chapter 38

Gill's PoV
"Did you already blow?" Tanong na naman niya.
"Hindi pa." Iling ko.
He also held the cake. "Let's wish together. Baka iwish mo na bawiin yung wish ko kapag nauna ako." Sabi niya kaya nginiwian ko siya.
"Ano tayo, bata? Che! Sige na, sabay na tayo."
He smiled. "Happy 18th birthday. Pwede ka na makulong."
Matagal ko nang naexperience makulong, tanga!
Pero imbis na sinabi ko iyon. Ngumiti lang ako. "Happy birthday din sa'yo."
Pagkasabi na pagkasabi ko niyon ay sabay na nga namin hinipan yung kandila kasabay ng paghiling ko.
I was watching the smoke fades when I realized something.
"Teka, paano mo nalaman yung edad ko?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Never ko naman atang pinaalam sa kaniya kung ilang taon na ako! Sinabi ba ni Felix?
Tsaka hindi rin siya nagulat nung nalaman niyang magkabirthday kami!
He tilted his head while licking his finger because he tried to taste the icing of the cake.
"Huh? What do you mean?" Painosenteng tanong pa niya!
Saan ba niya pwede malaman yung birthday ko? Hindi naman chismoso si Felix kaya medyo imposibleng galing yun sa kaniya!
Sa mga confidential files ko lang naman pinaglalagay----wait. Confidential files??
Hindi kaya nalaman niya yun noong nag-aayos kami ng mga files sa meeting room noon?
Napalingon ako kay Kamatayan nang bigla siyang tumayo at umalis habang ngisi-ngisi ang gago.
"Punyeta. Doon talaga ata." Bulong ko habang pinanood ko siyang lumakad palayo at huminto tsaka lumingon din sa'kin.
"What? Do you want me to carry you? Tayo na, ihahatid kita." Sabi niya habang nakangisi pa rin.
Bumuntong-hininga nalang ako at sumunod na nga sa kaniya pagkatapos kong pinasok ulit yung cake sa box. I sighed again when my heart beats fast again as I watch Kamatayan wait for me to catch him up.
Abnormal. Pareho yung puso ko tsaka siya.
THE next day, maaga akong nagising kaya napag-isipan ko munang magjogging na lang muna since matagal-tagal na rin nung huli akong nagtrain sa cardio ko. I run with Ate Ynarra, our Commander slash squad leader, and Lucy, Heaven's sister. They usually jog around this time kaya sumama na ako sa kanila.
"Gill, how's the council?" Biglang tanong ni Ate Ynarra nang naglalakad nalang kami pauwi.
"Council? Okay lang naman. The situation is the same as usual. Kaniya-kaniyang buhay hangga't walang utos mula kay King." Sagot ko sa kaniya kaya bigla akong napaisip.
Speaking of King, simula kagabi, hindi na siya ulit nagparamdam sa'kin. I understand though kahit hindi ko naman talaga naiintindihan kung ano-ano ang ginagawa niya bilang hari dito. Until now, I still don't get why Zack decided to be the one ruling this school. 
"Is he not around?"
Umiling ako kay Ate Ynarra. "Sinundo siya ni Sekiah kagabi. May importanteng dadaluhan ata sila."
"Aahhh... Kaya pala." Biglang napatango-tango si Lucy.
"Kaya pala???"
Ngumisi si Lucy at nakakaloko akong tinignan. "Kaya pala, maaliwalas ang mukha niya ngayon noong madaanan ko siya kaninang madaling-araw."
"Sinong siya? Tsaka saan ka pumunta kaninang madaling araw?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Alas-singko na din kasi kaming nagsimulang magjogging. Kanina pa pala gising ang batang 'to?
"Yeah. I don't remember giving you some tasks to do that early nor did I give you permission to go out." Naningkit ang mga mata ni Ate Ynarra habang nakatingin kay Lucy.
Napakamot siya sa ulo niya nang wala siyang maisagot. Ate Ynarra's super strict to Lucy since siya ang pinakabata sa bahay. Sa tuwing lalabas siya sa bahay ng lagpas alas 8 hanggang alas 5 sa umaga, kakailanganin niyang magpaalam muna kay Ate Ynarra o sa ate niyang si Heaven.
"She said, she had something to do daw in the Winchester's," biglang sabat ni Heaven nang marinig ang usapan namin sa may entrance ng bahay. "By the way, Ate Hena didn't cook breakfast. Kaniya-kaniya muna daw tayo ngayon." Dagdag ni Heaven tsaka ngumuso at pumunta sa kusina.
Winchester's? Kamatayan's Demon House? Napataas ang kilay ko.
"Anong ginawa mo doon?" Tanong ni Ate Ynarra at hinarap si Lucy. "Don't tell me may boyfriend ka na don???"
Sabay nanlaki ang mga mata namin ni Lucy. Ramdam ko pa ang biglang panlalamig ng mga kamay ko.
Teka!! Mali! Ba't pati ako ninerbyos?!!
"No!! I mean----technically, he's not my boyfriend but.... uhm," nauutal na paliwanag ni Lucy at hindi mapakaling umupo sa sofa. Sinundan naman siya ni Ate Ynarra kaya napasunod na rin ako.
I was sitting next to her kaya kitang-kita ko kung paano siya namutla ng konti at namawis. She's even fidgeting, a guilty and nervous human-being reaction.
Nang hindi nagsalita ulit si Lucy, Ate Ynarra impatiently guessed, "You two were not in-relationship, but kinda acting like you were in-relationship. Is that it?" Lucy nodded, so Ate Ynarra asked boldly, "So, you two had sex?"
"What? No! Minor pa ako, Ate!" Tanggi kaagad ni Lucy.
"You mean, if you aren't a minor right now, you probably did it with that guy already??" Tanong ni Heaven na sumali rin sa usapan matapos magtimpla ng kape.
"What?!---Wha-what's wrong with you?! We haven't even kissed yet! Pano kami aabot sa bagay na yan?? Gosh! I'll go upstairs and wash up. I have classes this morning." Lucy grumpily walked out and went upstairs while we were left there watching her storms out.
Napailing-iling nalang si Ate Ynarra at uminom ng kape na dala ni Heaven para sa'min. "Too sweet for me, but thank you very much."
Heaven sat down beside me and snuggled my side. "Naunahan ako ng kapatid kong magkaboyfriend, Gill!!" Pamumukmok ni Hevs.
"Hindi pa nga boyfriend, diba?" Inikutan ko siya ng mga mata.
"By the way, don't you think you should limit her in going to the Winchester House? Aren't you worried? Because I am. After all, lalaki silang lahat doon at mahihirap pa kontrolin." Suhestiyon ni Ate Ynarra at pinasadahan ako ng tingin.
Agreeing with her, I nodded.
Heaven sighs. "I knoooooww. But, Chester is there, you know? Besides, you know my situation with Lucy." Heaven murmured the last sentence. Natahimik kaming dalawa ni Ate Ynarra.
In Heaven's vocabulary, the word privacy didn't exist. Well, for herself. Lahat kasi kinukwento niya. Kaya naman pati sa pagiging ampon ni Lucy sa pamilya nila, nalaman din namin. Lucy knows about this kaya distant talaga ang turingan ng magkapatid.

Komento sa Aklat (502)

  • avatar
    Safiroo Sumagka

    amzing

    14/09

      0
  • avatar
    MartinezElma

    Ang Ganda ng kwento sulit hangang chapter 39 binasa ko ng buo

    23/08

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    2026 na wala parin season 2 😭 pls pa update po

    11/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata