logo text

chapter 12 : LOST MEMORIES

Gill's PoV
........... "Les!"
Napalingon sakin ang isang batang lalaki nang tinawag ko siya. Nakangiti ko siyang nilapitan habang hawak-hawak sa likod ko yung gawa kong korona.
Dalawang taon ang agwat naming dalawa pero sobrang lapit namin sa isa't-isa. He is 9 years old while I am 7 years old.
"What is it? Magpapaturo ka na naman ba sa assignment mo?" tanong niya kaagad sakin nang makalapit ako.
"Nope." Iling ko sa kaniya. "Can you close your eyes for me?"
Nagtataka niya akong tinignan. "Why? Are you going to do something horrible to me again?" tanong niya at napaatras.
Napabungis-ngis ako at umiling. "Promise. Magugustuhan mo 'to. Dali na!!"
Nawawalan ng choice siyang pumikit. The small me tried to reach his head but failed so I asked him to bend a little, which he did.
I excitedly put my handmade crown in his head. "You can open your eyes now." sabi ko.
Iminulat niya yung mga mata niyang gustong-gusto ko. Dahil para iyong dagat sa ilalim ng asul na kalangitan.
Nagningning ang mga mata ko nang makita kung gaano kabagay sa kaniya magsuot ng isang korona.
"What is this?" tanong niya at hinawakan yung koronang isinuot ko sa kaniya. "A crown?" Napangiti siya nang sinabi kong gawa ko iyon.
He said that he will keep it as his remembrance of me. I looked away when I remembered that he will leave the town by tomorrow.
I'm im the verge of crying and I don't want him to see cry so, I run.
Tumakbo ako palayo sa kaniya pero hinabol niya ako. Lumabas ako ng gate ng school namin. He was shouting for my name. Pero hindi ako lumingon dahil umiiyak na ako.
Nakita ko si mommy sa kabilang gilid ng kalsada kaya diretsong tinawid ko iyon. She was smiling widely at me but her smile immediately fades when she saw me crossing the street.
A loud beeping of a truck echoed my ear as I saw my mother running towards me and hugged me tight while her one hand covered my head as if it was protecting me. She turned around and then I felt a strong force hit us from behind.
Nabangga kami ng malaking truck na paparating at tumilapon sa kung saan. The hand of my mom, protecting my head, was not enough to protect me from hurting my head. Umuntog yung ulo ko sa kalsada at napagulong-gulong.
My head and body was hurting but I still managed to open my eyes. Nakita ko si mommy, di kalayuan sakin, nakahandusay at walang malay habang may dugong lumalabas mula sa ulo niya...................
"Mommy!!!!"
Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko nang mapasigaw ako.
A dream?
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit iyon. Doon ko napansing may kung anong bagay ang nakaturok sa kamay ko. May bandage din ako sa ulo.
Napatingin ako sa paligid. Puti ang kulay ng mga dingding at amoy gamot din ang paligid.
Nasa hospital ako?
Inilibot ko ang paningin ko at nagulat nang makita si kamatayan na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin habang may hawak na libro sa mga kamay. Gulat na gulat siya at hindi pa sana makakabawi kung hindi lang nahulog yung librong hawak-hawak niya.
"Gising ka na?!" gulat na tanong niya sakin at napatayo pa.
"Ay hindi pa. Tulog pa ako, vice president. Nag-iimagine ka lang." sarkastikong sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Do you want to be unconcious again? Tas gagawin na nating habang buhay." sabi niya habang kinukuha ang librong nahulog niya.
"No, thanks." pilit ko siyang nginitian at aalis sana sa kama nang biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako ulit don.
Syet. Ang sakit.
"Ayan. Sagip-sagip pa. Napala mo." rinig ko pang sabi niya bago ako inabutan ng painkiller at tubig.
Tinignan ko ng masama si kamatayan bago ininom ang gamot. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa sofa sa gilid nang makainom ako.
"Ilang oras akong tulog?" tanong ko sa kaniya habang umaayos ng upo.
"Hindi lang oras tanga. Halos dalawang araw na." sabi niya na nakapagpanganga sakin. "Sarap mo na ngang tuluyan eh."
Ganun katagal?!
Pero teka nga! "Hoy kamatayan! Kanina ko pa napapansin yang pagiging masungit mo, ha. Nakakapang init ng ulo." inis na sabi ko sa kaniya.
Nung mga nagdaang araw naman, maayos lang yung pakikitungo niya sakin. Anong nakain neto at ang gago ngayon?
Nakita ko siyang tumayo at binuksan ang mini refrigerator ng kwarto. Nagtataka ko siyang pinanood na kumuha ng ice doon.
"Oh, pampalamig sa ulo mong nag-iinit." sabi niya at binato sakin ang medyo malaking yelo na nasa plastic pa!
Putangina!
Muntik ko na yung hindi nasalo kaya napipikon kong ibinato ko sa kaniya iyon pabalik at nakailag naman siya! Tsk!
Masama niya akong tinignan kaya masama ko rin siyang tinignan!!
Napangiti ako ng palihim nang may naisip na kalokohan.
"Ah!" sigaw ko kunwari at napahawak sa ulo ko. Namimilipit akong napahiga sa kama ko.
"Sh!t." narinig kong mura ni kamatayan at nilapitan ako.
Napangisi naman ako nang nadala siya sa acting ko. Kinuha ko kaagad yung water bottle sa side table at malakas na ipinukpok iyon sa ulo niya.
"Darn." sabi niya at hinawakan yung ulo niyang pinukpok ko. Nginisihan ko siya at ibinato sa kaniya yung bottle pero nasalo niya yon.
Nawala yung ngisi ko nang mas nilapitan niya ako. "Kulang na kulang yung tulog ko kakabantay sayo tas ito lang yung igagante mo sakin?" nanggagalaiting sabi niya at dinaganan ako!
Bwesit.
Hindi ako makagalaw ng maayos nang hinawakan niya yung mga kamay ko at pinipigilang gumalaw. Nang sinubukan ko siyang tuhurin ay mas dinaganan pa niya ako at inilagay pa sa ulunan ko yung mga kamay ko!! Naramdaman ko ang pagsakit ng hita ko nang natamaan ni Chester yung sugat ko ata. Sumakit pa yung ulo ko dahil sa inis na nararamdaman ko at parang sasabog na iyon. Pero parang wala siyang pake!!
Sarap patayin ni kamatayan. Legit.
"Bitawan mo nga ko! Ganito ka ba tumatrato ng pasyente ha?!" inis na tanong ko at matalim siyang tinignan.
"Ganito ka din ba tumatrato ng nagbabantay sayo ha?!" inis din na tanong niya at matalim din akong tinignan.
"Sinabi ko bang bantayan mo ko?!"
"Sinabi ko din bang magpapaka hero ka don at maging pasyente dito?!"
Aba't!
"Kasalanan ko bang gusto kong tumulong?!"
"Kasalanan ko din bang pinabantayan ka sakin, ha?! Magpasalamat ka nalang!" sigaw niya at may laway pang nadala!!! Peste.
"Edi salamat! Punyeta! Umalis ka nga jan!!" pasigaw na sabi ko at ginamit ang buong lakas ko para maitulak siya paalis sa ibabaw ko at ihulog sa kama.
"What the?!" sigaw niya nang mahuhulog na siya.
Ngingisi na sana ako nang nahawakan pa niya yung damit na suot ko at nadala ako sa pagkakahulog!! Gago talaga.
Ako na yung nasa ibabaw ni kamatayan habang siya naman yung nasa ilalim ko. Nagkapalit kami ng pwesto. Aalis na sana ako mula sa ibabaw niya kasi nagrereklamo na si kamatayan sa bigat ko at pinagbabantaan na niya ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto.
Napalingon kaagad kaming dalawa doon at nakita si Nicole na nakangangang nakatingin samin.
"Jusko!! Bold!!" sigaw niya at tinakpan pa ang mga mata niya.
BOLD?!! WTF!
Gill's PoV
Dali-dali akong umalis sa ibabaw ni kamatayan at tumayo. Tumayo na din si Chester at pinagpag yung damit niya.
Tinignan ko ng masama si kamatayan na walang reaksiyon namang umalis ng kwarto.
"Oh my God! Tapos na kayo?" tanong ni Nicole at sumilip.
"Oo----Ay, este! Anong tapos na? Walang nangyaring kababalaghan, gaga." sabi ko sa kaniya at bumalik sa kama ko.
Tinanggal na niya yung kamay niyang nakatakip sa mga mata niya. "Ay wala ba? Hehe."
Inikutan ko lang siya ng mga mata. Nilapitan niya ako at umupo sa gilid ng kama ko.
"Kanina ka pa nagising? Kamusta yung pakiramdam mo?" tanong niya.
"Okay lang ako. Medyo masakit lang yung ulo ko ngayon." sagot ko naman.
"Bakit may ice don?" nagtatakang tanong niya at itinuro yung yelo sa sahig malapit sa sofa na kinauupuan ni kamatayan kanina.
"Wag mo nang pansinin yan." sabi ko at napailing nalang. "Ah, by the way, kamusta si King? May natatandaan akong sinagip niya ako. Okay lang ba siya?" tanong ko nang maalala ang nangyari bago ako nawalan ng malay.
Ngumiti si Nic. "Don't worry. Ayos lang siya. 10 times na mas maayos sa kalagayan mo ngayon."
Nakahinga naman ako ng maluwag. What do you expect from the king nga naman diba?
"Mabuti naman. Eh yung babae, Nic? Yung teacher? Yung tutulungan ko sana." tanong ko ulit at napaayos ng upo. "Tsaka sina Heaven, Mandy at Quin? Nandon sila sa Auditorium nung gabing sumabog ang bomba, diba? Nakalabas ba sila?"
Tinignan ko ang mga mata ni Nic na ngayo'y naging matamlay.
"Si Teacher Emma....." mahinang sabi niya at tinignan din ako sa mga mata. "Hindi siya nakaligtas. Kasama siya sa walong taong namatay dahil sa pagsabog." sabi niya at ngumiti ng mapait. "Sayang siya. Ambait pa naman niya sakin." buntong-hiningang dagdag niya.
Nakatulala lang akong nakikinig sa kaniya. Di ko maimagine yubg mga sinapit nila.
"And for the girls," bumuntong hininga ulit siya at napailing-iling.
I paled.
She sobbed.
Nanikip yung dibdib ko.
"D-did they........ Did they d-die, too?" nanginig ang boses ko nang tinanong ko iyon.
Umiyak naman si Nicole at napiling-iling. "Gago sila!!!" umiiyak na sigaw niya. "Akala ko talaga nasama sila sa pagsabog!!!" sabi niya pa na nakapagpatigil sa pagtulo ng luha ko.
Watdapak?
"A-Ano?"
"Nung Thursday, todo takbo tayo nun papunta sa auditorium dahil nandun din sina Hevs diba?" tanong niya at tumango naman ako. "Tapos pagkarating natin don, ilang segundo nalang sasabog na yung bomba. Umiyak na ako nun kasi nabagok ka sa ulo tas di ko pa nakita sina Mands sa mga taong nakalabas ng buhay." pagkukwento niya at pinunasan yung luha niya. But I know na she's thankful.
"Humagulgol na ako nung sinabi ni Felix makalipas ng ilang minuto na may nakita silang tatlong babaeng sunog ang katawan. Hindi na makilala yung mukha." pagpapatuloy niya at huminga ng malalim. "Gill, gusto ko nang magwala ng mga oras na yun. Gusto ko nang sumigaw. Kaso putangna lang. Biglang dumating sina Hevs, Mands at Quin na nagtataka sa mga pangyayari. Tas naguluhan pa kung bakit bigla nalang may sumabog at lumindol! " tinignan niya ako na parang inis na inis dahil nasayang yung luha niya.
"Tapos lahat sila, puro mga walang sugat at ayos na ayos yung mga damit!" sabi niya at nanggigigil na sinabunutan yun buhok niya. "Iyak na iyak na ako nun kasi akala ko napano na sila. Tapos malalaman ko, ni wala silang alam sa mga nangyari!"
Napangiwi nalang ako.
Kahit ganon ang sinapit ni Nicole, masaya ako at buhay na buhay pa ang mga babaeng iyon. Tsaka ipagdadasal ko nalang yung kaluluwa ni Teacher Emma mamaya at ng ibang estudyante.
"Nasan nga pala sila?" tanong ko maya-maya.
Sasagot na sana si Nic nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.
"Waaaaahhh!!! Gill!!!" sigaw ni Hevs na siyang nagbukas ng pinto at tumakbo papalapit sakin para yakapin ako. Umiiyak siya kaya hinaplos ko nalang yung likod niya.
Gill's PoV
Napatingin ako sa iba pang pumasok at napangiti nang makita ang lahat ng Zullivans doon kasama na si Head. So bale, 14 silang dumating. Kaya naman sobrang ingay na ng kwarto ko ngayon.
"Ate Gill! Natutuwa ako at gising ka na." nakangiting sabi ni Lucy. Tumango din ang iba pa bilang pagsang-ayon.
"May dala nga pala kaming pagkain tsaka prutas dito para sayo." sabi ni Felise at inilapag ang mga dala sa coffee table sa harapan ng sofa.
"Kamusta ka, Gill?" tanong ni Yen. Isa din sa mga Zullivans.
"Okay lang ako." sabi ko at ngumiti.
"Aalis na din kami agad, Gill. Di kasi pwedeng marami kami dito sa kwarto mo, sabi ng nurse." sabi ni Jasmine na tinanguan din ng iba. May sariling circle of friends ang iba sa loob ng Demon House kaya di namin sila masyadong nakakasama. At isa na dun si Yen at Jasmine.
"Get well soon, Gill." sabi nila at isa-isang yumakap sakin.
"Ate Heaven, sasama ako sa kanilang umuwi." sabi ni Lucy kay Hevs.
"Sige. Ingat kayo." sabi naman ni Hevs at kumaway.
Nang makalabas ang iba, tsaka ako nilapitan ni Quin at Mandy na parehong umupo sa kabilang side ng kama ko na kinauupuan din ni Nicole.
"Hindi ba masakit yung ulo mo?" tanong ni Mandy.
"Medyo masakit din. Pero uminom naman na ako ng gamot kaya mawawala din ito maya-maya." sagot ko at sumandal sa headboard.
"You lost a lot of blood that night that maybe made you unconscious for two days. Are you really okay?" tanong ni Quin at pinaningkitan ako ng mga mata.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Bukod sa katawan at ulo kong medyo sumasakit, okay lang naman ako." sagot ko. "Ah oo nga pala. Sabi ni Nicole kanina, wala kayong sugat kahit isa nung gabing yun. Hindi naman kayo nasama sa mga nakatakbo palabas. Nasan ba talaga kayo nung nangyari yung pagsabog ng bomba?" nagtatakang tanong ko.
Bumuntong-hininga si Mandy. "Sumakit ang tiyan ko nung gabing iyon--thanks to the food that Heaven cooked." inikutan niya ng mga mata si Hevs na nagpeace-sign lang. "---Kaya lumabas kami para makatae ako. Walang CR sa auditorium at ang may pinakamalapit na cr naman ay nasa gymnasium na katapat lang ng auditorium." pagkukwento niya.
"So noong binabaan ako ng tawag ni Heaven ay dahil natatae ka na?" paglilinaw ko. Tumango naman si Mandy.
"We should be thankful to the food that Heaven cooked. Nailigtas niya tayo." natatawang sabi ni Quin.
"Oh diba!! Magluluto nalang ako palagi para palagi din tayo safe!!" hirit ni Hevs.
"Ayoko!! Hindi naman safe yung tiyan ko niyan!" iling na sabi ni Mandy.
"Ayaw ko din! Para hindi na din masayang yung luha ko next time." sabi ni Nic at umirap pa kaya natawa kaming lahat.
Natigil kami sa pag aasaran nang dumating ang isang doctor at sinabing kailangan niya akong icheck. Pinagalitan pa niya kami kasi hindi namin pinaalam sa kanila na nagising na ako. Pero in the end, ang sabi niya, okay na yung kalagayan ko at pwede na akong madischarge bukas ng umaga. Kailangan ko nalang magpahinga ngayon para mapadali yung paggaling ko.
Nang sumapit ang gabi, dumating naman sina Wendy, Evan at Tyler. I immediately shooed away Evan dahil baka aandar na naman ang pagkaloko niya at subukan na naman akong patayin. Hindi masyadong gumagana yung katawan ko ngayon kaya baka hindi ko mapigilan ang kalokohan niya. Kinamusta lang talaga ako ni Evan ngayon dahil pinapaalis ko na kaagad siya. Sinama niya sa pag alis si Tyler dahil may gagawin pa raw sila.
Sa buong gabi, si Wendy lang ang kasama ko hanggang sa mag umaga at madischarge ako.
"Kaninong sasakyan tong gamit mo? Pamilyar ah?" tanong ko kay Wendy nang umaandar na kami paalis ng hospital.
"Kay Chester." sagot niya. "Ninakaw ko." natatawang dagdag niya.
Napangiwi nalang ako nang maimagine ang magiging reaksiyon ni kamatayan kapag nalaman niya yung ginawa ni Wendy.
"Oh don't worry too much." sabi ni Wendy nang makita ang reaksiyon ko. "This car isn't his baby. Pulang Lamborghini yung paborito niya. Tinatago niya sa underground garage ng Demon House niya."
Hindi nalang ako nagsalita dahil di ko alam na marami palang sasakyan si kamatayan. Tas mukhang mahilig pa! Baby, baby amp.
"We're here." sabi ni Wendy.
Nagtataka ko siyang nilingon nang marealize na nasa palasyo kami ni King. "Bakit tayo nandito?"
"May meeting tayo kasama ng hari." sabi niya at lumabas na ng kotse nang makaparada.
Lumabas na din ako at tumabi sa kaniya sa paglalakad. "Bakit di sa palasyo ng University?"
"Para safe yung pag uusapan natin. May nakitang nakatago na dalawang hearing bug si Tyler kahapon sa loob ng palasyo. Natanggal na niya yun pero di pa din namin nasisiguradong wala ng iba." sabi niya at tumango nalang ako.
Inilibot ko agad yung paningin ko sa loob ng palasyo ng hari. Nagbabakasaling may makikitang makakasagot sa mga tanong na kanina pa hindi maalis sa isip ko simula nung magising ako.
Unfortunately, wala akong nakita doon.
Maybe, hindi siya yon.
Gill's PoV
Pumasok kami ni Wendy sa office ni King na napasukan ko na din noon. Nandito na ang lahat maliban kay King.
Ilang minuto na ng lumipas pero wala pa din si King kaya naman inutusan na ako ni Felix na hanapin siya. Agad akong umiling dahil baka imbis na mahanap ko siya, eh ako pa yung mawala. Pero pinapalayas na ako ni kamatayan don na ginatungan naman ni Evan kaya inis nalang akong tumayo at lumabas.
Lakad lang ako ng lakad habang pilit hinahanap si King sa bawat kwartong nadadaanan ko. Sumasakit na ang paa ko at palayo na ako ng palayo sa pinanggalingan ko.
"Last door na talaga to. Pag wala pa siya dito, babalik na ako." bulong ko at binuksan ang isang kulay kahoy na pinto sa dulo ng hallway.
Binuksan ko ang ilaw na nasa gilid lang ng pinto. Napahilamos ako sa mukha ko nang makitang wala nga doon si King.
"Bwes*t." mura ko at aalis na sana nang may nakitang bagay na nakakuha ng atensiyon ko.
A picture frame sa isang glass shelf katabi ng isang pamilyar na korona. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Biglang bumukas yung pinto at nakitang pumasok pa doon si King at napamura bago ako nawalan ng malay.
..................... Masaya akong naglalaro kasama ang mga kaibigan ko sa playground ng subbdivision namin.
"Oy ano ba!! Akin yan eh."
Napalingon ako kay Tristan, kaibigan ko, nang bigla siyang umiyak. Hawak-hawak ng isang lalaki yung red na toy car ni Tristan. Bata din siya katulad namin pero mukhang mas matanda lang siya ng ilang taon.
Nilapitan sila nina Hope at Troy, mga kaibigan ko rin. Nakatingin lang ako sa kanila kasi wala naman akong pakialam sa laruan ni Tristan. Mas gusto ko pa tong toy gun ko.
Nagulat ako nang bigla nalang din umiyak sina Hope. Hindi naman sila iyakin. Tsaka wala namang ginawa yung lalaki sa kanila. Tinignan lang nga sila nung lalaki. Kaya naman nilapitan ko na din sila at inalam kung bakit sila umiyak.
Hindi sila sumagot nang tanungin ko sila dahil iyak lang sila ng iyak kaya naman nilingon ko nalang yung lalaki na nakatingin na din pala sakin. Nagulat ako nang makitang iba yung mga mata niya samin. Kulay asul iyon at malalim kung tumingin.
Biglang tumalim ang tingin ng mga mata niya pero hindi ako natakot. Mas kita ko kasi yung sakit na nananalaytay sa mga iyon.
Sabi ni mommy, kung sad daw at galit yung tao, hindi mo dapat sinasabayan. Comfort and be there for that person instead. So, I smiled at him.
"Do you wanna play with me?" tanong ko sa kaniya.
Napatigil ang mga kaibigan ko sa pag-iyak. "Ayoko siyang kalaro, Gill. Nakakatakot siya." bulong ni Tristan sakin na tinanguan naman ni Troy. Walang kibo naman si Hope.
"Ako lang yung makikipaglaro sa kaniya. Laro nalang kayo don." sabi ko. Nagtataka namang tumango sila at umalis.
Nakangiti kong ibinaling yung tingin ko sa lalaki. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasama ba siya sakin at makipaglaro pero sa huli, inabot kami ng dalawang oras naglalaro ng kahit ano.
Gill's PoV
We became friends after that. Nalaman kong galit siya noon sa daddy niya dahil niloko niya yung mommy niya at nagkaanak pa. Pero hindi naman daw siya galit sa kapatid niya. In fact, they were close.
"Why are you wearing a costume, Les?" natatawang tanong ko sa kaniya.
Nakasimangot siyang umupo sa kabilang duyan. "We had a costume party in our school. I was assigned to wear a royal costume because I was an escort of our muse. I really did not want this." pagrereklamo niya at inis na tatanggalin sana yung koronang suot niya pero pinigilan ko siya.
"No! Wait." ngingiti kong kinuha yung camera ko na may pic agad na lalabas pagkakuha. "Picture muna tayo. I like your outfit today. Super handsome mo kapag may korona ka. Para kang hari lalo na blue yung mata mo."
Napangiwi siya nang itinapat ko yung camera samin.
"Smile ka na. Dali!!!" pangungulit ko sa kaniya
Napasimangot ako nang umiwas siya ng tingin. Pero agad din bumalik yung ngiti ko nang may pumasok sa isip ko.
May kiliti siya sa gilid ng tiyan niya. I smiled wickedly while looking at him.
