Homepage/Kupido 2: Paskong Walang Poot/
Hangarin ni Bughaw
[Redd Valentino]
“Ooh, I love this scene! Lakas maka-indie film.”
Sine tuloy ang peg nitong bintana ng kwarto mula sa labas.
“Kilig factor... nakakasulasok!” ‘Yung ngiwi ni Ginoong Bitter, abot hanggang sa kabilang side ng earth.
Pero buti pala’t nag-go with the flow lang ako sa... electrifying plan niya. Well, tama naman po ‘yung intuition ko. Kung minsan kailangang masugatan para maghilom.
Langya, may mga nagbabalik tuloy sa ‘king alaala ng kahapon, lalo na pagdating sa sugat sa kamay.
Napakurap ng mga mata si Giftson, sabay lagok. “Yule, nakalimutan ko palang sabihin, you’ve got another problem kung ‘di ka talaga sanay diyan sa kaliwa mong kamay.”
“Ha?” Impit mode ‘yung boses nitong isa.
At humirit siya ng pilyong ngisi’t nag-hand gesture lang naman ng private caroling sa mic down under. Oh yeah.
Nahampas naman ng mic ‘yung pamumula ng mukha ni Boy Lefty of the Future, sabay iwas.
“Pre naman, pu...puro ka naman kalokohan eh.”
“Loko, binibiro lang kita. Besides, pwede ka namang magpatulong kay Belle. Para saan pang nagka-girlfriend ka, ‘di ba?”
“Si Belle? Sauce, wala naman sa bokabularyo no’n ‘yung salitang romansa eh.”
“Seriously?” Ipinasok na niya ‘yung pamalit na t-shirt sa ulo ni Yule.
Tumango lang ‘tong isa nang tikom ‘yung bibig, pero sumundot po ng ngiti kasabay ng paghila niya pababa sa damit.
“Paano ‘yan, Ginoong Bitter? Nag-backfire ang munti mong paputok, dahil pinaglapit lang naman po sila no’n. Mukhang nagsisimula nang gumana ang mga ginintuang binhi ko.”
“Bwisit! Bahala ka na nga diyan.”
Pinatong ko ‘yung kamay ko sa balikat niya. “Oh saan naman ang punta mo?”
“Kina Merri at Belle. Para gawin ang trabaho ko.”
Oh well, naglaho na po siya.
***
[Giftson Aguinaldo]
Katatapos ko lang magbihis, at sinusuklay ko ‘yung buhok ko.
“Gift?” Tumawag si Merri mula sa bathroom. “Baka na-prepare na ni Belle ‘yung dinner. You go ahead, susunod na lang ako.”
Bumaba na ‘ko ng hagdan, pero napahinto ‘ko halfway through.
Boses ng babae. One as mad as cut snake. “Magpapalusot ka pa, aminin mo na lang kasi na pumalpak ka na naman!”
“Huwag mo naman akong bulyawan. Saka ‘di ko naman ginusto ‘yung nangyari eh. Hindi mo man lang ba naisip na baka defective talaga ‘yung nabili mong Christmas lights?”
“Ako pang sinisisi mo? Excuse me, Yule, hindi ko sa bangke-bangketa lang binili ‘yung mga ‘yon—mamahalin ‘yung Christmas lights na ‘yon.”
“So...Sorry na.”
“Sorry for what? The Christmas lights, or ruining my day? Mabuti pa lumayas ka na lang, dahil nangungunsumi ako diyan sa pagmumukha mo!”
Tumuloy na ‘ko sa pagbaba.
Nasa dining na si Belle, pero... si Yule.
Lumabas ako, at nasa gate pa siya.
“Yule!”
“Pre, pa...pasensya na, kailangan ko na munang umalis.”
“Yeh, I kinda overheard something.”
“Nakakagago, ‘di ba? Ako na nga ‘tong nasaktan, ako pa ‘yung naging masama.”
“And now pakiramdam mo hindi ka appreciated?”
“‘Yon, gano’n nga. Alam mo, nag-day off pa ‘ko sa trabaho para lang sa pagkakabit ng decorations dito, kasi nga darating kayo. Nagpakapagod ako, ni hindi nga niya ‘ko pinakain. Tapos pagsasabihan niya pa ‘ko nang gano’n?”
“Huwag mo nang isipin ‘yon, maba-bad trip ka lang. Why don’t you come with me first sa porch? May ipapakita ko sa ‘yo.”
Sumama siya sa ‘kin, at dumiretso naman ako sa switch ng Christmas lights.
Napindot ko na ‘yung switch, pero nasa baba na naman ‘yung tutok ng ulo ni Kolokoy.
“Oi, ikaw ba may lahing baboy or something? Kanina ka pa yuko nang yuko eh.”
“Sorry, nakasanayan ko lang kasi. Ano ba ‘yung ipapakita mo?”
“Kung ‘di ka ba naman kolokoy. Paano mo makikita kung ganyan ka?” Nilagay ko ‘yung kamay ko sa baba niya, at inangat ‘yung ulo niya.
There it goes, umaliwalas ‘yung mukha niya sa masterpiece niya. “Ka...Kailan mo inayos ‘yan?”
“While you’re taking a rest in the room. See, ayos pa rin siya.”
“Salamat, pre, buti ka pa. Kahit paano nabawasan ‘yung sama ng loob ko.”
Sleigh bells again. Where the heck is that coming from?
Wait. Ang lapit na naman pala niya. Ano ‘to, replay?
At nakaakbay pa ‘ko sa kanya!
Napakalas na lang ako at napaatras.
“Sige, pre, uwi na ‘ko. Kunin ko na lang ‘yung number mo?”
“Ha? ‘Di pa ‘ko nakakabili ng local na sim card eh. Ikaw na lang magbigay sa akin ng number mo, tapos ako na lang ‘yung ko-contact sa ‘yo kapag nakabili na ‘ko.”
Ni-record ko ‘yung number niya sa phone ko.
“Kapag nagkita nga pala ulit tayo...” Napakamot siya ng ulo.
“Ano?”
“Kain ulit tayo ng donut ha.”
“‘Yon lang pala, sure.”
Nag-offer ako sa kanya ng bro handshake, at nakipag-shake naman siya sa ‘kin.
Nanlaki ‘yung mga mata niya, at napahiyaw siya!
Napabitiw naman ako.
How stupid of me! Maling kamay pala ‘yung nai-offer ko sa kanya, kaya ‘yung may sugat ang naipang-shake niya sa ‘kin! Good thing na hindi ko hinigpitan ‘yung hawak.
“Sorry!”
“Okay lang, kaya naman.” Shinake niya ‘yung kamay.
Lumakad na siya. But... when will he go back?
Wait. Bakit ngumingiti na naman ako. What the heck?
***
“Here we go again. Sinabi ko naman na sa ‘yo, ‘di ba? Ayokong sumama sa inyo ni Belle.”
What a lovely brekky. A hot cup of brewed coffee, and a slice of blue mula sa magaling kong girlfriend.
“Hindi naman tayo magtatagal do’n eh. May bibilhin lang kami saglit, then magdi-dinner na tayo sa resto. It’s her shout.”
“I’m sorrry, saglit ba ‘yung sinabi mo? Sa pagkakaalam ko kasi, ang saglit n’yong mga girls is equivalent to like two to three hours?” Hinalo ko ‘yung coffee.
Napadabog ang asungot sa table at tayo. “Gift! Wi...” Napa-clenched fist siya, at lumingon-lingon. Tapos bumulong, “Will you please stop acting like a nitwit!”
Marunong din pala siyang mahiya pagdating sa best friend niya.
“Huwag mo namang sirain ‘tong bakasyong ‘to!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, huli na para sabihin mo ‘yan, kasi sira na talaga ‘to para sa ‘kin right from the moment I boarded the plane.”
“So ano, magpapaka-prisoner ka na naman dito like what you’ve been doing for the past three days? Makisama ka naman.”
Yeh, at ikaw naman walang ginawa kung ‘di ang gumala sa kung saan-saan.
“Eh bakit mo ba kasi ‘ko pinipilit? Isasama rin ba ni Belle si Yule, ha?”
“Ewan ko.”
“Hindi pa rin ba sila okay?” Dumampot ako ng isang tinapay sa table.
“Malay ko. That’s their business, at hindi natin dapat pinapakiala—wait!”
Napaupo siya ulit.
“Anong meron? Bakit interestado ka yata sa boyfriend ng kaibigan ko?”
Nakabuka na ‘yung bibig ko, at nakatapat na ‘yung tinapay. Pero na-freeze ako.
Okay, paano ko sasagutin ‘yung tanong niya? At bakit ko nga ba nabanggit si Kolokoy?
“Hey, nag-prepare na pala kayo ng breakfast.” Here comes the best friend in black.
Tumayo na ‘ko. Binitbit ko ‘yung coffee pati tinapay na nginangata ko, at lumayas na ng dining. Lumakad ako papunta sa porch.
Wait. Nasa ‘kin nga pala ‘yung number ni Yule!
***
[Redd Valentino]
Oscufix Repair Shop. Sagana sa space, may sariling pa-housing ‘yung bawat tools, at ekis ang mga kalat. In complete uniform pa ang mga empleyado. Nice.
Teka muna, bakit may pa-alimuom spray sila rito?
At may nagbe-berdugo mode ‘yung dugo.
“Huwag ka nang magdahilan sa ‘kin. Ang sabihin mo tinatamad ka lang magtrabaho!” Ayan na nga po, lalake.
Sa loob pala ng office.
Nakaupo sa table ‘yung lalakeng nagpapasabog ng signal, nakatayo naman sa tapat niya si Yule.
“Eh sir, hindi naman po ‘ko nagrarason. Nahihirap talaga ‘ko dito sa kamay ko.”
“Wala ‘kong pake kahit maputol pa ‘yang kamay mo! Lumabas ka do’n at tumapusin mo ‘yung kotse. Kukunin na bukas ng may-ari ‘yon.” Sabay turo pa siya sa pinto.
Nakayukong lumabas si Yule. Sumundot siya ng buntong-hininga, at humiga sa ilalim ng isa mga kotseng waiting in line.
May na-reverb na pamilyar na hagikgik.
Kaya naman pala, nandito rin po ang partner kong temper raiser. Naka-cross arms sa sulok.
“Hindi ka talaga makapagpigil na i-stalk siya ah.” Sumulpot ako sa tabi niya.
“Bakit ka nandito?”
“In charge po ‘ko kina Giftson at Yule, ‘di ba. Eh ikaw?”
“Kasama rin sa trabaho ko ang pagdusahin siya—pagdurusang nanamnamin ko sa bawat segundo.”
“Iba rin. Take advantage sa blessing in disguise ng Bathalumang Keris.”
“Wala ‘kong nagawa nung nabubuhay pa ‘ko.” Glowing ‘yung mga mata niya’t panuntok mode with kuryente ‘yung mga kamay. “Kaya gagamitin ko ang misyong ‘to para ipalasap sa kanya ang dinanas ko.”
Oh yeah. Anumang gawin niya kay Yule, consequence free dahil pasok po sa job order niya. At... bawal po ‘kong makialam.
‘Yung kotse sa kabila...
License plate ko. Langya, anong ginagawa ng kotse ko rito? Hindi ko naman dito pinadala ‘to ah. Saka ten months na ‘yung dumaan.
May natunog na phone.
Bumagon si Yule. Sa kanya pala ‘yon.
Uy, kanina mukmok mode ‘yung pumping machine niya sa dibib, pero ngayon kumekembot sa screen ng phone.
“Gi...Giftson, bakit?”
Si Binhi-mate naman pala niya.
“Ha? Anong dinner?”
At nagbe-bending trip po ‘yung isa sa sulok, napasulpot tuloy ako pabalik sa kanya.
“Huy, bakit parang kang ‘di makairi sa throne room diyan?”
“Hindi ako makapaglaho!”
“Ha? Eh bakit sa ‘kin nagana naman?”
Nag-rinse and repeat siya, pero ekis nga ‘yung teleport niya. Kaka-bitter mode?”
Tumilapon siya pataas!
At bumalibag lang naman sa ceiling. Sumalpok siya sa ilaw, sabay duet silang lumagapak sa sahig.
Napababa ng phone at napaatras si Yule sa pagputok.
“Anong trip ‘yon? Bakit nag-fly away ka?”
“Hindi ko rin maintindihan.” Tumayo na siya. “Bigla na lang may pwersang humaltak sa ‘kin.” I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nothing
12/10/2024
0nice
10/01/2024
1nice
30/11/2023
1Tingnan Lahat