Chapter 16

Sazchna Pov
Nagising ako sa boses ni Leijann. "Bumangon kana jan, 6pm na mag dinner na tayo para makapag swimming na din tayo. Masaya maligo sa dagat pag gabi. Tahimik."
Bumangon na din ako sa pagkakahiga ko ng marinig ko ang sinabi ni Leijann na mags-swimming daw kami. "Tara na." excited na saad ko.
"Anong tara? Nakikita mo ba yang suot mo? Nakapajama kapa kase sabi mo kanina mas komportable ka matulog pa nakapajama. Dalian mo na magbihis ng pang swimming mo, magsuot kana lang ng bathrobe o kung anong tawag dun sa pang beach ma puting dress na ewan. Mauna na ako sa labas." lumabas na siya at ako naman ay naghanap ng swimsuit ko. Itong color black na muna. Pinalitan ko na ang suot ko at naglagay ako ng super duper light makeup sa muka ko.
Lumabas na ako sa room namin ni Leijann at nadatnan ko siya na naghihintay sa tabi ng pinto. "Ano yan?" turo niya sa muka ko.
"Kagandahan?" painosente kong sagot kahit alam ko naman na ang tinutukoy niya.
"Wtf?"
"Regalo kase sakin ni Cyhril yung peach makeup set e. Ang cute kase ng box niya kaya ginamit ko na din. Galing Australia daw." proud na sabi ko sakanya.
"Let's go. I'm hungry." nauna na siyang maglakad at inis kong sumunod! Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Share ko lang." pagkakausap ko sa sarili ko. Walang lalapit mamaya pag naka bikini na ako ha! Galit galit tayo peste ka di moko kinakausap. Nagmamartsa akong sumunod sakanya.
Dinala niya ako sa isang restaurant ng hotel. So romantic. May sweet song pa na may mga couple na nagsasayaw. Umupo kami ni Leijann at tinawag niya ang waiter para kunin ang order namin.
"Bakit dito tayo kakain?" tanong ko habang nakangiting pinagmamasdan ang mga magkasintahang nagsasayaw.
"Kasi may pagkain dito." walang kwenta niyang sagot.
"Alam mo ikaw kahit kailan di kana naging maayos kausap. Lettuce ka!" singhal ko sakanya.
"What's with your lettuce? You're always keep saying that."
"Wala kang pake!" kalmado kong sagot sakanya habang iniinis ko siya sa peke kong ngiti.
"Also your fucking fake smile. It irritates me." naiinis na talaga si Leijann. Pikon talaga ang abnormal na to.
"Yung lettuce kasi ay gulay, Lettuce tagalog ay letsugas. Alam mo din naman siguro ang letche? Letche plan, Letche ka! ay pasmado. Char! Basta wala kang pake kung ayaw mo ng lettuce sige binabago ko na. Letsugas, ka! Joke." inirapan ko siya.
"Talk to the air." He sighed.
Dumating na ang order namin at wala kaming kibuan hanggang sa matapos kaming kumain. "What's next? Are we going to swim now?" Nauna siyang maglakad at ako naman ay nasa likod niya.
"Yeah. Kung gusto mo naman mag luto ka sa buhangin or sa tubig." Sarcastic niyang sagot.
"Wala ka talagang katino tino kausap. Letsugas!" asik ko sakanya. "Mauna kana maligo, pupunta lang ako dun sa mini bar." turo ko sa malapit na mini bar.
"Bilisan mo." naghubad na siya ng t shirt niya. Letsugas ni barabas oh. Dapat nagtake out ako ng kanin e. Sarap ng ulam oh 6 packs abs cbn tv plus.
"Akala ko ba pupunta ka don?" bigla niyang tanong.
"Me mesherep ang nese herepen ke e." bulong ko.
"What?"
"H-ha? What whatin mo muka mo!Letsugas to!" nagmamartsa akong pumunta sa mini bar. Epal na tao 'yon. Nag e-enjoy pa ako sa view e tapos biglang eeksena.
"One shot of whiskey, please." utos ko sa bartender at may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Omy ghad. Am I dreaming? You must be Sazchna, right?" aniya ng lalaking nasa gilid ko.
"Yeah? Why?" kunot noo akong tumingin sakanya. I didn't met him before. I don't even fucking know him.
"Oh my fault. Btw, I'm Aelous Tzusander. Leijann's cousin/good friend." He winked.
"And?" I said sarcastically.
"Bars self!" bulong niya sa sarili niya.
"Nothing. Are you with my cousin?" He asked.
"Yeah." I said plainly.
"Binabayaran ba salita mo?" He asked.
"A-ano?" I chuckled.
"Sabi ko kung binabayaran ba salita mo?" pag uulit niya.
"Bugok! Naintindihan ko yung sinabi ko. I mean, bakit mo naman nasabi 'yon?" medyo natutuwa na ako makipag-usap sakanya.
"B-bugok? What's that?" nalilitong tanong niya.
"Sabi ko ang pogi mo." pagbibiro ko.
"I know that." pagyayabang niya.
"Nice talking to you Aelous. See you around, bye." paalam ko sakanya at bumalik na ako kung saan nakaupo na si Leijann sa buhangin.
"Bakit iniwan mo 'yon?" si Aelous ang tinutukoy niya.
"Nakita mo 'yon?"
"I have 16x vision. Kitang kita ko na nagkakatuwaan kayo. Anong sabi niya? Liligawan ka daw niya? O sinagot mo na?"
Naguguluhan ako sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Hindi kaya nagseselos siya?
"Nakita mo na pala kami e. bakit di kapa lumapit?" madilim na ang muka niya. Nakakatakot.
"Talaga?" he sarcastically said.
"Nagseselos ka noh?" asar ko sakanya.
"Wtf? No!" giit niya.
"Then why are you acting like you're my boyfriend and I'm yours?" walang preno kong sabi sakanya. Nainis na din ako.
"Because you're mine! You're mine, Sazchna! You're only mine and I don't fucking share! Damn it." inis na sigaw niya.
"We're not a couple Leijann. We don't have fucking label Leijann. We're just fucking friends! You're my boss and I'm just your secretary! Nothing more, nothing less. I'm not yours." Inis na sigaw ko sakanya. Umalis na ako sa harapan niya at inis na nagtungo sa hotel room namin.
Hindi ko siya maintindihan punyemas! Sabi niya kanina hindi siya nagseselos tapos ganon siya umasta. Ang sabi niya closure pero bakit ganon? Parang mas napapalayo kami sa isa't isa.
Letsugas! Hindi man lang tuloy dumapo sa paa ko ang tubig dagat. Minsan na nga lang maramdaman ang dagat sa katawan ko. Bwesit na Leijann yan kala mo babae. Pinsan naman niya ang kausap ko tapos napaka malisyoso. Bahala siya sa buhay niya!
Binukasan ko ang laptop ko kahit wala akong planong magtrabaho ngayon ay iyon nalang ang gagawin ko para naman makapag palipas oras.
Inayos ko ang mga sinend saakohn na email ni Maila, my secretary. Isang oras din ako nag butingting bago ako natapos sa mga ginagawa ko. hindi ko pa din malimutan ang pinagsasabi ni Leijann, nakatulog nalang ako bigla sa inis ko.
Leijann Pov
I decided to go back to our hotel room besides I'm already drunk.
Pasuray suray akong naglakad hanggang sa makarating ako. Bumungad sa'kin si Sazchna na natutulog na. She's right. We don't have label yet, but tomorrow I'm starting working on it.
I kissed her forehead before going to sleep. "Goodnight, mahal ko." I whispered.

Komento sa Aklat (158)

  • avatar
    USNANALSON

    dear friend you have any questions I will be there in about this weekend and we are and I can do it tomorrow if I get it tomorrow I will be in at the same place I can help in any way and then I love the answer is the one that was good I will be home in a bit if that works better ok I will let him do it for you if you wanted you and I can do it tomorrow and I have no idea what answer to that question about your video chat me to do it with me and I will be home tomorrow and then I'll go to girl to

    26/04/2025

      0
  • avatar
    Kurt Pubuka Ziolez

    supper buyutifuly

    27/09/2024

      0
  • avatar
    Jerry Alluvida

    great job and great work by both the artist of this piece of work and the person who created this piece of art and the art of this piece are very inspiring and very very talented in their style of work as they do this work with their own unique style of artwork which they have created in the art community as a community of people who have a passion and a desire for the arts as a whole to create and to inspire them and their own creative and artistic work that is very much like art in a sense

    14/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata