logo text

CHAPTER TWENTY-FOUR

"Kung ako sayo iiwasan kong magtagpo ang landas ninyo. Alam kong kapatid pa rin ang turing mo sa kanya sa kabila ng lahat, pero iba na ang pagtingin niya sa iyo. At kung nagkita kayo, baka iba pa ang isipin niya." sabi ni Dave habang hawak ang baso ng alak.
"Hindi niya iyon iisipin, dahil alam na niya ang tunay kong nararamdaman sayo!" sabi ko na nakayuko. Iniisip ko kasi ang namumula kong pisngi. Ramdam ko na namumula na naman ito dahil sa init na nadarama ko rito.
"Ano nga ba? Ano nga ba ang tunay mong nadarama sa akin?" tanong niya habang lumalakad palapit sa akin. Umupo siyang muli sa tabi ko. At humarap sa akin.
Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahan iyong inangat hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Agad ko namang iniwas ang mukha ko.Parang hindi ko kasi matagalan ang mga titig niya sa akin. Tinangka kong tumayo para umiwas at hindi na palakihin pa ang kakaunti kong salita na nagkanulo sa akin.
Pero mabilis niya akong nahawakan sa kamay at mabilis na kinabig ang baywang ko at niyakap ako. Isang mahigpit na yakap na ayaw ko na sanang bitiwan pa niya ako. Kayat sumandali ko ring dinama ang mga bisig niya.
Mahigpit na pagyakap. Yakap na puno ng pagmamahal. Alam kong pagmamahal iyon. Isang yakap na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Para bang humihinto ang oras sa pagitan naming dalawa at wala akong naririnig kundi ang malakas at mabilis na pintig ng kapwa puso namin.
Aaminin ko na ba? Aamin na ba ako sa tunay kong nararamdaman sa kanya? Bibigay na ba ako o patuloy ko paring itatago at itatangging mahal ko rin siya.
Pero paano na? Ano na kaya ang mangyayari kung umamin na ako? Natatakot akong mawala siya sa akin at  masaktan lang ako sa huli.
Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumayo sa pagka kayakap sa akin at mabilis na siniil ang mga labi ko. Hinalikan niya ako. Halik na napaka init at ang mga labi ko ay tila may sariling buhay na gumaganti sa mga halik na iyon.
Ipinagkanulo na pala ako ng sarili kong mga labi, sa pagganti nito sa mainit na halik niya sa akin.
Habang tumatagal ang halikang na iyon ay lumalalim na man ang bawat pagkilos niya sa aking labi. Na alam kong kapag hindi ko napigilan ay matatalo na ako ng sarili kong damdamin.
Pilit ko siyang pinipigilan. Tinutulak upang bitiwan na niya ako at ang aking mga labi. Anong mangyayari sa amin? Kapag bumigay ako talo ko. Baka mawala siya sa akin?
Unti-unti ko nang nararamdaman ang mainit na sensasyong bumabalot sa amin, maging ang pagkalalaki niya ay nararamdaman ko na rin. Paano!? Mapipigilan ko pa ba?
"Annie let's do it!" emosyonal na sabi niya sa akin ng sandali siyang kapusin ng hininga, bumitiw ang labi niya pero tuloy ang sensasyong nakabalot na sa kanyang katawan.
"No I won't! Please Dave don't force me, I can't do this!" Naluluha kong sabi sa kanya at napa upo ako sa sahig na yakap ko ang dalawang tuhod ko at napasubsub dito.
"Why? You don't love me? Kahit konti lang Wala ba talaga?" napasalampak na rin si Dave sa sahig.
"Meron! I love you ! I love you from the start!" emosyonal kong sabi kahit na nakasubsob ang mukha ko sa mga tuhod ko. At lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko dito.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi. Kung bakit ko inaming mahal ko siya. Siguro para hindi siya tuluyang sumuko sa akin. Dahil ayaw kong mawala siya sa akin. Natatakot ako na baka mapagod na siyang maghintay.
Pero takot ako na baka kapag nakuha na niya ako ay balewalain na niya ako.
"Then why? Why you don't want us to do this?" malungkot niyang tanong. Hinawakan ang isang kamay ko at iniangat ang mukha ko upang makita niya ito.
"Sa tingin mo ba hindi ka secured sa akin? Sa tingin mo ba ito lang ang nais ko sayo? I really love you Annie, kahit gaano katagal na kaya kong maghintay, pero hanggang kailan ba? I tell you to marry me, but you refuse? How long  will I wait for you?"
"I don't know! Basta alam ko lang mahal din kita at natatakot ako!" sabi ko sa kanya at tuluyang bumuhos ang luha ko.
Umiyak ako na parang bata. At wala na akong nagawa ng yakapin niya akong muli. Ngunit para na lang aluin.
Naramdaman kong binuhat niya ako at dinala niya sa kama. Inihiga niya ako at siya naman ay nagtungo muli sa kusina.
                                         
                                                     ********
Pasado alas-onse na nang gabi nang magising ako. Dahan dahan akong bumangon. Nakita kong dim light na lang ang nakasinding ilaw sa buong paligid.
Hindi ko akalaing nakatulog pala ako. Umabot na ng alas-otso ng gabi ang aming usapan na muntik pang mapunta sa di inaasahang pangyayari. Alam ko sa sarili ko na bibigay rin ako, pero hindi pa ngayon. Hindi pa dapat.
Nang mapaupo na ako sa kama ay saka ako dahang dahang tumayo upang lumakad at tingnan kung nasaan si Dave natutulog.
Natutulog na kaya siya? Ano kanyang ginawa niya kanina habang tulog ako. O baka naman lumabas pa at sa labas naghanap ng makakasiping.
Sa isiping iyon ay tila may kirot sa puso ko dahilan para mahawakan ko ang dibdib ko. Habang nililibot ko ang napakalaking silid na kinaroroonan ko ngayon.
Pero wala, wala siya. Maging sa banyo at balkonahe ay sinilip ko na pero walang Dave akong nakita.
"Tama bang iwan ako dito sa buong magdamag?" sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa sofa at muli na namang humalukipkip. Balak kong doon na lang maghintay.
Para tuloy gusto kong magsisi na hindi ko siya pinagbigyan. Dahil alam kong lalaki siya at sa ganoong kundisyon ay masama ang mapigilan. Maaring humanap siya sa labas ng mapaghihingahan niya ng sama ng loob.
At sa bagay na iyon wala na akong magagawa. Hanggat hindi ko magampanan ang posisyong iyon, hindi ko nga siya masisisi.
Pero dapat ba Ganon! Hindi niya ba kayang magtiis!? Kung talagang mahal niya ako, ay hihintayin niya ako. Maghihintay siya hanggang sa makaya ko na!
Maya maya ay nararamdaman kong bumukas ang pintuan at may dalawang lalaki na umagapay kay Dave.
"Sir okay na po ba kayo? " narinig kong sabi ng boses ng isang lalaki. Na, sa tingin ko ay isa sa mga empleyado ng hotel.
"Oh, yeah I think so. Okay go," sabi ni Dave sa mga lalaking naghatid sa kanya at saka niya isinara ang pintuan. Ni lock niya pa iyon.
At tumayo naman ako upang salubungin siya. Huminto ito at tumingin sa akin ng diretso.
"Oh...why are you still awake? Kanina tulog na tulog ka," sabi ni Dave habang nakatingin pa rin sa akin.
"Alam mo? Kanina gusto na kitang pagsamantalahan habang tulog ka, kaya lang naisip ko hindi pwede! Dapat magtiis at maghintay." sumuray ito ng kaunti dahilan para maalarma ako at tinangka ko siyang hawakan.
Pero sumenyas ito sa akin na  huwag ko siyang lapitan. Tumungo siya sa sofa at umupo muna doon.
"Ikukuha kita ng pamunas," sabi ko sa kanya at tangka na akong pupunta sa banyo dahil may nakita akong face towel doon kanina.
"Huwag na, don't do that. Mula ngayon iiwasan mo akong mahawakan, o iiwasan na muna natin ang isa't-isa. Okay ba 'yon? Tomorrow you will have your own room here in hotel." At tumayo na ito at lumakad papunta sa kama.
Hinayaan ko nalang ito na doon na matulog upang maging maayos ang tulog nito, para kahit paano ay mabawasan ang kabigatan nito. Alam kong malaking gulo na ang dulot ko sa kanya. At ito lang ang magagawa ko.
Hindi na ako nagtanong pa at pinilit siyang asikasuhin dahil alam ko na ginagawa niya iyon para na rin sa akin.
Dinarasal kong sana hindi siya maubusan ng dahilan para mahalin ako at unawain. Na sana'y maghintay pa siya sa akin.
Naghintay ako ng isang oras pa, at siniguro ko na tulog na tulog na siya. Tumungo ako ng banyo at kinuha ang face towel na nakasampay ron, nilabhan ko ng mabangong shower gel din na nandoon, At nang mabanlawan ko ay kumuha naman ako ng  maliit na plangana, nilagyan ko ng medyo mainit na tubig at kaunting malamig na tubig. Mabuti na lang at naroon sa c.r ang lahat ng kakailanganin ko para mapunasan ko naman siya.
Napapangiti ako habang ginagawa iyon, naisip kong magagantihan ko na siya. At ang kapilyahan na dumadaloy ngayon sa isip ko ang siyang nagbibigay sa akin ng excitement na pagsilbihan siya upang bukas ay malaman niya ang ginawa ko sa kanya.
Tulog na tulog siya at amoy alak pa. Pati ang hininga niya ay amoy pinaghalo-halong alak. May beer, wine, at kung ano-ano pang alak yata ang ininom nito. Tiningnan kong maigi kung may mga palatandaan ba sa kanyang katawan, tulad ng kiss mark, or lipstick sa suot nitong polo shirt. Nakuha pa palang magbihis ng damit ng lalaking to!
Pinaningkitan ko siya ng tingin habang tinatangal ko ng dahan-dahan ang suot niyang polo shirt. At nang mahubad ko na iyon ng tuluyan ay nagulantang na naman ako sa tumambad sa akin na katawan nito. Oh my gosh! napapalabi ako na parang natatakam sa pride chicken!
"Ano ba naman itong naisipan kong gawin!? Ano ba itong ginagawa ko!? Baka mamaya magising siya at mag-isip pa ng masama sa akin." bigkas ko sa sarili ko na parang baliw na nagsasalita ng mag-isa. At naisip ko na what if magising siya at gawan ako ng bagay na hindi dapat? Siyempre sasabihin niya na ako naman ang na unang nag-move!
Nanlaki ang mga mata ko ng bahagya siyang bumaling sa kabilang direksiyon. Pero wala na akong balak pang hindi ituloy ang pag pupunas sa kanya. Kaya naman dahan dahan ko siyang hinila para mapatihaya siya at una kong pinunasan ang mukha niya.
At habang pinupunasan ko siya ay napag masdan kong maigi ang mukha niya, Napaka gwapo talaga niya, matangos ang ilong, mapula-pula ang mga labi, makapal ang kilay at makinis ang mukha. Grabe, wala man lang wrinkles na nagsasabing thirty-eight na siya. Kung sa bagay ay bata pa iyon. At siguro ay maingat siya sa katawan niya kaya ganun na lang ang pananatili ng maganda niyang mukha at pangangatawan.

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    Marnelli Dejino

    sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author

    25/08/2022

      0
  • avatar
    LV Villarino

    Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer

    27/07/2022

      0
  • avatar
    ElieYang

    Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.

    08/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata