Nakarating ako sa ospital sa loob ng isang oras, at tumungo ako kaagad sa kwarto ni Papa. nagulat na lang ako na naroon silang lahat. Si Mama at sina kuya Dhino, at ang asawa nitong si Luisa. Naabutan ko silang tila may matinding pinag-uusapan. "Ma, Kuya, Ate, anong meron bakit lahat po kayo nandito? Kamusta na po si Papa?" sunod-sunod kong tanong sa kanila. "Hindi pa siya nagkakamalay," sagot ni Kuya Dhino sa akin. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng makita ko si Papa na naroon pa rin at nakaratay sa higaan. Pinagmamasdan ko siya at nakikita kong napakaraming dinadala nito sa puso, kaya't humantong pa siya sa ganitong kalagayan. Nakakalungkot lang na naganap ito sa kanya habang wala ako sa tabi niya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama, at inabot ko ang kanyang kamay, pinisil ko ito. Naiiyak akong yumuko at dinikit ang kamay ni Papa sa aking pisngi. Nakita ko naman si Mama na parang balisa kaya nag-alala rin ako para sa kanya. Alam kong mabigat din para kay Mama ang kalagayang ito ni Papa. Alam kong lahat kami sa miyembro ng pamilya ay nakakaranas ng kalungkutan. Maging ang dalawa kong kuya, na si Kuya Salmon at Shiemen. "Ma, what's wrong?" nag-aalala 'kong tanong sa kanya. Tahimik lang si Mama at nararamdaman kong may dinadala talagang problema na alam kung ayaw nilang ipaalam sa akin. "Kuya, I know we have a problem. Please tell me, what's the problem?" tanong ko kay Kuya at tumingin ako sa mga mata nito. " The truth is..." "Dhino, hayaan mo na ako na ang magsabi sa kapatid mo nang lahat ng ito," putol ni Mama sa pagsasalita ni Kuya. Bumaling ako ng tingin kay Mama. At hinanda ko na lang ang sarili ko sa mga dapat kong marinig mula sa kanya. "Edmon's take over the company," simula ni Mama sa mga sasabihin niya. Pero nagtaka ako sa mga una niyang sinabi, si Kuya Edmon daw ang nag-take over ng company. "And so? I think kuya Edmon's have the right to do that? Dahil sa kalagayan ni Papa, alam kong gagawin niya iyon para sa ating pamilya," saad ko sa kanila. "That's the reason, kaya hindi namin masabi sa iyo ang buong katotohanan," sabi ni Kuya Dhino na ipinagtaka ko. " Why? What's wrong with kuya Edmon?" tanong ko sa kanila. " Your brother Edmon is not your real brother!" malakas na sabi ni Mama. "What?! Anong klaseng biro to?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat sa mga sinabi ni Mama. Si kuya Edmon na mula nang magkaisip ako ay kasa-kasama ko na. Na talagang naging ka-close ko at parati kong pinagsasabihan ng problema ko noon. Siya sa lahat ng mga kuya ko ang pinaka pinagkatiwalaan ko. Even nung nasa America ako ay parati ko siyang ini-email. Kahit na alam kong sumama ang loob niya sa mga nangyari sa akin ay patuloy pa rin ang tiwala ko sa kanya. Parati kong ibinabalita sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa akin. Kung nasaan ako, anong ginagawa ko. Lahat 'yon sinasabi ko sa kanya. Dahil ganun kalaki ang tiwala ko sa kanya. Tapos malalaman kung hindi ko siya totoong kapatid! "Anong klaseng biro naman ito sa akin?" nasabi ko na lang. At nagsimula nang uminit ang pisngi ko. Alam kong nagbabadya ang luha sa aking mga mata. The fact na ayaw nilang ipaalam sa akin dahil nakikita ni lang mahihirapang akong tanggapin ang bagay na Ito. Pero hindi ito ang oras para i-reject ko ang mga sasabihin nila. "Ma, what's the other matter aside to kuya Edmon's real identity? There is another problem?" tanong ko kay Mama kahit na hindi pa gaanong nag-sink in sa utak ko ang unang katotohanan. Sa tingin ko naman ay hindi dapat ituring na problema ang bagay na iyon. "He wants to take the company and also He wants you!" mahinahong na ang pagsasalita ni Mama. "What!? He wants me!?" isang pang makagigimbal na salita ang muli na namang nagpagulat sa akin. At sa pagkakataong ito ay talagang masamang biro ang narinig kong sinabi ni Mama. Kuya Edmon wants me! So ridiculous! Anong nagawa ni Kuya para maisip ni Mama ang bagay na ito? Ni minsan ay hindi ko nakitaan si kuya Edmon ng malisya sa pagiging mabait niya sa akin. Kung may ganoon alam ko dapat, hindi naman siguro ako manhid para hindi maramdaman iyon noon. Wala talaga siyang ipinapakita sa akin na kamalisyahan noon. Kaya hindi sumagi sa isip ko ang mga sinasabi ni Mama. Hindi kaya galit lang si Mama kay Kuya Edmon sa mga ibang bagay na ginawa nito kaya niya iniisip ito ngayon. "Gusto niyang i-take over ang buong kumpanya dahil ang totoo ay gusto ka niyang makuha. Kahit kailan hindi ka niya itinuturing na kapatid. Kahit naman ang mga kapatid mong lalaki, hindi niya itinuturing na kapatid!" Nakukuyom ni Mama ang mga kamay niya halatang galit siya Kay Kuya Edmon. "How so pathetic Ma, baka naman po nabigyan niyo lang ng malisya ang closeness namin noon ni kuya," sabi ko na sa huling pagkakataon ay nais kong mabigyan ng rason ang mga bagay-bagay na nangyayari. "Iyan ang katotohanan na pilit naming itinatago sayo, simula ng ma-engaged ka kay Dave Santivaniez, si Edmon nagbago na," singit naman ni Kuya Dhino. "Napansin ko iyon simula ng ma-settle ang agreement niyo ni Dave, at hanggang sa umalis ka patungong America. Edmon was already change! Laging tahimik at may malalim na iniisip. Napansin din namin na madalas na siyang kumilos at magdesisyon ng lingid sa kaalaman namin." Pagpapatuloy ni Mama. "At kaya inatake si Papa, nalaman ni Papa na lahat ng share namin ay ibinenta niya sa isang hindi kilalang negosyante. At tanging naiwan na lang ay ang maliit na bahagi ng share of stock na sa kanya nakapangalan. Nailipat niya ang huling bahagi sa pangalan niya sa pamamagitan ng panlilinlang niya Kay papa. Nalaman ni papa ang lahat ng iyon kamakailan lang, bago atakihin si Papa," dugtong naman ni Kuya Dhino. "Maniwala ka Annie, totoo ang sinasabi ni Mama at kuya Dhino mo, saksi rin ako sa mga nangyari," sabi ni ate Luisa. Bakit kuya Edmon, bakit sa lahat ikaw pa? Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat ng mga bagay na narinig ko tungkol sa isang tao na pinagkakatiwalaan ko. Ngayon kung ang taong matagal ko nang kilala ay may ganito palang kasamang ginagawa, paano pa kaya ang ibang tao. Bakit sa dami ng taong manloloko sa amin ay ang itinuturing ko pang best friend sa lahat ng mga kuya ko. Bakit siya pa?! Bakit niya ginawa ang ganitong masasamang bagay sa pamilyang kumupkop sa kanya at nag mahal. Alam kong naging lubos ang tiwala sa kanya ni Papa. Minahal at walang pag-aalinlangan na itinuturing na sariling kadugo. Dahilan para hindi ko maisip na hindi ko siya kapatid. Bakit kuya Edmon? Bakit mo ginawa ang lahat ng ito para lang sa walang kwenta mong pagmamahal sa akin?! Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Hindi pa rin ako makapaniwala. Gusto kong makausap si kuya Edmon upang kumpirmahin ang lahat ng mga paratang sa kanya ng lahat. "Kakausapin ko si Kuya Edmon!" Tumayo ako at nagtangkang aalis upang puntahan si Kuya Edmon. "Don't do that! Utang na loob! Iyan ang pinaka mali mong gagawin!" sabi ni Mama na napasigaw sa akin. "Pero Ma, kung hindi ako sino pa ang gagawa para mabawi ang kumpanya sa kanya?!" sabi ko na puno ng emosyon ang tinig ko. Mangiyak ngiyak na ako ng mga oras na iyon. "Umupo ka at makinig sa mga sasabihin namin. Wala tayong magagawa ngayon. Kundi ang maghintay na gumawa siya ng hakbang." "Anong hakbang naman 'yon Ma?" tanong ko na tuluyan nang pumatak ang luha ko. " Stay calm Annie," Hinimas ni Ate Luisa ang likod ko at inakay pa ako pagbalik sa sofa. "Wala na rin naman tayong magagawa kahit mabawi natin iyon," si kuya Dhino naman ang nagsalita. " Bakit naman?" tanong ko uli. "Dahil napagbili na niya halos lahat ng share natin, mabawi man natin 'yon wala na ring saysay. Kung kumilos na at magpakilala ang negosyanteng nakabili ng lahat ng share, bibitiwan niya na ang kumpanya at ibibigay sa nakabili. Iyon na ang magiging may-ari ng kumpanya na pinaghirapan ni Papa na itayo sa mahabang panahon. At tayo naiwang wala. Mas mahirap pa sa daga." Nakukuyom ni Kuya Dhino ang kanyang kamay habang iniisip ang mga masamang pangyayaring nagaganap ngayon. Samantalang ako ay mugtong-mugto ang mga mata, paano ay sumabay pa ang problemang ito sa mga problemang pinagdadaanan ng relasyon ko kay Dave. Isang bagay na hindi ko masabi kina Mama at Kuya. Ayaw kong bigyan pa sila ng problema. Marahil ay kinakailangan ko nang magtrabaho para may ma ipambayad kami ng mga bills dito sa ospital. Hindi maaring habang buhay naming iasa ang lahat ng mga gastusin ni Papa kay Dave.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (408)
Marnelli Dejino
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0
LV Villarino
Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0
ElieYang
Dear author,
I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
sobrang Ganda Ng storya simula umpisa Hanggang sa kataposan...salamat author
25/08/2022
0Sobrang ganda ng kwento, hindi hadlang ang edad sa dalawang tunay na nagmamahalan.. thanks writer
27/07/2022
0Dear author, I really enjoyed this story. Siksik ang plot mo, and I love every character development. Iyon nga lang, hindi masyadong naramdamaan na old man si Dave, pero okay naman siya. Gusto ko rin ang twist sa sindikato at droga, dahil nagsilbi itong awareness sa mga mambabasa na rin. Also, congrats sa iyo. Sana ay marami ka pang maisulat tulad ng isang istoryang ito. I may not be in the right position, but I want to suggest for your title. You can improve it. God bless.
08/12/2021
0Tingnan Lahat