Homepage/DEMON UNIVERSITY/
chapter 35
Gill's PoV
"Guys, guys, guys... Chill lang tayo, okay? Gan'to nalang. Magprepretend nalang ako na hindi ko nagets yung sinabi ni Mandy, okay na?" suggest ko. Akala ko namang okay lang yung suggestion ko dahil natahimik sila pero biglang may pumitik sa noo ko.
"Really, Gill? Ang ganda naman ng plano mong yan." sarkastikong ani ni Hevs.
"Sorry! Birthday ko naman 'to so...."
"Okay, let's stop this. Ipagpatuloy nalang natin yung plinano natin kanina. Hindi pa din naman niya alam kung anong nag-aantay sa kaniya, diba?" sabi naman ni Mandy at napabuntong-hininga pa. "I can already see why what I just did was wrong. Let's go to the pool of snakes---"
I felt my knees fell weak as I also felt my face grow pale when I heard her last sentence. "Mandy, that is not a good joke. Don't you dare!"
Mandy and Heaven just laugh and didn't say anything while dragging me somewhere I don't know. Hindi pa nakakatulong ang pagiging bobo ko sa daan!
Mabilis ang tibok ng puso ko habang may inaakyat na hagdan. Where the hell are we?!!
Bigla kaming huminto pero bago pa man makagalaw ang dalawa ay inabot ko ang bawat damit nila. "I swear, I won't let you two off easily if there are any kinds of snakes here!"
Narinig kong may tumawa. "Don't worry. Wala si Evalyn dito." sabi ni Heaven.
"Who's Evalyn? Is she the girl in your section na palaging kasama ng pinsan mo?" tanong ni Mands na ang tinutukoy ay si Chester.
Ah, so alam na pala ng lahat na kamag-anak niya yung butiki. Para namang pader din 'tong si Kamatayan, hinahayaan lang na dumikit ang babaeng yun sa kaniya.
Don't get me wrong. Wala akong pakialam sa kanila, minsan lang.
"Yep, unfortunately. But, let's not talk about her! Let's get inside!" tuloy-tuloy na sabi ni Hevs at bago pa ako makareact, binuksan na nila yung pinto na nasa harapan ko kasabay ng pagluwag ng pagkakatali ng panyo.
The bright and colorful room greet my eyes as I opened them. Napakurap-kurap ako habang nag-aadjust ang paningin ko sa liwanag.
"HAPPY BIRTHDAY, GILL!!" biglang sigaw ng mga tao sa loob na saka ko palang napansin. May hawak na party poppers sina Evan at Tyler na pinasabog pagkabati nila.
Hindi ako makapaniwalang tinignan isa-isa ang mga tao sa loob.
I thought kami-kami lang tatlo!
Nandito sina Quin, Nicole tsaka si Lucy, yung kapatid ni Heaven. Nilapitan nila ako at isa-isang binati sabay beso at yakap.
"The others at the House can't come because they are busy this hour pero nagluto sila ng spaghetti para sayo kanina! Happy birthday!!" masiglang sabi ni Nicole "Don't worry, Ate Hena cooked them." dagdag pa niya na binulong pa niya.
Tumawa ako dahil binigyan talaga niya ako ng assurance na masarap talaga yung spaghetti na dala nila at siguradong hindi isang simpleng spaghetti lang yung dala niya.
"What are you still saying?" biglang singit ni Felix kay Nicole tsaka binalingan ako ng tingin. "Happy birthday. I'll give your gift on your next birthday."
Nginisihan ko siya. "Sure pero dapat yung mamahalin ha, para na rin macover mo yung mga namiss mong birthday parties ko, childhood friend." sabi ko at kinindatan siya.
Napailing-iling siya. "I didn't consider you as my friend back in the day." amin niya. "For the child me, you were just the friend of my brother."
"But I did." sabi ko naman na nagpatawa sa kaniya ng mahina.
"Wait, childhood friends kayo?" gulat na tanong sa'min ni Nicole. "What?!! How?"
"Stop being nosy and just eat your food." sabi naman ni Felix at tinulungan si Nic na isubo yung hawak-hawak niyang chips na siguradong galing kay Tyler.
Umalis sila sa harapan ko na kinukulit pa rin si Felix tungkol sa pagiging magkakilala namin noon.
Pagkaalis nila, siya namang paglapit ni Wendy hila-hila si Tyler. "GIRRRRLL HAPPY BIRTHDAY!! We have a gift for you. Ty, give her our gift."
May inilabas si Tyler sa bag niya na kahoy na kahon at ibinigay sa'kin. "Happy 18th." mahinang bati niya sa'kin.
Nginitian ko siya at tinignan yung box. "Ano 'to? Paano' to buksan?"
Biglang umakbay sa'kin si Evan. "Hawakan mo ng paganito ang box tapos pindutin mo yang button na yan." sabi niya na sinunod ko naman agad ng walang pagdadalawang-isip.
"Ay! Wait----"
Bago pa matapos ni Wendy ang sasabihin niya, bumukas na yung box kasabay ng pagsabog ng itlog at harina galing sa loob papunta sa mukha ko!
P*tang!na.
Gill's PoV
Rinig na rinig ko ang tawa ni Evan sa gilid ko habang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Oh my gosh! Gill, are you okay?! I totally forgot na kasama pala namin si Evan nung ginawa namin yan." sabi ni Wendy at kinuha sa'kin yung box para mapunasan ko ang mukha ko.
"I should've known nang siya pa mismo ang nagturo sa'kin." sabi ko habang ginagamit ang kamay ko sa pagtanggal ng harina na may itlog sa mata ko.
Pesteng Evan.
"Uyy, gago ka. Birthday na birthday, ginagago mo." rinig kong sabi pa ni Nicole kay Evan pero tumawa din naman!
"Don't just laugh. Give her a tissue or something." utos ni Quin.
Lumapit naman sa'kin si Lucy habang may dinudukot sa purse niya. "I have a spare handker---OH MY, KING!" gulat na napasigaw si Lucy habang nakatingin sa likod ko kasabay ng pananahimik nilang lahat.
Agad akong napalingon sa likod ko nang marealize kung sino ang dumating.
"What happened to your face?" nakakunot ang noong tanong ni King habang nakatitig sa mukha ko.
Nanlaki ang mga mata ko at natatarantang naghanap ng pampunas. Inilahad kaagad ni Lucy sa'kin ang panyo niya kaya yun ang ginamit ko.
"Sorry about that, may asungot lang talaga sa birthday ko." sabi ko sabay palihim na tinignan si Evan tsaka pinupunasan ang natitirang harina sa mukha ko.
Nakita kong nag-iwas siya ng tingin na parang wala siyang kinalaman sa nangyari. "Ah-hahaha! Uy, spaghetti oh. Kain tayo, hahaha..." awkward na tawa ni Evan at umalis.
"Jerk." rinig kong natatawang bulong ni Wendy at sinundan si Evan.
Sumunod din ang iba sa kanila, naiwan kami ni King na nakatayo sa pintuan ng meeting room ng palayso kung saan kami nanggugulo.
Pilit kong nginitian si King na nakatitig pa rin sa'kin hanggang ngayon habang nagpupunas pa rin. "Gusto mo din bang kumain ng spaghetti? Marami silang hinanda---"
Napatigil ako sa pagsasalita nang kinuha ni King ang panyo sa'kin at hinawakan ang baba ko. "You are not wiping them right." sabi niya at siya na nga mismo ang nagpunas. "Why did they do this to you?"
"Hindi mo alam? Parang tradisyon na ata ng mga tao sa Pinas na kapag may birthday, hinahamapas ng itlog yung taong birthday." explain ko sa kaniya. "At yun nga yung ginawa nila. It isn't really that big deal."
"Is that so?"
"Mn."
Tumigil siya sa pagpunas pero hindi pa rin niya ako binitawan. "Done. Wash your face after the party if you don't want to be hunt down by crows."
"Why?" naguguluhang tanong ko.
"Because you smell like eggs." sabi niya kaya hinampas ko ang kamay niya.
"Gago." mura ko pero tinawanan lang niya ako.
"Happy birthday. I am sorry for making you work on your day. How can I make it up to you?" sabi niya maya-maya.
Umiling ako. "Okay lang no! Kasalanan ko din naman ang lahat ng natamo ko ngayon."
"But---"
Natigil si King nang biglang may tumawag sa kaniya sa labas.
Paglingon namin, nakita namin si Sekiah na napatigil rin nang nakita kami. "Um.. Pardon me for interrupting you, but we need to go. My family is waiting for us." sabi niya.
Family? Waiting?
Nagtatanong kong tinignan si King.
"It's a long story." sabi niya. He pulled me in a hug. "Happy birthday. I always wish for your happiness." sabi niya bago sumama kay Sekiah paalis.
Hinatid ko sila ng tingin bago napangiti.
He never changed. Always wishes for my own happiness.
"Gill!!!! Anong ginagawa mo pa dyan sa labas?!! Tara, inom tayo!" sigaw ni Nic galing sa loob kaya pumasok na ako.
Napailing-iling ako nang makitang nagkakagulo na sila.
Nawala lang ako saglit, tignan mo na ang nangyari.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (502)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
amzing
28d
0Ang Ganda ng kwento sulit hangang chapter 39 binasa ko ng buo
23/08
02026 na wala parin season 2 😭 pls pa update po
11/08
0Tingnan Lahat