "Cherry blossom.  Please..  Patawarin mo naman ako. Luluhod  ako dito.  Hindi ako kakain  ng lunch at dinner or kahit kailan  kapag  hindi mo ako kinausap or pinatawad." anito sa kaniya. 
Huminto siya sa paglalakad at tiningnan  si Shino.  "Sige nga.  Kaya mo Kaya?" hamon niya dito. 
"Sige ba." anito at agad na lumuhod sa kinatatayuan nito.  Kaya siya ay napangiti at agad na tumalikod ulit papunta  sa department.
Habang  naglalakad sila ay hindi pa din nawala ang ngiti niya.  "Anong name nung secretary na iyon?  Pakilista na din siya sa tatanggalin natin."
"Yes. Ma'am." anito at agad na sinulat ang pangalan  ng babaeng  bruha.  Humanda iyon sa kaniya.  Sisiguraduhin niyang sa basurahan iyon pupulutin.
Walang sinuman  ang pwedeng pumagitna sa relasiyon  nila ni Shino.  Dahil sa kaniya lang ang boyfriend niya.  Kailangan  niyang i- disspose ang mga taong hadlang  sa pagmamahalan nila ni Shino. 
Nang makarating  sila department ay mahina  lang ang galaw  nilang  dalawa ng secretary niya. Pasado  ala-una na kaya tapos na ang lunch time.  Napailing na lang siya sa mga nakikita.  Nagkalat  ang mga papel.  "Wala bang housekeeper na naglilinis sa parteng  ito?" tanong niya sa secretary niya..
"Ma'am. Everyday po sila naglilinis dito.  Isa pa po,  naglinis na po sila kaninang  umaga." sagot nito.
"ah. So, ginawa nila ito dahil? Para linisin ng mga housekeeping department. Ganoon? Dahil may tagalinis ng kalat nila kaya ganito ang ginagawa nila? Hindi ba nila alam kung gaano kahirap maging janitress?" aniya. "Tawagan mo ang housekeeping department na huwag na huwag nilang linisan  ang parte  na ito." Tumango lang ang secretary niya at agad na nag-dial ng number sa cellphone nito. 
Nasa  may gilid  lang sila muna at pinagmamasdan ang mga taong walang ginagawa at nag-uusap lang.  Napailing na lang siya.  Hindi naman ganito  ang mga employees niya sa Japan ah.  Bakit dito?  Ang tamad  naman. 
Dahil ba walang nagbabantay na head?  Naglakad lang siya sa palapit sa mga papel at pinulot ang mga iyon.  Ayaw niya ng ganito ang bawat  department.  Tsk.  "Kaninong  mga kalat  ito?" tanong niya sa mga taong nandoon  pero,  walang nakinig  sa kaniya.  Itinaas  pa niya ang mga papel na hawak. 
"Kaninong mga kalat ito!?" sigaw niya.  Wala pa din.  Ay bingi!  Kaya naisip  niyang humarap  sa isang  computer at dahan-dahan na binuhat  ang computer at tinapon ito sa may sulok.  Kaya nagulat  ang iba sa ginawa niya at napalingon sa kaniya.  "So,  all your attention is with me now?" tanong niya sa mga ito. 
"Sino ka ba para mambasag  ng computer ng hindi sayo!?" sigaw ng isang babae sa kaniya.  Tiningnan niya ito na nakataas  ang kilay. 
"Oh.. Your asking me,  who am I?" aniya sabay ngisi  dito.  "I am the new owner of this company.  So,  your all  fired. Whether you like it or not." Humarap agad siya sa kaniyang secretary at tumango. 
Lumapit ang secretary niya sa mga employees niya at kinuha  isa-isa ang mga I.D. ng mga ito.  Tsk.  Tapos na siya sa gawain  niya.  Hindi niya kailangan ang mga employees na tamad at hindi marunong  maglinis  ng department nila.
Nang matapos ang secretary niya sa pagkuha sa lahat ng mga I.D ng mga ito ay lumabas na din sila.  Sa isang department,  may fifteen or ten employees siya.. So ilan na ba lahat ang na-fired niya sa araw na ito?  She's tired already,  so she need to rest. 
Dahil sumasakit ang ulo niya dahil na din sa mga employees niyang matigas  ang ulo.  Walang modo,  makalat,  at higit sa lahat ay mga flirt niyang employees.  Naiinis siya sa mga ganoon.  Hindi siya makapaniwala na nagpapa-sweldo siya ng mga taong gano'n sa company niya.
Habang palapit sila sa elevator.  Nakita nila mula sa malayo si Shino na nakaluhod pa din. Hawak ng dalawang kamay  nito ang tiyan  nito.  Mukhang  hindi pa ito kumakain. 
"Ma'am. Patawarin muna po si sir.  Yamamoto." ani ng secretary niya sa kaniya. 
Huminga  siya ng malalim.  Kailangan niyang patawarin ito dahil alam  naman niyang wala talagang kasalanan si Shino.  Ang babaeng bruhilda  ang may kasalanan ng lahat. Nang  makalapit na silang dalawa kay Shino ay umupo siya upang  magpantay silang dalawa. 
"Cherry blossom.  I didn't do it.  She kiss me and not the way around." anito sa kaniya na may nakakaawa na mga mata.  Nakikita din niya na nangingilid na ang mga luha ni Shino. 
Napangiti na lang siya.  Ngumiti  din si Shino sa kaniya at hindi na napigilan  ang mga luha.  "I'm sorry my cherry blossom.  I am really sorry.  I love you. You know that." anito. 
"I know.  You really do.  Get up and have some lunch." aniya.  "In just one second." aniya.  "Kung ayaw mong tumayo  ay ayos lang.  Break na tayo." At tumayo  agad siya at dumiretso sa elevator. 
Nang marinig  ni Shino ang  salitang  'break na tayo' ay agad siyang tumayo  at tumakbo patungo sa elevator. Kaya lang,  nakasakay na si Elaiza.  Akala  niya maaabutan niya pero huli na ang lahat.  Dahil sirado  na ang elevator.  "Ahh!!" sigaw niya.  Shit!  Paano na?  Anong gagawin  niya?  Break na ba sila?  Pinindot niya ang elevator na isa pero,  nasa  taas  pa ito.  Kaya agad siyang tumakbo patungo sa fire exit.  Doon siya dumaan  pababa.  Bakit ba kasi ang bilis  ni Elaiza? 
Argh!!  Gusto niyang sumigaw  dahil sa frustration pero,  hindi niya magawa.
Hinihingal si Shino habang pababa siya ng hagdan.  Dumiretso agad siya sa dati  niyang opisina.  Nagbabakasakali na nandoon si Elaiza.  Nang nasa tamang palapag  na si Shino ay agad siyang tumungo  sa opisina ni Elaiza. 
Hingal na hingal pa din siya. Nang makarating siya sa opisina ni Elaiza ay agad siyang pumasok.  Naabutan  niya si Elaiza kausap si Kisses ang secretary niya dati.  "Sige na. Bukas kailangan na-set na ang lahat.  Okay?" tumango si Kisses. 
Tumayo ito at agad na lumabas.  Naiwan  silang dalawa ni Elaiza.  "Cherry blossom." sambit niya kay Elaiza.
Tumingin si Elaiza sa kaniya pagkalabas ni Kisses.  Tinaasan  siya nito ng kilay.  "Break na tayo." ani ni Elaiza sa seryoso na boses. 
Tumulo  agad ang luha niya.   "No!  Your kidding right?" aniya at lumapit sa dalaga. Hindi niya matatanggap na mag break sila ni Elaiza.  Sa kaniya lang ang babae.  Sa kaniya lang.  Walang pwedeng magmay-ari dito kundi siya lang. 
Niyakap niya si Elaiza habang umiiyak siya.  "Cherry blossom.  Please.  Huwag mo naman gawin sa akin ito, please... Maawa  ka naman sa akin.  Please..  My cherry blossom.." aniya. 
Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa nobya niya at agad na lumuhod.  Hawak pa din niya ang kamay nito.  Nakatingin lang si Elaiza sa kaniya na walang emotions na nakikita.  Hindi ito ang Elaiza niya. Hindi niya makita  dito ang mga mata na puno  ng pagmamahal.  Dahil sa mga nakikita niya mas lalo siyang naiiyak. 
Hinalikan niya ang kamay ni Elaiza habang umiiyak pa din.  "Please... maawa ka naman sa akin.  Please... Huwag mong gawin sa akin ito.. Mahal na Mahal kita.. Alam mo 'yan." humihikbi pa din siya..
Binitawan niya ang mga kamay ni Elaiza pero, niyakap naman niya  ang baywang nito. "Tahan na." anito. 
Tumango siya habang nakayakap siya kay Elaiza sa baywang.  Tumingin siya kay Elaiza at naramdaman niyang pinunasan ni Elaiza ang mga luha niya.. "Huwag ka ng umiyak. I'm just acting." anito at ngumiti sa kaniya. 
Hinalikan siya ni Elaiza sa labi. Agad naman siyang tumugon dito.  Tumayo silang dalawa ni Elaiza habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. God!  He miss Elaiza's lips.  Hindi niya kayang palitan  ang babaeng mahal niya iba. 
Dahil si Elaiza ay para lang sa kaniya. Kahit sino hindi kayang palitan ang babaeng mahal na mahal niya.
Habang naghahalikan sila ni Elaiza ay may biglang pumasok. "Ahm.." ani ng isang boses na pamilyar sa kanila.  Kaya tumigil sila sa paghahalikan at tumingin sa bagong dating. "So,  ganito ang ginagawa ninyong dalawa habang office hours?" tanong ni Edzel sa kanila. 
Nagtagis agad ang bagang niya. Pakialamero.  Bakit ba nangingialam ito sa kanila ni Elaiza?  Wala naman silang pakialam dito.  "Best.. Napadalaw  ka yata?" tanong ni Elaiza dito.  Niyakap niya mula sa likuran si Elaiza upang ipakita kay Edzel na sa kaniya lang ang dalaga.  "Maupo  ka muna." ani ng nobya niya kay Edzel.  Mas lalong nag-init ang ulo niya ng kinalas ni Elaiza ang pagkakayakap niya at tinungo ang upuan at umupo do'n.  Tumingin si Elaiza sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
Anong kasalanan niya at bakit siya ginaganito  ng nobya?  "Kumain kana do'n.  Mamaya na tayo mag-usap.  May pag-uusapan lang kami ni best." anito at hinarap na nito si Edzel.  Nang tingnan niya si Edzel may nanunuyang mga ngiti sa labi nito. 
"Ayoko!  Dito lang ako!" aniya. 
Sinamaan siya ng tingin ni Elaiza.  "Out!  May pag-uusapan nga kami diba?" anito. 
Wala siyang magawa kaya lumabas na lang siya ng opisina nito. Bagsak ang balikat niya habang lumalabas ng opisina nito.  Nakita niya si Edzel na
kinawayan  pa siya habang lumalabas.  Nagpipigil lang siyang suntukin ito.  Kung hindi dahil sa nobya niya. Nako!  Baka sinapak na niya ito..
Nang  makalabas si Shino.  Agad niyang hinarap ang best friend niya.  "So,  how's everything?" tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang isa pa niyang kompaniya niya sa Pilipinas.  Ang isang company niya na ang namamahala  ay ang best friend niya.
"Everything is alright. Nag-surprise visit din ako kanina.  Isa pa,  wala namang  naging problema sa kompaniya natin.  How about you?"
Tinanong  pa talaga nito.  Sumasakit na nga ang ulo niya.  Aanhin niya ang mga pasaway na iyon?  Pero,  buo na ang pasiya niya. All of them are fired. Tsk.  "Kung alam mo lang." aniya. 
"Magkwento  kana." anito. 
Huminga siya ng malalim at nagsimulang  magkwento  dito. From the beginning to end.  Joke. Ang part lang na may mga tinanggal siya. Hindi niya pwedeng sabihin dito na may kahalikan si Shino kani-kanina lang dahil alam niyang magagalit ito at baka mauwi sa bugbugan. Marunong ng makipaglaban si Edzel.
Natuto  ito noong nasa Japan pa sila nakatira.  Pero,  hindi kagaya niya na halos sinalihan na lahat ng martial arts.  Marunong siyang makipaglaban pero,  minsan natatakot din siya lalo na kapag baril.  Ayaw niya kasi sa tunog no'n.  Si Caleb marunong din naman konti.  Kagaya ni Edzel,  pero,  kapag kalaban niya dalawa hindi siya nagseseryoso dahil alam niyang masakit ang kahihinatnan ng mga iyon.  Nakita na siya ni Caleb na makipaglaban at takot ito sa kaniya.  Ganoon din si Edzel,  pero,  ayaw niyang maging kalaban ang dalawa dahil alam niyang mananalo din siya. 
Hindi naman sa nagmamayabang siya.  Kaya lang,  takot lang sila Caleb at Edzel na saktan siya.  Ayaw na ayaw ng mga ito na nasasaktan siya.  Isa pa,  sa kanilang tatlo siya ang mas mabilis lalo na sa takbuhan at akyatan.
Isa pa,  lumalabas ang pagiging sadista niya kapag nagagalit na siya sa mga ito.  Ayon, bugbog ang dalawa.  Pero,  she tried to restrain herself but failed. 
Nalungkot tuloy siyang nakatingin dito.  Reminisce.  Hay.  Buhay.. Mabuti na lang wala ang gwapo niyang lawyer dito.  Nako!  Isa pa iyon.
"Kaya pala ganiyan ang mukha mo.  Ang haggard na din ng mukha mo best.  Sinakluban ng langit at lupa pero,  tama naman ang ginawa mo.  Mabuti na lang at hindi ganiyan ang mga employees natin sa Japan.  They knew how to respect you." tumango siya.  Napakurap-kurap din siya.  Mabuti na lang at nagsalita ito.  Nako!  Kung hindi.  Stock siya sa nakaraan.  Char. 
Tama nga naman ito.  Ang mga employees niya sa Japan ay hindi kagaya ng employees niya dito.  Tsk.  Mga walang modo. 
"Hindi ko nga alam kung ilan na ba ang napatanggal ko ngayong araw. Hindi pa ako tapos hah.  May mga department pa akong hindi nasurprise visit.  Nako!  Ano kayang mga kababalaghan ang nagaganap  din sa mga department na iyon?" aniya dito. 
"Hindi ko din alam.  Sana naman matino na ang mga iyon, best." anito.  Tumango siya at nananalangin na sana ganoon nga. Na sana ay matino na ang mga department na sunod bibisitahin niya.
Habang kumakain si Shino.  Si Elaiza ang nasa isip niya.  Iniisip niya kung anong ginagawa nito kasama ang best friend nito.  Naiinis siya dahil kasama nito ang best friend nito na dapat siya.  Siya dapat at naghahalikan sila ngayon sa kung saan. Puro kahalayan ang naiisip eh. 
Naiinis din siya dahil may mga employees na tumitingin sa kaniya na may laman.  Si Elaiza lang ang may karapatan na tingnan siya ng may laman.  Hindi naman sa nagmamayabang siya.  Gwapo naman talaga siya noon pa.  Kahit noong nag-aaral siya ng high school.  May mga babaeng nagpapadala sa kaniya ng sulat.  Hindi lang mga babae may mga bakla din.  Pero,  hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga iyon. 
Kahit minsan lang siya pumapasok sa school dahil sa letsing sakit niya na allergy.  Palaging bahay lang siya. Pero,  ngayon na sila na ni Elaiza at nag-aalala siya sa magiging anak nila.  Paano kung may allergy din ito kagaya niya?  Hindi ito magiging masaya dahil hindi ito makakalabas ng bahay at makakapaglaro sa mga kaklase nito.  Mabuti na lang at high-tech na ang mundo.  May mga injection na at gamot upang kahit papaano ay mawala saglit ang allergy sa katawan. 
