Homepage/No More Fan War/
NMFW 27: Back to School
AKESHA'S POINT OF VIEW
"Kaya mo na bang pumasok?"
Kumakain kami ngayon, hindi ko na sinagot si Torrie kasi hindi pa talaga ako sigurado. Ilang araw na yung nakalipas magmula nung bumisita si Zacc sa bahay. Ilang araw na rin ako hindi nakakapasok.
"Akesha anak kung hindi mo pa kaya, wag mong pilitin." Sabat ni tatay Ruben, ngumiti naman ako para hindi niya mahalata na nag aalangan akong pumasok.
Napagdesisyunan ko nang pumasok kasi marami na akong nakaligtaang lesson pati na rin ang mga quizzes. Kaya naman na ng katawan ko pumasok, pero yung puso't utak ko... Maraming pumapasok sa utak ko na pwedeng mangyari mamaya.
"Kaya ko na pong pumasok." Sagot ko at pinagpatuloy ang pag kain.
Kaya ko na ba talagang pumasok? Fresh pa sa utak ng mga estudyante sa school yung nangyari. Expected na yung bulungan pero ang tanong kakayanin ko ba?
*DING-DONG*
Si tatay Ruben na ang lumabas para tignan kung sino yung nag doorbell. Naiwan kaming dalawa ni Torrie sa hapag, tahimik lang kami. Alam 'kong gustong kumustahin ni Torrie yung pakiramdam ko pero napansin niyang ayaw ko iyon pag usapan.
"Akesha baby!" Napatingin ako sa pinto nung narinig ko si mommy na nakangiting nakating sa'kin. Tumayo ako para salubungin siya.
Sinalubong ko siya ng yakap. "Goodmorning mommy," masayang usal ko habang naka-yakap sa kaniya.
Sa totoo lang, kailangan ko ng yakap ng isang ina ngayon. Buti nalang at dumating si mommy. Ang malungkot lang, wala si daddy. Alam ko naman yung rason e', kailangang asikasuhin yung hospital.
"Ready ka na bang pumasok baby?" Malambing na usal ni mommy habang sinusuklay yung buhok ko. Siya na ang nag prisinta na mag ayos ng buhok ko.
"Yes mommy, kailangan ko na rin pumasok kasi marami akong kailangang habulin." Sagot ko, nakikita ko sa reflection ng salamin yung ngiti ni mommy. Sa ganitong paraan nalang kasi kami nag bo-bonding. Mabuti nalang at naisingit niya ako sa oras niya.
Natapos niyang suklayin yung buhok ko, inayos niya yung pagkakaladlad nito. Gusto niya pa iyong talihan pero tumanggi ako, siguro hindi ko trip mag tali ngayon. Wala naman siyang nagawa kaya bumaba na kami sa baba.
"Wait baby! Bago ko ma forget, call Torrie may gift ako para sa inyong dalawa." Tinapos ko muna yung pag aayos ng bag ko, bago ako pumunta kay mommy.
"Yes tita, narinig ko pong may regalo ka daw po sa 'min?" Masayang usal ni Torrie pagkatapos bumeso kay mommy.
Tumango naman si mommy at sinenyasan yung driver niya na kunin sa kotse yung regalo. Magilig talagang mag regalo si mommy, nung una yung laptop wala pang isang buwan meron ulit siyang ibibigay sa amin.
Bumalik yung driver na may dalang apat na box. "For you," sambit ni mommy kay Torrie at inabot sa kaniya yung dalawang regalo.
"Wow, thanks tita!" Hindi na mapakali si Torrie, gusto niya nang buksan yung regalo niya.
"Baby for you," binigay sa 'kin ni mommy yung dalawang box. "Thanks mom," sagot ko. Nilapag namin 'yon ni Torrie. Sabi ni mommy sabay naming iyong bubuksan.
"Wow!" Sabay naming usal ni Torrie nung binuksan naming yung unang kahon. Nanlaki yung mata ko dahil sa Nakita.
BTS ALBUM!
"Tita thank you po talaga!" Tumayo si Torrie para yumakap kay mommy, yumakap na rin ako dahil hindi ko in-expect na ablum yung ireregalo niya.
"Welcome alam ko naman yung gusto niyo." Sagot ni mommy, umupo ulit kami ni Torrie para buksan yung pangalang box. Para kaming bata sa ginagawa namin, masaya namang nanonood si mommy pati na rin si tatay Ruben.
Sabay naming pinunit yung gift wrapper. Nanlaki ulit yung mata ko nung nakita ko yung laman nung pangalawang box.
ARMY BOMB!
"Oh my god!" Sigaw ni Torrie nung nakita niya yung laman ng regalo naming. Hindi naman ako makapag react dahil sa gulat.
"Tita the best ka talaga!" Tumayo ulit kami at yumakap kay mommy. Tumawa naman si mommy at pinagbantaan kami na babawiin niya daw yung mga niregalo niya pag bumaba yung grades namin.
"Madam, may mga naiwan pa pala sa kotse." Inilapag nung driver ni mommy yung mga paper bag. Tinignan ko iyon, apat ulit na paper bag yung nandoon.
"Tita para sa amin rin po ba ito?" Tanong ni Torrie at tumango naman si mommy dahilan para sumigaw ulit sa tuwa si Torrie. Umupo ulit kami sa sahig para buksan yung regalo.
"Wow! Bts merch!" Sigaw ni Torrie nanlaki rin yung mata ko nung nakita ko yung akin.
Posters, croptop jacket na may print na bts, at marami pang iba.
"Omg! Ito yung perfume ni Jungkook!" Sigaw ni Torrie tinignan ko rin yung akin at pareho nga kami ni Torrie.
"Yeah ang hirap hanapin niyan, nagkakaubusan na but thank god nakabili rin ako." Sabat ni mommy habang masaya kaming pinapanood.
"Mga anak anong oras na, kailangan niyo na atang pumasok." Sambit ni tatay Ruben. Inayos naming yung mga regalo sa amin. Inayos ko na rin yung uniform ko dahil nagusot iyon nung nag bukas kami ng regalo.
"Hatid ko na kayo." Suhestyon ni mommy, nakahinga naman daw ng maluwag si Torrie kasi tinatamad siyang mag drive.
"Bye tatay Ruben," kumaway muna kami bago pumasok ng kotse. Hindi parin maalis yung ngiti sa mga labi ko.
Hindi biro yung pinagdaanan ko nung nakaraan pero napalitan agad ng saya nung nag regalo si mommy. Hindi mahalaga yung regalo para sa akin, basta nakita ko lang si mommy na nag effort para puntahan ako. Masaya na ako doon.
"Kumusta yung pag-aaral niyo?" Tanong ni mommy habang nag m-make-up sa sasakyan. Humanga naman ako dahil pantay yung make-up niya kahit na gumagalaw yung sasakyan.
"Okay lang po tita, nakakapag adjust naman na po kami." Sagot ni Torrie, ganon rin ang sinabi ko. Marami pa sana akong I k-kwento sa kaniya pero masayadong mahaba iyon baka ma late kami sa school.
"Basta pag butihin niyo lang ang pag aaral ninyo, ako na ang bahala sa gifts." Tumawa silang pareho ni Torrie samantala ako nakangiti lamang.
Nakarating na kami sa school nag park na yung kotse kaya bumaba na kami. "Kung I hatid ko nalang kayo sa room niyo?" Suhestyon ni mommy.
"Mommy wag na po, kaya na po namin." Sagot ko, nag pumilit pa siya pero siya rin ang natalo.
"Bye mommy," sabi ko at humalik sa pinsge niya. "Bye tita," bumeso rin si Torrie.
Pumasok na kami, kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon sa quadrangle patungo sa building. Ngayon ko lang ulit naalala yung mga iniisip ko kanina. Hindi nga ako nagkakamali, tampukan ako ng tingin at bulungan.
Bagama't hindi ko naririnig yung sinasabi nila, hindi ko rin maiwasang masaktan dahil base sa mukha nila ang pandidiri. Napatungo nalang ako at nag madaling mag lakad. Mas nauna akong mag lakad kesa kay Torrie kaya humabol siya.
"Wag mo nalang sila pansinin." Umakbay siya sa 'kin at sabay kaming umakyat patungo sa room. Pagkarating naming doon, nagulat ang mga kaklase naming. May mga nangamusta pero hindi rin maiiwasan yung mga nandiri sa akin.
Kailangan 'kong tatagan yung loob ko, mag simula nung pumasok kaming dalawa ni Torrie hindi na kami nakaligtas sa tingin ng mga tao kaya dapat masanay na ako.
"Napaboba niyan promise, biruin mo muntikan na siyang magahasa nakuha niya pang patawarin at hindi ipakulong." Awtomatiko akong napatingin sa gilid ko nung narinig ko yung bulungan nila.
*PAK*
Napatayo ako nung narinig ko yung malakas na sampal! Nakatanggap ng malakas na sampal yung bading na narinig ko kanina.
"Aray masakit 'yon ah!" Sigaw nung bading habang hinihimas yung pisng niyang namumula. Sinamaan lang siya ng tingin ni Torrie pero hindi siya nag pasindak.
"Bakit totoo naman a'! Ang boba naman talaga ng kaibigan mo, siguro ginusto niya yung nangyari!" Sigaw nung bading.
Susugod na sana si Torrie pero pinigilan ko siya. "Pinatawad ko siya hindi dahil sa ginusto ko yung nangyari, pinatawad ko siya kasi 'yon ang nararapat." Lumapit ako sa 'kaniya at nakita ko naman yung dahan-dahan niyang pag atras.
"Wala 'kang karapatang husgahan kung paano ako mag patawad. At sino ka para sabihing ginusto ko yung nangyari! Siguro naiinggit ka lang kasi walang gustong pumatol sa 'yo." May pagdiin yung huling salita na binanggit ko.
"Ohhh" Mahinang usal ng mga kaklase naming nanonood. Mas lumapit pa ako sa kaniya.
"Naiinggit ka kasi kahit anong pahid mo ng kolorete diyan sa pag mumukha mo, hindi ka parin makuhang pag pantasyahan ng mga lalaking pinapangarap mo."
Bumalik na ako sa upuan ko, hindi ko alam kung bakit ko iyo nasabi. Siguro nadala lang ako sa emosyon kaya ko iyon nasabi.
Sorry...
Nag tawanan naman yung mga kaklase naming nung umiiyak na tumakbo palabas yung bading na nakaaway ko. Hindi ko maiwasang m-konsensya dahil sa ginawa ko. Siguro napakasakit non kaya lumabas siya para doon umiyak.
"That was so intense! Savage!" Kitang-kita sa mukha ni Torrie yung pagkahanga. Hindi ba dapat komprontahin niya ako dahil sa masasakit na salitang binitawan ko?
"My gosh Akesha! Kaya mo palang mag paiyak nang salita lang ang ginagamit! How to be you po!" Patuloy siya sa pag puri sa akin kaya nairita na ako.
Hindi ko ginustong makapanakit ng kapwa pisikal man yan o emosyonal dahil alam ko yung pakiramdam. Hindi ko lang talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Torrie kung bakit niya pa ako pinupuri imbis nap ag sabihan.
Pumasok na yung educator kaya tumahimik na kaming lahat. "Welcome back Akesha, alam ko yung pinagdaanan mo kaya tandaan mo nandito lang kami para sa 'yo." Bati sa 'kin nung educator.
Nag pilit naman ako ng ngiti bilang tugon. Math ang subject namin pero nakakapag taka lang dahil tungkol sa sa masamang nangyari sa akin ang pinag uusapan naming ngayon. Kung kelan ko pa gustong kalimutan yung nangyari doon pa nila gustong pag usapan.
Sana lang bumalik na yung bading na kaklase ko para maintindihan niya yung tungkol sa nangyari sa akin. Hindi ko talaga lubos na maisip kung bakit niya nasabi iyon.
Naubos ang oras sa kwentuhan kaya wala kaming natutunan sa araw na ito. Ganong rin ang ibang educator, panay pangangamusta nila sa 'kin ginagawa. Patuloy rin sila sa pag bibigay ng aral tungkol sa nangyari sa akin.
Lunch break na kaya inayos ko na yung mga gamit ko. Lalabas na sana ako pero napatigil ako nung biglang may nag salita sa gilid ko.
"Akesha I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam na ganon pala kalala yung nangyari sa 'yo. Kaya lang naman kita nasabihan ng ganon kasi nag seselos ako sa inyong dalawa ni Jaro, matagal ko na kasing crush si Jaro kaya sorry." Hinawkan niya ako sa braso at mukhang sincere naman siya sa pag hingi ng patawad.
"Pinapatawad na kita, sa totoo lang ako nga dapat ang humingi sa 'yo ng kapatawaran kasi ang sakit ng mga salitang binitawan ko sa 'yo kanina." Sagot ko, ngumiti naman siya sa akin.
"Okay lang ano ka ba, kung hindi mo nga nasabi iyon. Hindi ko ma-re-realize yung pagkakamali ko." Ani niya at nginitian ko naman siya.
"Friends?" Inilahad niya yung kamay niya, inabot ko naman yon. "Friends." Sagot ko. Sabay kaming lumabas ng room. Pagkalabas ko tanging si Perrie lang ang nandoon.
"Nasa'n si Torrie?" Tanong ko pero hindi parin sumasagot si Perrie. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.
"Nasa'n si Torrie?" Pag uulit ko sa tanong, hindi parin siya sumagot. Nakangiti parin siya habang nakatingin sa akin.
"Nasa'n si Torri-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang humakbang at yumakap sa akin.
"Akesha! Buti pumasok ka na!" Tumatalon siya habang nakayakap sa akin. Nasasakal na ako sa ginagawa niya pero hindi ko siya masisisi, ilang araw rin akong absent.
"Tinawag si Torrie nung mga ka-banda niya may konting salo-salo daw sila kasi birthday nung drummer nila ngayon." Sa wakas at nasagot niya na rin yung tanong ko.
"Ano tara na, nagugutom na ako." Sabay kaming lumakad patungon cafeteria, marami siyang kwento at hindi siya nauubusan ng tanong.
"Hindi ko talaga inexpect na magagawa sa 'yo 'yon ni Jaro." Usal niya habang nag lalakad kami. Panay tanong siya at panay sagot naman ang ginagawa ko.
Nakarating na kami sa cafeteria maraming tao 'don kaya nag hanap agad kami ng mauupuan. Nakahanap naman agad kami ng bakanteng table kaya umupo na kami doon.
Si Perrie na ang nag prisinta na mag oorder kaya sinabi ko sa kaniya yung gusto 'kong kainin. Habang nag hihintay, nag basa muna ako sa mga notes na sinulat niya. Sigurado kasi akong mag ta-take ako ng quiz dahil hindi ako nakapasok nung araw na nag quiz sila.
"Hey girl!" Nag angat ako ng tingin nung may nag salita sa harap ko. Grupo sila ng mga babae mukhang sila yung dating kaibigan ni Perrie.
"D-dolly?" Hindi ako makapaniwalang kakausapin niya ako. Nag pilit ako ng ngiti para itago ang kaba ko. Alam ko kasing hindi maganda yung pakikitungo nila kay Perrie, ayaw ko ng gulo.
"Ako nga," sagot niya at umupo siya sa table, inupuan niya pa yung mga notebook ni Perrie. Napabuntong hiningan nalang ako dahil alam ko na yung susunod na pangyayari.
"Masarap ba?" Tanong niya at nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Ang lawak ng ngiti niya na, alam 'kong inaasar niya ako. Nag iwas nalang ako ng tingin.
"Ang alin?" Inosenteng tanong ko, tumawa naman siya pati na rin yung mga kaibigan niya. Patuloy parin sila sa pag tawa hanggang sa makuha nila yung atensyon ng ibang kumakain.
"Si Jaro, masarap ba si Jaro diba may ginawa kayo sa likod ng building." Tumawa silang lahat, nakitawa na rin yung ibang nanonood sa min.
"Bakit hindi ka makapag salita? Siguro iniimagine mo yung nangyari no?" Pumapalakpak pa siya habang tumatawa. Napapahiyang napatungo nalang ako.
Muli nanamang bumalik sa akin yung alala nung nakaraan. Nag paikot-ikot nanaman sa utak ko yung kasalanan na ginawa sa akin ni Jaro. Hindi ko naiwasang mapaluha.
"Oh bakit ka umiiyak?" Yumuko pa siya para tignan yung mga luha ko. Hindi ako sumagot at nanatili akong nakatungo.
"Nabitin ka ba?" Patuloy parin sa pang-aasar si Dolly.
"Dolly ano ba?! Ano nanaman ba 'to?!" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Perrie, hawak-hawak niya yung tray ng pagkain.
"Bakit nangingialam ka?!" May halong inis na sambit ni Dolly, nakahanda naman na yung mga kasama niya para makitulong.
"Wag ka nang makisali kung ayaw mong madamay." Sabi nung isa nilang kasama.
"Makikisali ako kasi mali yung ginagawa niyo? Kung kayo kaya bastusin?!" Ngayon ko lang nakitang magalit si Perrie.
"Shut up!" Sigaw ni Dolly at kinuha niya yung juice sa tray ni Perrie, binuhos niya iyon kay Perrie at maya-maya binuhos niya rin iyon sa akin.
"'Yan mag sama kayo! Pareho kayong makakati!" Itinapon pa ni Dolly sa mukha ko yung bote ng juice. Lumapit sa akin si Perrie para yakapin ako. Hindi ko naman maiwasang maluha dahil sa nangyari.
Nakakadiri ba ako?
ZACC'S POINT OF VIEW
"Bro grabe pala yung nangyari kay Akesha 'no?"
Kasalukuyan kaming nasa room, panay pagbibigay lang ng aral ang itnuturo ng educator ngayon tungkol sa 'rape.' Marami pang sinabi yung educator pero hindi ako nakikinig.
Nakita ko namang lumuha si Perrie kaya hindi ko naiwasang maawa. Hindi ko siya masisi hindi biro ang nangyari sa kaibigan niya.
Tumunog na yung bell hudyat na lunchbreak na, inayos ko na yung gamit ko at nag handa na ako para bumaba.
"Bro samahan mo nga ako pumunta sa music room," sambit ni Fai tumango nalang ako bilang sagot. Lumabas na kami ng room, nakita ko si Torrie at Perrie na nag uusap sa labas ng room nila.
Hindi parin pumapasok si Akesha, hindi ko na napigilang mag aalala dahil mag iisang linggo na siyang absent.
Lumakad kami patungong music room dala-dala yung mga papel. Hindi ko alam ang mga iyon mukhang mga chords 'yon ng kanta. Nakarating na kami sa music room at mukhang may party sa loob non.
"Fai buti pumunta ka, birthday ni Neil pasok kayo maraming pagkain." Sabi nung babae pagkabukas niya ng pinto.
Pumasok kami sa loob at marami nga silang pagkain, may mga tumutugtog ng gitara, may mga sumasayaw. Nilapag ni Fai yung papel sa table. Niyaya naman kaming sumayaw nung mga babae sa gilid pero tumaggi ako.
"Fai mukhang sa cafeteria nalang ako kakain, hindi naman ako parte ng music club." Sabi ko, pinilit pa ako ni Fai pero wala rin siyang nagawa. Lumabas ako ng music room, nag lakad ako patungo sa cafeteria.
Hindi pa ako nakakapasok sa cafeteria, naririnig ko na ang mga malalakas na tawa, dati nang ganyan sa cafeteria pero iba yung ngayon. Mukhang may gulo sa loob!
Pumasok ako sa loob at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Basang basa si Akesha at Perrie habang pinagtatawanan naman sila ni Dolly pati na rin yung mga kasama niya.
"Ang ka-kati niyo!" Sigaw ni Dolly at paulit-ulit na binato kay Akesha yung bote ng juice. Nakayukom yung kamao ko at hindi ko maiwasang mainis.
Hindi ko alam ang magagawa ko kay Dolly pero nasisiguro 'kong masasaktan ko siya! Humakbang ako palapit sa kanila pero napatigil ako nung mag salita si Dolly.
"Ginusto mo yung nangyari diba?! Alam ko yung address ni Jaro pwede mo siyang puntahan sa bahay nila at doon kayo mag paraos!" Sigaw ni Dolly, tinignan ko naman si Akesha na nag hahabol ng hininga.
Mugto na yung mata niya kakaiyak, umakyat yung dugo ko sa utak at nag simulang mabuhay yung demonyong pagkatao ko. Punong-puno ako ng galit dahil sa nakita ko. Awang-awa ako kay Akesha!
Kumuha ako ng kape sa counter at sinigurado 'kong mainit 'yon. Humanda ka sa 'kin ngayon Dolly!
Humakbang ako palapit sa kanila at hindi ako nag dalawang isip na ibuhos yung mainig sa sabaw kay Dolly. Hindi pa ako nakuntento, binato ko sa mukha niya yung platito at sumakto iyon sa pagmumukha niya.
"Ouch!" Sigaw niya, nag tatatalon siya sa sakit at mukhang napuruhan. Tutulungan na sana siya nung mga kaibigan niya pero tinignan ko sila ng masama.
Patuloy lang sa pag punas si dolly, mukhang napuruhan yung braso niya dahil doon napunta yung karamihan sa sabaw. Wala akong ibang naramdaman maski awa kundi galit!
Lumapit ako kay Akesha at gulat parin siya sa nangyari, hindi siya makapag salita at ganon na rin si Perrie. "Are you okay?" Tanong ko.
Tumango lang siya pero nakay Dolly parin yung paningin. Tinignan ko si Dolly tinulungan siya nung mga kaibigan niya. Rinig na rinig yung iyak niya.
"Thank you," sagot niya pati rin si Perrie ay nag pasalamat. Tinignan ko ng mabuti yung mukha niya. Doon ko lang nalaman na nagkabukol pala siya! Hindi ko inexpect na ganon pala kalala yung ginawa sa kaniya ni Dolly.
Maraming nanonood sa nangyari kaya humakbang ako sa harap para makita nila ako. Siniguro 'kong nasa akin na lahat nung atensyon nila.
"Mag mula ngayon! Lahat ng mananakit kay Akesha, mananagot sa akin!" Sigaw ko at inilabas ko lahat ng galit ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (130)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this story are good
03/02/2025
0best gilerrr
25/06/2024
0100
22/06/2024
0Tingnan Lahat