Homepage/Until We Meet Again/
Epilouge
Leijann Pov
Nagmamadali kong tinignan kung ayos naba ang lahat. It's been 3 months since Sazchna and I back together.
"Kamusta lahat? Ayos na ba?" I asked Kath. I'm freaking nervous!
"Ayos na."
"A-asan na siya?" I asked her again, kinakabahan talaga ako.
"Nasa dressing room, minemake-uphan. Lalagyan siya ng blind fold kapang ipapasuot na sakanya ang wedding gown." Kath said.
I just nodded. Tumingin ulit ako sa paligid para siguraduhin kung perfect naba talaga. I haven't done this before.
"Am I look like stupid?" kinakabahan na tanong ko. Please say no.
"No?" she wasn't sure what she was saying. Damn it!
"Oh ghad!"
Beach Wedding ang napili kong kasal dahil mahilig siya sa simoy ng hanging dagat simula ng magbuntis siya.edyos halata na ng konti ang tyan niya pero hindi naman sobrang laki.
Hindi ako masyadong nag-imbita ng mga bisita para hindi masyadong crowded kahit pa malawak naman 'tong Isla namin.
My parents are here and also her parents.
Minutes passed, I saw her with a blind fold on her eyes. She's wearing her V off-shoulder gown. She's so perfect.
Finally slowly removing her blind fold, tears filled her eyes. She's crying, My baby is crying. What did I do?
I was comforted as she smiled at me and slowly walked to the red carpet holding her bridal flower. Tears fell in my eyes. I'm happy.
My fiancee is in front of me now, wearing her charming smile.
"Kung sino man ang gustong tumutol sa kasalang 'to ay magsalita na habang maaga pa." tanong ng pari.
Nagulat kami ng biglang tumayo si Cyhril at sumigaw ng, "Sana all!" I shooked my head in disbelief. "Charot! Sige po father continue na po."
Mabilis ang oras at palitan na ng vows namin. Ako ang mauuna.
"Baby," nginitian ko siya. "I vow to forever keep you in my arms safety. Hindi ko hahayaan na umabot tayo sa magkakasakitan tayo, hindi ko hahayaan na may manakit sayo na kung sino man yan, kahit lamok pa," tumawa naman siya. "I vow to be forever by your side no matter what." pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisnge niya. "Hindi ako aalis sa tabi mo, kahit pa itulak mo ako palayo sayo, hinding-hindi na kita papakawalan. Hindi ko hahayaan na tumagal ang mga darating nating tampuhan. Kung gusto mong lumayas at pumunta ulit sa Korea ay susundan kita, masigurado ko lang na safe ka. Mahalin mo lang ako ay higit pa ang isusukli ko sayo nang magiging anak natin. I vow to love you for the rest of my life 'cause you're my life, Sazchna. Without you I am nothing. I love you, until death do us part, ikaw lang my timatangi." I wiped my tears. Tears of joy. Isinuot ko na sakanya ang singsing
It's time for her vow.
"Hubby," she paused. "I vow to take care of you all the time. Aalagaan kita kapag may sakit ka, aalagaan kita kapag pagod ka galing sa work, aalagaan kita hanggat makakaya ko." pinunasan niya ang luha ko. "Wag kang umiyak, naiiyak din ako,e!" sita niya sa'kin. Tumawa kami at pinagpatuloy ang sinasabi niya. "I vow to always make you smile. I vow to be forever faithful to you. I vow to love you everyday of my life. Until the last star dies and falls, mamahalin kita pati ang magiging anak natin. I love you. Dahan-dahan niyang isinuot sa'kin ang singsing.
Humarap ulit kami sa pari at hinintay na sabihing pwede ko na halikan ang asawa ko.
"You may kiss the bride."
Dahan-dahan kong tinanggal ang belo niya at hinalikan siya sa harapan ng maraming tao. "I love you." I whispered.
"I love you too." She answered...
"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw nila ng makita nila kaming papunta na sa entrance ng venue. Inaalalayan ko si Sazchna sa gown niya dahil baka matapilok siya sa haba. May banda ng kumakanta sa stage, yung iba nakikipag-usap na sa mga kakilala, yung iba naman ay kumakain na.
Umakyat si Kaliegh sa taas para magbigay ng konting speech at advice. "Bro, Kasal kana, sana matuto kang magtiwala sa pagmamahal na binibigay sayo ni Sazchna. Sana sa susunod hindi kana maglilihim sakanya. Hayaan mong pagkatiwalaan ka niya dahil ganon ang totoong pagmamahal, may tiwala sa isa't-isa. Last time kasama mo pa kami sa bar dahil broken ka at alam ko lahat ng pinagdaanan mo. Saksi ako sa lahat ng sakit na naranasan mo but look at you now, happily married. Hindi ko alam na darating rin pala tayo sa ganito kahit hindi ko pa nakukuha ang pagmamahal na para sa'kin." tumingin siya kay Kath. "Sazchna, sana magmahalan kayo ng matagal. Congratulations to the both of you! Cheers!" itinaas niya ang wine glass niya at sumigaw naman kami ng cheers.
Bumaba na siya sa stage at lumapit sa'min. Tinapik niya lang ang mga balikat namin at nakangiting umupo sa pwesto niya.
Sunod na umakyat si Kathrina. "Congratulations to the both of you. May God bless the both of you. Leijann, sana wag mo sasaktan si Sazchna. Sana hindi mo siya papaiyakin. Saksi rin kami sa lahat ng pinagdaanan niya, saksi kami sa lahat ng hirap at pagod niya bawat araw. Saksi kami sa mga unan na nababasa niya tuwing gabi. Sana maging masaya na kayo at sana ay magmahalan kayo hanggang sa huli. Once again, Congratulations!"
Bumaba na siya at nakipag-beso sa'min ni Sazchna. "Aalagaan mo 'tong kaibigan ko ha! Malilintikan ka sa'kin kapag umiyak to!" banta niya sa'kin. Tumango nalang ako at bumalik na siya sa pwesto niya.
Oras na para ihagis ni Sazchna ang bouquet niya. "1,2,3!" hinagis niya ang bouquet sa mga kumpulang babae at nasalo naman 'yon ni Kath.
"H-hoy b-bakit ako? Wala pa nga a-akong jowa,e!" angal niya.
"Masama tumanggi sa blessing." paalala ni Sazchna.
Garter naman ang kasunod.
Hinagis ko 'yun at si Kaliegh naman ang nakasalo. Nakatitig lang siya do'n at mukang hindi makapaniwala. May papanain na naman si kupido. Tahimik siyang umakyat sa stage at isinuot ang garter sa legs ni Kath.
"Higher! Higher! Higher!" chant ng mga tao.
Ang saya nila tignan. Niyakap ko ng mahigpit si Sazchna at hinalikan sa noo...
"Aray ko! Letsugas ka Leijann! Huwag kang lalapit sa'kin kapag nakalabas ako dito!" sigaw ni Sazchna ng itakbo ko siya sa hospital. Manganganak na yata siya dahil pumutok na ang panubigan niya. Anong gagawin ko?
Tinawagan ko lahat ng mga kaibigan niya para ipaalam na nandito siya ngayon sa hospital. Pati na rin ang mga kaibigan ko na kaibigan niya na rin, para sa moral support.
Maya-maya lang ay nakarating na kaagad ang mga kaibigan niya. "A-asan si Sazchna?" utal na tanong ni Kath.
"N-nasa delivery room pa." sagot ko.
"Punyemas naman kase Leijann,e! Sa susunod ikaw na ang bubuntisin niyan!" matalim ang titig sa'kin ni Kath.
"Manahimik ka nga, Kath! Ganyan din ako ng pinagbubuntis ko ang panganay ko." suway ni Heisha kay Kath. May anak na si Heisha at isang taong gulang na ang anak niyang babae ngayon.
"Mag hintay nalang tayo." kalmadong sabi ni Marguerite.
Lumabas na ang doctor. "Doc. k-kamusta po?"
"Ikaw ang asawa niya?" tanong ng doctor at tumango naman ako. "Okay na siya, kailangan niya na lang magpahinga. Malusog ang bata, huwag na kayong mag-alala. Ligtas sila." ngumiti ang doctor at umalis na.
Pumasok kami sa loob at nakita namin si Sazchna na lupaypay ang katawan, halatang pagod na pagod. Dinala nila dito ang baby namin ni Sazchna na ngayon ay kinakausap na ng mga kaibigan ko.
"Kunin mo akong ninang! Promise diko siya tatakasan kapag may especial occasions." presinta ni Czavrina. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
Nilapitan ko ang anak ko at dahan-dahan ko siyang kinarga. My little angel.
Nagising na si Sazchna at agad niyang hinanap ang anak namin. Hinayaan ko naman siyang kargahin ang anak namin at naluha siya ng makita niya.
"Ang ganda niya." pinunasan niya ang luha niya. "Ang ganda ganda naman ng Szaichila Leianna ko."
Hinayaan ko na si Sazchna ang mag decide ng name ng anak namin dahil siya naman ang nahirapan manganak.
"Hi Szaichila Leianna, ako si ninang Czav." nilalaro ni Czav ang kamay ni Szaichila.
Nakakatuwa na andito lahat ng mga kaibigan namin through ups and downs. Sobrang swerte namin dahil nakilala namin sila kahit pa minsan ay may hindi pagkakaintindihan at nauuwi sa tampuhan. Katulad niya ang tinatawag na for keeps!
After 5 years
"Ninang! Ninang! Where's my gift?" tanong ni Szaichila kay Czav.
"Ah, eh, naging busy kase si ninang e. Pwede bang kiss nalang muna?" palisot ni Czav.
"Kiss na naman? Pero sige na nga." kamot ulong hinalikan ni Szaichila si Ninang niya Czavrina.
"Akala ko ba hindi ka magtatago sa mga occasions? Well, hindi ka nga nagtatago, nangunguripot ka naman!" asik ko sa kaibigan kong si Czavrina.
"Baliw! Babawi ako!" pabulong niyang sabi. Tumawa nalang kami at hinayaan naming panoodin ang mga anak namin na naglalaro.
"Sazchna!" sigaw sa'kin ni Kath.
"Ano?!"
"Nabigay ko na gift ko sa inaanak ko, baka sabihin mo na naman nagunguripot rin ako! Wag moko igaya diyan kay Czavrina!" biro niya sa'kin.
"Oo na!" sigaw ni Czavrina. Hinayaan ko silang magtalo at pumunta ako sa tabi ng asawa ko. "Hello, hubby!" I kissed his lips.
"Hello, wifey! Kamusta mga ninang niya? Nagbigay ba ng regalo?" natatawang tanong niya.
"Oo," I chuckled. "Hindi ko man lang na imagine na magiging ganito tayo kasaya. I'm so lucky to have you, hubby."
"I'm also lucky to have you, wifey." hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.
Magkayakap naming pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro pati na rin ang mga kaibigan namin na may kanya-kanya ng mga asawa at anak.
Mahirap mang magpakali ng anak dahil sa kulit at ingay nito pero hindi kami sumuko ni Leijann at hindi niya pa rin ako iniwan kahit minsan ay masyado na kaming stressed sa mga bagay. Buo ang pamilya na pinapangarap ko at masaya ako sa lahat ng mga nakamit ko kasama ang mga mahal ko sa buhay.
As long as I am breathing I will protect them because I love them.
Without them I am nothing.
The end.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (158)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
dear friend you have any questions I will be there in about this weekend and we are and I can do it tomorrow if I get it tomorrow I will be in at the same place I can help in any way and then I love the answer is the one that was good I will be home in a bit if that works better ok I will let him do it for you if you wanted you and I can do it tomorrow and I have no idea what answer to that question about your video chat me to do it with me and I will be home tomorrow and then I'll go to girl to
26/04/2025
0supper buyutifuly
27/09/2024
0great job and great work by both the artist of this piece of work and the person who created this piece of art and the art of this piece are very inspiring and very very talented in their style of work as they do this work with their own unique style of artwork which they have created in the art community as a community of people who have a passion and a desire for the arts as a whole to create and to inspire them and their own creative and artistic work that is very much like art in a sense
14/09/2024
0Tingnan Lahat