Habang tinitingnan ko siya ay para talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nangingiti ako hinalikan siya sa labi. Smack lang naman iyon dahil alam ko namang tulog siya. At hindi pa ako nakuntento ay hinalikan ko naman siya uli sa pisngi. natawa ako, marahil ay kung may lipstick lang ako ay makikita niya ang mga kiss mark ko sa bawat angulo ng mukha niya. Napailing na lang ako sa kabaliwan ko, kaninang gising siya ay para akong tuta, na na bahag ang buntot, pero ngayon na tumba na ang kalaban ay saka ko naman pinag diskitahan. Anong magagawa ko, eto lang naman ako isang babaeng nagmamahal sa kanya ngunit natatakot sumugal. Bakit nga ba? Bakit ayaw ko pang sumubok na ibigay ang lahat e dun din naman ang punta namin. Wala naman akong ibang lalaking mamahalin kundi siya lang. Takot ako dahil sa dami pa ng problema na dapat kong asikasuhin. Nawawala ang dalawa kong kuya, hindi ko man ma itanong kung nasaan sila pero isa rin iyon sa mga pinuproblema ko. Matapos ko siyang punasan ay ibinalik ko na ang plangganita sa banyo. Nakaramdam na rin ako ng antok. Bumalik ako sa tabi ng kama at sumalampak sa sahig ngunit naka unan ang ulo ko sa kama, noong una ay nakatingin pa ako sa mukha niya at dinadama ang mabango niyang hininga para sa akin kahit na amoy alak pa iyon. ***************************************************** "My god! What are you doing here!?" galit na sigaw ni Flora ng makita niya akong nakahiga sa kama. Napabangon akong bigla at pupungas-pungas na tumingin sa babaeng nanggagalaiti sa galit sa akin. Ipinagtakha ko rin kung bakit ako nasa kama ni Dave. Ang naalala ko ay siya ang nasa kama kagabi dahil lasing siyang umuwi at ayaw niyang asikasuhin ko siya. At naalala ko ang ginawa ko kay Dave kagabi, napalunok ako ng laway, nakatulog ba ako sa sahig na nakaharap sa mukha niya ang mukha ko? O diyos ko! Pero ano 'tong kinalalagyan ko, ang kama niya? Ano na naman kaya ang nangyari? At paano naman nakapasok dito ang malanding babae na ito!? "What the hell are you doing here! Umalis ka nga d'yan!" Sabay hatak nito sa braso ko at naghihisterikal na hinila ang kumot na bumabalot sa mga hita ko. "Aray! Ano ba!? " Mabilis kong bawi sa isang braso ko na pilit niyang hinahatak. "Get out of here! Right now! Umalis ka nga d'yan! Akong dapat nakahiga riyan!" Kumunot kunot pa ang noo nito dahil sa galit niya sa akin at napakalakas ng boses. "Eh bakit ba!? Sino ka ba!?" naiinis kong tanong sa kanya kahit na alam ko naman kung sino siya. "Did you pretend na hindi mo ako kilala!?" Dinuro duro pa niya ako habang nagtatanong ng ganon. "Do I know you? At kailangan ko ba talagang kilalanin ka!?" sarkastiko kong tanong sa babae. "How dare you to say that!? Your bitch!" sigaw ni Flora at mabilis itong sumugod sa akin upang hulihin ang mahaba kong buhok. Pero mabilis lang talaga ako kaya sorry na lang siya! Agad akong nakatayo, kaya napasubsub siya sa kama. Biglang lumabas si Dave buhat sa banyo. At sa ikatlong pagkakataon nakita ko naman siyang naka topless... "Oh my gosh! He is topless again!" shock kong nasabi sa isip ko. "Annie anong-" nagulat na tanong sana ni Dave sa akin. Ngunit mas nagulat siya ng makita si Flora. Nanggagalaiti ito at nanlilisik ang mga mata sa akin. Susugurin na sana niya ako ngunit mabilis na napaharang sa akin si Dave upang protektahan ako sa nababaliw na ata na si Flora. "Flora what are you doing here!?" gulat pa rin nitong tanong sa babae. "Ikaw ang dapat kong tanongin!? Sino siya? At bakit siya nakahiga sa kama mo!? Ano, may nangyari na ba sa inyo?! Nag sex na ba kayo?!" diretsong tanong ni Flora. Walang sabi-sabi as in diretso talaga at sa sex agad interesado ito. "What the hell you asking me like that!?" sagot ni Dave. "Diba kagabi lang tayo ang magkasama. Diba kagabi lang may nangyari na sa atin!? Bakit kinalimutan mo na iyon!" sabi ni Flora na parang nababaliw na. "What!? Please don't lie!" sabi ni Dave. Na sa akin tumitingin. At Ako sa mga sandaling iyon ay gusto nang sumabog sa inis! So totoo pala ang iniisip ko! Wala talagang pinagkaiba sa ibang lalake! "Hoy! Hindi totoo yan ah! Walang nangyari sa atin kagabi." sabi ni Dave na napansin kong tila hindi sigurado sa sinasabi. "Oh well, paano mo malalaman eh, akong ngang gumawa! Your totally drunk!" Napa halukipkip ako ng kamay sa sinasabi ng malanding babaeng ito na kanina ko pa gustong sapakin! Oh my gosh! Lalabas yata ang pagiging martial artist ko sa dalawang ito! Gusto ko silang pagbuhulin at itali sa puno na may mga langgam! Para maalis ang kakatihan nilang dalawa! Well ano pa nga bang dapat kong gawin? Kundi ang mag walk out na. Pero hinabol ako ni Dave at hinawakan ang braso ko. "Wait," sabi niya. Agad ko namang inalis ang kamay niya sa braso ko. At tiningnan siya nang masama. Yung tingin na pwede ng makapatay ng tao. "Can you finish your bath first! You have some bubbles on your head! Damn!" mahina kong sabi pero puno ng galit. Alam niya na galit ako. "Okay pag-usapan natin to, after ko maligo." Bumalik siya sa c.r upang tapusin ang naputol niyang paliligo. Ako naman ay nakatitig lang ng masama sa babaeng si Flora. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Sa inis ko ay nag-walk out ako at pa bagsak pa na isinara ko ang pinto ng makalabas ako. *********************** Dave Pov: Damn! Bakit naman nangyari pa Ito?! Bakit nila hinayaang makapasok si Flora sa kwarto ko. Sino kaya ang sira ulong may gawa nito? Binilisan ko na ang paliligo dahil sa nag-aalala akong baka nagsasabong nang parang mga manok ang dalawa sa labas. Matapos pa ang limang minuto at lumabas na ako ng banyo. "O buti naman tapos kanang maligo?!"sabi ni Flora na kanina pa pala nakasalampak sa kama ko. "Where is Annie?" tanong ko sa kanya. Dumeretso ako sa closet ko at namili ng isusuot. Kinuha ko lang ang isang puting t-shirt at isang maong na pans ko. Mahirap para sa akin ang nangyayari ngayon dahil alam kong galit sa akin si Annie. Dahil maaaring na niwala siya sa mga pinagsasabi nitong si Flora. "Why did you do that!? Why did you tell those lies to Annie!?" tanong kong pinipilit ko pa ring maging mahinahon. "Bakit totoo naman ah! Why did you gave her a chance na matulog sa kama mo mismo!? Dapat ako lang ang mahiga rito, because I'm your-" sabi nito na natigilan. In the first place ay hindi pa niya alam kung anong lugar niya sa buhay ko. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang relasyon namin sa isa't isa. "O bakit ka natigilan? Well kasi naisip mo na no! Na walang satin! Walang relasyong namamagitan sa atin!" sabi ko, at bawat salita ko ay may mga diin. Hindi ko siya niligawan noon at kahit ngayon. Hindi ko rin namang maitatangging may nangyari mga sa amin dahil lasing ako kagabi. Pero tulad ng sabi niya, siya ang gumawa dahil lasing ako. Kaya nga ng mahimasmasan ako kagabi ay agad akong umalis at umuwi rito sa kwarto ko sa hotel. Pero hindi ko alam kung sinong nagbigay ng susi sa kanya. "Sino ba ang nagbigay ng susi sayo dito sa kwarto ko?" "Wala! Naiwan mo yan sa kwarto ko," sabi niya sa akin na kinakitaan ko nang pagkapahiya. "Well that's enough, ayaw ko na sanang maulit pa itong ginawa mo. At ayaw ko nang kakausapin mo pa si Annie uli." mahina kong sabi sa kanya. Napa kuyom ang kamay nito sa kama. Nakita kong nalukot niya ang kumot. May mga patak din ng mga luha sa kama, na pumatak habang naka yuko siya. Naaawa man ako sa kanya ay kailangan niyang malaman na hindi ko palalampasin ang ginawa niya. Mahal ko si Annie at wala nang ibang babae pa ang mamahalin ko. "Sino ba siya sa buhay mo?" tanong ni Flora sa akin. At pagkatapos ay niyakap niya ako at niyapos, sinubukan din niya akong halikan ngunit iniwas ko ang mukha ko. "Bakit Dave!? Hindi mo ba ako kayang mahalin!? Ako na lang ang mahalin mo!" sabi niya sa akin. "Oo hindi! Dahil si Annie lang ang mahal ko! Simula noon pa! Sorry Flora pero yung nangyari sa atin, wala lang iyong halaga sa akin!" mariin kong sabi sa kanya. Well hindi ko naman pwedeng paasahin siya sa wala. Kaya ibinaba ko ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. At tumayo na ako upang lumabas at hanapin si Annie. "Dave nalalaman mo ba 'yang sinasabi mo!? Gusto mo yung babaeng 'yon!?" sabi ni Flora. Umiyak ito at hindi na napigilan ang luha. Ewan ko ba sa mga babae pero lagi na lang ito ang sandata nila ang umiyak kahit na hindi naman dapat. Isang bagay siguro na nagustuhan ko kay Annie. Matapang kasi ito at hindi basta umuiiyak kung hindi kailangan. Napabuntong hininga muna ako saka tumango lang sa mga sinabi niya. "Alam mo bang doble ang edad mo doon sa batang iyon! Eh parang pamangkin mo lang yon eh! Dave, Ako! Ako ang nararapat sayo! Ako ang nababagay sayo!" "And so! Its doesnt matter! " mahinahong ngunit mariin kong sinabi. "What!?" tanong niya sa akin. "We are engaged for a long time! May pananagutan na ako sa kanya! And it's been six years when we settled the engagement! And I assured you na siya lang ang mahal ko. It's doesn't matter kung doble o triple pa ang edad namin sa isa't-isa!" And iyon lang ang sinabi ko sa kanya iniwan ko na siya sa loob ng silid ko. Ngunit ibinilin ko sa mga bodyguards ko na hintayin ang paglabas niya at ihatid siya sa kwarto niya. Sinabi ko ring i-lock nilang maigi ang room ko. Dahil ayaw ko nang maulit ang mga ganitong pangyayari.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (408)
Marnelli Dejino
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0
LV Villarino
Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0
ElieYang
Dear author,
I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
08/12/2021
0Tingnan Lahat