"Yaaaaahhh!!" sigaw ko at kiniliti siya.
Napatalon siya at pilit umiiwas sa kamay ko pero hindi siya nagtagumpay. He laughed and laughed habang pinipindot ko na yung shutter para makunan kami.
"Yes!" savi ko nang magtagumpay ako sa pagkuha ng pic namin.
Kinuha ko kaagad yung lumabas na pic at pinaypay.
"Woah. You're still handsome even if you looked stupid." namamanghang sabi ko.
He tsked and stole the pic from me. "Am I going to take that as a compliment or not? I'm going to burn this at home."
Kukunin ko na sana iyon pabalik dahil ayaw kong sunugin niya iyon nang may biglang sumingit.
"Brother!" napalingon ako sa isang batang lalaki na halos kaedad lang din ni Les na lumapit samin. Sumulyap siya sakin. "Is she your girl friend?"
Tumayo ako. "Yep! I am." taas-nuong sabi ko.
"Huh?" naguguluhang sabi ni Les. Pero hindi ko siya pinansin.
Totoo naman kasing kaibigan niya akong babae.
"I am Gillian Hesley Anderson! 7 years old. Nice to meet you brother of Alessander!" nakangiti kong sabi.........................
I opened my eyes as soon as I woke up from my dream. From my lost memories.
Nakita ko kaagad si King na nakatingin sakin habang may pag aalala sa mukha. He immediately went to me when he saw me waking up.
Nakahiga ako sa isang kama ng isang malaking kwarto. I smelled his manly scent from the bed kaya nasisiguro kong kwarto niya 'to. Umupo ako sa kama habang inaalalayan niya ako.
Tinignan ko yung buo niyang mukha. Malalim niya akong tinignan.
How dare I forgot those eyes?
"How are you feeling? Does your head hurt?" tanong niya na may halong pag-alala sa boses. "Nasalo naman kita kaagad bago ka mauntog sa ulo. But you just got discharged so, maybe there's sti----------"
"Les..." putol ko sa pagsasalita niya.
He immediately stopped from talking. He looked at my eyes maybe thinking if he was imagining things, if this was true. He looked shocked and taken a back.
"C-Come again?" tanong niya nang makabawi.
I smiled at him and wickedly poked the side of his stomach. Napaiwas siya and immediately stopped my hand from poking for the second time.
"Why........ H-How did you know that sensitive part of mine?" naguguluhan niyang tanong sakin. But there's a hint of his eyes that he knew the answer but stopped from falsely hoping.
I smiled wider at him. "Les...... I thought you were going to burn our only picture?" tanong ko sa kaniya habang inaalala ang picture frame na nakita ko sa napasukan kong kwarto katabi ng isang handmade na korona. Na syempre gawa ng isang 7 years old na ako.
Napaatras siya. Mukhang hindi siya makapaniwalang naalala ko siya. Na naaalala ko na yung memories ko with him.
Kaya pala may kung anong familiarity akong nakikita sa mga mata niya. Na parang matagal na niya akong kilala.
"You really did become a King. Literally." sabi ko nang hindi pa rin siya makapagsalita. "Hoy, nganganga ka lang ba jan? Hindi kita nilapitan noon para titigan mo lang ako ngayon."
"Did..... Did your memories came back?" tanong niya maya-maya. Hindi pa rin lubusang naniniwala.
Bumuntong-hininga ako at natatawang napailing. Tinignan ko ulit siya sa mga mata niya at matamis siyang nginitian.
"My lost memories came back, King......... Or should I call you, Les?"

Komento sa Aklat (502)

  • avatar
    Safiroo Sumagka

    amzing

    14/09

      0
  • avatar
    MartinezElma

    Ang Ganda ng kwento sulit hangang chapter 39 binasa ko ng buo

    23/08

      0
  • avatar
    HernandezApril joy

    2026 na wala parin season 2 😭 pls pa update po

    11/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata