Homepage/This Ghost Is In Love With You (Tagalog)/
41st Ghosting: Finale?
SABUNOT NI ADOLFO ang sarili niyang buhok. Problemado siya at kabado. Ang inaakala niya na magsasalba sa malaking kasalanan na nagawa niya ay unti- unting lumalabo na. Dahil naghihingalo na ang katawan ni Ashey Brown. At wala siyang lakas ng loob na sabihin 'yon sa pamangkin ngayong gabi.
Tinawagan siya ng doktor kamina lang at pinapunta siya rito sa ospital dahil nga sa unstable na lagay ng katawan ng guro. Bukod sa...
"Sana ay napag- isipan mo na, Adolfo. Ang napag- usapan natin. Lalo na ngayon na nagpapakita na naman ng signs nang pagsuko ang pasyente mo."
Nag- angat ng tingin si Adolfo sa taong tumayo sa harap niya nang nakayukyok siya kanina. Pamilyar ang boses. Dahil maraming ulit na siya nitong kinulit.
Bumbay na doktor. Buddhist daw. Naniniwala sa mga supernatural at reincarnation. Sa after life. Ah, ewan. Masyadong komplikado ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya noong nakaraan. Ang malinaw lang sa kaniya ay...
"Sinabi mo sa'kin na pasyente mo rin ang nangangailangan?"
"Oo, Adolfo. Tama ka. Confidential. Hindi maaaring sabihin sa'yo kung sino, maging ang pangalan naman ng pasyente mo ay mananatiling confidential sa kanila. Lalo pa at... hahayaan natin na mamatay na nang tuluyan ang guro. Mercy killing, you can say that."
"Pangalan. Kahit palayaw."
"Ava."
Tinanguan ni Adolfo ang kausap, "Pumapayag na 'ko."
Isang malawak na ngiti at buong galak na pakikipagkamay ang tinugon niyon sa kaniya
"Salamat, Adolfo Nuevo. Salamat."
"Nais kong maisama mo 'ko sa dasal na gagawin mo." Dahil patong- patong na ang mga nagawa kong mali...
"Makakaasa ka."
"Randall Santillan. 'Yon ang pangalan ng pamangkin ko. Ang napag- usapan natin."
"Kopya, Nuevo."
SABI NILA, 'pag nasa alanganin ka na ng buhay mo ay magpa- flashback sa'yo ang lahat ng mga nangyari sa'yo sa buong buhay mo. Napatunayan man ni Ashey na totoo 'yon, nangyari naman 'yon sa kaniya sa panahon na hindi siya naghihingalo. Kung hindi sa sandaling alam na niya kung saan na siya papunta dahil isa na siyang ghost.
Sabi rin nila, ang isang kuwento na hindi happy ang ending ay hindi pa tapos. Pero nakakaiyak na mukhang ito na ang kaniyang katapusan.
Ang katapusan kung kailan magsisimula pa lang sana silang bumuo ng pamilya at buhay na magkasama ni Randall.
"I'm sorry..."
"Hush, you don't have to."
Saksi ang ulan at dagat sa dalawang tao na kung titignan sa malayo ay animo masasaya at nasa pulot-gata.
Kung lalapitan naman sila ay bumabalong ang mga luha sa kanilang mga mata na tanging sila lang dalawa ang nakakaalam ng rason.
"Delikado ang panahon, Santillan. Hindi ka ba mapapaano rito?" Tanong niya sa asawa habang mahigpit siyang nakayap pa rin dito.
Habang mahigpit lang silang nagyayakapan.
Oo, ang kaligtasan lang ni Randall ang iniisip niya ngayon at wala ng iba pa. Dahil ito lang naman ang kinakailangan at nararapat na mailigtas kung sakali na mangyari nga ang iniisip niya.
"How can you do that?" Sapo ni Randall ang mga pisngi niya at pinaghahalik-halikan siya sa mukha.
Bakit?
Dahil hayun na lang ang natitirang kumpleto sa kabuuan niya sa mga sandaling 'yon...
"What?"
"Nag- aalala ka sa mga nasa paligid mo habang ikaw nga itong nasa alanganin na sitwasyon na. I love you, Wife. Magkikita pa naman tayo. Sigurado ako. Hindi ko hihilingin sa'yo na mangako."
Umiiyak na umiling si Ashey, "Don't. Gusto ko na mamuhay ka habang ako ay mananatili na lang na nasa memorya mo, Husband. You need to promise me."
Ngiti lang ang sinagot sa kaniya ni Randall. Mapait na ngiti. Habang patuloy ito sa paghalik sa kaniyang mukha.
"I love you, I love you, I love you," his only response.
"I love you more. This ghost is in love with you, always remeber that."
Siguro nga, kinakailangan na ganoon ka- drama ang dialogue at eksena bago ang tunay na paalaman. Bago ang tinatawag nila na finale.
Bago tuluyan na maglaho si Ashey at masaksihan ni Randall 'yon...
Mula sa paglaho ng leeg ni Ashey, papunta sa mga labi, ilong, mga mata, kilay... buhok...
Hanggang sa wala na. Naglaho na ito nang tuluyan...
Siya na lang mag- isa ang naroon. Sa gitna ng rumaragasang pagbuhos ng ulan at nagngangalit na dagat na tila nakikisama sa kaniyang nararamdaman sa mga oras na 'yon.
Ah, hindi pa pala siya mag- isa, naroon pa nga pala ang kasalukuyan na nagpapatakbo ng yate-- si Azraelle. Na alam niyang alam na nito ang nangyari dahil maririnig sila ng anghel 'pag ginusto nito. Napakaraming alam ng anghel na 'yon at hindi pangkaraniwan na abilidad pero nakakalungkot na hindi niya alam kung papaano maiiwasan ang pag- awat sa unti- unting paglaho ni Ashey.
Kung sana ay inadya rin ng Diyos na alam din ng anghel, hindi sana siya magdurusa ngayon.
"Ahhhh! Asheeeeey!" Sigaw ni Randall sa kawalan. Habang gigil na sumampa siya sa railings ng yate.
Kung tatalon naman siya ro'n ngayon ay wala namang aawat, hindi ba? Hindi naman siya pupuntahan ni Azraelle...
Ngunit bago pa tumalon si Randall sa dagat ay parang tukso na parang binulungan siya ni Ashey, "Gusto ko na mamuhay ka habang ako ay mananatili na lang na nasa memorya mo, Husband. You need to promise me..."
Pagsigaw na lang muli ang nagawa niya.
Galit na pagsigaw upang ipaalam sa mundo na hindi niya gusto ang hatol na 'yon sa buhay niya. Sa buhay nila ng nag- iisang tao na nagturo sa kaniya kung paano mahalin at magmahal nang walang rason. Nang basta na lang.
Kung paanong ganoon kabilis na nakilala at minahal niya si Ashey ay ganoon din naman 'to kabilis na binawi sa kaniya.
Bakit gano'n maglaro ang mundo?
Ayaw niyang magtanong na bakit sila pa pero hindi niya maiwasan ngayon, to be honest. Hindi naman sila masamang tao para masabi na parusa 'to. Bakit?
"Till we meet again, Wife!" Pasigaw pang muling sabi ni Randall sa kawalan.
Nagdesisyon na siyang bumaba sa railings. Ngunit hindi pa man siya nakakababa, umuga na ang yate. Umuga sa marahas na paraan. Na hindi na niya pinagtakhan dahil malakas ang hangin. Hindi na rin siya kinabahan. In fact, walang pakialam pa nga na tinalon niya ang deck kahit na umuuga ang yate.
"Ahhhh!" Malakas na sigaw ni Randall.
Dahil eksaktong makatapak siya pabalik sa deck ay siyang pag- uga ng yate sa hindi lang marahas na paraan, mabalasik na 'yon at unti- unti nang naramdaman ni Randall ang napipinto niyong paglubog...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (380)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love the flow of the story pati sumasakit na ulo ko kakaisip kung sino ung killer but I love it!❤️❤️
09/01/2022
1Isang magandang istorya na kapupulutan ng aral. Nagsasabi na hindi dapat sa lahat ng oras ay magtiwala sa mga kakilala. Dahil sa kabaitan maaaring mapagsamantalahan.
18/12/2021
1Ang ganda ng story ,nakakatakot
24/08
0Tingnan Lahat