logo text

CHAPTER TWENTY-THREE

Annie's POV:
Pasado alas-tres na nang hapon pero wala paring Dave ang dumarating sa kwartong kinaroroonan ko. Panaka-naka ay may pumapasok na tauhan niya para magdala ng mga pagkain at siguruhin na okay lang ako sa loob ng silid ng kanilang amo.
Wala naman akong lakas ng loob na magtanong sa kanila basta naroon lang ako at nakaupo sa sofa. Mula sa kina uupuan ko ay nakikita ko ang silid-tulugan niya na naaalala kong pinagmulan nang lahat ng pangyayari kung saan nakita akong nasa kama niya anim na taon na ang nakararaan.
Ngayon ay naririto na naman ako. Ang kaibahan lang ay alam kong nagpunta ako rito 'di tulad noon na hindi ko alam kung bakit ako napunta sa kuwartong ito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sinong nag-frame up sa amin para malagay kami sa matinding bingit ng kahihiyan.
"Hindi kaya si Kuya Edmon ang may gawa no'n?" tanong ko sa sarili ko habang tahimik na nag-iisip.
Maya maya ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko. Na, sa amoy pa lang  ng pabango nito ay alam kung siya na ito.
"Are you okay?" mahinang bulong nito sa aking tainga. Naramdaman ko tuloy ang pagdampi ng hininga niya sa likod ko.
"Ano ba!" bulyaw ko sa kanya at sabay tulak sa mukha nito na malapit sa balikat ko. Paano ay mabilis akong nakaramdam ng kilabot na halos gumapang sa buo kong katawan.
"Ouch!" sabi nitong medyo nasaktan yata sa pagkakatulak ko sa mukha niya.
"Ikaw kasi, nang gugulat ka!" sabay tayo ko kaagad paharap sa kanya.
"Ano ba yan? Sa halip na mag-sorry ka sa pananakit mo ikaw pa ang galit?" sabi  nito sa akin. Medyo nakaramdam naman ako ng pagtataka dahil masuyo ang bawat bitaw nito ng mga kataga sa akin.
Para bang nagpapahiwatig na ayaw niyang makipag-away. Pero anong magagawa ko? Naiinis ako sa kanya ngayon at gusto ko siyang awayin. Sino ba siya para pag hintayin ako ng napakatagal?
"Naiinis kasi ako sayo! Sana hindi ka na lang umuwi rito! Ang tagal-tagal mo!" sabi ko sa kanya dahil wala na kasi akong maisip na sabihin.
"Paano akong hindi uuwi rito? Eh dito ako nakatira?" sabi nito at umupo sa sofa. At isinampay ang dalawang braso sa sandalan ng sofa. Nag-cross leg pa at tumingin sa akin.
"Wala akong paki alam! Your so annoying!" umikot ang bilog ng mata ko tanda ng pagkainis ko sa kanya.
"Annie, wala na ba talaga tayong gagawin kundi mag-away? Wala na ba akong ginawang tama sa paningin mo?" sabi nitong napa yuko.
"Bakit tama ba na iniwan mo ako sa lobby ng hotel!? Para sumama ka sa babae mo na kumain doon sa resto! Ha!" sabi ko sa kanya na hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masabi ang mga bagay na iyon.
Alam ko naman wala ako sa lugar para pagbawalan siyang lumabas o kumain siya sa kung saan na may kasamang iba. Pero ano ba itong nararamdaman ko ngayon? Hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Para bang hinahalukay ang buo kong tiyan sa sobrang inis at sama ng loob.
"Sabi ko na nga ba nagseselos ka eh," maiksi nitong sabi at ngumisi pa.
"Ano ang kapal mo ah! Hindi mo ba alam ang kaibahan ng naiinis sa nagseselos?!" Singhal ko lang sa kanya at tinalikuran siya para tumungo sa balkonahe.
"Annie, huwag mo nga akong talikuran, mag-usap tayo." narinig kong sabi niya.Pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik rin ako sa sala at umupo sa sofa. Napansin kong wala siya sa paligid. Naisip kong marahil ay umalis na naman ito upang magpunta sa babae niya.
Naguguluhan akong sinabunutan at ginulo-gulo ang buhok ko. Im so annoying! naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba ako ganito! Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko sa sarili ko?
"Bakit hindi ka mag pahinga, matulog ka." sabi bigla ng isang boses at nagulat akong naroon pala si Dave. At napansin kong galing pala ito sa banyo. 
My gosh nakatapis lang ang mokong! At napalunok laway ako nang makita ko ang napaka gandang katawan niya. My god! ang laki pala ng mga muscle niya at may six pack pa. Sa itsura niyang iyon ay talaga namang maakit ang mga babae sa kanya. 
Gwapo na ay napaka ganda pa ng katawan nito. Sino nga bang makapagsasabi na ang isang tulad ko ay hindi pwedeng magka gusto sa isang matured na lalaki. Para sa akin noon pa man ay hindi matanda ang tingin ko sa kanya kundi matured na lalaking masarap magmahal at mahalin.
Pero buong buhay ko ay nagpipigil ako na malaman niya na may gusto ako sa kanya. Sa unang beses pa lang na nakita ko siya ay alam kong tinamaan na ako sa hambog na lalaking ito. Para sa akin siya ang lalaking nagpapakilig sa akin simula noon at hanggang ngayon.
"Annie," sabi nito na nagulat akong nakatayo na pala sa harap ko.
"What the hell are you doing here!" sabi ko na nabigla pagkakita ko sa kanya.
"Hanggang kailan ba tayo mag-iiwasan?" nakapamaywang na sabi nito habang nakatayo pa rin sa harap ko.
"Look at yourself!" inis kong sabi. Sabay subsob ko sa mga hita ko ng mukha ko.Ayaw ko siyang makita ng ganoon sa harap ko mismo. Ano ba ang iniisip niya at humarap siya sa akin nang naka tapis lang ng tuwalya.
I think he was trying to seduce me! Ibahin niya ako hindi ako bibigay ng ganun kabilis sa kanya!
Naramdaman ko namang wala na siya sa harap ko kaya itinaas ko na ang mukha ko para silipin kung ano na ba ang ginagawa ng lalaking iton ngayon.
"Why? Hinahanap mo ba ako?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko dahil nasa tabi ko lang pala ito. Nagulat ako at pinamulahan ng mukha dahil iyon pa rin ang tanging saplot nito sa katawan.
"Ano ba! pwede bang magbihis ka nga!" Dinampot ko ang maliit na unan na nasa tabi ko at hinagis sa kanya.
"Yon lang naman kasi ang hinihintay kong sabihin mo," sabi niya sa akin na nakangisi pa. Tumayo ito at tinungo ang closet niya at kumuha roon ng isusuot nito.
He is wearing white sando and gray jugger. At kahit sa simpleng kasuotan ay lumilitaw pa rin ang kagwapuhan nito. Matapos magbihis ay lumapit itong muli sa akin.
"At ngayon ay okay na ba ang suot ko?" tanong nito sa akin at tumabi sa kinauupuan ko.
"Kailan mo ba ako pa uuwi in? kanina kasi gusto ko nang umuwi pero pinipigilan ako ng mga bodyguards mo." mahinahon ko nang sabi.
"I think okay naman na tayo dito.Malaki naman itong room ko, good for us." sagot nito sabay sandal sa balikat ko.
Wow! Feeling close kaagad siya sa akin na para bang kanina ay walang nangyari. Naiinis kong ginalaw ang balikat ko para malaglag ang ulo niya.
"What? Anong okay naman tayo dito!?" gulat kong sabi sabay tayo. Lumipat ako sa kabilang upuan.
"Look, mas okay kasi na dito ka na lang muna, until we settle all the things that we need to prepare." paliwanag nito sa akin na sinundan ako ng tingin.
Alam kong gusto nito nasa tabi niya ako umupo pero hindi ko pinansin. Hindi pa ako ready na maging feeling close sa kanya.
"Settled? Prepare?" Dalawang salitang inulit ko sa mga sinabi niya para malaman niya na hindi ko gets ang gusto niyang ipakahulugan.
"Yes, our wedding. Diba sabi mo the last time na mag-usap tayo, pakasalan kita." sabi niya sa akin na tumataas pa ang kilay niya habang binabanggit ang mga salitang "PAKASALAN KITA."
Wow ako pa talaga ang lumabas na nag-a aya ng kasal. Napabuga ako ng hangin. At parang gusto ko nang pagsisihan ang mga ginawa ko nang araw na iyon.
"Hindi na muna iyan ang dapat kong unahin ngayon, may problema ang pamilya namin, ako lang ang makakagawa ng solusyon." sabi ko na napalabi na lang sa mga oras na ito.
"At ano!? Yung isuko 'yong sarili mo sa kuya-kuyahan mo? Is that the best you can do?"
"Did I say that? What I mean, kaya kong pakiusapan si Kuya Edmon." Giit ko sa gusto kong gawin kanina.
" Look, kaya nga gusto ko ikasal na tayo sa lalong sa madaling panahon. At least mapoprotektahan kita mula sa kanya." Nakita kong nakuyom niya ang kanyang kamao at nagtangis ang kanyang mga bagang.
"Walang gagawing masama sa akin si kuya Edmon." sabi ko sa kanya dahil alam kong hindi totoo ang sinabi ni Mama na may gusto sa akin si kuya Edmon.
"Damn! Can't you really accept the truth? Your brother Edmon is not like before, noong mga bata pa kayo at naglalaro! Beside alam niyang hindi siya tunay na anak ng parents mo kaya hinayaang niyang mahulog siya sa'yo at lumampas sa limit." Tumayo ito at tumungo sa kusina niya. Pumunta sa wine shelf at kumuha ng isa sa mga bote ng wine doon at saka binuksan at kumuha ng wine glass at sinalinan iyon. Ininom niya ng walang anu-ano.
Napayuko ako sa sinabi na iyon ni Dave. Hindi nga ba? Hindi ko nga ba matanggap na humantong sa ganoon si kuya Edmon? Malakas ang paniniwala ko na may ibang dahilan? O hindi ko lang matanggap na ako yata ang dahilan?  
Oo sa tingin ko, dahil hanggang ngayon umaasa parin ako. Umaasang may natitira pang magandang ala-ala sa aming dalawa. Dahil alam ko rin ang mga kalungkutan na pinagdaanan niya noon.
Alam ko kasi na may ibang babaeng minamahal si Kuya Edmon. That was, when I was a ten years old. At si kuya ay nineteen pa lang noon. Alam kong namatay ang babaeng minamahal niya, noong mga panahong iyon. At nakita ko ang lubusang pagkalunod niya sa kalungkutan.

Komento sa Aklat (408)

  • avatar
    Marnelli Dejino

    sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author

    25/08/2022

      0
  • avatar
    LV Villarino

    Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer

    27/07/2022

      0
  • avatar
    ElieYang

    Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.

    08/12/2021

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata