Homepage/Until We Meet Again/
Chapter 13
Sazchna Pov
Sazchy tawag sakin ni Leijann. Fuck! Nakakaalala na siya. Ngayon niya yata balak i open ang topic. Hindi pa yata ako handa.
"I'm sorry." dagdag niya at nagbaba siya ng tingin.
Ininom ko ang tubig na nasa tabi ko kahit alam kong sakanya iyon. Hindi ako makatingin sakanya. Akmang aalis na sana ako ng pigilan niya ang kamay ko. "Sazchna, makinig ka naman muna sa'kin oh. Please?" pagsusumao niya.
Nanghihina akong umupo sa lapag at yakap yakap ang mga braso. Bumaba din siya ng kama at tumabi sa'kin.
"Sazchna, I'm really sorry. Hindi ko alam na sira pala ang break nung sasakyan na ginamit ko. Hindi ko alam dahil sa taranta ko basta ko na lang ginamit 'yon." nakayakap siya sa'kin.
Napahagulgol ako. "G-gusto kitang saktan! G-gustong gusto, pero wala akong magawa dahil kasalanan ko din. Kung hindi sana kita ginulo noon at kung hindi sana ako naglayas sa bahay nila grandma ay hindi sana magkakaganon."
"Shhh. Don't cry. Nasasaktan ako." hinaplos niya ang muka ko at pinahid ang mga luha na pumapatak sa pisnge ko.
"Kasalanan nating dalawa pero grabe ang trauma na nangyari sa'kin dahil sa aksidenteng 'yon. Buong buhay ko Leijann para akong tanga na nakatulala. Para akong tanga na halos takot sa lahat ng tao, sa mga paligid, sa mga sasakyan. l was too scared to repeat that accident. Ilang taon na naging ganon ang pananaw ko. Feeling ko palagi akong maaaksidente." napahagulgol ako.
"I'm really sorry Sazchna." niyakap niya lang ako hanggang sa kumalma ako.
Tinapos namin lahat ng mga ginagawa namin at hindi na muling tinangkang mag usap.
Nararamdaman ko na may gusto pa siyang sabihin ngunit para bang pinipigilan niya ang sarili niya para sa peace of mind ko.
11 pm na naman ulit ng matapos ako sa mga ginagawa ko, dibale mas malaki ang sahod kapag ganito. Naisip ko na umidlip muna dahil ma din sa pagod. Hindi ko na nagawang tignan si Sir Leijann dahil kinakabahan pa din ako sa mangyayari...
Nagising nalang ako sa sikat ng liwanag na tumatama sa muka ko. Paano ako nakarating dito sa kama?
Si Leijann,hindi siya nagka amnesia at nalaman niya na naaalala ko na siya.
Anong mangyayari sa'min dalawa ngayon? Magbabago ba ang pakikitungo namin sa isa't-isa? WAHHHH! Bakit naman kase napaaga ang pag coconfess. LETTUCE!!!
Sht! Late na ako! Bakit kase ang haba haba ng tulog ko ngayon. Baka gutom na si Leijann. Nagmadali akong naligo at lumabas ng silid.
Nakasalubong ko sa hagdan si Leijann. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang kinakapos na ako ng hininga.
"Naka day off tayong dalawa ngayon. Wag kang mag-alala may sahod kapa din." nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Salamat naman at makakapagpahinga na ako kahit isang araw lang. "Sazchna, I want a closure." may awtoridad niyang saad.
"W-what kind of closure?" utal kong saad.
"Were going to Siargao Island. Pack some clothes and don't forget to bring swimsuit. 1week tayo doon." saad niya at nauna ng bumaba sa'kin.
"1 week?" Si1gaw ko.
"Yes, walang closure na 10 minutes Sazchna." binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig.
"Sabi ko nga wala." sumunod ako sakanya. "Anong gusto mong agahan?"
"Ikaw." deretso niyang sagot. "I m-mean, ikaw anong gusto mong agahan." palusot niya pa e huli naman na
"Matagal ba biyahe doon?" tanong ko habang naghahanap ng mailuluto.
"Matagal." bored niyang sagot.
"Okay. Magluluto na din ako ng pangbaon natin." nagsimula na akong magluto.
"Tawagan ko lang si Mang Rozz." saad niya at umalis sa harapan ko.
Nagtapos na akong magluto kaya naman tinawag ko na si Leijann. "Kain na tayo." nakangiti kong saad.
"Okay. Hindi nga pala ako ang magd-drive ngayon kase tinatamad ako." kumuha na siya ng pagkain niya.
"Okay lang." saad ko at mabilis na tinapos ang kinakain. "Mauna kanang maligo at liligpitin ko muna to."
"Sige. Bilisan mo jan para hindi tayo ma traffic." umakyat niya siya sa taas.
Susmaryosep! Anong closure na naman kaya ang pakulo nitong si Leijann. Pero tiba tiba ako mwhehehe. Di ako papasok ng 1 week pero may sahod pa din ako. Swerte ko talaga.
Mabilis kong tinapos ang nililigpit ko at umakyat na sa kwarto para mag ayos ng idadalang damit. Dali-dali kong hinanap ang mga swimsuit ko. Ano kayang idadala ko? Itong itim na bikini ba or red o kaya itong dark green, or baka itong dark blue? Hmmmp! Di ako makapili kaya lahat nalang idadala ko tutal mga babies ko naman kayo e.
Naligo na ako pagkatapos kong mag ayos ng damit. Naglagay ako ng light makeup sa muka. "Charan! Ang pretty ko na!" pagkakausap ko sa sarili ko sa salamin.
Lumabas na ako ng silid ko dala ang maleta ko at saktong kakalabas lang din ni Leijann. "You look beautiful, as always." saad niya na nakapagpabilis lalo ng tibok ng puso ko.
"Ikaw din, ang pogi pogi mo." walang preno kong puna sakanya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. "W-wala paba si Mang Rozz?" pag-iiba ko sa usapan.
"Anjan na siya sa labas, kanina pa nga e." kinuha niya ang maleta na hawak ko.
"L-Leijann a-ako na. Kaya ko naman e." Utal kong saad.
"No. Okay lang." nauna na siyang maglakad at wala na akong nagawa kundi sumunod.
Nasa driver seat si Mang Rozz at kami naman ni Leijann ay sa backseats. "Magandang umaga ho Mang Rozz." nakangiting bati ko.
"Magandang umaga rin ho Ma'am Sazchna." bati niya sa'kin.
"Ay nako Mang Rozz wag niyo na ho akong tawaging ma'am. Mas gusto ko po na Sazchna nalang. Ingat ho sa pagdrive." nakangiti kong sagot. Tumango naman siya.
Saktong pumasok na si Leijann sa loob pagkatapos niyang ilagay sa compartment ang maleta. "Are you okay?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman. Anong klaseng closure ba ang gusto mo?" hindi ko maiwasan na itanong 'yon.
"You'll find out soon, baby." he winked.
Punyemas heart! Wag kang maingay jan dahil nakakahiya baka marinig pa ni Leijann. Grabe naman kase ang ipekto sa'kin ng lalakeng to at sa tuwing lumalapit siya ay para akong nawawala sa sarili.
Itaga man sa bato, yero, buhangin, lupa, at tubig ay hinding hindi ko hahayaan na mahulog ang loob ko sakanya. Hindi ko isusuko ang puso ko para lang sa katulad niyang isang womanizer. Closure lang naman ang hinihingi niya kaya pagbigyan. Malay ko ba kung closure para sa pagkakaibigan ang gusto niya.
Alam ko naman na hindi niya ako type at hindi siya kailan man magkakagusto sa katulad ko, pero kung hindi niya ako gusto ay mas hindi ko siya gusto! Akala niya hindi ko alam ang background niya ha! Nag research kaya ako sakanya nung nakaraan. Hindi na mabilang ang niloko, pinaiyak, sinaktan, at ginamit niyang babae yan, kasama na ako doon. Akala mo kung sinong gwapo e lampayatot naman yan nung bata kami. Che! Isang kang lettuce Leijann Angelo Tzusander!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (158)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
dear friend you have any questions I will be there in about this weekend and we are and I can do it tomorrow if I get it tomorrow I will be in at the same place I can help in any way and then I love the answer is the one that was good I will be home in a bit if that works better ok I will let him do it for you if you wanted you and I can do it tomorrow and I have no idea what answer to that question about your video chat me to do it with me and I will be home tomorrow and then I'll go to girl to
26/04/2025
0supper buyutifuly
27/09/2024
0great job and great work by both the artist of this piece of work and the person who created this piece of art and the art of this piece are very inspiring and very very talented in their style of work as they do this work with their own unique style of artwork which they have created in the art community as a community of people who have a passion and a desire for the arts as a whole to create and to inspire them and their own creative and artistic work that is very much like art in a sense
14/09/2024
0Tingnan Lahat