logo text

Chapter 6: Perfectly perfect

Virgo ♍ Aug. 23- Sept. 22
Virgos are known for being perfectionist, clean freaks. They are known for their attention to detail. They can find patterns where there are none. They can finicky critical to a fault. Everything has its place. Virgos prefer to exist in organized space but put their service orientation over their own comfort. This can mean that a virgo is too busy fixing the lives of those around them to put much work into providing for their own self-interest. Virgos are also known for being intelligent, but because of their introverted nature they can sometimes have trouble expressing themselves. Talking to them may feel like floating on the surface existence, and like you never know what they're thinking and feeling deep inside. Their emphasis on thoughts and ideas can seem like a cover-up for their lack of emotional depth. In reality, they are fortress unto themselves the definition of self-contained. Virgos will be endlessly accepting of whatever you have to share, but may not see the value in spontaneously performing a similar excavation of themselves for anyone else.
Credits: Fb page -Astro Costello
________________
Hindi ako makikialalm, gulo nila yan, pumunta ako sa susunod kong klase.
Kinuha ko ulit ang cellphone konat tiningnan ang lahat ng bayarin ko this month.
Larger than expected, mas malaki dahil graduating ako, tapos dalawa na kami sa bahay. Tubig, kuryente, bahay, at grocery. May project pa akong tataposin.
I will surely survive.
Dumaan ako sa powder room para maghilamos, nakakapagod isipin ang gastos.
Nakita ko si Molly nagpapalit ng medyas, at nakita ko ang tattoo niya sa binti.
Virgo.
Napansin niyang nandon ako kaya madali niyang sinout ang medyas niya. Kaya tuluyan akong pumasok, humarap ako sa salamin. Kinuha ko ang lip tint ko.
"Pwede magtanong? "
"Ahm, sure." Mahinahon niyang sagot saakin.
"If someone is abusing me, will you help me? "
Natigilan siya saglit at tumaas ang sulok ng labi nito saka tiningnan ako sa repleksyon ko sa salamin.
"It depends," sagot niya, tapos non ay kumuha niya ng wipes at nilinis ang muka niya.
"I'm actually a fan, cause you seems perfect everytime, parang walang mali, laging tama, laging maayos, laging perpekto." Sabi ko na lalo niyang ikinangiti.
"You know something, don't you? " Binalik niya ang tingin saakin.
"Sharp as hell " I complimented her.
"Anong alam mo? " Tanong niya at naglagay ng foundation sa muka.
"Ano bang tinatago mo?"
"I have alot as you are. "
"Really? "
"I can smell my own kind, Skl. " Sabi niya at naglagay ng eyeliner.
"Dapat na ba akong matakot? " Natatawa kong sabi.
"Of course not, stay out of this and your safe." Sabi niya at nilagay na lahat ng gamit niya sa bag.
"Wala akong balak makialam."
"Good," sabi niya bago lumabas.
"Gulo nyo yan, labas na ako don." Sabi ko sa habang hinuhugasan ang kamay ko.
Molly Evangeline.
She's daughter of a well known business man. Only daughter to be exact. No one knows her dirty little secret. Being one of the zodiac Master. The professor her just kill is sexually harassing one of her friends and every girl he want. She's killing mercilessly, flawless, smooth and very well planned, detail by detail.
Hindi na ako nakabili ng pagkain dahil nakalimutan ko na sa pag-iisip ko sa nakatambak na problema ko.
"El, kamusta! " Sigaw sakin nong lasing.
"Oi! Ayos lang, kayo? May pulutan pa ba kayo? " Tanong ko.
"Wala na nga eh meron ka ba jan? " Sagot noong isa. Dumukot ako ng isang daan sa bulsa.
"Pasensiya na, ito na lang natira sa pera ko, yan na lang muna." Abot ko ng pera.
"Ayos na to, maasahan ka talaga sa oras ng kagipitan El, muwi ka na, gabi na." sabi ng lasing na hirap ng dumilat
Kinakaibigan ko lahat ng lasing sa kanto para di ako mapagtripan, noon kasi, tumatakbo ako kapag dumadaan dito, ngayon kahit matulog ako dito safe ako, hindi nila ako tatraydorin dahil sa mga utang nila sakin
Noong una mahirap paniwalaan na nakuha ko ang katapatan nila, pero napatunayan ko yon ng minsan may pinadalang tao si papa para kunin ako. Nagtanong ang tauhan ni papa sa mga lasing kung nasan ako pero imbis ituro nila ang bahay ko niligaw muna nila saka tinawagan ako. May naghahanap daq sakin at tinanong niya kung ituturo ba nila ang bahay ko. Sinabi kung turuan nyo ng leksyon kaya walang nagawa ang tauhan ni papa kundi umalis.
"Sige una na ako, marami akong kailangan gawin" sabi ko
Kahit mga bata na laging nangungupit ng mga pitaka ay kaibigan ko.
"Ate! May barya ka ba? " tanong ni Peter
"Meron, para saan? " dumukot ako ng tatlong barya na tiglilimang piso.
"Pangkain lang," sagot niya.
"Sigurado? "
"Syempre," sabi niya sakin sabay salute at tumakbo paalis.
Nadatnan ko si Zulem naglalaro ng ML sa cellphone niya. Hindi ko na siya pinagbabawalan dahil nagagawa naman niya ng maayos ang pinagagawa ko.
"Tapos mo na? " Tanong ko, tumango lang pero nakatuon parin ang attention sa nilalaro.
Cheneck ko ang mga naaagutan niya, tama naman lahat, matalino naman siya kaya madali ang pag-aaral niya. Hindi nga lang talaga mabasa halos ang sulat kamay.
Tinambakan ko siya noong nakaraang araw ng mga libro natapos niya naman, hindi rin nakakalimutan ang mga natututunan niya, kahit bigla ko lang siyang tanungin alam niya na.
Binigay ko na lahat ng lesson na kailangan niyang aralin na inaaral ng elementary, sangayon ay na sa lessons na para sa mga grade 5 ang sinasagotan, hanggang high school.
"Nagluto ka na? " umiling siya, yon lang.
"Naligo ka ba? ".Hindi sumagot, alam na.
"Bukas bayaran mo ang tubig at kuryente natin." Utos ko sakanya at tumango lang hindi parin tumitigil kakadutdut ng cellphone niya.
"Ilalagay ko ang pera sa ibabaw ng ref, bumili ka rin groceries. " Sabi saka nabighis na sa Cr.
"Ano yan? " Tanong ni Zulem sakin paglabas ko ng kobeta.
"Ang alin? " Tinuro niya ang tattoo ko.
"Zodiac sign."
"Bakit may ganiyan ka? " Tanong niya.
"Gusto ko lang." Napatingin ako sakanya. "Ano bang birthdate mo? "
"September 28." Sagot nito.
"Libra, Libra ang sign mo." Libra, matagal na siyang hindi nakikita sa SU. May mga nagkokonwari pero wala talagang makakagaya ng totoong Zodiac Master.
"Gusto ko rin magtattoo." Sana nga tattoo lang yan. At ganyan lang kadali ang mga bagay bagay, gustuhin mo lang.
"Pwede naman, pero wag muna." Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa ng marami. Nagluto siya at ginawa ko ang mga dapat kong gawin. Nagvibrate ang cellphone ko.
"Capricorn showed up, nandito siya ngayon sa SU." Nabasa kong message ni Joana.
"Describe him," reply ko.
"Matangkad, maskuladong pangangatawan, tahimik at pormal kung kumilos." Sagot nito.
"Kita ba ang tattoo niya? " Reply ko.
"Hindi," hindi na nakakagulat. Every Pisces's Season nagpapakita siya, anong meron. Umupo si Zulem sa harap ko.
"Pwede bang kwentuhan mo ko tungkol sa mga Zodiac Master? " Tanong nito saakin kaya napangiti ako sakanya.
"Saan ako magsisimula?"
"Sa kabuoan hanggang bawat isa." Request niya saakin.
"Lahat ng Zodiac Master may underlings, may grupo silang pinakumunuan, ni minsan hindi nakitang kompleto ang Zodiac Master na magkasama sa isang lugar. Dahil siguro kapag nagsama sila sa isang lugar, malaking gulo.
Si Aquarius ang nagpapanatili ng konting kapayapaan, kaya tahimik ang SU kapag season niya.
Si Pisces, Gemini, Scopio at Sagittarius ang laging laman ng SU. At ang iba ay minsan lang nakikita don.
Hindi ko sila kilala, kaya wala akong maiikukwento sayo. Basta ang alam ko, mahirap sila kalaban." Hindi pa siya handang malaman ang mga impormasyon tungkol doon.
"Nakita mo na ba ang mga muka nila?" Tanong nito saakin.
"Hindi nila pinapakita ang muka nila."
"Bakit may ilang walang maskara noong pumunta tayo? "
"Matatapang lang sila at wala pakialam sa buhay nila. " Sabi ko lang saka nag-ayos na ulit para umalis may trabaho ako ngayon.
"Sama ako," sabi niya.
I just shrugged then tumakbo sa damitan niya para magbihis.
Sinasama ko siya kahit saan, ako pumupunta kung gusto niya, hindi ko naman siya kinukulong sa bahay.
Sumakay kami sa tricycle papunta sa resto. Umupo si Zulem sa isang upuan at nag-order siya ng frappe.
Pumunta naman ako sa kahera para pumalit kay Jen.
"Yan na ba yong inampon mo? " Tanong niya habang nakatingin kay Zulem.Tumango ako at ngumiti.
"Tarayyyy, ang gwapo, sayang bata pa bagay sana kami." Sabi niya kaya binato ko siya ng basahan.
Dumila pa dahil nakaiwas, pero na bangga naman ang isang customer.
"Sorry Sir, sorry talaga, Sir pasensiya na, kasi......ano." Kinakabahan nitong sambit.
Hindi siya pinansin nito at nag-order ng sakin. Habang hinihintay ang order niya pinaupo siya ni Josh sa isang table pero umupo siya sa table ni Zulem. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, nakikita ko ang tensyonado si Zulem habang kalma lang ang lalaki. Medyo may katandaan.
Ginagawa ko lang ang trabaho ko ng maayos pero hindi naaalis ang tingin ko kay Zulem.
Nahatid na and order nong lalaki, at pinakain si Zulem pero ayaw niya.
Bigla silang lumingon sakin at nagkonwari akong abala at parang hindi alam na nakatingin sila.
Hindi naman ako nakatitig sa kanila bali, pa silip silip lang.
Napansin kong inabutan ng lalaki Si Zulem ng maliit na card.
Dalawang oras na lang out ko na, kanina pa nangangati ang paa kong lumapit sakanila.
Medyo kumalma ako dahil lumapit sakin si Zulem.
"Zeal, " tawag niya sakin.
"Sino yon? " Tanong ko agad sakanya.
"Kilala niya daw ang mama ko." Sagot nito.
"At? "
"Kilala niya rin ang ama ko."
"Naniwala ka naman? " Inis kong sabi.
"Bakit hindi? " Sagot niya agad kaya lalo akong nainis.
"Wag kang magtitiwala sa kung sino sino." Paalala ko sakanya.
"Nagtiwala ako sayo kahit hindi kita kilala, bakit sa kaniya hindi. Hindi lahat hindi katiwa-tiwala." Pangangatuwiran niya pa.
"Anong sinabi niya?"
"Sumama daw ako sa kaniya, saglit lang, ibabalik niya raw ako dito mamaya kapag tapos na ang trabaho mo."
"Naniniwala ka talaga sa kaniya? " Inis kong sabi.
"Saglit lang, babalik ako agad." Pagpupumulit ni Zulem.
"Paano kung may mangyaring masama."
"Alam kong wala." Salungat niya saakin. Nakikita kong wala siyang balak magpapigil sa pagsama sa lalaking yon.
"Zulem," tawag ng lalaki sakaniya.
Tinitigan ko ng mabuti ang lalaki at tumitig rin siya para patunayang wala siyang gagawing masama. Lumapit samin ang lalaki.
"Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya agad dito pagkatapos namin pumunta sa dapat naming puntahan." Wala pa rin akong tiwala sa lalaking ito.
"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ko sakanya.
"Sa lugar na siya lang dapat ang makaalam." Sagot niya at hindi ako natuwa sa naging tugon niya.
"Hindi siya sasama." Pinal kong sabi.
"Ate," natigilan ako ng tinawag ako ni Zulem na ate, first time niya akong tinawag non."Gusto kong sumama."
Gusto kong umayaw pero hindi ko siya mapigilan, nagtitiwala siya sa lalaking to, gaya ng pagtitiwala niya sakin noon.
"Sigurado ka? " Mahina kong sabi, naririnig tinatawag na ako ng kasama ko. Tumango siya kaya napapikit nalang ako.
"Ibabalik mo siya bago mag-9 pm." Sabi ko sa lalaki.
"Pangako," sagot niya lang.
"Gustong malaman ang pangalan mo bago kayo umalis."
"Damien " sagot niya at tumalikod na siya sumunod naman si Zulem.
Tinawagan ko agad si Jaime para sundan sila. Nag-uupdate si Jaime halos minu-minuto pumunta daw sila sa isang cementeryo pagkatapos ay dumaan sa isang malaking bahay.
Hindi malaman ni Jaime ang ginagawa nila sa loob pero nanatili siyang nakabantay. Malapit ng mag-alas nuebe wala pa sila.
Hanggang nag-alas nuebe na nga, eksakto daw na lumabas sila sa bahay, may dalang bag si Zulem.
Sinundan niya pabalik sa resto, saka lang siya umalis. Nakaupo ako sa labas ng resto naghihintay sa dating nila. Nakita ko ngang may bag si Zulem na dala.
"20 minutes late."
"I promise to return him, but not in exact time. " Sabi niya tinapik lang si Zulem at umalis na. Sumakay kami sa bus para umuwi.
"Ano yan?" Tukoy ko sa bag na dala niya.
"Sa bahay na lang." Sabi niya kaya tumango na lang ako kahit nagtataka.

Komento sa Aklat (237)

  • avatar
    Justine Noah Valencia

    Thank you

    10/11

      0
  • avatar
    Denmark Ryu Bicomong Hernandez

    mag aral ka pa ng mabuti

    02/04/2025

      0
  • avatar
    ArbyMark

    very nice

    04/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata