Homepage/Until We Meet Again/
Chapter 12
Sazchna Pov
Maaga akong nagising dahil madami pa akong gagawin sa opisina. Siguro hindi nalang muna ako sa office mag tatrabaho.
Kumusta na kaya si Leijann? Mapuntahan ko nga. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush bago lumabas.
Tuloy tuloy akong pumasok sa kwarto ni Leijann at hindi na ako kumatok dahil baka mahimbing pa din ang tulog niya. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang noo. May sinat siya. Mahimbing pa din siyang natutulog.
Lumabas na ako para maghanda ng agahan niya. Tinawagan ko muna si Jinina. "Hello." sagot niya sa kabilang linya.
"Jinina, pwede ipahatid mo nalang dito sa mansyon ni Sir Leijann ang mga gagawin ko. Lahat ng gagawin ko. Di muna ako papasok at may sinat si Sir e." saad ko sa kabilang linya.
"Okay, papunta na si Kian jan." tugon niya, nagpasalamat muna ako bago pinatay ang kabilang linya. Buti nalang at hindi na siya nagtanong tanong.
Nag umpisa na akong magluto para pagkagising ni Leijann ay may makakain na siya. Sana hindi na lumala ang sinat niya para hindi na kami matambakan ng gagawin.
Pagkatapos ko magluto ay may nagdoor bell, si Kian na siguro 'yon. Hinubad ko muna ang apron ko at nakangiting sinalubong si Kian. "Kamusta si Sir?" nanunukso niya tanong sakin.
"May sinat lang naman siya. Hindi naman malala kaya siguro kahit mamaya ay maayos na ang pakiramdam niya." sagot ko kay Kian.
"Osige, pupunta na ako." paalam niya at umalis na siya.
Pumasok na ako sa loob at naghanda na ng idadala sa kwarto ni Leijann. Tulog pa din siya ng makarating ako sa kwarto niya kaya naman ginising ko na siya. "Leijann, gising. Kain kana muna para makainom ka ng gamot." Niyuyogyog ko siya.
"Hmm" daing niya. Dumilat na siya at umupo. "Bakit?" namumungay na mga mata niyang tanong.
Inayos ko na ang breakfast in bed niya. "May sinat ka, kailangan mong makainom ng gamot para hindi na yan lumala."
Tumitig siya sa'kin. "Sinat lang to, kaya ko sarili ko."
"Kaya nga po BOSS inaagapan para kayanin mo pa ho." ngumiti ako ng pilit
"Tch." pagsusungit niya. Nag-umpisa na siyang kumain. Nagtingin tingin ako sa kwarto niya.
"Mahilig ka pala sa libro, at sa- sino to?" painosente kong turo sa picture frame.
Naestatwa siya sa kinauupuan niya. "A-akala ko naitago ko na yan." bulong niya. "Kaibigan ko yan dati." sagot niya.
"Ah" hindi na ako nagtanong dahil hindi pa siguro to ang panahon para malaman ang totoo. Natapos na siyang magbreakfast kaya naman pinainom ko na siya ng gamot at pinagpahinga. Lumabas na ako ng kwarto niya at nag breakfast na din.
Napatingin ako sa gawi ng gagawin kong paper works. Tambak na naman as usual. Naligo muna ako bago ko sinimulan ang mga gawain.
Leijann Pov
Tanghali na ng magising ako. Hindi na masama ang pakiramdam ko at wala na din akong sinat.
Sana hindi nalang ako nakipag deal. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos niyang malaman 'yon.
Lumabas na ako ng silid ko at naabutan ko si Sazchna sa sala na busy na nagtatrabaho. Bakit hindi siya pumasok sa opisina? Bakit sobrang dami na naman ng ginagawa niya?
Tumingin siya sa'kin. "Leijann, Nadiyan kana pala. Kamusta pakiramdam mo?" nakangiti niyang tanong.
"Okay naman na ako. Teka, bakit dito ka sa bahay nagtatrabaho?"
"Ah. May sinat ka kase kanina e. Baka kase lalong sumama ang pakiramdam mo tsaka para maalagaan kita pati na din ang maipagluto. Kakain kana ba?" curious niyang tanong.
Nakaka-proud siya. Ginagampanan niya talaga ang trabaho niya. how lucky I am. "Maya-maya na." tugon ko.
