chapter 39

Pagdating ng alas diyes, umalis na ako sa bahay at pumunta sa pinuntahan ni Lucy kanina. The Winchester's Demon House.
I arrived 15 minutes later dahil medyo malayo-layo rin siya mula sa Demon House ko, but it's near the High school and senior high buildings na ngayon ko lang din nalaman kahit hindi naman ito ang first time na nakapunta ako rito.
Their entrance door is wide open, pero hindi ko magawang pumasok. The house is really big. If yung sa'min ay mala-mansion yung laki, eto naman, halos kasing-laki ng palasyo!! Though I was exaggerating a little bit, I am telling the truth if I'll tell you that it's really a lot bigger than ours.
"Hey. If you're planning to just stand there all day, I wouldn't mind."
Agad akong napalingon sa lalaking nakasandal sa may pintuan.
"Kama-este Chester, san na si Mash?" Tanong ko sa kaniya, hindi pinansin ang sinabi niya.
"Why won't you call me Kamatayan now?"
Nalukot ang mukha ko at sinulyapan ang kanina pang nakatitig na mga lalaki sa loob. I don't know the faces of most of them kaya hindi ko magawang sawayin sila. They looked away when our eyes met, though.
Bumuntong-hininga nalang ako. "Trip ko lang ngayon. Ano na? Ibibigay mo ba o hindi?" Tinaasan ko na siya ng kilay.
"Come here, he's in our center garden." Sabi niya at pumasok sa loob.
Huh?? Gusto niya bang ako yung kumuha mismo?!
Jusmeee! Hindi naman ata trap to na ginawa ni Kamatayan, diba? Hindi naman siguro ganun kalaki ang galit niya sakin para ipa-ambush ako ng mga housemates niya. Taga-dito naman si Felix at si King. Baka naman isa sa kanila ay nandito lang sa bahay.
Yes. Oo. Pwede. Stay positive lang. Hooh! Kaya mo---
"Aray!" Napaatras ako sa impact ng pagkabangga ko sa likod ni Kamatayan nang bigla siyang huminto.
In the end, I decided to follow him inside until he abruptly stopped kaya nabangga ako sa kaniya.
"Tatanga-tanga." Bulong niya na rinig na rinig ko naman! "Nandito na tayo. Don't sleep while walking, stupid."
Ahh ganon?
Pinatid ko muna ang binti niya bago binuksan ang glass door nila papuntang garden.
He looked mad when I glanced at him. "Did you just fvcking disres---"
"Oh my gosh! Mash!!"
Dali-dali akong lumabas at tinakbo ang distansya namin ng kunehong mataba. Nataranta naman si Mash sa biglang pagsigaw ko na tahimik lang sanang kumakain ng damo at tumakbo papalayo sa'kin.
"Mash! Di mo na ako kilala?!! Ako 'to, yung pinaglaban ka kahit gutom na gutom na!" Biro ko at hinabol-habol si Mash na tumatakbo paikot ng center garden nila. "Sige, kung di ka titigil, iihawin kita!" Panakot ko pa na para namang naintindihan niya dahil bigla siyang huminto.
Agad ko din siyang kinuha at kinarga tsaka hinimas-himas ang malambot niyang balahibo. The little ash-colored rabbit started sniffing my hand holding him.
Hehehehehehehe!
"So cute!"
"I know."
Napalingon ako kay Kamatayan na nanonood lang pala sa'min. Hindi ko alam kung sa'kin ba siya nakatingin o kay Mash.
"Are you done? You can put him down now." Sabi niya at nilapitan kami.
Iniwasan ko ang kamay niyang sinubukang kunin si Mash sa'kin. "Hep, hep, hep, hep! It's our day now, right? So chupi! Di ka namin kailangan dito."
His eyebrows furrowed. "What? I was the one who fed him and raised him for weeks!"
"So? Pumayag kang kami muna ni Mash ngayon. Wala kang magagawa." Taas-noo kong binangga ang balikat niya at nilagpasan siya. Ipapasyal ko siya sa palasyo.
Agad naman niyang hinabol kami. "I never said that you get to be alone with him. Who knows what you will do to him." Sabi niya sabay hila sa braso ko para lumiko kami pakaliwa nang dederetso sana ako sa hallway.
"Anong 'never said'?! Pumayag ka hoy!Tsaka, wow ha? Sino ba sa'ting dalawa ang kumakain ng rabbit?" Taas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Me---Turn east---I mean, right." Sagot niya sabay sabi ng direksyon nang makita naming may dalawang daanan.
Lumiko ako pakanan at inirapan siya sa naging sagot niya. Tapos makikipag-away pa talaga siya sa'kin??? Tsk!
Ilang segundo lang ang nakalipas at nakalabas na kami.
That house is unreasonably big. I didn't even encounter a single person there besides us.
"Anyways, sa palasyo lang kami----"
"CHESTER LACOSTE!!"
Gulat akong napalingon nang may biglang sumigaw. 
Butiki?!! Este! Evalyn???
Galit na galit si Evalyn na nagmartsa papalapit sa'min. She even glared at me before she looked straight into Chester. She looked like she was about to..... cry?
Before we knew it, we heard a huge, hard and loud slap. It didn't land on me!!
Lumingon ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata nang makitang si Kamatayan ang sinampal niya!! What the hell is happening?!!
"HOW. DARE. YOU!!" Diin na sigaw niya at pinahid ang luha niyang pumatak.
"Evalyn," sambit ni Chester pero hindi na diya nagsalita matapos nun kaya nagsalita ulit si Evalyn.
"I've waited! I freaking waited for you for fvcking 12 hours in that room! Without sleep and without eating!" Sumbat niya bigla.
What? Anong pinagsasabi neto? LQ? Eh hindi naman na sila magjowa, diba?
Aalis na sana ako kasi ayokong masali sa away nila nang lumingon siya sa'kin.
"You! You're the reason, right?!"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Ako? Eh hindi ko nga alam kung nong pinagsasabi mo." Inis na sabi ko sa kaniya.
"You didn't know?" She scoffed. "You freaking witch!" Sigaw niya at akmang hihilahin ang buhok ko nang napigilan siya ni Kamatayan.
Good! Cause I can't fight that crazy girl with Mash on me.
"Wag kang mandamay ng iba. If you're angry, let's go somewhere else and talk--" mahinahong sabi ni Chester na pinutol naman kaagad ni Evalyn.
"Talk? TALK?! So now, you want us to talk when I just wanna fvcking kill you?! That bitch is the reason why you ditched me yesterday, right?"
Ako na naman.
"Stop making things up. I never said that I'll come."
"Yes! Because ang sabi mo, hindi ka makakarating sa eksaktong oras! In time! So, of course! I would fvcking wait for you even if you'll be late for fvcking 5 hours! But 12 hours?! You're the worst." Sabi ni Evalyn at humikbi.
Hala? Umiyak? Kawawa naman. So sad. 
Tsk. Inikot ko ang mga mata ko.
Anyways, gusto ko nang makuha yung quality time namin ni Mash!
"Evalyn!"
Sumeryoso ang mukha ko nang malingunan si Finral.
Oh shit. I didn't bring my gun!
Wala sa sarili akong napaatras nang nakalapit na siya sa'min na napansin naman ni Kamatayan. He moved a little forward kaya naman medyo natatakpan na ako mula kay Finral.
I don't know why but, I'm still uncomfortable with him. Hindi naman sa kailangan kong maging komportable sa kaniya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot pag nasa harap ko siya.
"What? Did Chester do something again?" Tanong niya. He didn't look mad, but he didn't look happy either.
"It's none of your business!" Sabi ni Evalyn tsaka pinahid ang luha niya. Tumigil na rin siya kakaiyak. "Chester, just tell me why you didn't come last night and," she grabbed Chester's hand. "You'll accompany me today to compensate for what you did last night."

Komento sa Aklat (502)

  • avatar
    Safiroo Sumagka

    amzing

    14/09

      0
  • avatar
    MartinezElma

    Ang Ganda ng kwento sulit hangang chapter 39 binasa ko ng buo

    23/08

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    2026 na wala parin season 2 😭 pls pa update po

    11/08

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo