logo text

CHAPTER 3: PETTY THEFT

"Lola naman!" hihinga-hinga sapo ni Sim ang dibdib. Itinaas naman ni Seola ang belong nakatakip sa mukha.
"O, akala ko ba hindi ka takot sa multo?"
Itinuwid niya ang sarili. "Hindi nga ho, pero kung basta naman kayo tatayo sa harap ng pinto ko. Magugulat ako-" natigilan siya nang alisin nito ang nasa tenga niya.
Inilagay iyon ni Seola sa palad at pinagkatitigan. "Sinabi ko na sa iyo, hayaan mong minsan damhin at pakinggan ang ritwal," kinuha niya iyon, inilagay sa bulsa at naglakad patungo sa kusina.
"Propotektahan tayo ng ritwal na sa kahit anong hindi natin nakikita-"
"Kaya ko ang sarili ko, Lola," sagot niya habang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Ang ritwal na iyon ay ang pagtawag sa itaas at kalikasan na protektahan tayo sa masamang espiritu sa paligid."
Nagtungo si Seola sa lamesa nang umupo ang apo. "Nabalitaan ko ang tungkol doon sa lalakeng sinakal ang asawa niya, pero isang mapanganib na kaluluwa ang gumawa -"
"Lola, lulong sa fentanyl ang sinasabi niyo. Hallucination ang nangyayari sa kanya," katwiran ni Sim.
"Tiningan mo ba siya sa mga mata?"
Sinulyapan niya ang kanyang Lola. "Noong hinuli siya at ilabas ng bahay. Kakaiba ang kulay ng kanyang mata-"
"Dahil ho sa taas ng dosage ng gamot na itinurok niya. Isa pa, nakakulong na siya, wala ng kwenta kung pag-uusapan pa natin siya."
"Kaya kumain na tayo," ipinagpatuloy ni Sim ang pagkain habang si Seola naman ay nakatitig lamang sa lamesa.
Sumulpot si Nari sa isang mataong kalsada. Matiim niyang itinitig ang mga mata sa di-kalayuan. Mabilis ang pagsiyasat ng paningin niya sa bawat dinadaan.
Ilang metro ang layo ng nararating niyon kahit nanatili siya sa pwesto. Nang umilaw ng kaunti ng kulay pula ang nakasabit na panulat at rosas sa tapat ng dibdib ay napangiti siya. "Huli ka."
Isang iglap lang ay nasa harapan siya ng kaluluwang hinahanap niya. "Kumusta, number one?"
Takot siyang tiningan ng kaluluwang babae. Maitim ang ilalim ng mga mata nito,  maputla at lubog ang pisngi.
"Oras na para sunduin ka-"
"Sandali, hindi ho ba binigyan niyo ako ng pagkakataon na makabalik?"
Natawa siya. "Sampung taon na ang ibinigay ko sa iyo. Kaya tara na-"
"Kaga-graduate lang ho ng anak ko."
Tumungo ang kaluluwa. "Kasalukuyan siyang nagtayo ng restaurant ngayon. Gusto kong matikman sa kauna-unahang beses ang luto niya."
"Sampung taon ang ibinigay ko sa iyo. Hindi mo pa rin natitikman ang luto niya?" nasapo ni Nari ang noo dahil sa dismaya. 
Hindi niya iniintindi ang mga taong nagtataka siyang pinagmamasdan. Dahil hindi naman nakikita ng mga ito ang kinakausap niya.
Pilit ang ngiti niya nang tingnan ang kaharap. "Ano bang ginawa mo sa sampung taon na ibinigay ko sa iyo?"
"Binantayan ko siya sa pag-aaral, sa middle school, college at hanggang maka-graduate siya."
Kumurap ang mga mata ni Nari. "Pagbigyan mo na ho ako, dalawang araw."
"Ngayong gabi lang," pagbibigay niya.
"Bukas ng umaga," huling tawad ng kaluluwa. Nagtitimpi siyang tumingala sa langit bago muling ibinaba ang mukha.
"Bukas ng umaga bago lumubog ang araw," desisyon niya. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi nito. 
"Maraming salamat," napaluhod ito sa tapat niya habang tuwang-tuwa.
"Kilos na, huwag mong sayangin ang oras. Magkita tayo rito pagsikat ng araw. Maliwanag?"
"Dumating ka," itinaas niya ang hintuturo para bantaan ito.
"Oo naman, salamat."
Itinuro niya ang daan. "Sige na," tumindig ito, tumalikod bago nawala.
Napatingin si Nari sa mga taong pinagbubulungan siya. Ibinaba niya ang palad at inayos ang buhok. "Haisst, ang mga taong ito, mapanghusga. Hindi ba nila alam na idagdag ang ginagawa nila sa listahan ng kanilang mga kasalanan?"
Sinalimpad niya ang buhok at naglakad.
Hindi pa man nakakalayo ay umatras siya nang mapatapat sa isang babasaging tindahan. Nahawakan niya ang tiyan.
"Puwede ko kayang kainin ang nandito?"
Napapikit siya nang hawakan ang tiyan.
Ilang buwan na rin siya kasing hindi nabubusog sa mga kasalanan at pasan ng mga sinusundo niya dahil sa pagbabalik niya sa mga ito.
Hindi rin niya muling natitikman ang mga prutas sa mundo nila dahil mas madalas na nasa lupa siya.
Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi nang maalala ang karne sa kanilang mundo.
Tiningala niya ang langit. "Hindi pa ako nagutom ng ganito noon bilang reaper. Ano bang pwede kong kainin?"
Isang kisap lang ay nasa loob na siya ng tindahan. Tinitingan ang mga pagkain na hindi niya maintindihan.
"Ano ba ang mga ito?"
Hinawakan niya ang isang mahaba at pabilog na kulay kayumanggi. Mayroon iyon maliit na kawayan sa dulo.
Aksidenteng napatingin siya sa pumasok na lalake. Ramdam niya ang mabigat na presensiya niyon. Dire-diretso iyon sa kabilang pwesto na sinundan niya ng tingin. Kinuha niya ang hawak at kunyaring pinagmamasdan nang tumingin ang lalake sa paligid.
Nang tumalikod iyon ay doon niya nakita ang itim na espiritu sa likod nito. 
"Hoy," sa paglingon ng lalake ay nasa likuran na siya. Kitang-kita niya ang takot nito, ngumiti siya rito.
Tinulak siya ng lalake na ginagamit ng masamang espiritu at lumabas. Napatingin siya sa paligid, imbes na gumamit ng kapangyarihan ay tumakbo rin at binuksan ang pinto.
Doon niya lang nakita ang hawak nang makalabas siya. "Magnanakaw!"
"Hoy, magnanakaw!"
Inalis ni Sim ang earphone nang makita ang kaibigan at cashier ng convenience store na si Maki.
"Tulong!"
"Magnanakaw!"
Sinundan niya ng tingin ang isang babaeng nakatalikod, mahaba ang itim na buhok, ganoon na rin ang bestida. Hawak nito sa kamay ang siguradong ninakaw na sausage.
Akmang tatakbo si Maki nang pigilan niya.
"Sim, tulungan mo ko."
"Anong nangyari?" ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng suot na hoodie.
"May isang babae at lalake na nagnakaw ng paninda," muling tumanaw si Sim sa malayo.
"Mukhang magkasabwat sila," aniya. Tiningan niya ang kaibigan. "Tatawag ako ng pulis."
"Sige, salamat."
Doon lang kumalma si Maki. Siya ay kinuha ang cellphone, itinapat sa tenga at tumanaw.
"Hello, officer?"
"May isang lalake at babae sa convenience store na nagnakaw ng sausage. Yes, petty theft pero kailangan pa rin disiplinahin."
"Iyong babae patakbo sa south, mahaba ang buhok, nakasuot ng mahabang kulay na itim na damit, at may hawak na sausage."
Ibinaba na niya ang cellphone at nilinga ang kaibigan. "Parating na ang mga pulis."
"Salamat, Sim," ngumiti lang siya rito.

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata