logo text

NMFW 38: Same Vibes

AKESHA'S POINT OF VIEW
"Hey! Nagkita tayo ulit!"
Inaayos ko 'yung pagkakalagay ko sa band aid sa daliri ko, katatapos lang ng practice namin sa cheerdance. Napagdesisyunan kong dumistansya muna kay Zacc. Masyado na siyang over protective, e' wala namang kami. Wala kaming label para tratuhin niya ako ng ganon.
Naisip kong dumistansya sa kaniya dahil ako rin ang masasaktan sa huli pag lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya.  Unang-una mahirap ma-link sa taong katulad niya, sikat siya marami akong kaagaw. Pangalawa hindi kami mag ka vibes, marami akong gusto na ayaw niya.
"Hey hindi mo ba ako papansinin?" Nakangusong sambit ni Rashid habang pinapanood akong nahihirapan sa pag lagay ng band aid. HIndi ko alam kung bakit ako naging maarte sa pag lagay ng band aid. Siguro hindi lang ako marunong dahil may nag lalagay nito sa akin noon. Si Zacc iyon.
"Tsk! Ako nahihirapan sa ginagawa mo eh!" Asik niya at pinaubaya ko na sa kaniya 'yung daliri ko.  "Sa'n 'yung sulat dito? Diba may nakasulat dito nung nakaraan?" Tinignan niya 'yung kabuuan ng band aid at nag tanong siya nung wala siyang nakitang sulat doon.
Isa rin to e'! Gusto ko nga muna siyang makalimutan pero pilit niyang binabalik! Sinamaan ko siya ng tingin at napawi agad 'yon nung tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Mukhang inaasar pa ako nito! Mabuti nalang at ang cute ng ngiti niya.
"Nag break na kayo 'no?" Asar niya, agad kong binawi 'yung kamay ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung tanong ba 'yon o gusto niya lang talagang mang-asar! "Diba ayaw niya sa kpop?" HIndi na siya naubusan ng tanong! Hindi ko siya sinagot dahil magmula ngayon, kakalimutan ko na siya.
"Kung mang-aasar ka  lang, marami pa akong gagawin pwede?" Sarkastiko ko siyang nginitian, nanlaki naman 'yung mata ko nung ginantihan niya rin ako ng ngiti. Talong-talo ako sa ngiti niya dahil para talaga siyang koreano! Dagdag puntos pa 'yung buhok niyang pang kdrama!
"Anyeong!" Sabi niya mismo sa mukha ko! Nag finger heart pa ang lalaking ito! Ano bang trip nitong lalaking 'to? Pero infairness ang cute niya! May kamukha siyang kdrama actor, napanood ko 'yon sa laptop ni Torrie. 
"Gusto mong kumain? Spaghetti, Ice cream? O kung ayaw mo mag titigan nalang tayo?" Alok niya, natakam naman ako sa sinabi niyang pagkain kaya hindi ko napigilang mapangiti.
"Uy! Ngumingiti siya, gusto mong makipag titigan sa 'kin?" Ang lakas rin talaga ng saltik nitong lalaking 'to! "Libre mo?" Tanong ko, bumagsak naman ang panga niya. "Libre lang makipag titigan sa 'kin? Gusto mong simulan natin ngayon?" Mukhang hindi kami nag kakaintindihan.
"Pwede ba? Marami pa akong gagawin!" Nag simula na akong mainis, pagod ako sa practice tapos eto makakasama ko ngayon! Nakakatampo naman kasi si Torrie, mas maraming na siyang oras kay Fai kaysa sa akin. Palibhasa ginawa niyang driver, lagi pa siyang sinasamahan sa mall.
"Sorry na! Huy! Joke lang naman eh... Ikaw lang 'yung army na pikon!" Hinabol niya ako nung nag simula akong maglakad palabas ng gym. "Libre na kita! Huy hindi naman mabiro! Akesha! Tae-tae! Huy! Laya ka na bobo!" Tumigil siya sa pag habol sa 'kin.
Bahagya akong natawa sa huling sinabi niya, may naalala ako nanaman ako doon! Lumingon ako sa likod at buong akala ko hindi niya na ako sinundan pero sinusundan niya parin pala ako. Tahimik lang siyang nakasunod habang nasa likod 'yung dalawa niyang kamay.
Lakad lang ako ng lakad hanggang mapadpad kami sa cafeteria. Naalibarbaran ako sa pag sunod-sunod niya sa akin, malapit na akong maubusan ng pasensya sa lalaking 'to! 
May nakita akong maliit na sanga sa ilalim ng puno kaya agad ko iyong kinuha. "Nauubusan na ako ng pasensya sa 'yo! Please pagod ako ngayon okay? Sa ibang araw mo nalang ako asarin pwede?" Sabi ko habang dinuduro siya ng pinulot kong sanga.
"HIndi pwede!" Taas noong sambit niya habang nakataas ang kilay. Bumagsak na ang dalawang balikat ko, parang gusto ko nalang mag pa-bugbog kay Zacc kaysa naman makasama ang lalaking 'to! Pag kasama ko 'to, utak ko ang binubugbog!
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! Pagod na pagod na ako! Malalim na ang pag hinga ko at hindi inaasahang mapaluha ako dahil sa sama ng loob. "Huy! Awit ba't ka umiiyak? Huy sorry na!" Pilit niyang tinitignan ang mukha kong nakadukdok sa dalawang palad ko.
Hindi ko siya pinansin, nanatiling ganong ang pwesto ko. Nakadukdok 'yung mukha ko sa palad habang nakaupo ako sa bench sa labas ng cafeteria. Gusto ko munang magpahinga, tinatamad pa akong umuwi kasi ang hirap mag commute. Ang tagal pa bumalik nila Torrie!
Ilang minuto pa ang lumipas, hindi ko na naramdaman ang presensya niya. Nag pasalamat ako sa diyon dahil pinakinggan niya ang panalangin ko. "Punyeta!" Sigaw ko nung may naramdaman akong malamig sa leeg ko.
Nag angat ako ng tingin at nakangiting Rashid ang bumungad sa mukha ko. Sisinghalan ko na sana siya pero agad kong nakita 'yung dala niyang pagkain. 'Yung shake 'yung dinikit niya sa leeg ko. 
"Do you accept my peace offering?" Tanong niya at inilahad sa 'kin ang shake at isang slice ng blueberry cheesecake na cake. Hindi 'yon 'yung favorite flavor ko pero pwede na. "Akin na nga!" Agad kong kinuha 'yung pagkain at linantakan iyon.
"Takaw!" Nakangiting usal niya habang pinapanood niya akong kumain, hindi ko siya pinansin at pinagptuloy ko lang ang pagkain ko. "Thank you..." Sabi ko habang iniinom 'yung shake. Tumawa naman siya ng mahina at bahagyang ginulo 'yung buhok ko.
"Sorry na ah!" Paninigurado niya at natawa naman ako dahil pursigido talaga siyang patawanin ako. "Tinaggap mo na 'yung peace offering ko so okay na tayo?" Tanong niya, siguro panahon na para ako naman ang gumanti.
"Hindi... Hindi sapat," binigyan ko pa siya nadidismayang reaksyon. Nanlaki naman 'yung mata niya dahil hindi siya makapaniwala. "DIba army ka? Para maging okay tayo, gusto ko mag cover ka ng isang sayaw ng bts." Pinigilan kong matawa nung bumagsak 'yung panga niya.
"H-hindi ako marunong sumayaw! Kanta nalang pwede?" Sinubukan pa niyang sirain ang pag plano ko. Hindi ako nag patinag sa ngiti niya, hindi ako pumayag sa alok niya, "Edi salamat nalang sa lahat." Nag wink pa ako at akmang tatayo na pero pinigilan  niya ako.
"Eto na!" Sigaw niya kaya umupo ako, pumili siya ng kanta sa cellphone niya. Pagkapili niya ng kanta binigay niya sa 'kin 'yung cellphone niya. TInignan ko kanta sa cellphone niya, napangiti ako nung nakita ko 'yung wallpaper niya. 'Idol' ang napili niyang kanta.
"Ooh ooh! ohh ohh!" Natawa ako nung bigla siyang nawalan ng hiya. Sinasabayan niya na 'yung kanta. Ang cute talaga ng mga fanboy, hindi siya magaling sumayaw pero nasasabayan niya naman 'yung kanta.
"Cute mo..." Sabi ko habang pumapalakpak, kinapa ko agad 'yung panyo ko sa bag nung nakita ko 'yung leeg niyang puro pawis. Na estatwa siya nung bigla kong punasan 'yung noo niya hanggang leeg. 
Nararamdaman kong nakatitig siya sa 'kin, hindi ko pinansin iyon at ipinagpatuloy ko lang 'yung ginagawa ko. Inayos ko 'yung kwelyo niya at ibinalik ko na sa bulsa 'yung panyo ko pagkatapos kong punasan 'yung pawis niya.
"Thank you," usal niya at ngiti naman ang ginanti ko. "So bati na tayo?" Mukhang bumalik na siya sa ulirat. Naging makulit na ulit siya, inayos ko 'yung gusot sa polo niya. "Oo na... Friends?" Nilahad ko 'yung kamay ko. "Friends!" Tinaggap niya 'yung kamay ko. 
Lumipas ang ilang araw at si Rashid ang kasama ko, may mga araw na sinusubukan akong kausapin ni Zacc. Hindi naman nag iba 'yung pakikitungo ko sa kaniya, binawasan ko lang 'yung mga salita na binibigkas ko pag kasama ko siya. 
Sa totoo lang nainis kasi ako sa kaniya nung nakaraan. Masyado siyang over protective, 'yung iba niyang kilos hindi na iyon kilos ng kaibigan. Ako naman itong may nararamdaman! Nagpapakatanga lang.
"Goodluck sa performance niyo mamaya!" Sigaw ni Rashid, kasalukuyan kaming nandito sa arts room. Dito kami nilgay ni coach para mag handa sa performance, busy kaming lahat may nag m-make-up may mga nag aayos ng buhok.
Ako, busy rin ako... Busy ako sa paglalagay ng band aid sa daliri ko. May namuong ngiti sa labi ko nung malapit ko nang ma-dikit 'yung dulo ng band aid. Pantay na pantay 'yung pagkakarolyo ko ngayon.
"Punyeta!" Sigaw ko nung biglang hatakin ni Rashid 'yung band aid at naalis iyon sa daliri ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Rashid!" Sigaw ko wala na akong pake-alam kung pinagtitinginan ako ng mga kasama namin.
"Rashid! Nye nye nye!" Ginaya niya 'yung boses ko. "Hindi ka titigil?!" Nag simula na akong mairita! "Hindi ka titigi-" Hindi na natapos 'yung sasabihin niya nung may biglang humatak sa kwelyo niya kaya gulat siyang napatayo.
"Are you making fun of my bestfriend?" Mataray na sambit ni Torrie, nakasunod naman sa kaniya si Perrie na nag pipigil ng tawa. "S-sino ka?" Takot na tanong ni Rashid. "Sino ka? Nye nye nye!" Ani Torrie at sinandal si Rashid sa pader.
"Akesha! Really?! Ito 'yung pinalit mo kay Zacc?!" Sigaw ni Torrie at literal na nag laki 'yung mata ko dahil sa gulat. "Oo may angal ka?!" Sigaw ni Rashid, mas hinigpatan ni Torrie 'yung pagkakahawak niya sa kwelyo ni Rashid. 
"Ang cute mo!" Sabat ni Perrie, nag ningning naman 'yung mukha ni Rashid. "Inborn!" May halong pagyayabang sa pananalita niya. "Ah ganon!" Akmang susuntukin ni Torrie si Rashid, naalarma ako kaya tumayo ako para pigilan siya.
Gigil kaming iniwan ni Torrie, tinawag niya si Perrie para mag ayos ng buhok niya. Kumuha nalang ako ng panibagong band aid at tinahak nanaman ang delubyong paglalagay sa daliri ko.
"Wait!" Pigil ni Rashid at kinuha niya 'yung band aid sa kamay ko. "May ginagawa akong customize para sa 'yo!" Proud na usal niya at nag tataka kong  naman siyang tinignan.
"Tada!" Mukhang masayahin 'tong si Rashid! Na sobrahan naman! Ipinakita niya sa 'kin 'yung band aid, hindi lang 'yon basta band aid may nakasulat doon. Sa mga sandaling iyon naalala ko si Zacc.
"Hwaiting?" Basa ko sa nakasulat, nakangiti naman niya akong tinignan. "Konglish 'yan 'fighting ang ibig sabihin niyan. Good luck sa performance niyo mamaya!" Paglilinaw niya sa nakasulat, kinuha niya 'yung kamay ko at nilagyan iyon ng band aid na may sulat niya.
"Goodluck Akesha! Make bts proud!" Sigaw niya nung naka-pwesto na kami sa gym, sa totoo lang kinakabahan ako pero nababawasan iyon dahil may kaisa-isang nag ch-cheer sa akin ngayon.
Nag simula na kaming mag perform, nagagawa namin ng tama 'yung mga steps hanggang sa stunts. Hinanda ko 'yung sarili ko dahil ihahagis na ako sa ere, hindi inaasahang nahagip ng paningin ko si Zacc na seryosong nakatingin sa akin.
Pero nang mag tama nag tingin namin, kitang-kita sa mata niya 'yung gulat. Natapos na 'yung performance at masaya kaming lahat dahil malinis namin iyong nailahad sa madla. 
"Fai! Tawagin mo si Zacc manlilibre 'tong bago naming tropa!" Pag tawag ni Torrie sa nakasalubong naming si Fai. Tinignan ko naman siya ng masama, bakit kailangan niyang tawagin si Zacc. Paano pag nag ka gulo mamaya dahil sa kilos ni Rashid sa akin!
Natapos na kaming kumain, gusto kong maluha kanina dahil sa ginawa ni Zacc. Hindi niya deserve 'yung pag trato ko sa kaniya. Bumalik lahat sa 'kin 'yung masayang alala na nangyari nung nakaraan. 
"Pustahan tayo! Hindi mananalo 'yung stem sa kalaban nila!" Mukhang minamaliit ni Rashid 'yung pambato namin sa stem. "Ano g ka?" Tanong niya ulit, sinabunutan ko naman siya ng mahina at tumango. 
Tinaas ko 'yung banner na ginawa namin ni Zacc nung nakaraan, kasama ko ngayon 'yung mga kasama ko sa cheerdance lahat kami nag ch-cheer dahil stem ang nag lalaro ngayon sa basketball. 
"Winner!" Sigaw ko nung tumunog 'yung bell, nag si tayuan 'yung mga nanonood hindi inaasahang napayakap ako kay Rashid dahil sa tuwa. Agad akong kumalas nung naramdaman kong gumanti siya ng yakap.
Nilagay ko 'yung buhok ko sa likod ng tenga. "Sorry, nadala..." Nahihiyang usal ko, mahina naman siyang tumawa. "Papasayahin kita araw araw, para lagi mo akong mayayakap!" Nag simula nanaman siya maging pilyo!
Mahina kong sinuntok 'yung braso niya! "Nanalo ako sa pustahan!" Paniningil ko sa kaniya, wala kaming napagusapang parusa sa matatalo. "Anong gusto mo? Libre kita ng redvelvet cake? Ice cream, ano?" Tanong niya, nag isip naman ako ng sulit na ganti para sa kaniya.
Nabalitaan ko kanina sa facebook na may nag bebenta sa mall malapit dito na bts merch. Iyon 'yung naisip kong pang ganti sa kaniya!
"Libre mo 'ko ng merch ng bts, lahat ng gusto ko bibilhin mo!" Mukhang ako ang panalo sa 'ming dalawa ngayon. Sa wakas makakaganti na rin ako sa lahat ng ginawa niya.
"Okay, bts lang pala eh sure!" Mukhang hindi pala ako nanalo, army rin pala siya. 
Fanboy.
"Ow shoot! Naiwan ko 'yung bag ko sa room, wait mo nalang ako sa parking lot niyo, nasa kabilang parking lot kasi 'yung kotse ko." Aniya habang tinitignan ang oras.
Tumango nalang ako at lumiko siya sa ibang direksyon, tahimik naman akong nag lakad papunta sa parking lot. Maagang nag paalam sa 'kin si Torrie, ang sabi niya mag commute nalang daw ako dahil gagamitin daw nilang dalawa ni Fai 'yung kotse niya.
Si Perrie naman umuwi na, may family dinner daw sila at kailangan nandoon siya dahil may espesyal daw silang bisita. Napapansin ko rin kay Perrie na masyado na siyang mabusisi sa oras. Palagi siyang diretsyo uwi pagkatapos ng klase nakakapanibago.
Natanaw ko 'yung kotse ni Torrie sa 'di kalayuan. Hindi pa sila nakakaalis ni Fai mukha kasing may practice sila sa music club kaya hindi pa sila umaalis. 
"Hi," napatingin ako sa likod ko nung may bumati sa akin. Nagulat ako nung si Zacc 'yung bumati sa 'kin, binigyan ko siya ng ngiti.
Nainis ako sa kaharutan nila Torrie kanina, hindi ko tuloy maayos na napanood 'yung performance nila Zacc, hindi ko pa nga natapos iyon dahil panay ang pangungulit sa 'kin ni Rashid.
"Hello! Ang galing mo kanina napanood kita!" Sinubukan kong umakto ng normal para hindi kami mabalot ng arwardness. Hindi siya sumagot at bigla niya akong tinalikuran, nagtataka kong tinignan 'yung mukha niya. Para siyang umiiyak!
"Huy umiiyak ka ba? May mali ba sa sinabi ko?" Hindi ko talaga alam kung bakit siya umiiyak. 
"W-wala napuwing lang ako..." Hindi halatang napuwing siya dahil pati ilong niya namumula. Pilit ko tuloy inaalala kung may nasabi ba akong masama.
Nung wala akong maisip na rason, kinuha ko nalang 'yung panyo ko sa bulsa at inilahad ko iyon sa kaniya. Ilang minuto ang nakalipas pero nanatiling nakatingin lang siya sa kamay ko.
"Palitan na natin ;yung band aid mo," sabi niya at akmang hahawakan niya ;ung kamay ko pero inilayo ko iyon.
"Kapapalit lang niya," ipinakita ko 'yung kamay kong mag bagong band aid. Nagtataka naman niya iyong tinignan. "Hwaiting!" Basa niya sa nakasulat sa band aid. "S-sino nag bigay niyan sa 'y-" Hindi niya naituloy 'yung sasabihin dahil may biglang bumusina sa gilid namin.
Alam kong kotse iyon ni Rashid minsan niya na akong hinatid sa apartment nung hindi kami nag sabay ni Torrie pauwi. "Zacc, congrats ang galing mo. una na ako pupunta kaming mall nanalo kasi ako sa pustahan namin kanina." Nakangiting usal ko bago ko siya talikuran.
"Bro una na kami," usal ni Rashid nung ibinaba niya 'yung bintana ng kotse niya. 
"Sakto may bibilhin rin ako sa mall," mukha talagang hindi ako nag tagumpay sa plano. Nawala kasi sa isip ko na army rin pala siya.
Hindi ko siya pinansin, ang dami niyang kwento tungkol sa bts pero wala akong naintindihan ni isa kasi umiikot sa utak ko 'yung itsura ni Zacc kanina. 
"Huy nakikinig ka ba?" Tanong ni Rashid at tumango lang ako, hindi na siya nag salita dahil naramdaman niyang hindi ako interesadong makipag usap sa kaniya noon. 
"Gusto niya bang makipag balikan?" Tanong ni Rashid at sinuntok ko naman siya sa braso dahilan para muntikan na kaming mabangga!
"Huy! Muntikan na 'yon a'!" Sigaw ni Rashid, kahit ako kinabahan rin. "Ikaw kasi e' mga tanong mo nakakagulat!" Paninisi ko sa kaniya.
"Walang kami! Hindi kami! Wala kaming label! Hindi naging kami!" Sigaw ko! Ang sakit! Ang sakit sabihin non pero 'yon ang totoo!
Nag kibit balikat ako at nakasimangot na tumingin nalang sa bintana. Nakarating kami sa mall ng walang akong imik. Dumiretsyo agad kami sa store kung saan may nag bebenta ng kpop merch.
Mahaba 'yung pila! Tangina naman oh! Ang haba nung pila to the point na nahaharangan na 'yung ibang mga store. "Rashid ang haba ng pila!" Para akong batang nag rereklamo sa kaniya.
"Wait gagawa ako ng paraan!" Nilakasan niya 'yung boses niya dahil ang daming tao ngayon dito. Ang ingay! "Sumunod ka lang sa 'kin," sumunod ako at pumunta siya sa pinkaunahan ng pila.
Tumigil kami sa dalawang mag kaibigan na papasok na sana ng store. "Ate pwede kami muna 'yung pumasok." Kinindatan niya 'yung dalawang babae, mukha namang kinilig 'yung dalawa dahil gwapo naman talaga 'yung kasama ko ngayon.
"Sorry kuya kahit cute ka, hindi kita ipagpapalit sa merch." Bumagsak 'yung balikat ko nung tumanggi 'yung dalawang babae sa paki-usap ni Rashid.
"Ganito nalang, ako mag babayad ng merch na bibilhin niyo sabihin niyo lang sa 'kin kung ano." Mukhang desidido talaga si Rashid na makapasok ako sa loob. Nagkatinginan 'yung dalawang babae at tumango.
Napatalon ako sa tuwa at pinasalamatan 'yung dalawang babae, nag reklamo 'yung mga nasa likod pero hindi na namin sila pinansin.
Hininap ko agad 'yung mga wala pa ako sa bahay. Mga limang posters 'yung kinuha ko at isang version 2 at 3  ng army bomb. Lumang version kasi 'yung nasa kwarto ko 'yung binigay ni mommy. 
Marami rin akong binili! Mga pillows, photo card. Pagkatapos mag bayad ni Rashid hinanap agad namin 'yung dalawang babae na nag pasingin sa 'min. Katulad rin lang ng akin 'yung pinamili ng dalawang babae.
"Salamat po kuya! Pwede picture ang cute mo po kasi." Sabi nung babae pagkatapos ibigay 'yung mga pinamili sa babae.
"Ate ako na kukuha ng picture." Alok ko at ibinigay niya agad sa akin 'yung cellphone niya.
"1,2,3 smile!" Sabi ko bago ko pindutin 'yung button sa camera niya. "Isa pa, finger heart naman!" Sambit ko at sumunod naman sila.
"Thank you po!" Usal nilang dalawa bago umalis, nginitian ko naman si Rashid dahil sa sobrang tuwa. 
"Akesha!" Napatingin kami sa may pila nung may tumawag sa pangalan ko, si Torrie. Lumapit ako sa kanila, kasama niya si Fai mukhang bibili sila ng merch.
Habang papalapit ako, naisip kong asarin si Torrie dahil nakabili na ako. "Torrie ubos na!" Pang aasar ko. "Kami 'yung last na nakakuha!" Pinagpatuloy ko lang 'yung trip ko.
Sumama naman 'yung loob niya at biglang umiyak, yumakap siya kay Fai at hinagod naman ni Fai 'yung likod ni Torrie.
"Huy joke lang!" Tumingin naman agad siya sa akin nung sinabi kong 'joke lang'. Hinila niya 'yung buhok ko kaya napa sigaw ako ng aray!
"Kita nalang tayo sa bahay, pagod na rin kasi ako." Sabi ko at tumango naman siya, sinenyasan ko si Rashid na maglakad kaya sumunod na siya sa akin palabas ng mall.
"Mukhang masaya ah!" Ani Rashid habang naglalakad kami patungong parking lot kung saan naka park ang kotse niya.
"Thank you!" Sabi ko, hindi ko talagang mapigilang mapangiti dahil pangarap ko 'to! Nadagdagan nanaman 'yung merch ko sa wakas!
"Welcome," ginantihan niya 'yung ngiti ko. Binuksan niya 'yung pinto sa backseat at nilagay namin doon 'yung pinamili namin.
Nag simula na siyang mag maneho patungong apartment. Hindi na mawala 'yung ngiti ko sa labi. Para akong tangang nakatingin sa bintana habang nakangiti.
"Quits na tayo ah! Mukhang lugi ako, ang laki ng ginastos ko!" Reklamo niya, bahagya naman akong napatawa dahil sa ginawa niya kanina makabili lang ako ng merch.
Wala nang nag salita sa 'min, naka focus lang siya sa daan, nakangiti naman ako habang nakatingin sa bintana.
"Kung ako 'yung natalo sa pustahan, ano 'yung ipapagawa mo sa 'kin?" Tanong ko, binasag ko 'yung ilang minutong katahimikan.
"I dare  you... I dare you to love me." Sagot niya, nakatingin parin sa daan. Nakailang lunok ako bago ma proseso sa utak ko 'yung sinabi niya.
Hindi na ako nag salita hanggang makarating kami sa apartment. "Thank you, thank you talaga!" Sabi ko nung itinigil niya sa harap ng bahay 'yung kotse. 
"Tulungan na kitang ipasok sa bahay mo 'yung mga pinamili mo," alok niya at tumango ako.
Lumabas na ako ng kotse, pupunta na sana ako sa pintuan sa backseat para buksan iyon pero napatigil ako dahil may naramdaman akong tao sa gilid ko.
Si Zacc!
Seryoso 'yung mukha niya, mukhang mugto rin 'yung mga mata niya. Sinuri ko 'yung buong katawan niya, naka costume parin siya at mukhang dumiretsyo dito sa apartment.
"Hinintay kita," sambit niya at dahad-dahang lumapit, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

Komento sa Aklat (130)

  • avatar
    AbellaReynan clint

    this story are good

    03/02/2025

      0
  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06/2024

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    22/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata