Homepage/The Water Goddess/
Warrior's Blood
Mellea's POV
Nandito pa rin kami nina Naro sa loob ng silid ko, nagkikwentuhan. Nalaman ko na nasa gitna ng kabudukan sila naninirahan, Ertheya ang pangalan ng maliit na kaharian nila. Iba't-ibang klase ng nilalang na dito mula matatagpuan sa Constellatopia. Hindi sila masasama. Katunaya, isa pa nga sila mga tinuturing na guardina natin sa mundo ng lupa.
Base sa mga kwento nila, parang gusto kong pumunta dun at makipag-kaibigan sa iba nilang kauri. Naiisip ko na baka may kagaya ni Wuba sa mundong to. Hay. Sa ngayon wala pa akong panahon para mamasyal, pero pag natapos ang misyon namin. Paglalaanan ko na talaga ng oras ang bagay na 'yon. Nakakabagot na palagi lang kami nandito sa Guild. Nakatunganga sa apat ng sulok ng kwarto.
"Prinsesa?" matining na bulong sa akin ni Marikit.
"Bakit, Marikit?"
"Nakabalik na si Master Dymen." saad nya.
"Huh? Ang bilis naman ata?"
"Oo, nararamdaman ko ang kanyang preseniya."
Tinignan ko lang ng blangko si Marikit habang kunot-noo kong binuksan ang pinto para silipin ang kaganapan sa ibaba. Hindi nga nagkamali si Marikit. Saktong kapapasok lang ni Master sa pinto. Nagsitayuan ang mga Knights at Fairies sa ibaba nang makita sya. Kasama nya si Gideon na nakasunod sa likod nya at ang iba pang kawal.
"Maghanda kayo at magtungo sa lugar ng pagsasanay! Hihintayin ko kayo dun. Magmadali na kayo at wag magsayang pa ng oras." seryosong utos nya sa amin. Nagbulungan ang ilan. Nagtataka sila kung bakit biglaang nagpatawag ng pagsasanay si Master eh gayong, kasasabi lang nito na walang pagsasanay na magaganap.
Kahit ako ay napapatanong din sa mga nangyayari.
May kinalaman kaya ito sa babaeng nakalaban namin kahapon?
Matapos sabihin ito ni Master ay tumalikod na sya. Sumunod naman ang mga kawal nya. Hindi nawala sa paningin ko si Gideon na seryoso din ang mukha. Tumingala sya sa akin at binigyan ako ng isang napaka-lamig na tingin. Tumingin lang din ako sa kanya at di nagpadala sa mga tingin nya.
Nang makaalis sila ay tumalikod na rin ako at pumasok ulit sa kwarto ko. Naupo ako sa kama at napabuntong hininga. Akala ko makakapagpahinga na ako, hindi pa pala.
"Kaya mo na bang magsanay ngayon, Prinsesa?" tanong ni Naro na may bakas ng pag-aalala sa mukha nya.
"Oo naman. Kaya ko na," nakangiting sabi ko. "Wag kayong mag-aalala, di ako mapapano dun. Gagalingan ko pa nga." dugtong ko nang may positibong tono ng pananalita.
Tumango lang sila sa akin at hinayaan na ako mag-ayos. Nagpalit na ako ng damit ko. Tamang boots na itim at black leather leggings with matching brown supoorter at white na blouse sa loob 3/4 sleeves. Nagpusod lang ako ng buhok this time. Napansin ko naman ang pagbilis ng paghaba ng buhok. Parang noong isang araw lang pinutulan ko sya tapos ngayon malapit na sya sa pumantay sa siko ko. Hindi ko na lang pinansin at mas binilisan pa ang kilos.
Kinuha ko ang espada ni ama at sinukbit sa tagiliran ko. At muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Sinong mag-aakala na isang college student noon ay magiging taga-pagligtas ng mundo. Ang cool diba.
"Maiwan ko muna kayo at kailangan ko nang magtungo sa pagsasanay." paalam ko sa kanilang dalawa.
"Oo naman po, Prinsesa." tugon ni Marikit.
"Mag-ingat ka, Prinsesa." sabat naman ni Naro na may kasama pang yakap.
"Oh sige na." kumaway lang ako bilang paalam sa kanila.
Third Person's POV
Sa lugar ng pagsasanay...
Sa ilang minutong paghihintay ni Master Dymen sa mga Pure Bloods, sa wakas ay dumating na din ang lahat na handang-handa na sa pagsasanay. Bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang taglay na angking galing sa paghawak ng armas, pagdala ng sarili, pag-kontrol ng kapagyarihan at talas ng isip at diskarte.
Sa labing limang kasapi ng Skywater. Dalawampu ang bubuo sa grupo para sa misyon sa Hilaga at Kanluran. Ang sampu ay magiging kasapi ng Warrior's Guild at ang dalawampu na maiiwan upang maging bantay ng kaharian habang ang ilan ay nasa isang misyon.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Master Dymen sa lahat.
"Hooo!" sigaw lang nila.
"Kung ganun maghanda na ang lahat."
Isang malakas na sipol mula sa ibong di nila makikila kung klase. Isa itong hudyat na magsisimula na ang pagsasanay. Habang nakatayo ang lahat, isa-isang nilapitan ng mga kawal ang mga knights at fairies. Nakatakip ito ng mga pulang tela sa mukha at naksuot na itim. Nagtaasan ang kilay ng iba at samantalang nagtataka naman si Elyenna kung ano ang gagawin nila.
"Ngayon, siguro'y nagtataka kayo kung bakit may kawal sa inyong harapan," nagtinginan ang ilan at nagbulungan ulit.
"Sila ang inyong magiging kalaban sa pagsasanay na ito." dagdag ni Master Dymen.
"Sinasabi nyo po ba na sasaktan namin ang mga kawal?" tanong nung isa sa likod ni Elyenna.
"Ganun na nga." diretsang sagot ni Master. Napatango naman ang lalaki.
"Paano po pag napatay namin sila?" tanong ng isang babae.
"Mas maganda kung mapapatay nyo sila." nakangising turan ni Master sa babaeng nasa gilid ni Elyenna.
Nanlaki ang mga mata niya kasama narin si Elyenna na naguguluhan sa binabalak na ipagawa sa kanila ng Master nila.
"Hindi nyo kailangang mag-dalawang isip dahil sa gitna ng laban dapat marunong magdesisyon agad. Hindi maghihintay ang kalaban sa inyo kung papatayin nyo ba dapat sila o hindi. Hindi nyo kailangang maawa. Ang kailangan ko ngayon ay mailabas nyo ang tunay n'yong lakas at kapangyarihan," paliwanag pa ni Master.
"Tandaan nyo! May puntos sa bawat pagbagsak ng kalaban." dagdag pa nito.
Hindi na nagpatagal pa si Master Dymen at sinimulan na ang pagsasanay. Sabay-sabay na kumilos ang mga kawal at tinasinta ang mga Pure Blood. Hindi nakabantay ang iba kaya agad silang napagbagsak. Lahat nang napabagsak ay inalis sa bilog na pinagsasanayan namin. Ibigsabihin talo na sila or wala nang puntos na makukuha.
Samantalang, tumakbo naman palayo si Elyenna pero sinundan sya ng kalaban nya. Ginamit nya ang kapangyarihan tubig para harangan ang kalaban ngunit nasira ng kalaban ang harang nya. Wala na syang nagawa kundi ang gamitin ang espada ng ama nya.
"Haaaaaa!" sigaw nya habang patakbong inasinta ang kalaban.
Nakaiwas ito ay bumagsak lang sa lupa si Elyenna. Kahit nahihirapan ay tumayo sya at kinuha ulit ang espada. Bumunot na rin ng espada ang kalaban at ngayon nagtatagisan sila ng husay sa paghawak ng espada.
"Master! Tignan nyo po si Elyenna!" bulong ni Gideon kay Master Dymen habang tinuturo pa ito.
"Hindi ba't napakahusay n'yang humawak ng espada. Para syang nakikisabay sa hangin. Mabilis nyang nasasabayan ang kilos ng kawal."
"Kahanga--hanga nga para sa isang baguhan, sya'y napakahusay." komento ni Master Dymen habang pinagmamasdan si Elyenna'ng nakikipaglaban. Napangiti naman si Gideon sa magandang komento ni Master Dymen sa babaeng hinaangaan.
"Gusto kong ikaw ang magsanay sa kanya sa pakikipaglaban. Malaki ang potensyal n'yang maging bahagi ng Warrior's Guild."
"Masusunod po." halos mapunit naman ang labi ni Gideon sa lawak ng ngiti nya. Napasuntok pa 'to sa hangin ng bahagya dahil may dahilan nya sa ngayon para mapalapit kay Elyenna.
Sa kabilang banda, marami nang napaalis sa bilog ng pagsasanay. Tanging kalahati na lang sa Pure Blood ang nasa loob ng bilog at nakikipaglaban pa rin at kasama dito si Elyenna. Mas dumami pa ang kalaban nila dahil sa hindi na natalo ng kalahati ang mga kalaban kaya ngayon kahati sa Pure Blood na nakikipaglaban laban sa limampu.
Nang mapagod si Elyenna sa paghawak ng espada. Ginamit n'yang muli ang tubig n'yang kapangyarihan para patamaan ang kabalan. Ngunit, tumagos lang ito. Nagtaka sya kung tumagos lang ang pana na ginawa nya. Inasinta nya ulit pero sa pangalawang pagkakataon, tumagos lang din ulit ito.
"Hindi sila tunay." Nawala sa konsentrasyon si Elyenna nang may bumulong sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hanapin mo ang tunay at yun ang iyong asintahin." tugon muli ng bumubulong sa kanya.
Kahit di nya maintindihan ang ibig nitong sabiin ay sinunod nya ang utos ng bulong sa kanya. Pinagmasdan nya at inobserbahan ang bawat kilos ng mga ito habang patuloy ang pag-iwas nya sa ginagawang pag-atake sa kanya ng kalaban.
Sa pagmamasid at pagbabantay nya, nawala sya sa konsentrasyon. Hindi nya napansin ang papalapit na kalaban habang ang espada nito ay handang atakinihin sya.
"Ahhh!"
Isang malakas na sigaw mula kay Elyenna ang bumasag sa katahimikan nang maramdaman nya ang pagtama ng espada sa braso nya. Tumama ang espada nito sa braso ni Elyena dahilan para mamilipit ito sa sakit at gumulong sa lupa.
Nasugatan sya ng kalaban sa braso dahilan para matumba sya sa lupa. Mabilis syang namilipit sa sakit. At napahawak sa braso sya at napansin nya ang pagdaloy ng dugo mula rito.
"Elyenna!"
Na-alarma si Gideon nang makita nyang bumagsak si Elyenna. Akmang lalapitan na nya ito ngunit mabilis syang pinigilan ni Master Dymen.
Seryosong napatingin si Gideon kay Master Dymen na parang nagsasabing kailangan ni Elyenna ng tulong. Ngunit, umiling lang si Master Dymen at natigilan naman si Gideon sa binabalak nyang pagtulong kay Elyenna.
"Walang tutulong sa kanya! Hayaan nyo lang sya." utos ni Master Dymen sa ibang mga knights at fairies na parang gusto na din sumugod sa gitna upang tulungan sya.
Natigilan ang lahat at halos lahat nakatuon ang pansin kay Elyenna na ngayon ay pilit nang bumabangon sa pagkakabagsak. Umaagos na sa braso nya ang dugo mula sa napinsalang braso. Ininda nya ang sakit at dahan-dahang tinukod ang tuhod para makatayo sya.
Bakas pa rin sa mukha nya ang sakit at hirap na nararamdaman. Ngunit, kapansin-pansin din sa mukha nya ang determinasyon na manalo sa laban na ito. Walang mababakas na kahit anong takot man lang sa mukha nya o kahit anong indikasyon ng pag-atras sa laban. Mas lalo pang ngang sumeryoso ito at nagbago din ang aura sa mukha nya.
"Kaya mo yan, Elyenna." usal ng ibang mga Pure Blood na nasa paligid.
"Kakayanin pa ba nya?"
"Ano ba kayo? Kaya nya yan."
Nagbulungan naman ang ilan.
Tutok na tutok ang lahat habang napapalibutan ng mga kalaban si Elyenna. Walang kumikibo na tila ba ang bawat pag-ihip ng hangin o pag-kaluskos ng mga dahon ay sadyang naka-abang din sa mga nangyayari.
Mamaya pa ay ikinumpas ni Master Dymen ang kanyang dalawang kamay pataas. At may bigla na lang may lumabas na pang-harang at umikot sa paligid nila Elyenna na tila ba isang pabilog na salamin.
Napaatras ang ilan ng biglang nabiyak ang lupa at lumabas ang pang-harang na ito. Ngayon, nakakulong na sa loob si Elyenna kasama nang mga kalaban. Nagtataka ang ilan kung bakit ginawa ito ni Master Dymen. Gayundin si Gideon na napupuno na ng katanungan sa kanyang mukha. Tinignan nya lang ng seryoso si Master na tila ba binabasa nito ang nasa isip ng Master.
Mellea's POV
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Nag-iinit ako na hindi ko alam. Dala na rin siguro 'to ng sugat na natamo ko. Napasulyap akong muli sa braso kong duguan nang kumirot ito. Isang matalas na espada lang naman mula sa kalaban ang tumama sa akin. Dagdag mo pa ang sakit ng katawan ko dahil sa malakas na pagbagsak ko sa lupa.
Hindi ko talaga napansin ang pag-atake nya. Sobrang bilis na parang di man lang pumatak ang isang segundo ay bumagsak na ako. At sa pagbagsak ko 'yon, narinig ko pang sumigaw si Gideon. At sa sigaw nyang 'yon naramdaman ko ang pag-aaalala nya. Parang nakikita ko si Prince sa mga mata nyang nag-aalala sa akin.
Nakahawak pa rin ang kaliwa kong kamay sa kanang braso ko, na ngayon ay punong-puno na ng dugo. Kailangan ko ng tubig para magamot ko ang sarili ko pero di ako makakuha ng konsentrasyon. Hindi ko na napapansin ang paligid ko, hindi ko na iniintindi ang panonood nila sa akin. Ang gusto ko na lang ngayon ay matapos na 'to at magamot ko na ang sarili ko.
Nang makita ko ang pagtaas ng mga harang sa amin. Hindi na ako nag-isip pa at nag-isip na ng gagawin ko. Pagkakataon ko na 'to para malaman ko kung sino ang tunay na kalaban. Mas mapapadali ang paghahanap ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Master Dymen ito pero wala na akong paki kung anuman 'yon.
Para sa akin mas maganda na ang ganito nang hindi na sila makatakbo pa. Kung mas malapit sila sa akin, mas madali kong malalaman kung sino ang nagbabalat-kayo sa kanila.
Sa tagal naming nakatayo dito at nagpapakiramdaman. Sumugod ang isa sa kanila mula sa aking likuran. Nakatutok sa akin ang espada. Ngunit, nakailag ako. Umangat lang ako sa hangin saka ikinumpas ang kamay para hawiin ang natitirang kalaban sa aking gawing kanan.
Lahat sila tumalsik sa salaming harang. Sa tantsa ko nasa tatlumpu pa silang natitira at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan sa kanila ang tunay. Susunod na pana ang umasinta sa akin pero sinangga ko lang ng kalasag ni ama. Mabilis kong nahila ang kwintas at naging kalasag ito.
Nagpa-sirko-sirko ako sa hangin at kinalaban ang natitira pa. Kahit di ko maigalaw ang aking kanan. Nagawa ko pa ring patumbahin ang lima sa kanila gamit lang ang kaliwa kong kamay at kombinasyon ng mga paa. Makikisabay sa hangin ang paggalaw ng katawan ko.
"Kaya mo yan!"
"Go Elyenna!"
Dinig kong sigaw ng ilan sa akin. Ngunit, mabilis din silang natigilan nang sawayin sila ni Master Dymen.
"Pagtuunan nyo ng pansin ang pakikipaglaban ng inyong kasamahan." supladong utas ni Master Dymen sa kanila.
Pinagpatuloy ko ang pakikipaglaban sa kanila ngunit lalo lamang ako nahihirapan dahil mas dumami sila ngayon. Hindi na ako dapat mag-aksaya pa ng oras, habang tumatagal na di ko sila napapatay, dumadami lang sila lalo.
"Haaaa!"
"Aaaaaaaaaaaa!" Mga sigaw na nagagawa ko sa tuwing gaganti ako sa tira nila.
Napalingon ako sa likod ko dahil mukhang alam ko na kung bakit hindi talaga sila namamatay. Dahil tama ang bulong sa akin, na nagbabalat-kayo lang sila at meron isang totoo na kailangan kong mapuksa. Nang magtagpo ang tingin namin ni Master Dymen, tumango lamang ito saka ngumisi sa akin.
Napaluhod ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang kalaban. Sinuntok ko sa ng malakas sa tagiliran dahilan para mapaatras sya. Sunod-sunod na naman silang umasinta sa akin at sinalo ko lahat ng pag-atake nila.
Muli akong napaluhod dahil sa pagod. At naramdaman ko na lang ang maint na likidong dumaloy sa gilid ng labi ko. At nang punasan ko ito, nakita ko ang konting dugo. Dito na ako nagalit ng husto dahil sa lahat ng pwedeng magalusan 'yong mukha ko pa.
"Tangina!" Napamurang sabi ko.
Hindi ko pwedeng hayaan na lang na masira ang mukha ko dahil lang sa pagsasanay na ito. Kailangan pa akong makita ni Prince na maganda at hindi basag ang mukha. Hindi ako nandito para maging punching bag lang ng mga kupal na 'to.
"Pagbabayaran nyong ginawa nyo sa mukha ko!!!!" sigaw ko sa kanila. Napansin kong ngumiti ang ilan sa kanila sa labas ng bilog na ito. At kasama na dun si Gideon.
"Pambihira na sa bingit ka na ng kamatayan, mukha mo pa rin inaalala mo!" Komento ng aroganteng lalaki sa akin.
"Gusto mo, mukha mo basagin ko... Ikaw dito, tignan natin?!!!" litanya ko naman sa kanya.
Hindi sya nakaimik at umiwas na lang ng tingin.
"Wag ka nang makipaglaro pa sa kanila. Tapusin mo na." Narinig ko na naman ang boses na 'yon na inuutusan ako.
Tama sya at di ko na dapat patagalin pa 'to. Gayong alam ko na kung papaano ko sila pupuksaing lahat.
Habang inaatake nila ako isa-isa, pasimple kong sinulyapan ang espada ni ama na nasa di kalayuan lang. Nang dumugin nila ako, nagpa-ibabaw ako sa hangin para at pumunta sa likuran nila.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang enerhiya na nasa gilid ko. Sa lahat ng kalaban na nandito sya lang ang may malakas na enerhiya. Mabilis kong iminulat ang mata ngunit wala akong nakita sa gilid. Ngunit, ang presensya ay nandun pa rin.
Nagtaka ako kung bakit wala sya dun nakatayo.
Hanggang sa maisip ko na kung bakit hindi ko sya nakikita. Kagaya nang mga nasa pelikula, kaya rin nilang mag-invisible. Napangisi ako at sumulyap ng mabilis kay Master Dymen. Nagtaka sya sa mga tingin ko pero alam kong alam na nya ang ibig kong sabihin sa mga ngiti ko na 'yon.
Sa huling pagkakataon, muli nila akong sinugod lahat. Agad akong kumilos at tinakbo ang espada ni ama. At dahil wala na akong sapat na kapangyarihan dahil naubos na sa pakikipaglaban. Tinakbo ko na lamang at sinipa ng malakas para umangat sa ere. Mabilis ko itong nasalo gamit ang kaliwa kong kamay dahil di ko na maitaas ang kanan ko.
Nang masalo ko ito, agad kong hinagis sa lugar kung saan ko naramdaman ang malakas na enerhiya. Napuno ng pagtataka ang mga mata ng mga kasama ko sa labas ng bilog kung bakit dun ko pinatama ang espada.
At sa isang iglap, nagpakita ang totoong may katauhan sa likod ng maraming kawal na ito. Tama ang hinala ko, nag-invisible lang sya at may kapangyarihang dumami.
Sa balikat tinamaan ang kalaban at napabulagta sa lupa. Naglaho naman agad na parang bula ang mga kawal na isang hakbang na lang palapit na sa akin. Kung nahuli ako ng ilang segundo baka napatay na nila ako. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang alam ko na lang biglang umikot mundo ko at nakatingin ako sa langit Nagtatakbuhan silang lumapit sa akin at naramdaman ko na lang na may kamay nang naka-salo ulo ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (91)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘
09/12/2021
1wow melle did not know she is the successor of dark profecy
17d
0nice story 🥰 kaso nakakabitin sana may kasunod na 🙂
14/02
0Tingnan Lahat