Sa dami ba naman kasi na allergy na dumapo sa kaniya.  Ang dust allergy pa.  Mabuti sana kung bahing  lang makukuha niya.  Kaya lang,  nangangati din ang katawan niya at bumabahing siya.  Pagkatapos niyang kumain ay uminom agad siya ng gamot niya.  Alam na.  Gamot sa allergy niya. 
Kailangan na niyang bumalik sa opisina ng mahal niyang si Elaiza dahil kung hindi ay nako!  Lalong umiinit ang kaniyang  ulo.  Ayaw na ayaw niyang may lalaking lumalapit sa mahal niya na hindi siya.  Kung may lalaki man na lalapit dito eh,  ang mga relatives lang nito at hindi ang ibang tao.
Nang makabalik si Shino.  Ganoon pa din ang naabutan niya.  Nag-uusap ang dalawa.  "Ang tagal naman na umalis." parinig niya kay Edzel. 
"Shino!" sigaw ng cherry blossom niya. Lumingon si Elaiza kay Edzel at ngumiti.  "Sige na best.  Mamaya ulit. Ikaw na bahala sa meeting para sa sabado." tumango naman si Edzel at ngumiti dito. 
Walang pwedeng ngumiti sa girlfriend niya kundi siya lang.  "Umalis kana." bugaw niya dito. 
Tumingin ito sa kaniya ng diretso.  "Wow. Kung makapagsalita, akala mo sa kaniya ang opisina na ito." anito naman sa kaniya. 
"Sa girlfriend ko ang opisina na'to.  Di'ba dapat umalis kana." aniya. 
"Boyfriend ka lang." anito naman sa kaniya. Habang tumatagal si Edzel sa opisina niya.  Mas lalong umiinit ang ulo niya. 
Naramdaman ni Elaiza na baka magsuntukan pa ang dalawa kaya tumayo na siya.  Alam niyang walang kaya ang boyfriend niya kapag si Edzel na ang magalit.  Panigurado bugbog ito kay Edzel. Kilala niya ang best friend niya at kilala din siya nito.  Bago pa humatong sa away ay pumagitna na siya. 
"Tama na 'yan!" sigaw niya sa dalawa.  "Kapag kayo hindi tumigil.  Makakatikim kayo ng suntok at sipa galing sa akin.  Gusto niyo?" banta niya sa mga ito. 
Tumalikod na si Edzel at agad na umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Napailing na lang siya.  Tiningnan niya si Shino.  "Are you happy now?" tanong niya dito. 
"Naiinis kasi ako kapag tumitingin ang taong iyon sa iyo.  Ako lang ang may karapatan na tumingin sayo.  Kung pwede lang na  ikulong kita para hindi ka makita ng iba.  Ginawa ko na,  kaya lang ayaw ko naman na gawin sayo iyon dahil alam kung magagalit ka.  Isa pa,  hindi ka naman hayop upang ikulong ko eh. Mahal na Mahal kita alam mo iyan." anito at hinawakan ang kamay niya. 
"Mahal na Mahal din kita." sagot niya.  Nakita niyang namula ang mukha ni Shino.  Natawa tuloy siya "huwag kiligin." aniya at mas lalo tuloy namula ang pisngi nito.  Kaya mas lalo tuloy siyang bumunghalit ng tawa. 
Ang lalaking Mahal na Mahal niya ay namumula ang pisngi.  Kaya natutuwa siya kapag nangyayari iyon kay Shino.  Makita niya lang ang mukha nito na nakangiti sa kaniya araw-araw ay masaya na siya. Makita niya lang na namumula ito ng dahil sa kaniya tuwang-tuwa na siya. Complete na ang buhay niya.  Lalo na at kasama niya ang mga mahal niya sa buhay.  Hindi niya ipagpapalit sa kahit anong material na bagay ang isang kompletong pamilya at ang kasiyahan niya na kasama niya ang mga ito.  Hindi iyon mababayaran ng salapi.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata