Homepage/My Japanese Boss/
CHAPTER 35
"Hoy! Kanina pa ako tawag ng tawag hindi kita makontak!" sigaw ni Elaiza sa kabilang linya.
Nasa bahay na sila dahil na- discharge na ang pamangkin niyang si Shiro. "Sorry. My cherry blossom." hingi ng tawad ni Shino sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Nako! Shino hah. Kapag nalaman kong may babae ka. Lagot ka talaga sa akin. Gugulpihin kita hanggang sa hindi kana makilala pa!" aniya.
"Sorry na. Naiwan kasi ang cellphone ko sa bahay tapos, low bat na low bat talaga. Pasensiya na po. Hindi na mauulit." anito.
"Tsk. Alam mo bang nag-alala ako sayo dito? Tenext kita walang reply. Tinawagan hindi makontak. Nako naman!"
"Patawad na. May kasalanan ka din sa akin ah. Bakit ako lahat ang may kasalanan? Diba dapat nagpaalam ka sa akin ng personal? Pero, nalaman ko na lang nandiyan kana sa Japan? Dapat sinama mo ako." anito.
"Heh! Biglaan nga eh. Ang tagal mo naman kasi, nagpunta ako diyan kanina sa opisina wala ka pa." anito.
"Maaga na kaya ako. Alas nuwebe."
"Eh. Alas nuwebe ang alis namin." aniya dito. Nasa kama na siya at magpapahinga na sana siya kaya lang, tinawagan niya ang kaniyang boyfriend.
"Sorry na."
"Sorry din." aniya. "Nga pala, kumain kana ba?" tanong niya dito.
"Opo. Ikaw?"
"Kumain na. Ang gamot mo? Ininom mo na?"
"Opo. Miss nurse ko." anito. Napangiti na lang siya sa tinawag sa kaniya. Siya kasi palagi ang nagpapaalala dito na kailangan nitong uminom ng gamot.
Mahirap na, nangangati na naman ito. Nag-aalala nga siya dito kapag hindi ito nakakainom ng gamot sa oras. Simula ng naging sila, hindi naman sila nag-aaway na dalawa. Nagkakatampuhan lang ng konti.
Dahil mataas ang pride niya minsan. Si Shino na ang humihingi ng tawad kahit siya ang may kasalanan. Gusto din ni Shino dahil nakakayakap at nakakahalik ito sa kaniya. "So, mamaya ulit kita tatawagan, okay?" aniya dito. She need to rest, baka mabaliw na siya dito sa kilig.
"Opo. Mahal ko. Ingat ka diyan, okay? Huwag papalipas ng gutom. Mamimiss kita ng sobra." anito.
"Mamimiss din kita."
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay binabaan na niya si Shino ng cellphone. Ang mahalaga sa kaniya ay makausap ito ng kahit saglit lamang. Marinig lamang ang boses ng kaniyang boyfriend. Parang, buo na araw niya.
Humiga siya sa kama niya. Tumingin sa kisame. Nang may biglang kumatok. Kaya bumangon siya at binuksan ang kumakatok.
Nang mabuksan na niya, nakita niya ang pinsan na si Harry. "Hi. Couz. Pwede bang pumasok?" tanong nito sa kaniya. Tumango siya at binuksan ng malaki ang pinto ng kwarto niya.
Dumiretso ito sa kama niya at umupo. "How are you?" tanong nito sa kaniya.
"Okay lang. Ikaw?" tanong niya din pabalik.
Sinara niya ang pinto ng kwarto niya. Wala namang malisya iyon, dahil magpinsan silang dalawa. "So, how's the Philippines?"
"Still Philippines." sagot niya. "Why? You want to go there?" tumango ito. "Really? But, how about your company?" paano kung sumama nga sa kaniya ito? Paano ang kompanya nito? Sino ang magma-manage?
"Don't worry about that. Nandiyan naman si Kambal eh." anito. "Isa pa, si kuya Han at si daddy."
Tumango na lang siya. Naiinggit tuloy siya sa pinsan niya. May katulong ito sa negosyo. Samantalang siya, nag-iisa. Pero, ayos lang naman iyon sa kaniya dahil tinuturuan naman siya kung paano patakbuhin ng maayos ang kompanya niya.
She need to rest pero, mukhang hindi pwede. "So, sasama ka sa akin pag-uwi ko ng Pilipinas?" tanong niya. "Sama natin si Shiro." aniya na may malapad na ngiti.
Sigurado siyang magkakasundo ang dalawa. Si Jinggo at si Shiro. Umiling ito. "Why?"
"May klase siya. Remember?" tumango siya. Bagsak ang balikat ni Elaiza sa narinig. Bakit niya ba iyon nakalimutan? May klase nga pala ang pamangkin niya. "Don't worry, kapag bakasiyon bibisita kami do'n. Nga pala, kailan babalik si auntie?" tanong nito.
"Si nanay, ewan ko. Marami pa iyong gagawin sa Pilipinas eh. I know her, bibisitahin niya pa ang puntod ni tatay at pupunta siya sa Parke at bibisitahin ang mga pari pati na ang mga bata na nandoon." aniya dito.
"Yeah. She always saying she miss the Philippines. That's why, I wanted to go there. Gusto ko rin na magtanim ng palay. Planting rice is never fun song while planting. How was that?" anito na may malaking ngiti sa labi.
Napailing na lang si Elaiza sa mga naiisip ng pinsan niya. Kung kalokohan lang ang pag-uusapan. Alam na niya may kaparehas siya. Akala pa naman niya wala siyang kaparehas eh. Iyon pala, nagtatago sa katauhan ng pinsan niyang si Harry Hanazono.
Kapag nalaman na naman ito ng tita niya. Lagot na naman sila. Hay. "Oo. Ang ganda ng idea mo. Saan mo nakuha iyon?" tanong niya.
"Sa ilalim ng utak ko." sagot naman nito.
"May hukay ba diyan? Patingin nga." aniya. Palapit na sana siya kaya lang agad itong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto niya. "Anong nangyari do'n?" tanong niya sa sarili.
Tumakbo siya palabas din at hinabol ang pinsan pababa ng hagdan. "Humanda ka sa akin!" sigaw niya.
"Hey! Dahan-dahan nga kayong dalawa!" sigaw ni Hanrich sa kanilang dalawa nina Elaiza at Harry.
Lumingon si Elaiza sa pinsan niya. Kumaway lang siya at hinabol na naman si Harry. Hindi naman nakinig si Elaiza kaya nang huminto si Harry ay nagbangga niya ang likod ni Harry at parehas silang dalawa na natumba. "Aray!" sigaw niya.
"Shit!" Sigaw naman ni Harry. Dahil malapit lang sila sa isa't-isa kaya agad siyang bumangon at kinurot - kurot ang pinsan sa tagiliran.
"Iyang bunganga mo. Marinig ka ni Shiro." aniya habang kinurot - kurot ang tagiliran nito.
"Aray! Aray! Aray!" sigaw naman ng pinsan niya sabay iwas sa mga kurot niya. Nang tumayo siya ay tumayo na din si Harry at nginitian lang siya ng pagkatamis-tamis. "Sorry couz. Natumba ka pa tuloy."
"Ayos lang. Ganiyan ka naman palagi eh. So, gala kaya tayo?" aniya. Kaya lang, ang kompanya ng pinsan niya. "Mabuti pa, pumunta na lang tayo sa company. Bibisitahin ko lang ang secretary ko. May ipapagawa din akong mga important documents." aniya.
"Okay. So, bihis lang ako. Sama natin sina Rhea Aquino at si Shimon." anito.
Tumango na lang siya at ngumiti. Magkasabay silang umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ng isa't-isa. Inakbayan pa nga siya ng pinsan niya at sinamahan sa may pinto ng kwarto niya.
Nang buksan niya ay kumalas na ito at tinungo na din ang kwarto nito. Siya naman ay narinig ang cellphone na tumutunog. Kaya agad siyang pumunta sa kama niya at dali-daling sinagot ang tawag.
"Hello."
"Best. May nabalitaan ako." ani ng best friend niya sa kabilang linya.
"Ano 'yon?"
"Nandiyan daw sa Japan si Rin." sagot nito. Agad naman sumeryoso ang mukha niya sa narinig mula dito. "Mukhang sinundan ka niya diyan. Mag-iingat ka diyan best." Paalala nito. "Huwag kang lumabas na ikaw lang mag-isa. May pagkatuso pa naman daw ang babaeng iyon." anito.
"Akala ko ba nasa Pilipinas siya?" tanong niya. "Wow. May pera siya papunta dito? Gold digger nga pala ang babaeng iyon. Subukan niya lang, Lintik lang ang walang ganti. Sisiguraduhin kong doble ang mararanasan niya." aniya dito na may sinusupil na ngiti sa labi na nakakatakot.
"Best. You scared the hell out of me!" anito at tumawa ng malakas. Pero, siya hindi natatawa ngumisi lang nga parang demonyita. Tumaas din ang isa niyang kilay.
"Are you scared of me, now?" tanong niya dito.
"Nope. Why would I scared of you? Your my best friend. Kilala kita from head to toe." sagot nito. "Tapos, love din kita. Sige na. Bye na best, binalita ko lang sayo ang update tungkol kay Rin."
"Okay. Bye. Ingat ka din diyan. Basahin mo ng maayos iyan hah. I know you can handle my company while I am not there." aniya. "Sige. Bye na din. Ingat kayo. Si nanay hah. Bantayan niyo din." Paalala niya.
"Opo. Bye." tapos, narinig niyang binabaan na siya nito. Kaya inilapag na din niya ang kaniyang cellphone sa side table.
Magbibihis na sana siya ng kaniyang damit ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Rhea na parang hinahabol . Mabuti at babae ang pumasok. Anong nangyari dito? "Sorry." anito. "I have bad news and good news to you. Ano ang gusto mong unahin ko?" tanong nito sa kaniya.
"Bad news." sagot niya.
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. "Ang bad news ay, nabundol si Shikaya ng sasakyan at nasa hospital ito." anito na may malungkot na boses. "Ang good news naman. Nahuli na nila si Rin."
"Wait. Nabundol si Shikaya ng sasakyan?" tumango siya. "Sino may kagagawan?"
"Rin. Si Rin din ang may kasalanan kung bakit nabundol si Shikaya." anito. Parang naestatwa si Elaiza sa narinig. Hindi niya maproseso sa utak niya. Kaya agad siyang nagbihis ng damit.
"Let's go." aniya at nauna ng lumabas ng kwarto niya. Dali-daling siyang bumaba. Kasunod niya si Rhea. Imbis na ang plano nila ay pumunta sa opisina para bumisita do'n at may ipapagawa siya sa kaniyang secretary pero, mukhang hindi na matutuloy.
"You two!" napalingon silang dalawa sa pinanggagalingan ng boses at sabay hinto. "Where do you think your going?" tanong ni Hanrich sa kanila.
"In jail. We need to go there." sagot naman ni Rhea.
"And hospital too." aniya.
"Sino ang nasa hospital?" tanong ni Hanrich.
"Shikaya Yamamoto. The famous model in the Philippines. I knew you know her, right?" tanong niya.
Namumutla ito sa narinig. "S-sama ako." tumango lang siya at agad na naglakad ulit patungo sa garahe ng bahay nila.
Kasunod nila ang pinsan niya. Pero, nang ilang segundo ay mas bumilis pa ang lakad nito at agad na tinungo ang sasakyan. Nauna pa nga itong sumakay sa kaniya. Kaya siya naman ay sumakay at nag seatbelt agad.
"Okay na ba?" tanong niya.
"Okay na." sagot ni Rhea na nasa passenger seat.
Nagbusina ang pinsan niya at agad na binuksan ang gate ng mga guards nila. Dahan-dahan na pinalabas ng pinsan niya ang sasakyan at nang makalabas ito ng gate ay binilisan pa nito ang pagmamaneho.
Nanalangin siya na na sana walang mangyari na masama sa kanila. Dahil mukhang sila na naman ang mapupunta sa hospital. Mabuti kung aabot pa sila ng hospital. Sa bilis eh, baka diretso na sila sa purenarya.
Nang tingnan niya ang passenger seat. Parang hindi kinakabahan si Rhea, parang ayos lang sa dalaga ang lahat na mabilis ang pagmamaneho ng pinsan niya. Siya eh, halos tawagin na niya ang lahat ng santo dahil sa kaba na nararamdaman.
Sana makaabot talaga sila sa hospital. Nako! Baka sa kulungan ang bagsak nila dahil sa super speeding. At hindi nga siya nagkakamali dahil, may humahabol na sa kanilang pulis. Ayaw pa niyang makulong, marami pa siyang mga bagay na dapat gawin sa araw na ito.
Pero, dahil mas mabilis ang pagmamaneho ng pinsan niya. Hindi na sila naabutan ng pulis na humahabol sa kanila. Nakarating sila ng hospital na walang galos at bukol sa noo. Nang makalabas siya ng sasakyan, nahilo siya kaya inalalayan siya ni Rhea Aquino.
Nakahinga din siya ng malalim.
Nang makapasok sila sa hospital kung saan naka- confined si Shikaya. Nakita niya do'n si Shimon na nakakuyom ang mga kamay nito at alam niyang nagpipigil ito ng galit. Nang makita sila ni Shimon ngumiti ito sa kanila. Lumapit siya dito.
Bigla na lang siya nitong niyakap. "Cute girl." bigla din itong sumingot-singot. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya? Nasa labas sila ng kwarto ni Shikaya. Kumusta na kaya iyon?
Niyakap na lang din niya ito. Mabuti na lang wala si Shino dahil kung hindi, nako! Baka suntok aabutin ni Shimon sa boyfriend niya. "Don't worry, she'll be fine, soon." aniya dito.
"Cute girl. Nag-iisa na babae lang si ate Shikaya sa amin. Kahit iba ang ugali niya. Kahit may kasalanan siya sayo nandito ka pa din para dalawin siya. Thank you, cute girl. Pero, hindi ko alam na kaya iyong gawin ni Rin sa kaniya. Alam kong galit si Rin sa amin dahil na din siguro sa, ginawa ni Shikaya sa kaniya. Kasalanan din naman niya iyon ah." anito habang sumisingot.
"Kailangan niyang magbayad Shimon." aniya.
"Tama ka diyan, cute girl. Kaya nagsisisi ako kung bakit nasaktan kita. Kung bakit pinagsalitaan kita ng mga masasakit na salita. Kung bakit nagawa ko sayo ang mga iyon. Napatawad mo rin ako. Sorry talaga, cute girl. I'm really, really sorry for what I did to you." anito at alam niyang basang-basa na ang damit niya sa likod. Pero, wala siyang pakialam.
Kumalas siya dito at umupo sila sa bench na nandoon sa harap ng pinto ng kwarto ni Shikaya. Hinahagod niya ang likod nito. Kanina siya ang umiiyak at si Shimon ang humahagod sa likod niya. Ngayon naman siya na ang humahagod sa likod nito. Ganoon daw talaga.
Ang tunay na kaibigan nandiyan sa oras na may problema ang mga ito. Nagdadamayan kumbaga.
Isa pa, kahit isang buwan lang siyang nagtrabaho sa opisina nila noon. Napalapit na din sa kaniya si Shimon. Tinuring na din niya itong kaibigan kahit hindi niya alam kung tinuring din ba siya nito na kaibigan. Pero, mukhang tinuring naman siguro siya.
Naalala niya dati kung paano mag-agawan ang mga ito sa kaniya. Kaya masaya siya ngayon na maayos na sila. Kaya noong time na iyon palaging kunot ang noo ng boyfriend niya dahil sa mga kapatid nito. Palaging hindi maipinta ang mukha nito kapag dumadating si Shikaya at Shimon sa building.
Palagi din siyang bugbog sarado sa mga ito. Not literally. Hinahawakan kasi ni Shino ang kanan niyang kamay or ang braso niya sa kanan tapos si Shikaya naman or si Shimon sa kaliwa. Minsan sa kanan naman ito and vice versa.
Kaya ang mga braso at balikat niya. Hindi pagod sa trabaho kundi napagod siya sa kakaawat sa dalawa kung paano na titigil dahil sa sakit ng katawan niya pati kamay at braso niya pa.
Minsan naisip niya, hatiin na lang kaya nila ang katawan niya. Paano ba naman kasi, sa tuwing umuuwi siya ng bahay ay may mga pasa siya sa braso. Nahihigpitan kasi ng hawak ng mga ito.
Hindi napansin ni Elaiza na nakangiti siyang nakatingin kay Shimon. "Cute girl." sambit nito sa kaniya. "Cute girl." ulit nito. Napailing tuloy siya ng mahimasmasan. Nang tumingin siya pabalik dito. Nakita niyang kumunot ang noo nito. "What happened? Why are you smiling?"
Umiling siya. Ayaw niyang sagotin ang tanong nito. Nang tingnan niya ang pinto ng kwarto ni Shikaya, bumukas ito at lumabas si Hanrich na may namumuong luha sa mata.
Kaya dahan-dahan siyang tumayo at pati na din si Shimon. "Gising na siya." balita nito sa kanila. Tumango siya at dahan-dahan silang naglakad papasok sa kwarto. Pero, bago pa siya makapasok ay pinigilan na ni Hanrich ang braso niya.
Napalingon siya dito na may pagtatakang mata. "What happened?" tanong niya. Niyakap lang siya nito. Hinahagod na lang niya ang likod nito. Mukhang may susunod kay Shimon na umiyak sa balikat niya.
"I still love her." anito.
"Sino? Si Shikaya?" hindi naman sumagot ang pinsan niya pero, mukhang tama nga siya. "Alam ba niyang mahal mo pa siya?"
"Yes. Because I said it." anito.
Kumalas siya kay Hanrich at tiningnan ang mga mata nitong mapupula na. Napailing na lang siya. Magpipinsan nga sila. Iyakin sila pareho. Ang kapatid din na si Harold at Harry ganoon din.
Harry? Patay! si Harry nga pala! Giniya niya ang pinsan niya sa may bench at pina-upo ito. Kailangan niyang tawagan so Harry. Baka nag-aalala na iyon sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Hinahanap ang ang number nito at nang makita niya agad niyang pinindot ang call. Inilapit niya ito sa tenga niya. Nang sagotin ng nasa kabilang linya. "Nasaan ka!?" sigaw nito.
Napangiwi tuloy siya sabay layo ng konti ng cellphone sa tenga niya. Ilang segundo ibinalik niya agad. "Sorry." aniya.
"Where are you couz? Alam mo ba na hinahanap kita? Alam mo ba na pati mga katulong natin ay nagpatulong ako? Diba sabi mo pupunta tayong opisina? Alam mo bang nag-aalala na ako sayo? Hay." sabay hingang nitong malalim sa kabilang linya.
"Sorry kuya. We're here in the hospital. Sorry kasi nakalimutan kong mag text sayo. Sorry talaga. Don't worry, kasama ko naman si Kuya Hanrich at Rhea eh. Tapos, kapag hanapin ako ni Shiro, sabihin mo na lang na nasa hospital. May binisita lang kaming kaibigan." aniya dito.
"Okay. Ingat kayo diyan. Sige na. Paalam na. Bye. Love you, couz."
"Love you too, kuya. Bye din po. Ingat din po kayo. Sabihin niyo na lang po kina lolo at Lola na lumabas lang ako saglit tapos balik din ako before dinner." aniya.
"Okay, got it." sabay baba ng phone narinig na lang kasi niyang beep na lang. Umupo siya sa bench at nilagay niya ulit sa bulsa ang cellphone.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (63)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice novel i enjoy it from the start
19/04/2022
0jwwocbwofhwiwbafoqnfidhejfjhjjsjsjdsjsjsjfhmkirmiynutyennrjsfgafsfhndhngshnn,nh🤞😌💗🫶🤞🥺🤞😐🍼🤞🍼😐👍🤞🥺😄🎂🎂🥺😄🚫😄🍼🚫😘🍼😘🍼🙏😘🙏🍼🚫🍼😘🚫😥👌👉👉👉gryfguguuguvvugitdivixtutut fig if gi Fi first fic kick give fig if I hkkhvl hl have j okiaboabxoqbxkwbxkwbxbgfbbfhssjajndbdwzknfakvbvskdokdkfkdkdmdmdmd ok oh k black kg ohh🫶fixutdkjrzzjrsktdoddoyditdoydoydoydoydykukymmrkdtiykrkduldulfjljfjf kgldxv 👉👉👉👌👌👌👌👌👌👌👌👌👈👈🙏🤳✍️🖕👆🙇💁🙏✍️🙏✍️🙏✍️🙏🖕🙏✍️🙏✍️🙏🙏🖕🖕🙏🖕🤳🤳🙏🙏🖕
11/08/2024
0Havee a nice read!
22/07/2024
0Tingnan Lahat