"Lisa." Hindi nya makapaniwalang saad. "Akala ko ayaw mo na talaga akong makita. Sorry para sa lahat ng ginawa ko sayo. Dapat nung una palang naniwala na ako sayo na hindi ikaw si m......." Hindi ko na sya pinatapos. Agad akong yumakap sa kanya habang lumuluha. Kanina pa pala akong umiiyak hahahha. I miss him i really do. Totoong mahal ko na talaga sya. Kaya nasasaktan ako kasi Hindi ako ang taong mahal niya. "Oka-y la-ng. M-ay ka-sa-lan-an din ak-o san-a p-ala....." Pinutol nya ang aking sasabihin. Dahan dahan nya inangat ang aking mukha. Pinunasan nya ang aking luha. Nakatingin lang ako sa kanyang ginagawa. "Stop crying lisa. May kasalanan din ako dito. Dapat nung una palang naniwala na ako sayo hindi na sana ito mangyayari." Sabi nya. Pagkatapos nun niyakap nya ulit ako Hindi ko alam kapag nandito sya sa tabi ko feeling ko safe ako palagi. I hug him back. Sinabi nya na ang lahat sa akin. Naalala nya na daw lahat ang nangyari. Si bayou nga ang nagpanggap na si jin nung araw na iyon. Tsk bwesit na bayou na yun. Nalaman nya na ring ginamit pala daw sya nila shadow upang matupad ang kanilang plano. Buhay pa daw si jero na kaibigan nya at ang kanyang ina. Umm si jero na kasama ko ngayon kaya talaga ang tunay na jero. Sinabi ko din sa kanya ang nalalaman ko about sa kanyang ina na nasa salamin doon sa kwarto. Gusto nya pa nga bumalik doon para iligtas ang kanyang ina. Kaso pinigilan ko sya hindi nya pa kaya. Sinabi ko narin sa kanyang ang aming plano ni jero at jet. Nagtataka nga sya sino daw si jero. Sinabi ko naman yung maliit na nilalang doon. Natatandaan nya na daw si jet. Nagusapan nga sila kanina eh. Nagsorry lang sya sa ginawa nya nung nakaraan. Pagkatapos nun mageensayo na daw kami sabi ni jet. Gusto pa nga sumama ni jin kaso sabi ko nga sa kanyang hindi pa magaling ang kanyang katawan kaya si jero ang nagbabantay sa kanyang ngayon.. Masaya ako dahil okay na kami ni jin at the same time malungkot dahil walaal syang nararamdaman sa akin. Sakit lang jabaha. Charrot. "Magfocus ka lisa." Sabi ni jet. "Opo" Dalawang araw na ang nakalipas hindi parin ako marunong umasinta sa aking target. Haysss ang hirap pala neto. Nageensayo ako ngayon ng aking pana at palaso kailangan kong matamaan ang maliit na bilog sa puno na nilagyan ni jet. Hindi ko ito matamaan haysyss. Magfocus kasi eh. Pumuwesto sya sa aking likod at Hinawakan nya ako para iporma ng tamang posisyon ng paghawak ng pana at palaso. Nagfocus ako para matamaan ang aking target. Nung pinakawalan ko ang pana tumama ito sa target. Yes nagawa ko hahaha. Napatalon talon ako sa sobrang saya. Hahaha. Napayakap nga din ako sa kanyang eh. "Umm sweet nyo naman hahaha." Natatawang sabi ni jero. Eh nung narealize ko kung ano ang aking ginawa. Agad akong umalis sa pagkakayakap ko kay jet. Nakita ko din si jin sa tabi ni jero. So magaling na sya. Buti naman. Kaso nakita nya. Balak ko na sanang mageexplain sa kanya. Nung narealize kong hindi pala kami. "Magaling ka na pala jin." Sabi ni jet. Oo nga pala magkaibigan pala sila. Tumango lang si jin. Umm lumapit ako sa kanya. "Umm jin, okay ka na ba talaga." Sabi ko. He pat my head. "Okay lang ako lisa." He smiled. Ang sarap pakinggan ang pangalan ko kapag sya ang bumabanggit. Ang gwapo pa nya kapag na ka smile. Eh ano ano pinagiisip ko. "Umm lisa." Sabi ni jet. Eh kanina pa pala ako nakatingin lang kay jin. Hindi ko nga na pansin na nandito na pala si jet sa aming bwesto. Umiwas akong tingin. Blush. "Umm a-no tuloy na nating yung ensayo jet." Hinatak ko si jet. Para umiiwas kay jin. Hayss nakakahiya. Bwesit ka talaga lisa. Narinig ko ang mahihinang tawa ni jero. Bwiset din yung isang yun. Nagsimula na kami magensayo. Hayssss kapagod. Hindi ko na ulit matamaan yung target ko doon sa puno. Hindi ko na pansin si jin na nasa likuran ko. "Umm gusto mo bang turuan kita." Tanong nito. Eh??. Lumingon ako sa kanya. Tinignan ko si jet na nageensayo ang kanyang espada. Nagkatinginan kami. Tumango sya. I smiled. "Sige." Sinimulan nya akong turuan. Umm medyo malapit ko na din matamaan ang aking target. Haysss. Hindi ko pa din matamaan. Umupo muna ako doon sa bato malapit doon. Haysss nakakapagod na ha. "Halika dito." Sabi ni jin. "Pagod na ako eh." Tinignan nya ako ng masama. Nakakatakot naman. "Haysss oo na po." Tinatamad kong sabi. Nagsimula na akong maglakad pa punta sa kanya dala ang aking pana at palaso. "Alam ko na saan ka nagkakamali." Sabi nya. "Talaga." Tumango sya. Pumuwesto sya sa aking likod at lumapit sa akin. Dahil doon lumakas ng tibok ng aking puso. Eh ang lapit nya eh. Dahan dahan nyang hinawakan ang aking kamay at pinaposisyon ito sa tamang porma. Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking tenga. Bumulong sya. "Pakawalan mo na." Nagsitaasan ang aking balahibo dahil doon. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Lumipas pa ang ilang oras bago ko ito pinakawalan. Heart kalma.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
you are so beautiful 😍
05/11
0nice
28/04/2025
0nice🥰
30/03/2025
0Tingnan Lahat