NMFW 21: Plan

ZACC'S POINT OF VIEW
"Anong balak mo?"
Hindi ko pinansin yung tanong ni Fai, tuloy-tuloy 'kong linagok yung yakult na binili ko sa cafeteria kanina. Hindi ko parin makalimutan yung ngiti ni Akesha nung makasalubong ko sila sa labas ng cafeteria.
"Bro hindi kita maintindihan e', nung una wala 'kang pake-alam sa dalawang 'yon pero ngayon hindi ka na mapakali kakaisip nang plano." Sambit ni Fai at napailing lang ako. 
"Wala akong pake sa 'kanila, naalala mo naman ata yung nangyari noon nung nabuntis ni Jaro si Ayra diba?" Naiinis 'kong bulong, muli nanamang bumalik sa utak ko yung nangyari noon.
*FLASHBACK*
"Dean I think this school is not safe anymore!"
Napapahiyang napatungo nalang si lolo dahil sa sinabi ni mrs. Alejandrino. Nandito kami ngayon sa office ni lolo, kasama ko si daddy at yung pamilya Alejandrino. Umiiyak lang si Ayra habang naka yakap sa daddy niya.
Hinihintay namim yung magulang ni Jaro, ilang minuto pa ang nakalipas, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jaro kasama ang isang babae. "Hayop ka!" Naalarma kaming lahat nung biglang sumugod si mrs. Alejandrino kay Jaro at akmang sasampalin ito.
"Mrs huminahon po tayo," usal ni lolo. Bumaling sa 'kaniya ang atensyon ni mrs. Alejandrino. "Huminahon? Dean may nabuo na sa sinapupunan ng anak ko dean!" Sigaw naman ni mrs. Alehanrino. 
Tumingin ako kay Jaro at nakatingin lang siya kay Ayra na umiiyak sa gilid. Nakaramdam ako ng galit kay Jaro dahil nadamay ang pangalan ng school dahil sa kalokohan niya.
"Pwede naman nating pag usapan 'to nang hindi nag sisigawan." Sagot ni lolo at umupo sa upuan niya. Umupo na rin si ms. Alejandrino sa upuan niya, tumayo naman kaming dalawa ni daddy para maka-upo si Jaro at yung kasama niyang babae.
"So shall we start?" Panimula ni lolo at tumango ang lahat. "Hijo, i-kwento mo ang totoong nangyari." Pahabol ni Lolo habang diretsyong nakatingin kay Jaro. Nag angat ng tingin si Jaro at nanlilisik naman ang matang nakatingin sa 'kaniya si mrs. Alejandrino.
"Nagkayayaan po kaming mag inuman sa likod ng buildin-" Hindi niya natapos yung sasabihin niya nung nakatanggap siya ng malakas na sampal galing kay mrs. Alejandrino.
*PAK* 
Napatayo yung babaeng kasama ni Jaro at akamang susugurin yung mommy ni Ayra ngunit pinigilan siya ni daddy. "Anong karapatan mong saktang yung pamangkin ko ah'!" Sigaw nung babae habang dinuduro yung mommy ni Ayra.
"Huminahon po tayo!" Nag simula akong kabahan nung tumaas yung boses ni lolo, highblood siya kaya hindi siya pwedeng ma-stress. Umupo yung mommy ni Ayra at tita ni Jaro. Nung humihon na silang dalawa sinenyasan niya si Jaro na mag patuloy.
"Pagkatapos naming mag kayayaan, nag dala agad yung kaibigan ko ng alak at sigarily-" Hindi ulit niya natapos yung sasabihin niya nung sumabat ulit si mrs. Alejandrino. 
"What?! Anong kwenta nung security guard ng school na 'to! Ginagawa niya ba talaga nila ang mga trabaho nila! Paano nakalusot yung mga alak at sigarilyo kung may security na nag che-check ng mga bag nila!" Nag simula nang lumuha yung mommy ni Ayra.   
"Kami na po ang humihingi ng tawad sa kapalpakan ng mga security guard namin." Usal ni lolo habang nakatungo, nararamdaman 'kong malungkot si lolo dahil sa nangyari, siguro sinisisi niya yung sarili niya dahil sa nangyari sa school.
Naawa ako kay lolo dahil napakahirap ng trabaho niya, sinubukan ni daddy na kausapin siya at palitan siya bilang dean pero hindi siya pumayag. Sabi niya, hanggang kamatayan siya daw ang hahalili sa pinag hirapan niyang paaralan.
"Hijo anong balak mo?! May nabuo kayo nitong anak ko!" Galit na usal nung daddy ni Ayra, umiwas lang ng tingin si Jaro at mukhang hindi alam ang sasabihin. "S-sorry po," tanging sagot niya pero mukhang hindi 'yon tinanggap ng magulang ni Ayra.
"Hijo sinira mo ang buhay ng anak ko," naluluhang usal ng daddy ni Ayra. "Hindi kita mapapatawad sa ngayon, pero gusto 'kong i-kwento mo ang buong nangyari." Sambit ng daddy ni Ayra na mukhang nag pipigil ng galit.
"M-matagal ko na pong pinagnanasaan ang anak niyo," panimula ni Jaro, nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Gulat rin napatingin sa 'kaniya yung tita niya. 
"Niyaya po namin siyang mag inuman sa likod ng building, mga lima po kami nun." Pagpapatuloy niya sa kwento. Nakayukom ang kamao ng tatay ni Ayra habang nakikinig.
"Uminom kami hanggang makaubos kami ng dalawang bote, may tama na kaming dalawa at hindi na namin alam yung ginagawa namin, lalo na po ako." Nag patuloy siya sa pagk-kwento. 
"Wala na po ako sa sarili nung mga panahon na 'yun kaya po nagawa ko yung kasalanan na iyon." Nag simula na rin siyang lumuha habang nag k-kwento.
"Hayop! Hayop ka!" Sigaw nung nanay ni Ayra at mukhang nag hahabol ng hangin. "Dad call our atorney kailangan managot ang lalaking 'yan!" Sigaw ni mrs. Alejandrino.
Lumabas na silang pamilya habang umiiyak, naiwan sila Jaro at yung tita niya. Umalis na rin kami ni Daddy at naiwan sa loob sila Jaro at lolo. 
*END OF FLASHBACK* 
"Kailangan 'kong gumawa ng plano para hindi mag sama si Jaro at Akesha sa clubs night."
Sa totoo lang, hindi ko na dapat sila pake-alaman pero ayokong mapunta nanaman sa alanganin yung paaralan ni lolo pag may ginawa nanamang kalokohan si Jaro. Hindi siya pinatalsik ni lolo dahil naawa siya kay Jaro.
Simula nung kumalat yung issue tungkol sa 'kaniya, maraming hindi nag enroll sa school na 'to at maraming stock holder ang kumalas tanging mga kaibigan lang ni lolo ang nanatili. Noong mga panahon na iyon 'dun ko lang nakitang umiyak si lolo.
Ayaw ko nang maulit yung nangyari noon, kaya wala akong ibang iniisip kundi yung kapakanan ng school na ito. 
 Kinausap ko si Fai tungkol sa plano at sumang-ayon rin siya. Balak naming bantayan yung dalawang mag kaibigan ng hindi nila napapansin. May sarili kaming gagawin sa mga sarili naming clubs kaya salitan kami sa pag babantay.
Sana lang ay nag bago na si Jaro pero hindi kami papakampante. May mga alak sa program pag gabi na kaya mas lalo namin silang babantayan. Gusto sanang alisin ni dean yung alak sa program pero maraming nag pumilit kaya walang nagawa si dean.
Maayos naman yung program last year kaya wala ng problema sa alak ngayon. Nag plano kaming dalawa kung paano kami mag sasalitan sa pag babantay, mas nag focus kami kay Akesha kasi kaya naman ni Torrie yung sarili niya.
Pero hindi namin siya pwedeng pabayaan kasi babae parin siya at pag natamaan siya ng alak mas malakas sila Jaro sa 'kaniya. Isinantabi muna namin yung galit namin sa dalawang 'yon at inisip muna namin yung kapakanan ng school.
Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria dahil lunch break na, hindi nanaman namin maiwasan yung mga bulungan nung mga babaeng humahanga sa'min. Dedma lang kami at nag patuloy sa paglalakad.
Pumasok na kami sa cafeteria, bumungad sa'min yung mga kumakain sa loob. Inilibot ko yung buong paningin ko sa paligid at napako 'yun sapinakadulong table.
Nakaupo 'don ang grupo nila Akesha habang masayang kumakain, magkatabi silang dalawa ni Jaro at nag tatawanan sila habang nag hahati sa pagkain. Nag aasaran naman si Von at Perrie habang nakikitawa naman si Torrie.
Nakatitig lang ako sa 'kanila, napakunot yung noo ko nung nakita 'kong pilit na sinusubuan ni Jaro si Akesha. Inaasar naman sila nung mga kasama nila at tuwang tuwa naman si Jaro. Nag simulang mag init yung ulo ko dahil may panibago nanamang biktima si Jaro.
"Ngayon ba simula nung plano? Akala ko sa clubs night pa." Bumalik ako sa ulirat nung biglang nag salita si Fai, ngayon ko lang napagtanto na ilang oras na pala ako nakatitig sa 'kanila. Lumakad na ako papuntang counter para bumili ng pagkain.
Pagkakuha ko nung order ko, umupo kami ni Fai sa pinakamalapit na table. Tahimik lang kaming kumakain pero hindi ako mapakali nung naririnig ko yung tawa ni Jaro at Akesha kasama na rin yung mga kaibigan nila.
"Mukhang masaya  sila a'," singit ni Fai, hindi ko siya sinagot at pinag patuloy ko lang yung pagkain ko. Hanggang ngayon ang lakas parin ng tawanan nila at nag simula na akong mairita. Padabog 'kong linapag yung kutsara ko at lumakad papunta sa table nila.
Malapit na ako sa table nila pero hindi parin nila maramdaman yung presensya ko. Mas lalong nag init yung ulo ko nung pag lapit ko sa 'kanila, naka-akbay si Jaro kay Akesha habang masaya silang nag tatawanan.
Napatigil ako sa pag lapit nung nahulog 'yung panyo ni Akesha, tumayo siya para pulutin iyon pero napatigil siya nung nakita niya akong nakatayo malapit sa panyo niya. Hindi ko nakontrol yung sarili ko at kusang pinulot ko yung panyo niya.
"Salamat," nakangiting usal niya at kusang nawala yung galit ko sa hindi ko alam ang dahilan. "May sasabihin ka?" Hindi parin nawala yung ngiti sa labi niya.
"U-uhm g-gusto k-ko lang I-itanong kung t-tapos na k-kayong mag d-decorate ng g-gym?" Gusto 'kong mainis dahil sa inasta ko. Bakit ako nauutal!? Nakakapag taka rin na nawala agad yung galit ko nung nakaharap ko siya.
"Uhm, tapos na ata kami sa gym pero try 'kong kausapin yung club administrator namin." Sagot niya at tumango nalang ako. Tatalikod na sana ako nung bigla siyang lumapit sa'kin at nilahad niya yung panyo niya.
Kunot-noo ko siyang tinignan, nakangiti lang siya pero mukhang nag pipigil ng tawa. "Anong gagawin ko diyan?" Sinubukan 'kong mag seryoso pero hindi ko mapigilang mapangiti, kinagat ko nalang yung inside cheek ko para maitago ko yung ngiti ko.
"M-may natitira pang sauce ng spaghetti sa gilid ng labi mo." Nakangiti paring usal niya pero naririnig ko na yung mahina niyang hagikgik. 
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya mukhang narinig pa 'yon ng mga kaibigan niya pero hindi na nila 'yon pinansin. Wala sa sariling kinuha ko yung panyo niya at ipinampunas sa gilid ng labi ko.
"Z-zacc, sa kabila." Sabi niya habang nakaturo sa kabilang side ng labi ko. Pinunasan ko 'yon at ibabalik ko na sana yung panyo niya pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko at ginamit niya 'yon pampunas ulit sa labi ko.
"May natitira pa," usal niya at kinuha na niya yung panyo niya. "Balik na ako 'don," turo niya sa table nila. Tumango lang ako at kumaway muna siya bago niya ako talikuran, kahit nakatalikod na siya, kumaway rin muna ako bago ako bumalik sa table namin.
Pagkabalik ko 'don, bumungad sa'kin si Fai na nakangisi. "Mr. Arellano, nakakapag taka lang na walang nangyaring gulo nung ginawa sa 'yo ni Akesha 'yon." Nag simula siyang tumawa. Hindi ko lang siya pinansin at nakangiting nakahawak lang ako sa labi ko.
Ang lambot ng kamay niya!
Inaasar pa ako ni Fai pero nakatuon lang yung atensyon ko sa spaghetti, nakangiti lang ako habang pinag lalaruan iyon. Ilang oras bago ko 'yon maubos. Pinupunasan ko yung labi ko gamit yung tissue at naalala ko nanaman yung nangyari kanina. 
Tatayo na sana ako pero may biglang nag-tap sa balikat ko, nag angat ako ng tingin at nakita muntikan na akong mapatalon nung nakita 'kong si Akesha yung gumawa 'non.
"Sorry nagulat ata kita, nag chat yung club administrator namin sa group chat namin, tapos na daw kami sa gym." Sabi niya at tumalikod, lalakad na sana siya para humabol sa mga kaibigan niya pero hinawakan ko yung braso niya at iniharap ko siya sa 'kin.
Napalakas ata yung pag hila ko dahil sobrang lapit ng mga mukha namin ngayon, muli ko nanamang naaninag yung kabuuan ng mukha niya. Nakaayos yung buhok niya at wala sa sariling napangiti ako nung nakita ko nanaman yung mapula niyang pisnge.
"U-uhm may problema ba?" Tanong niya na mukhang natatakot, bigla akong nataranta dahil sa inasta niya kaya nag pilit nalang ako ng ngiti para kumalma siya. Mukhang umepekto naman yung ginawa ko dahil nag bago yung reaksyon ng mukha niya.
Mas naging mapula yung labi niya at mas nag ningning yung mga mata niya. "E-ehem," bumalik ako sa ulirat nung naring ko yung boses ni Fai. Tumingin ako kay Akesha na nakatingin na sa ibang direksyon.
Muli ko siyang hinarap sa 'kin sa hindi ko alam na dahilan. "T-thank you," 'yon nalang ang tanging na sabi ko, ngumiti lang siya at kumaway bago tumalikod at mag lakad.
Naiwan naman akong nakatanga  habang pinapanood ko siyang mag lakad palayo.  "Bro okay ka lang?" Lumingon ako kay Fai nung mag tanong siya. Tumango lang ako pero hindi ko na maitago yung ngiti ko. 
"Bro baka nakakalimutan mo Fan girl 'yan ang taas ng mga standard ng mga 'yan." Sabi ni Fai na nag pakunot nung noo ko. 
"Huh?" Nagtataka 'kong tanong, at tumawa naman siya. "Wala!" Sabi niya at nag simulang humalaklak. Hindi ko na siya pinansin at nag lakad nalang ako palabas ng cafeteria.
Wala nang afternoon class kasi busy ang lahat sa mga clubs. Nandito ako ngayon sa stage ng gym at katatapos lang namin mag practice. Marami kaming intermisson number kaya marami kaming prinapractice na kanta.
"Guys start na tayo!" Sigaw ni Albert kaya tumayo na kaming lahat. Pumunta na kami sa pwesto namin 'dun sa part na may ka-partner kami. "Dahan-dahan niyo lang i-ikot yung ka partner niyo." Usal ulit ni Albert.
"Pagkatapos ng kanta, stay lang kayo sa pwesto niyo! Hintayin niyo yung susunod na kanta!" Sabi niya kaya nanatili kami sa pwesto namin. Maya-maya tumunog na yung susunod na kanta pero itinigil ni Albert 'yon.
"Pag narinig niyo na yung kantang 'yan, hihiwalay na kayo sa partner niyo at baba kayo ng stage." Kumunot ang noo ko dahil sa pasabog ni Albert.  
"Pag baba niyo ng stage hahanap kayo sa mga nanonood ng pwede niyong isayaw." Usal niya at narinig ko naman yung mga bulungan nung mga kasama ko. 
"Pupuntahan ko yung crush ko," bulong ni Chelle-ann kay Mika. Hindi ko sila pinansin at inisip ko naman kung sino yung isasayaw ko. Tsk bahala na nga. 
"Game!" Sigaw ni Albert at sinimulang patugtugin yung kanta. Humiwalay ako kay Chell-ann at bumaba kami sa stage at nag kunwaring nag hahaanap ng isasayaw . Natapos na yung practice namin kaya pumunta na ulit ako sa c.r para mag palit ng damit.
Hanggang sa c.r, iniisip ko parin yung isasayaw ko sa last dance namin. Nag palit ako white t-shirt at jogging pants. Nag hilamos na ako at nag ayos ng buhok. Nag apply rin ako ng pabango bago lumabas ng c.r.
Pagkalabas ko ng c.r, inayos ko na yung bag ko at nag binuhat ko na iyon. "Si Sasha nalang kaya?" Bulong ko habang nakatingin sa kawalan. 
"Akesha bilis naiihi na talaga ako!" Napatingin ako sa gilid ko nung biglang may sumigaw, nakita ko si Perrie at Akesha na tumatakbo papuntang c.r.
"Pumasok ka na sa loob, dito ko nalang sa gripo huhugasan 'to." Sabi ni Akesha kaya naiwan siya sa labas ng c.r. 
Hindi ko namamalayan na nakatitig nanaman pala ako sa 'kaniya, habang nakatingin ako sa 'kaniya, may biglang pumasok sa isip ko na ayain siya na maging ka partner ko sa last dance namin.
Lumapit ako sa 'kaniya at busy siya sa pag huhugas ng paint brush. "Ay mahal ko bts!" Sigaw niya at mukhang nagulat nung lumapit ako. Bigla siyang napatakip sa bibig niya nung nakita niya ako.
"S-sorry," Napatungo siya habang nag pupunas ng kamay. Nag taka naman akong tumingin sa 'kaniya, anong meron? Bakit bigla siyang natakot?
Mas lalo akong lumapit sa 'kaniya at ganon nalang ang gulat ko nung bigla siyang umatras. "Bakit ka lumalayo?" Nagtatakang tanong ko at nag angat naman siya ng tingin.
"D-diba ayaw mo sa bts? S-sorry nabanggit ko." Kinakabahang tugon niya at gusto 'kong matawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko nga napansin yung sinabi niya kanina, ngayon alam ko na kung bakit siya natakot.
Nag pilit ako ng ngiti para mawala yung kaba sa dibdib niya. "O-okay lang," usal ko at tumingin sa mukha niyang nag liwanag nung sinabi ko yung mga katagang iyon.
"M-may itatanong lang sana ako?" Sabi ko at tumingin naman siya sa mukha ko, gusto 'kong matawa dahil sa pisnge niyang may pintura.
May biglang pumasok sa isip ko at binuksan ko yung bag ko, kinuha ko yung panyo ko sa bag at muling humarap sa 'kaniya. Taka naman siyang tumingin sa 'kin. Muli akong humakbang palapit sa 'kaniya at umatras naman siya.
Napatigil siya sa pag atras nung wala na siyang  aatrasan, pader na yung nasa likod niya kaya nag patuloy ako sa pag lapit. Napapikit nalang siya habang papalapit ako kaya tahimik akong napatawa. 
Binasa ko yung panyo ko at ganon nalang yung gulat niya nung pinunasan ko yung pisnge niyang may pintura. Napahawak pa siya sa pisnge niya at tinitignan kung may natitira pa. "Quits na tayo," usal ko at pinag patuloy ang pag pupunas sa pisnge niya.
"Ay ang lande," napatingin kami sa gilid namin nung biglang may nag salita, si Perrie nakangiti siya habang pinapanood yung ginagawa ko.

Komento sa Aklat (130)

  • avatar
    AbellaReynan clint

    this story are good

    03/02/2025

      0
  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06/2024

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    22/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata