Homepage/This Ghost Is In Love With You (Tagalog)/
36th Ghosting: Forgiveness
ANG MGA tao ay tila nilikha talaga ng Diyos na may iba't-ibang pag- uugali, kakayahan at purpose sa buhay. Kaya may masama at mabuti. May gumagawa ng mali at may mas pinipili pa rin na maging tama kahit mahirap para sa kanila. Kahit mali ang kinagisnan nilang buhay. Si Ashey Emerald Brown ay isa lang sa magpapatunay niyon... "Anak..." "Ang yakap na ito na lang ang kakayanin kong ibigay, Na--Nay. Salamat at patawad." "Oh, Ashey ko, mas patawad, anak. Patawad." Bumalong ang luha sa mga mata nilang mag-ina. Habang ang paglaho na nagsimula sa kanang kamay ni Ashey ay unti- unti nang umaakyat sa kanan niyang braso. Napag- isip-isip niya na bago pa tuluyan na maglaho 'yon at lumipat ang paglalaho sa kaliwa niyang braso, pinili ni Ashey na biglaan na yakapin ang kaniyang ina. Habang kaya niya pa. Habang narito pa siya. Ang pagpapatawad ay mahirap ibigay. Kaya alam ni Ashey sa sarili na the moment na bumalik na lang basta ang kaniyang ina sa buhay niya ay napatawad na niya ito. Nagpahilom lang siya. Siya pa rin ang anak, kaya siya ang nararapat na humingi ng tawad. Naging mapagmataas siya. Sabi nga nila, ang pagpapatawad ay pagpapalaya. Na sa oras na mapalaya mo na 'yon, magugulat ka na lang na mari- realize mong nakakulong ka pala sa isang bilangguan na ikaw mismo ang may gawa. Bilangguan ng pait at poot. Dapat pa rin siyang magpasalamat. Kung hindi dahil sa nanay niya ay wala sana siya sa mundo. Tama si Azraelle, kung hindi sa nanay niya ay hindi naman siya maisisilang sa mundo at kung hindi dahil sa pang- iiwan nito sa kaniya ay hindi naman siya tatanda sa tama. Hindi siya magiging matatag. Hindi siya titibay at hindi siya magiging guro na kinayang buhayin ang kaniyang sarili. Deep inside her, alam niya na nakatulong ang pang- iiwan ng kaniyang ina sa kaniya upang maging ganoon niya hinarap ang buhay. Malaki ang naitulong sa pagkatao niya, sa pagbuo niya sa sarili. Kung hindi siya naging guro, kung hindi siya naging anak ng walang- puso, wala sanang Randall. Clearly, may bright side ang bawat mga pangyayari. Pero s'yempre, naroon pa rin ang katotohanan na regalo lang ng Diyos ang lahat ng bagay. Na ang katotohanan ay nararapat na nilang harapin... "Pinadala 'to ni Ate LM, for you." Inabuta ni Xian ng isang bungkos na bulaklak na Sunflower si Ashey. Natatawang nagpahid ng mga luha si Ashey at tinanggap 'yon mula kay Xian. Sunflower: Positivity and strength. Naramdaman na lang ni Ashey ang alok na yakap ni Xian. Nang magyakap sila ng binatilyo, nakisali si Azraelle, "Group hug." "Hay, kayo talaga..." nagbibiro na sita ni Ashey sa dalawa. Sinulyapan at nginitian pagkuwan ni Ashey ang nanay niya na nananatili lang pala na nakatitig sa kaniya kahit kumalas na siya sa yakap na siya rin ang nagbigay rito. Nang sagutin siya ng tango ng nanay niya at tinalikuran na niya ito. Ashey let out a heavy breathe. So, this is it... "NAKAKAPAGOD BA HA?" Napangisi si Randall sa tanong na 'yon ni Xian. Ah, hindi naman para sa kaniya ang tanong. Para 'yon sa kasama niya na magbungkal ng lupa sa isang parte na 'yon ng Santillan Farm-- sina Adolfo at Arnulfo. Oo, tinutulungan siya ng mga ito na maghukay. "Dito, nang malaman mo ang sagot sa tanong mo," nasa tono ni Adolfo ang kaseryosohan. Kahit hindi nito nilingon si Xian ay tumugon naman. Nang matanaw ni Randall si Ashey, agad niyang iniwan sandali ang ginagawa at sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap. "Don't cry," agap ni Randall sa napipintong pagluha ng girlfriend. "Again, how?" Randall chuckled. Mariin niyang sinamyo ang bumbunan ni Ashey. "Ew, ang dumi mo," kunwari ay tulak ni Ashey sa nobyo. Nang magkatitigan sila, pareho na sila na may namumuong luha sa mga mata... Sabay rin sila na natawa. Hahampasin sana ni Ashey si Randall sa dibdib noong pareho nilang maalala na naglaho na nga pala ang parte ng katawan niyang 'yon. "Humihingi ako ng tawad muli." Sabay na nilingon nina Ashey at Randall ang walang ano- ano'y biglang pagsasalita ni Adolfo. "Alam kong huli na. Pero sana ay mahanap mo pa rin sa puso ang kapatawaran para sa'kin." Wala man sa kanila-- kay Ashey, ang atensyon ni Adolfo habang nagsasalita, dama niya na sinsero naman ito.
"Hindi man kayo maniwala, sasabihin ko pa rin na... matagal ko na po kayong napatawad." Naramdaman ni Ashey ang paghigpit ng kapit ni Randall sa kaliwang palad niya, "Simula pa ho nang malaman ko ang napagdaanan ni Therese. Simula pa ho nang... makilala at mahalin ko si Randall." Maluha- luha na lang na pinagmasdan ni Ashey ang pag- uga ng mga balikat ni Adolfo Nuevo habang nakayuko pa rin ito at hindi masalubong ang mga tingin niya. "Salamat, Te--Teacher Ashey." There. Nag- angat na ito ng tingin. Isang malawak na ngiti naman ang sinukli ni Ashey sa matanda. Hindi niya man puwedeng sabihin na butihin, at least, alam nilang lahat na naroon sa mga sandaling 'yon-- siya, si Randall, Azraelle, Xian at Adolfo Nuevo, na hindi naman ito masamang tao. Sabi nga nila, ang pagpapatawad ay pagpapalaya. Na sa oras na mapalaya mo na 'yon, magugulat ka na lang na mari- realize mong nakakulong ka pala sa isang bilangguan na ikaw mismo ang may gawa. Bilangguan ng pait at poot. Sabi nga rin nila, nasa huli ang pagsisisi. Ngayon na pinagmamasdan nilang lahat na naroon ang hukay na paglalagyan ng katawan ni Ashey-- Oo. Sumuko na ang kaniyang katawan-- ang nais nalang ni Ashey ay gawin ng tama at igugol sa piling ni Randall ang natitira niyang mga araw sa mundo. Sabi ni Azraelle, kakaiba pa rin daw ang kaso niya sa lahat ng kaluluwa na bumalik sa mundo ng mga buhay na hawak nito. Una, dahil ang mga napabalik, mga naging sakim. Ayaw nang tanggapin ang kamatayan na alam na nilang naghihintay rin naman sa kanila sa huli. Pangalawa, mas pinili ng iba na lustayin ang natitirang sandali sa pagkamit ng mga bagay na hindi na nagawa noon. Si Ashey kasi ay malinaw na sa simula pa lang na bumalik sa mundo ng mga buhay, wala na siyang hangarin kung hindi mahanap ang kaniyang bangkay at ma- settle ang issue sa kanila ng killer niya. Malinaw na handang magpatawad kahit na nabigyan naman ng pagkakataon na gumanti. Ah, hindi rin talaga alam ni Azraelle. Ngayon lang nangyari na may kaluluwang nabigyan ng ikalawang tsansa na mamuhay sa ikalawang pagkakataon na unti- unting naglalaho. Siguro dahil ngayon lang din nangyari na naging tao siya. Siguro dahil wala naman talagang sagot. Tanong din lang sila ng tanong. Katulad na lang nang bakit nila ni Randall... NAKAKAKABA ang lungkot na nakikita ni Randall sa mga mata ni Azraelle. Mahigit kalahating oras nang nasa loob ng ICU ang mga doktor at nurses para bigyan ng atensyon ang biglaang pag- iingay ng mga makina na nakapalibot sa katawan ni Ashey. Mahigit kalahating oras at saka lang lumapit si Azraelle kay Randall. Tumayo ito sa harap niya at nang kaniyang tingalain ay kalungkutan ang nabanaag ni Randall sa mga mata ng anghel. Anghel. Alam niyang may kapangyarihan ito na marinig ang kaganapan sa loob ng ICU kahit pa nakasarado 'yon. Kaganapan na parang ayaw na ni Randall na harapin kung pagbabasehan ang rumerehistro na lungkot sa anghel. Lungkot na unti- unti na rin na namamahay sa puso niya kasabay ng kaba. Kaba na noong natanggap niya ang masamang balita sa sabay na pagkamatay ng kaniyang mga magulang pa noong huli niyang maramdaman. Kaba na literal na nakakawala ng pag- asa... Kaba na tuluyan nang bumingi kay Randall nang matapos niyang tingalain si Azraelle ay nagsilabasan na ang mga nurses at doctors mula sa pinto ng ICU... "I'm sorry, Mr. Santillan..." Iyon lang. Iyon lang ang mga salitang namutawi sa bibig ng doktor na sumalubong kay Randall pero tila na siya tinulos sa kaniya kinatatayuan. Ang kaba na kanina ay bumibingi sa kaniya ay napalitan na ng dagundong. Naikuyom niya ang magkabilang kamao nang mariin. Na kung nasa palabas siya sa animé ay alam niyangtila na siya bumubuga ng apoy sa mga oras na 'yon sa frustration at lungkot. Frustration dahil hindi niya nakuha ang nais. Lungkot dahil mas lulungkot sa hatid nilang balita. Akala naman nila ay may pag- asa pa. Kung kailan naman na nalaman nilang nasa ospital pa ang bangkay nito, saka pa 'yon tuluyan na bumigay. Saka naman 'yon napagod. Saka naman nagpahinga. Ano na ang naghihintay kay Ashey Emerald Brown? Bakit? Saan pa ba siya nagkulang? Kinulang ba siya-- sila-- sa dasal? Bakit hindi umayon ang lahat sa gusto niya? Nila ni Azraelle? Bakit hindi pinakinggan ng Diyos ang dasal nila ni Azraelle?...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (380)
MoonEumi
I love the flow of the story pati sumasakit na ulo ko kakaisip kung sino ung killer but I love it!❤️❤️
09/01/2022
1
Rhea Sales
Isang magandang istorya na kapupulutan ng aral. Nagsasabi na hindi dapat sa lahat ng oras ay magtiwala sa mga kakilala. Dahil sa kabaitan maaaring mapagsamantalahan.
I love the flow of the story pati sumasakit na ulo ko kakaisip kung sino ung killer but I love it!❤️❤️
09/01/2022
1Isang magandang istorya na kapupulutan ng aral. Nagsasabi na hindi dapat sa lahat ng oras ay magtiwala sa mga kakilala. Dahil sa kabaitan maaaring mapagsamantalahan.
18/12/2021
1Ang ganda ng story ,nakakatakot
24/08
0Tingnan Lahat