Ngumiti lang siya at bumalik sa trabaho niya. Umupo muna ako sa sofa at nanood ng tv. Lumipas ang kalahating oras at nagutom na ako. "Leijann, kakain kana ba?" tanong niya.
"Yah."
"Sandali, ako na bahala. Umupo kana lang don." utos niya at umalis na sa harapan ko.
Naghain siya ng pagkain pero iisa lang. "B-bakit iisa lang kinuha mo?"
"Mauna kana kumain, maya-maya na ako kase madami pa akong tatapusin." naglagay siya ng kanin sa plato ko.
"Mamaya mo na tapusin yan. Samahan moko kumain."
"Hindi po talaga pwede e. Pinaparush kase yan lahat kaya kailangan ko ng bilisan." ngumiti siya. "Eat well." umalis na siya at bumalik sa ginagawa niya.
Matapos akong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko. Kawawa naman siya masyado na siyang madaming trabaho kung pati ito iaasa sakanya.
Maghapon ko lang siyang pinapanood sa ginagawa niya. Paminsan minsan ay nag uunat siya ng kamay at umiinom ng tubig. Mukhang pagod na siya. 7pm na ng matapos lahat ng ginagawa niya. Iniligpit niya na ang gamit niya at pumunta sa kusina. "Anong gagawin mo?" Tanong ko.
"Magluluto na." pumunta siya sa ref at naghanap ng mailuluto.
"Wag kana magluto. Magpapadeliver nalang ako. Mukang pagod kana." saad ko.
"Okay." bumalik siya sa sofa at nahiga. "Sir idlip lang po ako saglit.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Inis niyang sinagot ang tawag. "Okay." sagot niya Sazchna sa kabilang linya. Tumayo siya at naglakad palayo.
"Saan ka pupunta? akala ko ba iidlip ka?" taranta kong tanong.
"Irereview ko lang yung ing send na e-mail sakin ni Bhea."
"Diba tapos kana? Wag mong sabihin may pinadala ulit sayo na trabaho ang empleyado ko?"
Ngumiti siya. "Wala po. Sa restaurant ko to." nagpatuloy na siyang maglakad.
Bwesit naman oh. Inis akong tumawag sa isang fast food chain.
Nakatulog na ako ng bigla may nag doorbell sa labas. Yun na siguro ang order ko. Lumabas ako dala ang wallet ko at nagmadaling kinuha ang pagkain. Binigyan ko na din siya ng tip na ikinatuwa naman niya.
Umakyat ako sa kwarto ni Sazchna para don na kumain at nadatnan ko ang natutulog na Sazchna sa harap ng laptop niya. Pagod na nga talaga siya. Marahan kong niyugyog ang balikat niya. "Sazchna, gising. Hindi kapa nagtatanghalian at hapunan. Baka magka ulcer ka sa ginagawa mo." nag-aalala kong saad.
Iminulat niya naman ang mata niya at umupo ng maayos. "S-sorry Sir."
"Kain na tayo." tumango naman siya at akmang lalabas ng pigilan ko siya. "Dito nalang tayo kumain."
Saktong patapos na kaming kumain ng biglang may tumawag sakanya.
"Bakit?" sigaw niya sa kabilang linya na para bang alalang-alala siya. "Papunta na ako, Mom" pinatay niya agad ang tawag at nagpaalam nalang saakin na may kailangan na soyamg puntahan.
Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako pero hindi ko nalang iyon pinansin. Habang inaayos ko ang mga pinagkainan nila ay nag text si Sazchna.
From Sazchna:
Sorry, urgent lang talaga. Babawi ako sayo.
May kakaiba akong nararamdaman na para bang hindi siya dapat basta-basta balewalain.
Dahil gabi na din naman ay napag desisyunan ko na matulog nalang.
Hindi pa umuuwi si Sazchna ng magising ako, wala din siyang message na iniwan. Dahil hindi pa ganoon kaganda ang pakiramdam ko hindi na muna ako papasok ngayon.
Tinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng pupuntahan ko, ang kapatid kong namatay.
Utang na loob ko sakanya ang buhay ko, lahat ng meron ako ay dahil sakanya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, mas deserve niyang mabuhay kesa sa isang taong walang kwenta katulad ko.
Nang mag 14 years old ako ay nalulong dinnsa casino ang aking ama. Masyado siyang nagpabulag ng manalo siya minsan ng trillion, na kapalit naman ng buhay ng pinaka mamahal kong kapatid.
Matapos manalo ni Dad ng malaking halaga ay halos araw araw na siya sa casino, bihira na siyang makita sa loob ng mansion namin. Bihira na siyang maging ama hindi tulad ng wala pa siyang bisyo.
Ang daddy ni Sazchna ang nagsama sakanya sa casino na bunga ng lahat. Wala naman ginawa ang Dad ni Sazchna kung di ipakita lang sakanya kaya hindi ko din naman magawang masisi ang ama ni Sazchna.
One time, natalo si daddy ng higit pa sa pinalanunan niya. May pang bayad kami ngunit hindi gustong magbayad ni dad dahil ang dahilan niya ay dinaya siya ni Fredirick.
That Damn ass! Magkakaibigan si Dad, Dad ni Sazchna na si tito Samuel, at si Fredirick na dad ng ex ko.
Ang pagkakaibigan na sana hindi nalang nabuo.
Tanda ko pa na tinuturuan ko mag bike si Liljian, my little sister. Habang hinahayaan ko siya mag maneho ay may napulot akong isang Logo na S na siyang hindi na dapat.
Hindi ko napansin na may mga tao pala na may ari non at dapat hindi ko na kinilala.
Isang iglap naramdaman ko nalang ang pagputok ng baril......sa puso ng kapatid kong si Liljian.
Hinang-hina ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Nasa isip ko na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan.
Humarurot na papalayo ang mga tao na may suot na S sa kanilang damit. Iyon lang ang natatandaan ko at hindi ko na namalayan na naipunta ko na ang dead on arival ko na kapatid.
Sinisisi ko ang sarili ko, pero wala ng iba pang dapat sisihin kundi ang ama ko. Hindi ko alam kung galit ba ako sakanya, may part na galit ako sakanya pero mas lamang pa din ang pagmamahal ko sakanya.
Hindi niya kasalanan kung bakit siya dinaya ngunit kasalanan niya din kung bakit siya nadaya.
Mapaglaro ang tadhana, ganon na din ang makikitid na utak ng mga tao.
Sazchna Pov
Sobrang bilis ng patakbo ko sa aking sasakyan, nanginginig na ang aking mga kamay.
Nasa hospital ngayon si Daddy dahil pinabugbog siya ng mga tauhan ni Fredirick. Sobrang maling-mali na ito!
Dumating ako sa hospital na nakatulala at hindi na umiiyak ang aking ina, di tulad kanina. "Where is dad?" unang lumabas sa bibig ko mg makita ko sila.
"Sa awa ng Diyos ay nasa maayos na siyang kalagayan. Nagpapahinga nalang siya para maghilom lahat ng pasa at sugat niya." tugom ni mommy ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nabunutan ako ng tinik at sinilip nalang si dad na ngayon ay nagpapahinga na.
"What happened mom?" binasag ko na ang katahimikan at nagsimula ng magtanong.
"Hindi sumusunod sa pinag usapan sila Fredirick. Kalahating taon nalang ang sinabi niyang palugit dahil may nakarinig daw saatin na gusto mong siyang salungatin at kasuhan. Hindi ko mawari kung sino saatin ang may lakas ng loob magsabi." mahabang paliwanag ni mommy na siyang kinagulat ko. Masyadong silang madumi maglaro, kumuha pa sila ng ispiya para manmanan ang pamilya.
"Hahanap ako ng paraan, mom." bulok ko at nagpaalam ng umalis pagkatapos kausapin ang doctor. Walang kahit anong komplikasyon, salamat naman.
Nakaayos na ang pahat sa kwarto ko ng maka uwi ako. Madaling araw na din kaya naman sa tokngin ko ay natutulog na si Leijann.
Nag half bath muna ako pagkatapos ay natulog na at hindi na nagbigay ng kaunting oras para man lang sa aking skin care routine.
Kinabukasan ay agad akong nagising sa sikat ng araw. Nakalimutan ko nga pala isara ang kurtina na siyang nagbibigay access para tuluyan makapasok ang linawag sa aking silid.
Bumaba na ako kaagad pagkatapos maligo dahil tamang tama na oras na din naman ito para maghanda at may mga tatapusin pa ako.
Nagluto nalang ako ng bacon with egg dahil hindi naman siya masyadong kumakain pag umaga. Matapos ko maghain ay aakyat na sana ako upang tawagin si Sir Leijann ng bigla siyang lumitaw sa likod ko dahilan ng muntik ko na pagka tumba.
"Careful." ani niya habang hawak ako sa bewang.
"Sorry." aalis na sana ako ng bigla noya akong hinalikan ng mabilis sa labi.
"Good morning,baby!" dumiretso na siya sa hapag kainan at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato naming dalawa. "How's your sleep?"
"Okay lang naman." tipid kong sagot at nagsimula ng kumain. Hindi na din siya nag tanong ng kung ano ano dahil may meeting siya ngayon.
Nauna na siya saakin dahil confidential meeting ang gaganapin nila ngayon. Hinalikan niya nalang ulit ako sa labi bago siya umalis.
Nasasanay na ako sa halik niya, ayoko ng mawala pa 'to. Lumalambot na ang puso ko sakanya na dapat ay hindi naman.
Niligpit ko muna ang mga pinagkainan namin bago umalis dahil madami pa naman akong oras.
Hindi muna ako dumeretso sa office. Habang abala ako sa pag observe samga nangyayari sa restaurant ko, maganda naman ang nagiging outcome nito. Kada araw na lumilipasas dumadami at tumataas ang sales kaya naman nagpaskil sila ng bagong hiring sa mga kinukulang na posisyon.
Siguro hindi magtatagal ay mas lalo naming papalakihin itong branch na ito. Sana.
Nagpaalam na ako sakanila dahil may trabaho din naman saakin na nag aantay, hindi ako pwedeng pa petiks petiks lang lalo na at nag bigay na ng sample ang kasamaan ni Fredirick.
Pumasok ako sa loob ng office na tanging tunog lang ng heels ko ang naririnig. Ngayon lang naging ganito katahimik dito.
Nang naglalakad ako ay may lumapit saakin at pinaalala na, "Sazchna, dahan dahan kalang. Super init ng ulo ni boss ngayon. Sa sobrang init may pinatalsik siyang isang mayaman talagang business partner." bulong naman saakin ni Jinina.
"Bakit daw?" mahinang tanong ko at nag kibit balikat nalang siya dahil hindi niya din alam.
Pumasok na ako sa loob at halata ang pagkagulo ng table ni sir Leijann.
Hindi nalang ako umimik dahil ayokong pati ako madamay.
"Baby." biglang tawag ni Leijann habang ang kamay ay nakatakip sa noo na para bang problemadong problemado.
"Bakit po, Sir?" tanong ko naman agad dahil kahit ako natatakot.
"Pindutin mo sa color black ang glass door pati na rin ang glass window." kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya.
"W-why?" hindi niya ako pinansin kaya naman sinunod ko nalang ang inuutos niya. Hindi na ngayon makikita ng nasa labas kung anong meron sa loob.
Lumapit siya saakin at ako naman ay paatras na ng paatras hanggang sa mapakapit nalang ako sa sofa na siyang pinaka dulo ng inaatrasan ko.
"B-bakit p-" pinutol niya ang sasabihin ko at hinalikan ako kaagad. Hindi ako nagpumiglas at ipinatong ko sa leeg niya ang mga kamay ko.
Hindi rin naman iyon nagtagal at siya na ang bumitaw. Niyakap niya ako na para bang ang bigat bigat ng dinadala niya. "May masakit ba sayo?"
Umiling lang siya. "I just need you right now." nakabaon ang mukha niya sa leeg ko. "Please don't hate me, Sazchy." sabi niya na siyang kinatagil ng ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (158)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
dear friend you have any questions I will be there in about this weekend and we are and I can do it tomorrow if I get it tomorrow I will be in at the same place I can help in any way and then I love the answer is the one that was good I will be home in a bit if that works better ok I will let him do it for you if you wanted you and I can do it tomorrow and I have no idea what answer to that question about your video chat me to do it with me and I will be home tomorrow and then I'll go to girl to
26/04/2025
0supper buyutifuly
27/09/2024
0great job and great work by both the artist of this piece of work and the person who created this piece of art and the art of this piece are very inspiring and very very talented in their style of work as they do this work with their own unique style of artwork which they have created in the art community as a community of people who have a passion and a desire for the arts as a whole to create and to inspire them and their own creative and artistic work that is very much like art in a sense
14/09/2024
0Tingnan Lahat