Chapter 8:

Lucian’s POV
Padabog kong isinarado ang pinto ng SSG Office pagkapasok na pagkapasok ni Celeste. Ang hangin sa loob ay tila naging kuryenteng nakakapaso. Hinarap ko siya, at doon ko nakita ang mapang-asar niyang ngiti na hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.
"Anong disciplinary hearing 'to, President? May dress code violation ba ako? O baka naman... behavioral?" tanong niya habang umuupo sa desk ko—hindi sa silya, kundi sa ibabaw mismo ng desk ko, dahilan para magulo ang mga maayos kong papeles.
"Bakit mo ginagawa 'to, Celeste?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. "Jax? Really? Alam mong gagamitin ka lang ng lalakeng 'yon para makakuha ng grades."
"At least siya, gagamitin lang ako para sa grades. Eh ikaw? Gagamitin mo ako para sa ano? Para maging display na pinsan mo habang pinapanood kitang maging perpekto?" Tumalon siya pababa ng mesa at lumapit sa akin. "Jax is fun. He’s simple. Hindi niya kailangang mag-check ng family tree bago niya ako hawakan."
Huminga ako nang malalim, nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga kamao. "Hindi mo kailangang magpakababa para lang saktan ako."
"Saktan ka? Ang kapal mo rin, 'no?" Tumawa siya, pero sa pagkakataong ito, ang tawa niya ay parang basag na bubog. "Ginagawa ko 'to para sa sarili ko, Lucian. Para maalala ko na babae ako, at hindi lang isang Vane o Himura o kung ano pa mang label ang gusto niyo. I'm moving on. You should try it too. Baka may magandang officer diyan na biological-legal para sa 'yo."
Celeste’s POV
Gusto ko nang tumakbo palabas. Ang titig ni Lucian ay tila hinuhubaran ang maskara ko. Masakit makita siyang nasasaktan, pero mas masakit ang katotohanang kahit anong gawin namin, hinding-hindi kami magiging sapat para sa isa't isa sa harap ng pamilya namin.
"Kung wala ka nang sasabihin, President, aalis na ako. May date pa ako sa practice court," sabi ko habang tumatalikod.
Ngunit bago ko mahawakan ang doorknob, naramdaman ko ang malakas na hila sa braso ko. Sa isang iglap, naisandal ako ni Lucian sa pinto. Ang magkabilang braso niya ay nasa gilid ng ulo ko, kinukulong ako sa kaniyang espasyo.
"You're not going anywhere near him," bulong niya, ang boses niya ay gumaralgal sa galit at pagnanasa.
"Bakit? Bilang pinsan ko ba 'to? O bilang President?" hamon ko, pilit kong itinatago ang panginginig ng tuhod ko.
"Bilang lalaking baliw na baliw sa 'yo na kailangang panoorin kang makipag-landian sa iba dahil sa isang lintik na DNA report!" bigla niyang sinuntok ang pinto sa tabi ng mukha ko. "Don't do this, Celeste. I'm begging you. Don't go to Jax."
Napatitig ako sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito ka-vulnerable. Ang Ice King ay natutunaw na sa harap ko.
"Then give me a reason to stay," bulong ko, ang mukha ko ay inches na lang mula sa kaniya. "Give me a reason na mas matimbang kaysa sa dugo natin, Lucian."
Lucian’s POV
Nakatitig ako sa kaniyang mga labi. Ang bango niya ay nakakalasing, at ang bawat bahagi ng pagkatao ko ay gustong isuko ang lahat—ang pangalan ko, ang posisyon ko, maging ang pamilya ko—para lang sa kaniya.
Ngunit sa gitna ng tensyon, tumunog ang intercom sa mesa ko.
"Mr. President, ang Mama niyo po ay nasa linya. It's about the Himura Council meeting. Kailangan niyo raw pong maghanda para sa 'Introduction to the Clan' ni Ms. Celeste sa susunod na buwan."
Ang boses ng secretary ko ay parang malamig na tubig na nagpabalik sa amin sa reyalidad. Introduction to the Clan. Ibig sabihin, pormal na siyang ipapakilala bilang pinsan ko sa buong mundo. Kapag nangyari 'yon, wala na talagang balikan.
Mabilis akong lumayo sa kaniya. Inayos ko ang aking salamin at ang aking polo, pilit na ibinabalik ang maskara ng pagiging SSG President.
"Umalis ka na," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "Huwag kang mahuli sa date mo kay Jax. Pero tandaan mo 'to, Celeste... kahit kanino ka mapunta, ikaw pa rin ang pinakamalaking pagkakamali na hinding-hindi ko pagsisisihan."
Celeste’s POV
Hindi ako sumagot. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Sa hallway, hindi ko na napigilan. Ang isang patak ng luha ay gumulong sa pisngi ko. Pinahiran ko ito agad at nag-retouch ng lipstick.
Okay, Lucian. Kung 'yan ang gusto mo.
Pagdating ko sa practice court, nandoon na si Jax, may hawak na bulaklak. Ngumiti ako nang malapad—ang pinaka-fake na ngiti sa buong mundo.
"Hey, Jax! Ready na ako. Saan ba tayo?"
Habang naglalakad kami palayo, naramdaman ko ang titig ni Lucian mula sa bintana ng kaniyang office sa ikatlong palapag. Alam kong nakatingin siya. At alam kong pareho kaming namamatay sa loob dahil sa bawat hakbang na ginagawa ko palayo sa kaniya.
Ang date namin ni Jax sa isang mamahaling rooftop bar ay dapat masaya. Dapat kinikilig ako dahil kanina pa siya banat nang banat ng mga pick-up lines na pang-MVP. Pero ang totoo? Bawat tawa ko, parang may humihiwa sa lalamunan ko.
​"You know, Celeste, ang tagal kitang hinintay. Akala ko talaga kayo ni Pres," sabi ni Jax sabay hawak sa kamay ko sa ibabaw ng mesa. "Masyado kasing protective 'yon sa 'yo, parang higante. Tangina, magpinsan pala kayo."
​"Of course, Jax. Masyado lang seryoso sa buhay," sagot ko, pilit ang ngiti. "Uminom na lang tayo."
​Pero habang tumatagal, lumalabas ang tunay na kulay ni Jax. Ang kaniyang hawak sa hita ko ay nagiging masyadong mapangahas, at ang mga biro niya ay nagiging bastos na.
​"Alam mo, Celeste, kahit magpinsan kayo ni Conrad, balita ko 'bad girl' ka raw. I like that. Bakit hindi tayo lumipat sa mas 'private' na lugar? I have a room upstairs," bulong niya, ang amoy ng alak ay humahalo sa kaniyang pabango.
​Nandidiri ako. Bigla kong naalala ang hawak ni Lucian—maingat, may respeto, at kahit puno ng pagnanasa, hinding-hindi ako babastusin.
​"I think I should go, Jax," tumayo ako, pero hinila niya ang braso ko.
​"Wait, hindi ka pa tapos. Akala ko ba rebelde ka? Don't tell me pakitang-tao lang 'yan?"
​Lucian’s POV
​Hindi ako nakatiis.
​Habang nasa loob ako ng sasakyan, binabantayan ang GPS ni Celeste mula sa kaniyang phone (isang bagay na hindi niya alam na in-install ko para sa kaligtasan niya), nakita kong hindi siya gumagalaw sa bar na 'yon nang matagal.
​Pagdating ko sa rooftop, ang unang nakita ko ay si Jax na pilit na hinahawakan si Celeste. Ang galit na pilit kong ibinaon sa loob ng isang linggo ay parang bulkang sumabog.
​Hindi ako nag-isip. Nilapitan ko si Jax at isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa kaniyang panga.
​"Lucian!" sigaw ni Celeste.
​"Get away from her," boses ko ay kasing dilim ng impiyerno.
​"Ano ba, Conrad! Pinsan mo lang siya!" sigaw ni Jax habang pinapahiran ang dugo sa labi niya. "Wala kang karapatang makialam sa date namin!"
​"I have every right," hinarap ko si Celeste, hinila ko siya palayo sa crowd. "We're leaving. Now."
Celeste’s POV
Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng dressing room ng mansion. Ang suot kong gown ay kulay ginto—isang kulay na sumisimbolo sa yaman ng mga Vane na kailanman ay hindi ko naramdaman na akin.
Maya-maya pa, ang pormal na pagpapakilala sa akin bilang "Biological Niece" ni Azy Himura-Conrad ay magsisimula na. Kapag nangyari 'yon, selyado na ang tadhana namin ni Lucian. Magiging opisyal na magpinsan kami sa mata ng publiko at ng buong Clan.
"May I come in?"
Bumukas ang pinto at pumasok si Lucian. Naka-tuxedo siya, mukhang perpekto gaya ng dati, pero ang mga mata niya ay hindi mapakali.
"President," bati ko, pilit ang ngiti. "Excited ka naman yatang i-escort ako sa stage."
"Hindi tayo aakyat sa stage, Celeste," seryoso niyang sabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ang malamig kong kamay. "Narinig ko ang plano nina Papa at Viktor. Pagkatapos ng introduction, iaanunsyo nila ang engagement ko sa anak ng isang business partner para tuluyang matakpan ang anumang tsismis tungkol sa atin."
Nanlaki ang mga mata ko. "Engagement? Sino? Bakit hindi ko alam 'to?"
"Dahil ang priority nila ay ang perpektong imahe. Pero hindi ako papayag," hinila niya ako patungo sa bintana ng dressing room. "Sa labas ng gate, may naghihintay na sasakyan. Hindi 'to ang mansyon ng mga Conrad o Himura. It’s a place only I know."
Lucian’s POV
Ito ang pinakamalaking sugal na gagawin ko. Hindi ko ipapahiya ang mga magulang ko sa harap ng media, pero hindi ko rin hahayaang itali nila ang buhay ko sa taong hindi ko mahal.
"Lucian, what about the guests? What about your reputation?" tanong ni Celeste habang inaalalayan ko siyang bumaba sa trellis ng garden.
"Hahayaan ko silang maghintay. Sasabihin ni Thorn na bigla kang sumama ang pakiramdam at kailangan kitang i-escort sa ospital. A valid excuse for a responsible President and a caring cousin," paliwanag ko.
Tumakas kami sa gitna ng kadiliman ng garden, suot ang aming mga pormal na damit. Ang tunog ng party sa loob ay unti-unting humihina habang papalayo kami. Nang makarating kami sa sasakyan, mabilis kaming sumakay at pinaharurot ko ito paalis.
Celeste’s POV
Hinihingal ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na si Lucian ay may ganitong side.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa lumang library ni Lolo Alexander sa dulo ng probinsya. Walang nakakaalam ng lugar na 'yon kundi ako. Doon tayo magpapalipas ng gabi hanggang sa lumamig ang ulo nina Papa."
Dumating kami sa isang maliit na cabin na puno ng mga lumang libro. Walang kuryente, tanging mga kandila lang ang nagbibigay ng liwanag.
"Wow," bulong ko habang tinitignan ang mga shelf. "Dito ka ba nagtatago kapag pagod ka na sa pagiging President?"
"Dito ako nagtatago kapag gusto kong maalala na hindi lang ako isang Conrad," sagot niya habang tinatanggal ang kaniyang bowtie.
Umupo ako sa isang lumang sofa. "Lucian... bakit mo ginagawa 'to? Alam mong mas lalo lang tayong mahihirapan kapag bumalik tayo. Mas magagalit sila dahil tinakasan natin ang introduction."
Naupo siya sa tabi ko, pero may distansya pa rin. Ang pag-iibigan na ito ay tila isang parusa. Gusto kong hawakan ang mukha niya, pero ang salitang pinsan ay nakabara pa rin sa pagitan namin.
"Dahil kailangan ko ng oras, Celeste. Oras para makahanap ng paraan na hindi ka mawawala sa akin nang hindi nasisira ang pamilya natin. Hindi ko kailangang mag-rebelde nang harap-harapan para makuha ang gusto ko. I play the long game."
"The long game?" tinaasan ko siya ng kilay. "Gaano katagal? Hanggang sa magka-apo tayo sa tuhod?"
Napangiti siya nang bahagya—isang tunay na ngiti. "Hanggang sa mapatunayan ko na ang Himura side ng family tree ay may butas. May hinahanap si Thorn na mga lumang records sa Russia tungkol sa adoption ni Azy. Kung mapapatunayan nating ang 'Himura' blood ni Mama ay hindi rin biological..."
"Then we're totally free," pagpapatuloy ko.
"Exactly."
Lucian’s POV
Tinitigan ko si Celeste sa ilalim ng liwanag ng kandila. Ang ganda niya sa kaniyang gintong gown, pero mas maganda siya dahil sa tapang na ipinapakita niya.
Dahan-dahan, inabot ko ang kaniyang kamay at hinalikan ang kaniyang mga daliri—isang halik na puno ng respeto at pangako, hindi ng pagnanasa.
"Magtiwala ka sa akin, Celeste. I'm the President, remember? I always have a plan."
"Sana lang kasama sa planong 'yan 'yong hindi ako mamatay sa inip dito sa bundok," biro niya, pero isinandig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko.
Nanatili kaming ganoon—magkatabi, nangangarap ng isang bukas na walang bawal, habang sa malayo, ang mundo ay nagkakagulo na sa paghahanap sa amin.

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Xiamara L. Zafiro

    try koto

    13/02

      0
  • avatar
    MarcialCatherine

    wow ang ganda ng sotry

    12/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata