Annie's pov: Six months later: Pagkalipas nang anim na buwang pamamalagi ko sa ospital ng Launion ay nakahanda na rin akong lumabas. Pinangalagaan nila kaming mabuti sa tulong na rin ng kaibigan at kakilalang duktor ni Dr. Raymon na kaibigan ni Dave. Hanggang ngayon ay wala pa ring Dave ang nagpapakita sa akin. Wala pa rin akong anumang Balita tungkol sa kanya. Lahat ng tanungin ko ay hindi nila alam ang sagot sa akin. Si Carol na pamangkin niya ay bigla na lamang lumipad patungong America para ipagpatuloy ang naputol nitong pag-aaral ng pagdu-doctor. Nais raw nitong magpakadalubhasa sa sakit sa puso. Hindi ko pa alam kung sinong susundo sa akin sa pagkakataong ito. Hawak ko ang baby ko sa kaliwa kong kamay habang pumipirma ng discharged paper ng hospital. "Hawakan ko muna si Baby ma'am," sabi ng nurse na nakatayo sa harap ko. Agad akong tumingin sa mukha niya upang malaman ko kung kakilala ko ba siya. Si Nurse Linda pala ito. Ang nurse na kapalitan ng Isang nurse dito na lagi ko ring kausap. "Sige, pero dito ka lang. 'Wag kang aalis ha." nag-aalala kong sabi sa nurse. Naunawaan naman nitong nawalan ako ng tiwala sa mga tao. Kaya takot akong ipagkatiwala sa sinuman ang anak ko. Natatakot akong baka may kumuha sa kanya at ilayo siya sa akin. Tulad ng ginawa sa akin. Inilayo ako sa taong mahal ko. At ito na ang kinahinatnan ko. Malayo sa mahal ko. At si Baby Daniel na lang ang kasama ko. "Mrs. Santivaniez, sino po ang susundo sa inyo ngayon? Si Mr. Leo Montero po ba?" tanong ng mausisang nurse. "H-hindi ko alam eh," kiming sagot ko sa kanya. At kinuha ko na si baby Daniel na noo'y tulog na tulog pa rin. Sa anim ma buwan ko sa hospital na iyon ay halos nakilala ko na rin ang mga duktor at mga nurse na kumakausap sa akin. Lalo na noong madalas umatake ang nervous breakdown ko. Dala mga masasamang pangyayari sa buhay ko. Pakiramdam ko noon ay palagi akong nasa sasakyang umaandar at hindi alam kung saan patutungo. Na halos bumangga na sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Hindi ko alam kung maari na akong bumiyahe ng malayo. Sana naman ay hindi na lumabas pa ang trigger ng trauma ko. Iyon pa ang laman ng isip ko ng marinig kong may tumawag sa akin na pamilyar na boses. "Annie!" malakas na sigaw nito sa akin. Agad naman akong napalingon sa bukana ng pintuan ng hospital. Nakaupo pa ako sa isa sa mga bench doon sa lobby ng hospital malapit sa billing section. Doon ko naisip umupo upang mabilis akong makita ni Leo. Ang secretary ni Dave. Na siyang umaayos lagi ng mga pangangailangan namin ni Baby. Napalabi ako at dagli ring napangiti ng maluwang ng makilala ko ang tumawag sa akin. Tumayo akong hawak pa rin ang baby ko. "Shiela!" masaya kong sambit ngunit nawala ang luwang ng aking pagkakangiti ng makita ko ang nakasunod na lalaki sa kanyang likuran. "B-bakit kasama mo siya?" taka kong tanong kay Shiela. "Annie, kasi... pinakiuspan niya akong sumama siya rito. Gusto niya raw makatulong kay Sir at sa inyo na rin ng anak mo." mahinahong paliwanag ni Shiela. "So, sa kabila ng lahat ng mga nangyayari ay may communication pala kayo?" natanong ko kay Shiela ng wala sa loob ko. "Tita, hindi po. Hinanap ko po kayo sa Mall ni Papa Dave." "Pwede ba 'wag mo siyang tawaging Papa! As far as I know, hindi ka niya anak. At ayaw niyang magpatawag ng Papa sa iyo! Insensitive ka na talaga!" Mataray kong sabi sa kanya. Alam kong napalakas ang boses ko pero binaliwala ko na lang iyon. Lumakad na ako at lumabas ng hospital. "Annie! Sandali lang, makinig ka nga muna!" Hiyaw rin naman ni Shiela. At sumunod din si Marvin na noon ko lang uli nakita. Naalala ko noon na una siyang dumating sa buhay namin ni Dave napaka antipatiko at bastos. Pero inunawa ko na may ganoong adapted son is Dave. Matagal siyanh nawala sa eksena hindi ko alam kung bakit at hindi ko na rin inalam. Ang tanging alam ko lang ay may pinagawa sa kanyang business si Dave sa malayong lugar. "Antie! May plano po kasi," sabi na naman nito na ikina inis ko nanaman. "Ano! Antie! Oh my god!" singhal ko nanaman uli. Napakamot ng ulo ang binatang anak-anakan ni Dave. "Shiela yung plano ipaliwanag mo." narinig kong binubuulong nito kay Shiela. " Girl, makinig ka nga muna," tangka naman ni Shiela sa gusto nilang sabihin. "So, dito talaga? Ha? Dito sa kalsada tayo mag-uusap?" "Oo nga! Bakit dito!?" Nasabi naman ni Shiela kay Marvin. "Ayon po iyong Van." Turo ni Marvin na hindi na alam kung paano ako pakikisamahan. Sumakay kami sa van na dala nito. Mabuti at van ang sasakyang dinala nito. Marahil ay alam na ng mga ito na hindi na ako makakasakay pa sa kotse. Habang nasa daan kami ay tinanong ko sila kung saan kami pupunta. "Saan ba tayo pupunta?" Seryoso kong tanong sa dalawa na nangangapa kung paano sila sasagot. "Kasi naman friend, umiral na naman ang katarayan mo. Eh, kayak itong si Marvin natatakot tuloy sayo," salaysay na naman ni Shiela. "Shiela! Wala akong panahon sa mga litanya mo! Pwede ba! Sagutin niyo na ang tanong ko?" Nasigawan ko tuloy si Shiela dahil sa pagka irita ko. Bakit ba kasi naalala ko si Dave sa anak-anakan niya. Bakit may mga angulo sila. At bakit may mga gawi ito at kilos na parang kay Dave. Naloloka na ata ako sa pagka-miss ko kay Dave at kung kanino ko na lang siya nakikita. Napapikit na lang ako ng mariin. At huminga ng malalim. "Okay ka lang ba girl? Gusto mo bang magpahinga tayo?" Ngunit napatingin ako sa paligid ng dinadaanan namin. Madamo at bakante na parang bukirin. Madaming mga puno. Doon may mga ala-alang bumalik bigla sa isipan ko na nagbigay ng trigger sa akin at takot. "Hindi! 'Wag! Parang awa niyo na! Huwag tayong titigil dito! Ialis niyo kami sa lugar na ito!". sigaw ko. Nag-alala naman si Shiela at lumipat ito ng upuan mula sa unahang katabi ng driver ay lumipat siya sa likurang bahagi kung saan ako nakaupo. "Annie! Calm down!" agad niyan akong niyakap. Habang yakap ko rin ang baby ko na nooy nagising na rin dahil sa napalakas ang boses ko. Umiyak nang umiyak si baby Daniel habang nasa bisig ko pa rin siya. At soon ay parang napakalma ako ng iyak ni baby Daniel. "Ang baby ko Shiela. Umiiyak siya. Siguro nadama niya na natatakot ang Mama niya," naluluha kong sabi kay Shiela. Habang niyugyog ko ng marahan si Baby. "O-oo nga, kaya stay calm," naluluhang sabi ni Shiela na kumalas na rin sa pagyakap sa akin. At maya maya nga ay tila ngumiti ito at muling pumikit. Tulad siya ng isang munting angel sa buhay ko. "I'm sorry Shiela. Sana mapatawad mo ako. I'm so scared..." sabi ko na muli na namang naluha. "Shu... Sige na. Okay lang 'yon. Wala 'yon sa akin. Ikaw pa ba." At niyakap akong muli ni Shiela na isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (408)
Marnelli Dejino
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0
LV Villarino
Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0
ElieYang
Dear author,
I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
08/12/2021
0Tingnan Lahat