logo text

NMFW 59: Wedding

AKESHA'S POINT OF VIEW
"Congratulations Architect Yazoña you did great in this project!" Itinaas ni Sir Greg ang wine glass na may lamang wine.
Nag ce-celebrate ang buong Gregory group of  company dahil sa sunod-sunod na success sa mga project. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinuha ko rin ang wine glass sa gilid. 
Pinicturan ko 'yon at nilagay sa story ko sa IG. 'Congratulations!' ang caption ko 'don at umani agad ng daang-daang views.
Maraming nag reply ng congrats, maraming nag nag react. Hindi na ako nakisalo sa mga kasama ko dahil hindi na ako pala-kaibigan katulad ng dati. "Architect Yazoña, may letter po na ipinamimigay sa inyo." Wika ni Janet, secretary ni Sir Greg.
Inilahad niya sa akin ang isang magarbong papel na mukhang invitation card. Napakurap ako ng ilang beses nung nakita ko ang dalawang mag pangalan na nakasulat doon.
"Perrie and Von wedding?" Takang bulong ko at binuksan ang invitation card. Totoo nga? Ikakasal na sila! Senior high pa ang huling kita ko kay Perrie at namimiss ko na siya.
Talagang sila na talaga ni Von ang itinadhana, tanging fixed marriage lang ang naging tulay para maging close sila. Napasandal nalang ulit ako sa inuupuan ko dahil sa tuwa. Sa South Korea sila ikakasal at 'yun din ang dream destination ko, gusto ko rin na doon ikasal. Nang natapos ang salo-salo, balik na agad kami sa trabaho, may meeting kami ng alas kwatro para sa isang project sa Pangasinan.
Kinuha ko 'yung bag ko at 'yung plates na ginawa ko kagabi. Lumabas ako ng building at sinuot ang shades ko dahil mainit sa labas. Hinubad ko na rin ang coat na suot ko kaya tanging white top nalang ang suot ko. 
Dahan-dahan kong nilapag 'yung plates na ginawa ko sa passenger seat at ipinag dasal na sana hindi iyon malukot. Nakarolyo naman iyon ng maayos pero hindi parin ako panatag. Pagkatapos kong isuot 'yung seatbelt, hinubad ko 'yung heels ko kasi kanina pa nangangalay 'yung paa ko. May tsinelas akong nakahanda dito sa kotse, at 'yun ang lagi kong ginagamit pag nag mamaneho ako.
Naisip kong dumaan muna sa isang coffee shop na malapit sa condo na tinutuluyan ko. Pahirapan ko ulit na sinuot 'yung heels ko. Nung nakapasok sa ako sa Coffee shop para akong hinehele sa amoy ng kape sa loob. Pumunta na ako sa counter para umorder. "One americano please." Sabi ko sa barista na nasa harap ko. "Okay ma'am what's your name?" Tanong nung barista at mag sasalita na sana ako pero may naramdaman ako na presensya sa gilid ko.
Ang pabango niyang hindi nag bago ay nanunuot parin sa ilong ko. "Akesha." Sabat ng lalaki sa tabi ko, ibinaba ko 'yung shades na suot ko para maaninag ko siya ng mabuti. Muli ko 'yung binalik ng mapagtanto kong si Zacc pala iyon. 
"Ay ikaw pala 'yan sir," malanding sabi ng barista at inilagay pa sa likod ng tenga ang buhok niyang hindi nasama sa hairnet. Sinuri ko 'yung kabuuan niya, mas nag mature 'yung katawan niya. Mukhang nag wo-workout rin siya dahil hapit na hapit ng 'yung muscles niya sa V-neck niyang white T-shirt.
Nung nahuli niya akong nakatitig sa kaniya, umiwas ako ng tingin at ilang minuto wala na siya sa gilid ko.Nag ha-hanap ako ng mauupuan pero wala akong makita, punong-puno 'yung buong coffee shop. Ilang minuto na akong nakatayo sa gilid ng counter hanggang sa tinawag ang pangalan ko. 
Lumapit agad ako sa counter pero napapikit ulit ako nung nakita ko si Zacc na nandoon. "You can seat with me, wala akong kasama." Sabi niya habang hawak-hawak ang kape ko.
Para akong batang sumunod sa kaniya habang siya naman ay parang artista na naglalakad papunta sa table niya. "How are you?" He asked. I gave him a puzzle look, bakit niya ako kinakamusta? Siyempre ilang taon lang naman kayo hindi nagkita!
"Congrats, you are a popular Architect now." He said while staring at me. "Why don't you take a seat? Is the chair dirty?" He asked seriously. Dahil sa tingin niyang nakakahilo, umupo agad ako at ininom ko agad 'yung kape ko.
"T-thank you..." I said pertaining on the compliment that he said earlier. He just nod and the silence wrapped our table. He was just scrolling on his cellphone while sipping on his coffee. And I am sitting in front of him, I don't know what to do. Gusto ko nang umuwi pero para hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa lalaking 'to. Hindi naman ako pwedeng umalis agad dahil napakabastos naman para sa kaniya kung lalayasan ko na siya agad. 
Nakalahati ko na 'yung kape nung gumalaw siya, kinuha niya 'yung coat niya at may kinuha sa bulsa no'n. Literal na nanlaki 'yung mata ko nung nakita ko 'yung invitation sa kasal ni Perrie. Sandali niyang binasa 'yun at napasandal ako sa upuan ko nung bigla siyang tumingin sa akin.
"Ikakasal na pala si Perrie, siguro kasal na rin ako kung nakinig siya sa explanation ko." Pagpaparinig niya! Ako ba 'yung pinariringan niya? Tumingin ako sa likod ko at wala kaming ibang kasama sa table kundi kaming dalawa lang.
Nag init 'yung ulo ko dahil ako pa ang nag mumukhang may kasalanan kung bakit kami nag break noon. "Bakit hindi mo pakasalanan 'yung first love mo, nagawa mo ngang halikan." Pagpaparinig ko  habang nakatingin sa glasswall.
Napatingin ako sa kaniya dahil sa titig niyang parang hinihigop ang pagkatao ko. "Nakuha ko naman virginity mo." He directly said! 
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya, napatingin pa ako sa kabilang table kasi baka may nakarinig nakakahiya. 
"I think I need to go, marami pa akong gagawin. Thanks for the time." Sabi ko at akmang tatayo na pero hinawakan niya nag braso ko. 'Yung init ng kamay niya na nakakakatunaw, 'yung hawak niya na matagal ko nang hindi naramdaman.
"Diba you want to get married in South Korea?" He asked! Bakit ba ganto ang mga tanong niya? Nilabanan ko ang mga titig niya pero sa huli natalo ako. "I-I'm busy..." Sabi ko at tumayo na, binilisan ko 'yung lakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse. Pinaandar ko agad 'yung makina at nag maneho ako papunta sa condo unit na tinutuluyan ko.
Masyadong mabilis 'yung nangyari kanina at hindi ko ineexpect na sa ilang years naming hindi pagkikita, mag kukrus parin ang landas naming dalawa. 'Yung akala ko ma-eenjoy ko 'yung pagpunta ko sa kasal ni Perrie sa South Korea hindi pala, dahil hindi ako mapapanatag na makasama si Perrie sa veneu.
Nilapag ko agad 'yung plates ko sa table at humiga ako sa kama. Bakit pa kami nagkita? Padabog akong pumasok sa C.R para maligo dahil kumapit sa katawan ko 'yung pabango niya at hindi ko dapat sanayin 'yung sarili ko dito. Pagkalabas ko ng C.R nag suot lang ako ng shorts at oversized na T-shirt.
Umupo agad ako sa study table ko na ginawa ko na ring architecture table. Wala akong dapat gawin ngayon pero payo sa akin ng doctor na pinag-chek-up-an ko dati na dapat gawin ko daw busy ang sarili ko para hindi ako makapag focus ako sa ginagawa ko hindi sa pag o-overthink.
Kaya sa t'wing may project na binibigay sa akin, tuwang-tuwa ako dahil may ginagawa ako at ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako inaatake ng anxiety. Tinuloy ko 'yung pag s-sketch sa renovation ng dati naming bahay. Umuuwi ako doon isang beses sa isang buwan para mabantayan ang bahay. Nandoon rin 'yung abo ni Mommy kaya hindi ko pwedeng pabayaan 'yung bahay kahit dati ko pa gustong kalimutan. Gusto kong gawing modern 'yung bahay pero ganon parin naman. Papalitan lang ng interior design.
Si Mommy kasi ang nag decide na ganon ang itsura ng bahay kaya nirerespeto ko 'yon. Nang makaramdam ng antok, inayos ko na 'yung mga gamit ko at natulog na ako. Kinabukasan pumunta ako sa bahay dahil clear ang schedule ko ngayon.
Meron lang akong meeting mamayang hapon. Nag suot lang ako ng longsleeve na black top and pencil denim skirt. Nag apply rin ako ng make-up para naman maayos akong tignan kung makasalubong ko ulit 'yung ex ko. Ganito 'yung sinuot ko dahil pupunta rin ako sa isang gathering sa pinupuntahan ko noon nung mga panahong suicidal pa ako.
Marami rin akong natutunan doon kaya nung makapag trabaho na ako, lagi akong nag dodonate sa samahan na 'yon para makapunta sila sa iba't ibang lugar, para marami silang matulungan na katulad kong ilang beses na nag tangkang mag pakamatay.
Nag drive na ako papuntang bahay, tinext ko si Marino dahil siya ang binigay sa akin ng kumpanya para dito sa bahay. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Manang na naglilinis ng kwarto kung saan nakalagay ang abo ni Mama.
Tinanggal niya na doon 'yung mga bulaklak na dinala ko last month dahil lanta na ito. "Manang!" Masayang sabi ko at niyakap siya, kinumusta niya ako at pinaupo sa dining area.
"Kumain ka na, alam kong hindi ka pa kumakain." Sabi ni Manang at iniwan ako dahil itutuloy niya na 'yung paglilinis sa kwarto ni Mommy. "Manang may nag doorbell!" Sigaw ko nung may narinig 'yung tunog ng doorbell.
Pinagpatuloy ko lang 'yung pagkain ko. "Engineer Marino kain muna tayo." Pag aaya ko, hindi ko na siya tinignan nung umupo siya sa harap ko. "I want to eat you." He said in a baritone voice Napatingin ako dahil pamilyar ang boses na 'yon.
Si Zacc ang nasa harap ko ngayon at walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin. 'Yung mga mata niyang madilim habang nakatitig sa akin, 'yung kamay niyang maugat na nakakaakit. "B-bakit ka nandito?" Tanong ko nauutal parin dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko malabanan ang titig niya.
"Pinapunta ako ni Sir Greg dito kasi may project daw si Engineer Marino sa Bulacan." Sabi niya habang pinapanood akong kumain. "Dessert..." Sabi niya at inilahad sa harap ko ang isang gallon ng Redvelvet Ice cream. Nag lapag si Manang ng bowl para sa aming dalawa at sabay kaming kumain ng Ice cream. Napatingin ako sa kaniya dahil iba ang paraan niya kung paano kumain ng Ice cream.
Nang aakit ba siya? Bakit ganon siya kumain parang nasa commercial. Napatitig ako sa adam's apple niya nung uminom siya ng tubig dahil parang may alon sa adam's apple niya. "Let's start?" Sabi niya nung pagkatapos naming kumain. Inilibot ko siya sa buong bahay para makita niya ang kabuuan nito. Pinakita ko rin 'yung plates na ginawa ko sa kaniya. 
"Magaling ka talaga, ang ganda ng pagkakagawa mo." Puri niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Pumasok kami sa kwarto at wala nang gamit doon, inilipat ko lahat sa baba para ma check niya. Lumabas muna ako sa veranda para mag pahangin nung nag susukat siya sa kwarto.
Hapon na nung natapos kami, medyo natagalan kami dahil ang dami niyang suggestion. Hindi na tuloy ako nakapunta sa gathering sa dapat kong puntahan.
Dumiretsyo nalang ako sa company para daluhin 'yung meeting.
Pagkapasok doon, hindi naman ako na late dahil hindi pa kami kumpleto. Limang minuto ang nakalipas at pumasok si Zacc doon gulat akong napatingin sa kaniya. "Sorry I'm late, may dinaan lang po ako sa baba." Sabi niya at umupo sa harap ko.
Para na tuloy mababali 'yung leeg ko dahil sa gilid ako nakatignin. Nakinig lang kami sa nag p-present hanggang sa natapos 'yung meeting. Balak ko nang mag paalam kay Sir Greg para kumuha ng 1 week na leave dahil pupunta ako sa kasal ni Perrie. Nung nakita ko si Sir na palabas ng room kinuha ko agad 'yung bag ko at sinundan siya.
"Sir." Sabay kaming nag salita ni Zacc, lumingon sa amin si Sir at nag taas ng kilay. Nagpapakiramdaman kami ni Zacc kung sino ang unang mag sasalita."Pwede po ako kumuha ng 1 week leave?" Sabay ulit kaming nag salita at napapikit ako sa inis. Papalit-palit 'yung tingin ni Sir sa aming dalawa. "May dadaluhan po akong kasal ng kaibigan sa Korea." Pangatlong beses na 'to! Sabay ulit kaming nag salita!
"Sabay pa talaga kayo? Kayo ba ang ikakasal sa Korea?" Sabi ni Sir at napapikit ako dahil sa sinabi. "Sabagay bagay naman kayong dalawa. Isang engineer at isang architect." Pahabol ni Sir at muntikan ko nang makalimutan na boss ko siya.
"Okay pumapayag ako pero pag balik niyo pag butihin niyo ang trabaho ninyo." Sabi ni Sir at nag pasalamat ako. Tinalikuran na kami ni Sir at nag lakad na ako papunta sa labas ng buildingNakasabay ko pa si Zacc sa parking lot. Nagulat ako nung may kasama siyang babae, hindi 'yon si Haleina at mukhang hindi rin nag t-trabaho sa Gregory. 
Napatunayan ko na ngang ang malas ko talaga sa buhay dahil magkatabi pa ang kotse naming dalawa. Nakita tuloy ako ni Zacc kaya sumakay na agad ako sa kotse. Sinilip ko pa ang kotse nila at napakunot ng noo ko nung pinagbuksan pa ni Zacc ng pinto 'yung babae.Napahampas ako sa manibela at hindi inaasahan na mahampas ko 'yung nasa gitna kaya tumunog 'yung busina.
Nagulat ako kaya agad kong pinaandar 'yung kotse ko at umalis. Ilang araw ang nakalipas at nakapag book na ako ng flight. Sa sabado ang flight ko at ni ready ko na lahat ng dadalhin ko sa Korea. Nakausap ko si Perrie sa IG at siya na daw ang mag bibigay ng isusuot ko dahil isa ako sa mga bridesmaids.
Nung dumating ang sabado maaga akong gumising dahil maaga ang flight ko. Nakaayos naman na 'yung maleta ko kaya naligo na ako. Sinigurado kong nakapatay lahat ng mga appliances ko dito sa condo. Nag taxi nalang ako dahil wala namang mag uuwi ng kotse kung nag kotse ako. Pagkarating sa airport ilang oras ako nag hintay bago ako makapasok sa eroplano. 
"Akesha!" Napalingon ako sa likod nung may sumigaw ng pangalan ko. Si Sasha iyon na nakasuot ng uniform nila na pang Flight attendant.
Tumakbo palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. Humiwalay siya nung bigla siyang hinili ng kasama niya. "Hey nag tatrabaho tayo dito." Sermon sa kaniya ni Dana at sorry lang ang sinabi niya. Umupo na ako sa upuan ko at sinalpak 'yung earphone sa tenga ko. Binalak kong matulog pero hindi ako makatulog pero nanatili akong nakapikit.
"Akesha ano gusto mo juice or coffee?" Maligalig na tanong ni Sasha. "Tagalan mong pumili para makapag chikahan pa tayo." Bulong niya sa akin at ngumiti. Tumawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Coffee nalang," sabi ko at sinalinan niya ako ng Kape. "Ate hindi lang siya ang pasahero dito!" Sigaw nung matanda sa likod at napairap si Sasha.
Nilagpasan na ako ni Sasha at ininom ko 'yung kape. Nakatulog ako pagkatapos no'n hanggang sa makalapag kami sa South Korea. "Thank you for choosing our airline." Rinig kong sabi ni Sasha sa mga lumalabas na pasahero. Kinuha ko na 'yung gamit ko at naglakad na para lumabas.
"Thank you for trusting our airline." Sabi sa akin ni Sasha. Lumabas na ako ng eroplano at pumunta sa baggage carousel para kunin ang bagahe ko. Tinawagan ko ang number ni Perrie dahil susunduin niya daw ako. "Hello, nasa'n ka?" Sabi ko pagkatapos niyang sagutin ang tawag.
[Otw na, gusto kasi agad ni Von ng honeymoon.] Sagot niya at tumawa lang ako. Pinatay niya na 'yung tawag nung pumarada na sila. Ilang minuto lang ako nag hintay nung may biglang sumalubong sa akin.
"Akesha dito!" Sigaw ni Perrie at may dala pang banner. Sinalubong niya ako ng yakap at kinuha naman ni Von ang bagahe ko.
"Sikat ka sa Pilipinas a'! Ang ganda mo daw na Archi! Ang swerte ng mga companyang pinasukan mo, ang daming project!" Puri ni Perrie at tumawa lang ako. Dati nag aasaran lang sila ni Von pero ngayon ikakasal na sila. "Pinartner kita kay Zacc," sabi niya habang kinikilig. Nanlaki 'yung mata ko dahilan para kumunot nag noo niya. "Ayaw mo?" Pangangasar niya at hinila ko ang buhok niya.
"Malay mo mainggit sa kasal namin bigla kang yayain." Sabi niya at sinabayan ng tawa ni Von kaya nainis ako. "May jowa na, nakita ko nga sa parking lot ang sweet nila." Bitter na sabi ko at tinawanan lang ako ni Von habang hinagod nama ni Perrie ang likod ko. "Si Jaro nalang partner mo, mas better." Suhestyon ni Von at hinampas siya ni Perrie. Humarap ulit sa akin si Perrie at iniba niya na 'yung topic. Nakarating na kami sa hotel na kinuha nila para sa mga bisita. 
"Ang ganda ng hotel 'no? Mamaya pupunta si Taehyung dito!" Sabi ni Perrie na parang naka droga. "Wow ang ganda." Sabi ko nung nakita ko 'yung susuotin ko sa kasal. Nakalatag iyon sa kama at ang blue na kulay no'n ay nag bibigay ng ganda sa paningin. "Syempre ako ang pumili." Sabi niya at iniwan na ako sa kwarto. Naligo ako at nag suot ng roba pagkalabas ng C.R Nag picture ako habang naka roba at pinost iyon sa IG.
"Akesha!" Nagising ako dahil sa sigaw, nagulat ako dahil nandoon si Torrie na mukhang kakalapag lang dito sa Korea. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa sobrang miss ko na siya. Ilang taon rin kami nag hiwalay. Lumuluha kami habang magkayakap. "Kumusta ka na, balita ko isa ka daw sa pinakamagaling na Architect sa Canada." Pangangamusta ko habang pinupunasan ko 'yung luha ko.
"Okay lang ako, ikaw nga sikat sa pinas. Isa sa mga pinakamagandang Architect sana all." Sabi niya at sabay kaming tumawa. "Nakita mo si Zacc?" Tanong ni Torrie sa akin, umiling lang ako at tinignan 'yung gown na isusuot ko.
"Nakita ko siya kanina kararating niya rin lang dito." Sabi ni Torrie at hindi na ako sumagot. Dumating na 'yung linggo at araw na nang kasal ni Perrie. Nag handa na kami ni Torrie at siya ulit ang nag make-up sa akin. Pinuntahan namin 'yung room ni Perrie at napanganga kami sa ganda ng wedding gown niya. "Wow Perrie is that you!" Puri ni Torrie habang inaayusan si Perrie. Ang ganda ni Perrie, para siyang diyosa.
"Ma'am I-reretouch ko nalang po 'yung make-up niyo pag lumuha kayo mamaya." Sabi nung make-up artist at iniwan na kami sa kwarto. "Perrie gusto ko lang sabihin sa 'yo na i-enjoy mo 'tong araw na 'to dahil this is your day. Isang beses ka lang ikakasal kaya enjoyin mo na." Sabi ni Torrie at nag thank you si Perrie. "Ganda." Puri ko at ibinalik niya naman agad sa akin. "Ako gusto ko nang magpakasal pero hindi pa daw ready si Jungkook." Sabi ni Torrie at sinermonan ko siya dahil maluha-luha na si Perrie dahil sa katatawa.
 "Mamaya ka na humarot, kukulas agad 'yang make-up mo." Sabi ko at kumalma na sila. Iniwan na namin si Perrie nung kinausap siya nung wedding organizer. Sinabihan rin kami na pumunta na kami sa veneu. "Wow!" Sabi ni Perrie nung pumunta kami sa sea side. Ang ganda ng veneu at mukhang milyon ang ginastos. Konti lang kaming nandoon dahil konti lang ang invited. 
"Grooms men and bridesmaids. tumabi na kayo sa mga partners niyo." Sabi nung wedding organizer kaya pumila na kami at nag pare-pareho na. "Kailan ka pumunta dito?" Tanong ni Zacc nung tumabi siya sa akin.
"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko at napairap siya. "Nevermind." Hindi na ako sumagot dahil nag simula na 'yung ceremony. Nag simula nang mag marcha 'yung mga nasa unahan hanggang sa kami na ni Zacc ang maglalakad.
Sinabit ko na 'yung braso ko sa braso niya at dahan-dahan kaming nag lakad. Naghiwalay kami sa gitna at umupo kami sa kaniya-kaniyang upuan. Ilang tao pa ang nag marcha hanggang sa natanaw ko na si Perrie. Napaluha ako dahil sa tuwa nung nakita ko siyang may hawak na boquet habang dahan-dahan na nag lalakad. Lumuluha na si Von habang hinihintay na makarating si Perrie sa harap.
Nag simula nang mag salita 'yung pari at tahimik lang kaming nakikinig hanggang sa nag bitawan na sila ng kanilang mga wedding vows. Lumuluha silang dalawa habang nag babatuha ng wedding vows. Hindi ko maiwasang maiingit sa kanila dahil sa wakas, nakita na nila ang kasama ang makakasama nila panghabangbuhay.
"You may kiss the bride." Sabi nung pari at nag hiyawan 'yung mga nanonood. Dahan-dahang tinaggal ni Von ang veil na suot ni Perrie at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ni Perrie.
Matamis na halik ang napanood ko at kitang-kita na mahal na mahal nila ang isa't isa. Sumabay ako sa palakpakan at hindi ko maiwasang maluha. 
"Gusto mo rin 'yan maranasan?" Nagulat ako nung tumabi sa akin si Zacc.

Komento sa Aklat (130)

  • avatar
    AbellaReynan clint

    this story are good

    03/02/2025

      0
  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06/2024

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    22/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata