CHAPTER 41

Nang makalabas silang dalawa ng sasakyan ay agad silang pumasok ng building. "Wahhh!! Kawaii! Kawaii!! Kawaii!! Shiro-kun!" sigawan ng mga babaeng empleyada niya.
Napailing na lang siya. Ganiyan naman talaga palagi eh. Kapag pumupunta si Shiro sa kompanya niya ganiyan ang reaction ng iba. Hinawakan niya ang kamay ng pamangkin at dumiretso sila sa elevator. Pinindot niya ang floor kung saan naroon ang opisina niya.
Bago magsara ang pinto ng elevator. Nakita ni Elaiza ang ibang empleyada niyang nakatingin sa pamangkin at kumikislap ang mga mata ng mga ito. Hay ewan. Pero, ang pamangkin niya? Ayon. Feel na feel ang atensiyon. Kumakaway pa siya sa mga ito.
Kaya nang magsara ang pinto. Ayon. Nakasimangot na. "Why are you like that?" tanong niya dito.
Tumingin ito sa kaniya na may inosenteng mga mata. "What?" tanong nito. Napatikom na lang siya ng bibig. Nagkamot naman sa ulo ang pamangkin at agad nagpacute sa kaniya. Kaya ang ginawa niya. Pinanggigilan niya ang pisngi nito sa kurot. "Aray!" sigaw nito. "You're so bad, auntie."
"Kailan pa ako naging bad, baby?"
"Imao."(now)
" hala! hindi ako, bad." aniya na may inosenteng tingin. Tiningnan lang siya nito. Like father like son. Tsk. Nang bumukas ang elevator. Hudyat na nasa floor na sila ng opisina niya. Kaya lumabas na sila at agad na tinungo ang secretary's desk.
"Ma'am." sambit ng secretary niya.
"May mga documents ba akong dapat basahin?" tanong niya.
"Yes, Ma'am. Nasa desk niyo na po sa opisina. Nakahanay na po ang mga iyon." anito. Tumango lang siya.
Naglakad na siya pero, napahinto siya ng tinawag siya ng secretary niya. Napalingon siya dito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Welcome back." anito at ngumiti. Yumuko din ito ng konti.
"Arigato." aniya. Ang pamangkin niya. Kumalas sa pagkakahawak niya at agad na tumakbo patungo sa opisina niya. Siya naman ay napailing na lang dito.
Nakalimutan niyang tawagan ang mga magulang pati ang yaya nito. Panigurado. Nag-aalala na ang mga iyon dito. Hay nako!
Samantala.
Si Shino nasa likod bahay na at naghahanap sa pamangkin ng nobya. Nakita niya ang isang maid na parang naghahanap din. Kinakabahan na din siya. Isang oras na din ang lumipas nang magsimula siyang maghanap. "Shiro-sama. Where are you?" sambit nito. "Shiro! Your mom said, you need to study!" sambit pa din nito.
Mas lalo tuloy siyang kinakabahan. "Shino-sama." sambit nito sa kaniya. Lumunok siya ng laway at huminga ng malalim. "Did you see him?" tanong nito sa kanya.
Paano niya ba sasagotin na hinahanap din niya ang bata?
"Shiro!" sambit ng isang boses.
Napatingin siya doon. Lumaki ang mata niya dahil si Harold na mismo ang nakita niya. Ang kaba niya dumoble pa. Lumingon si Harold sa kaniya. "Nakita mo ba si Shiro?" umiling siya. "Saan na naman kaya iyon nagpunta?" sabay hingang malalim.
"Hinahanap ko nga siya eh." aniya. Napalingon naman ang dalawa sa kaniya. "We're playing hide and seek." aniya sa mga ito.
Tumango lang si Harold. "Tara. Hanapin natin. Tingnan din natin ang CCTV." anito sa kaniya.
"May CCTV kayo?" tanong niya sa mga ito.
Tumango naman si Harold at ngumiti. Bakit hindi niya alam? Nang pinalibot niya ang mata niya sa paligid nakakita siya ng CCTV sa may garden at banda mismo sa kinatatayuan nila.
Hindi siya mapakali kapag may nangyari dito. Paano na lang kung lumabas ito ng bahay? Pero, hindi naman ito palalabasin ng guard diba?
Tinungo nila ang hagdan patungo sa isang kwarto. Nadaan nila ang kwarto ni Elaiza. Pupunta sana siya kaya lang inakbayan siya ni Harold. Nakasunod lang din sa kanila ang maid or yaya yata ng bata. Pansin din niya medyo maputla na ito.
Kinakabahan din siguro ito kapag may nangyari dito. Napangiti na lang siya ng mapait. Nang makapasok sila sa isang kwarto na medyo madilim. Nakita niya na may isang malaking flat screen TV.
Harold turn on the light. Siya naman ay nasa umupo sa isang sofa. Naalala niya tuloy ang kwarto sa bahay nila sa Pilipinas. May CCTV din sila sa bahay nila. Namiss tuloy niya ang Pilipinas.
Next time isasama niya ang nobya sa bahay nila sa Pilipinas at ipapakilala na niya ito sa mga magulang niya. Naisip din niyang pakasalan na ito sa lalong madaling panahon. Dahil gusto na niyang magka-anak. Naisip lang niya ang nobya and his getting horny! Fuck!
Napailing na lang siya at agad na tumayo at tumalon-talon. Nagtatakang tumingin sa kanya si Harold at ang yaya ng bata. Ngumiti lang siya at agad na tumigil sa pagtalon. Umupo na lang siya ulit sa sofa.
Kasalanan talaga ito ng nobya niya! Nasaan na kaya iyon? He wanted to go to Elaiza's room but he restrained himself. Because he has a problem this time. He need to find the kid or else Elaiza getting mad at him. He will never allowed that to happened. If Elaiza getting mad at him, their relationship will end.
"Fuck! Fuck! Fuck!" narinig niyang sigaw ni Harold. Napatayo siya ulit at tumingin kaagad kay Harold na parang namumutla na.
"What happened?" tanong niya.
Nang tingnan niya ang maid. Ganoon din ito, namumutla din. "We need to find him!" sigaw nito. "He unplugged." sagot nito. Pinakita nito sa kanila ang saksakan ng TV.
"He did?" tumango ito.
"That Kid! He always giving me a headache. Spoiled Brat." anito. Huminga ito ng malalim. "Patay ako sa asawa ko nito." Parang nakita niya na may tumulo na luha dito.
Kahit siya nga eh, naiiyak na din. Dahil sinisisi niya ang sarili niya. Siya ang may kasalanan, kasi nakipaglaro siya sa bata. Paano kung may nangyari na dito? "Let's go." ani ni Harold. "We need to find him. Kapag nakita niyo ang asawa ko, huwag na huwag niyong sasabihin na nawawala si Shiro. Dahil lagot ako at hindi lang ako kundi kayong dalawa din." anito. Bakit pakiramdam niya banta iyon?
Binabantaan ba sila nito? Napatingin siya sa maid. Mas lalong namutla ito. Siya naman ay natatakot na at nanginginig ang mga tuhod.
Naunang lumabas si Harold at dali-daling tumakbo patungo sa kabilang kwarto. Pumasok din sila dito at hinanap ang bata. Pero, wala. "Hanapin niyo siya sa ibang kwarto. Baka nagtatago iyon doon." anito.
Tumango siya at sinunod ang sinabi nito. Kasama niya ang maid. Tinungo nila ang mga ibang kwarto at hinahanap ang bata. Pero, wala pa din.
****
Halos isang oras na silang naghahanap ay wala pa din silang makita. Nasa kwarto na sila ng nobya. Pumasok siya pero, wala ang girlfriend niya. Nasaan na kaya iyon?
Kung si Elaiza wala, at ang bata wala din. Hindi kaya ay dinukot sila? mababaliw na siya kapag hindi niya makita ang bata.
Samantala.
Habang nagbabasa si Elaiza ng weekly sales. Napatingin siya sa pamangkin niyang naka-upo sa sofa at naglalaro ng cellphone niya.
Tatawagan sana niya ang tao sa bahay nila kaya lang, hindi na natuloy. Dahil pagkadating palang nila ay agad na hiniram ng pamangkin ang cellphone niya at naglaro agad ito. Hindi naman siya nito ginugulo kaya ayos lang.
Biglang tumunog ang telephone na nasa kanan niya. Kaya agad niya itong sinagot. "Mr. Caleb Inuzuka is in the line 2, ma'am." bungad agad ng secretary niya.
"Okay." aniya at may pinindot sa telephone, para makonekta ang tawag. "Hello."
"Kanina pa ako tawag mg tawag sa phone mo. Pero, hindi ko makontak!" anito.
Napangiwi tuloy siya dahil sa sigaw ng nasa kabilang linya. "Pwede ba, huwag kang sumigaw!" sigaw din niya. "I am not a deaf for your information." aniya.
"Sorry."
"Oh. Napatawag ka, may nangyari ba? Kumusta kayo diyan? Si nanay, si Edzel? How are they? Are they fine?" nagpapanic na siya.
"Hey. Easy, okay. We're just fine here. Napatawag ako kasi, may sasabihin ako. Naproseso ko na ang mga documents para makalabas si Rin and tomorrow ang flight niya pabalik ng Pilipinas." anito.
"Really?"
"Yes..sige, mamaya ulit. May gagawin pa ako. Ingat ka diyan. okay?" anito.
"Opo. Sige na po. Bye po." aniya at binabaan na niya ng telephone si Caleb.
Grabe! Bukas makakabalik na siya ng Pilipinas. Todo ngiti pa siya. "Shiro. Come here, baby." tawag niya sa pamangkin na hanggang ngayon ay naglalaro pa din ng cellphone niya.
Napalingon naman ito sa kanya. "Bakit po, auntie?" tanong nito at inilapag ang cellphone niya sa sofa.
"Can I asked you something?" tumango ito at ngumiti. "Bakit hindi ako makontak ng Tito Caleb mo?" Yumuko lang ito. "Answer me. I want the truth."
"Kasi po, I press the airplane mode of your cellphone." sagot nito. Napatapik na lang siya sa kaniyang noo. Kaya naman pala hindi siya makontak nito. Eh, nawala ang signal at out of reach.
Magrereklamo na naman iyon dahil mahal daw ang bayad sa telephone. Long distance daw siya. Tsk. Grabe ang kuripot talaga ng Gwapo niyang lawyer. Aminado siya sa bagay na iyon.
"Are you mad at me, auntie?" tanong ni Shiro sa kaniya.. Hindi din ito lumapit sa kaniya. Nakatingin lang ito sa kaniya na may malungkot na mga mata. Umiling siya at ngumiti. Hindi naman kasi niya kayang magalit dito.
"Are you sure?" tanong nito.
"Come." kaway niya papalapit dito. Tumango ito at tumayo sa kinauupuan. Lumapit ito sa kaniya ng dahan-dahan. Siya naman ay tiningnan lang ito. Nang makalapit ito ng husto sa kaniya ay niyakap niya ito. "Nope. I will never get mad at you. Auntie love you, right?"
"Opo." anito at niyakap na din siya. Napangiti na lang tuloy siya. "I'm sorry po, auntie."
"It's okay. Baby." aniya. " go, play with my cellphone." aniya. Sabay kalas ng yakap sa pamangkin. Tiningnan niya ito sa mata. Magkapantay na sila dahil lumuhod siya sa harapan nito kanina saka niya niyakap. "Tomorrow will going to the Philippines." aniya na may ngiti sa labi.
Nakita din niyang nagningning ang mga mata nito. "Hontou ni?" (Really?) tumango siya. "Yes! Yes! Yes!" sigaw nito na may talon-talon pang kasama.
Napailing na lang siya at napapangiti sa nakikita. Mahal niya ito kaya, gagawin niya ang lahat. Maging masaya lang si Shiro. Bukod kasi sa pamangkin niya ito, para na din niya itong kapatid kung ituring. Wala kasi siyang kapatid.
Kaya masaya siya na may Best friend siya. Ang best friend niyang mahal niya noon at hindi na ngayon. Iba na kasi ang noon sa ngayon. Siguro nga may taong binebest friend at may taong boyfriend.
Sa kaso nila ngayon ay mukhang iyon nga ang nangyayari. Ang mahalaga naman ngayon ay mahal niya ang Best friend pero, bilang isang kapatid na lang. Hindi na kasi ito ang tinitibok ng puso niya.
"Auntie." sambit ni Shiro kay Elaiza. "Auntie!" sigaw na nito. Nagtataka kasi si Shiro kYung bakit nakaluhod pa din ang auntie niya. Nasa sofa siya nakatingin lang dito. "Auntie!" sigaw niya ng malakas.
"Ay! Kabayong Palaka!" sigaw ni Elaiza at natumba siya sa sahig. Humagalpak tuloy ng tawa si Shiro dahil sa nakita.
Dahil narinig ni Elaiza ang tawa ng pamangkin kay agad siyang bumangon at pinuntahan ang pamangkin niya.
Agad niya itong hiniga sa sofa at kiniliti. Tumawa ito ng malakas na malakas. Siya naman ay hindi din mapigilan ang tawa. "T-tama na!" sigaw ni Shiro.
Siya naman patuloy pa din. Tawa lang sila ng tawa..Ilang segundo din ay huminto na si Elaiza sa pagkiliti kay Shiro. Habol nila pareho ang hininga.
"Ayaw ko na." ani Shiro. "Ang bad mo auntie." anito pero, may ngisi sa labi. Humiga siya sa tabi nito. Niyakap niya ang pamangkin at ipinikit ang mga maga na may ngiti sa labi.
"Sleep lang tayo, baby." aniya.
"Okay po." anito. Tiningnan niya ito at nakita niyang pinikit na din ni Shiro ang mga mata. Kaya siya naman ay bumalik sa pagkakahiga at pinikit pabalik ang mata.
Malaki kasi ang sofa ng opisina niya. Hindi pa nga niya natatawagan ang bahay, matutulog na naman siya. Bahala na nga...
Nasa labas na sila ng bahay wala pa din silang nakitang kahit anino man lang ni Shiro. Takot na takot na siya. Hindi din niya makontak si Elaiza. Nag-aalala din siya dito. Pati ang ibang maid ay tinanong na din nila pero wala din itong naisagot sa kanila dahil wala din daw itong mga alam.
Huminga siya ng malalim. Nasa tabi lang niya si Harold. Napaupo na ito sa may Bermuda. Siya naman ay tumabi. He tap his palm on Harold's shoulder. "We will find him." aniya dito.
"Yeah. We should or else we will pay. May pagka- OA pa naman ang asawa ko." anito.
Ayan na naman ang banta. Mabait naman ang asawa nito ng tingnan niya ang mukha. Iyon pala, may pagka- war freak pala ito. Tumayo tuloy ang balahibo niya sa batok.
Nasaan na ba ang batang iyon? Hindi ba nito alam na nag-aalala ito sa kaniya. "Paano kaya kung tanungin natin ang guard?" Mungkahi niya.
Tumango ito at tumayo. "Let's go." anito.
Tumayo na din siya at agad nilang tinungo ang guardhouse. Nang makita nila ang guard ay agad nila itong tinanong. "Did you saw, Shiro?" tanong nito sa guard.
"No. I haven't Harold-sama." sagot nito.
"Fuck!" sigaw ni Harold. "Shiro! Where are you?!" sigaw ni Harold. "Don't do this to me Shiro.. please. I'm begging you. Your mother will get mad at me if something bad happened to you." anito sa mahinang boses.
May luha na tumulo dito. Harold is crying. Agad siyang lumapit dito at agad na niyakap ito. "Don't worry, we will find him." napatingin siya sa guard. "Did you saw Elaiza?" tanong niya dito.
Tumango ito. "Yes. Sir. I saw her, using her car." anito. "But Shiro-sama is not with her." anito.
"Okay. Thank you." aniya at agad na inakbayan si Harold at tinungo nila ang mansion. Wala silang magagawa kundi sabihin na sa asawa nito na nawawala na ang anak nito at sa nobya niya.
Sigurado siyang magagalit ang nobya niya sa kaniya. Pero, tatanggapin niya dahil kasalanan niya naman eh. Kailangan niyang harapin ang galit ng nobya.
Nang makapasok sila sa bahay. May narinig silang mga nabasag na mga gamit. Ito na ba ang katapusan naming dalawa ni Harold? tanong niya sa isip.
Kung ito na po, please kahit pakisabi sa mga mahal ko sa buhay na mahal na mahal ko sila. Lalo na sa pamilya ko at sa girlfriend ko. aniya sa isip.
Kinakabahan na talaga siya. Iyong kaba niya na doble naging triple na ngayon. Paano ba naman kasi, si Harold nanginginig na din? "Honey!" tawag nito sa asawa na nandiyan pala harap na nila.
Binabasag nito ang mga base na nasa gilid. Magagalit kaya ang nobya niya kapag nalaman nito na basag na ang mga base? "Nasaan na ang anak ko hah!?" sigaw nitong tanong sa kanila. "Ikaw!?" sabay turo sa kaniya. "Ikaw! Ang huling kasama niya. Nasaan na siya!?"
Napalunok siya ng laway. Nanginginig na din siya. Ano ba ang sasabihin niya dito? Huminga siya ng malalim. "H-hindi ko po.. Alam." sagot niya sa nanginginig na boses.
"Tinanong kita kanina! Kung okay lang. Sabi mo. Oo!" anito. "Tapos, ngayon! Malalaman ko na nawawala na ang anak ko! Napaka- iresponsable mo naman!" sigaw nito.
Napayuko tuloy siya sa tinuran nito sa kaniya. "Ikaw naman Harold ka! Isa ka pa! Sinabi ko sa'yo na, sunduin mo na iyong anak mo. Dahil kailangan na mag-aral! Anong ginawa mo? May yakap-yakap ka pang nalalaman!" sigaw nito sa kasama niya.
"Isa ka pa! Dapat binantayan mo ang alaga mo! Hindi iyong Facebook ka lang ng Facebook! Lintik!" sigaw nito. Sigurado siyang ang yaya ng bata ang tinutukoy nito. "Kapag may nangyari sa anak ko! Malalagot ka. Kaya magbalot kana!" sigaw nito tapos, binasag na naman ang isang base.
Narinig niyang naglakad ito palayo. Parang nakahinga siya ng maluwag. Itinaas na niya ang kaniyang mukha at narinig niyang umiyak ang maid. Pinapatahan nga ito ng mga kasama na maid din.
May yumayakap din dito. Nasaan na ba ang makulit na iyon? Kapag nakita niya talaga iyon itatali niya. Ang problema baka lumabas ito ng village. Pagkatapos, kinuha sa labas? 'Tapos, hihingi ng ransom iyong mga dumukot dito.
Kapag nagka- ganoon nga. Ede, wala na. Patay na silang dalawa ni Harold. Hindi sa mga dumukot sa bata kundi sa nanay nito. War freak talaga ito. Hindi niya akalain na ang maganda nitong mukha ay iba pala ang ugali kapag galit.
Mabait kasi ang mukha nito. "Are you okay?" tanong ni Harold sa kaniya.
"Yeah. Basta kailangan natin na hanapin si Shiro. Dahil kung hindi, may part two and so on ang pambabasag ng mga gamit ng asawa ko. Kawawa naman iyong mga base." anito.
Naawa pa talaga ito sa base? Sa sarili hindi? Siya nga halos atakihin na sa sobrang kaba. Base pa ang inintindi nito. Sarap kutusan nito eh. Itatapon ko talaga ito sa ilog pasig. Aniya ng isip niya.

Komento sa Aklat (63)

  • avatar
    Jenelyn Trinidad

    Nice novel i enjoy it from the start

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Dela Cruzian

    jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Hazel Sinsay

    Havee a nice read!

    22/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata