Padabog kong binawi ang mga braso ko sa kanila. Dun pa lang sila natauhan at sabay akong nilingon. Nag aapoy ang mga matang tumitig sa kanila. "Ano bang problema ninyo?" Sigaw ko. Tinangka ulit hawakan ni Ylac ang braso ko ngunit lumayo na ako kaagad. Kinagat niya ang kanyang labi. Sinamaan ko siya ng titig. Nanghihina ako sa mga malulungkot niyang mata pero ayokong magpahalata. "Mag usap tayo, K. Please," Pagsusumamo niya. Ano na? Gusto ko siyang pagbigyan. Gusto kong makapag-usap na kami at ayusin na ito. Pero bakit parang may pumipigil sakin? Hindi ko maintindihan. Pwede bang um-oo na lang ako? "Ayaw niya, bro! Hayaan mo na siya-" "Ano bang alam mo?" Napatalon ako sa pagsigaw ni Ylac. Nagkatitigan na naman sila. "Hindi ba't magkaibigan tayo kaya dapat tinutulungan mo akong magkaayos kami ni Kate?!" Ngumisi si Blaze. Marahil ay napikon si Blaze at kinwelyuhan niya ito pero nag ugat na yata ang mga paa ko. Nakabukas ang bibig ko pero walang lumalabas ni isang salita. "Hindi nila ako katulad." Kumunot ang noo ko. Ganun din ang naging reaksyon ni Ylac. Binitawan niya si Blaze pero makikita pa rin ang panlilisik sa mga mata nila. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ylac. "Alam nina Xyra na may gusto ako kay Kate. Pero nang nanghingi ka ng tulong sa kanila, tangina, kinalimutan nilang matagal kong hinintay ang babaeng sinaktan mo!" Tinuro turo pa ni Blaze ang mall kung saan naroon pa ang mga kaibigan namin. "Anong sinabi mo?!" Muling kinwelyuhan ni Ylac si Blaze. Doon na ako natauhan at nilapitan sila. "Tama na." Pumiyok ako. Kaya ba ganun ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakatinginan kami ni Blaze? May gusto siya sakin? Matagal niya akong hinintay? My god! Gusto ko ng sumabog. Nakakasawang magtanong ng magtanong kung wala namang mahanap na sagot. Binitawan ni Ylac si Blaze. Tumalikod ako. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip isip. Gusto kong bigyan ng kasagutan ang mga tanong sa utak ko. "Kate!" Sabay nilang tawag. Naririnig ko na rin ang mga yabag nilang papalapit sakin. Tinaas ko ang isa kong kamay. Intindihin niyo muna ako, please. I need a break. I am suffocated with so much questions. This pain break the walls I built. In just a snap, in just a blink of an eye, the walls were ruined, it caused downfall. Nagpara ako ng taxi. Nag isip pa ako ng isasagot nang tanungin ako nung driver kung saan ako pupunta. Saan nga ba? 'Di ko yata kayang mapag isa. Gusto kong may mapagsabihan. Gusto kong may mapagtanungan. Nilingon ko ang driver na nakatitig lang sakin at naghihintay ng isasagot ko. "Sa Ventura po." Tumango 'yong driver at nag maneho ng tahimik. Siya ang unang sumagi sa isip ko. Alam ko, siya lang ang makakatulong sakin. Siya lang ang makakausap ko. Hindi man niya ako kayang sagutin, alam ko pakikinggan niya ako. Madalas akong bumisita sa kanya noon, kinukwento ko ang mga nangyayaring 'improvement' kuno sa relationship namin ni Ylac. Ngunit hindi na simula nang magtrabaho ko. Naging fully loaded ang schedule ko. Huminto ang taxi sa tapat ng kulay asul na gate. Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaba ng sasakyan. Nakita ko si manong guard na nginitian na agad ako. "Uy, ma'am! Ngayon ka na lang ulit nakadalaw rito, a?" Napakalaki ng ngisi niya nang makalapit ako. Kilala niya na ako dahil nga sa parati akong nagpupunta rito noon. "Na busy po, e." Nakangiti kong sagot. "Ganun ba? O sige, ma'am, pasok ka na!" Ngumiti ulit ako bago tuluyang pumasok. Maliwanag ang mga ilaw sa bawat poste ng daan. May iilan rin akong nakikita na nagsisindi ng kandila o kaya'y naglalatag ng bulaklak. Pinuntahan ko ang pwesto niya. Nang makita ko ito ay nanikip ang dibdib ko. Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Umupo ako sa damuhan at humarap sa kanya. "Hi, Tash! Sorry kung wala akong dalang flowers, a?" Ngumiti ulit ako at nagpunas ng pisngi. "Sorry din kung ngayon na lang ulit kita nadalaw." Tumingala ako. Kitang kita ang mga stars, walang kaulap ulap. Nasaan ka kaya diyan, Natasha? Siguro ikaw 'yung pinaka maliwanag ang pagkislap dahil maganda ka at napakabait mo. Nakakamiss na ang mga bondings natin, ang pambubully namin ni Jackie sa'yo (hindi na namin nabubully si Helga dahil nagbago na 'yon), ang pagkislap ng mga mata at pagngiti mo, at higit sa lahat ay ikaw. Namimiss na kita. Ikaw kasi! Ang drama mo! Nag walk out ka, nilayuan mo si Kuya Allen. Anong napala mo? Nawala ka nang tuluyan samin. "Hindi ko pa naikukwento sa'yo 'yung mga dati naming kaibigan ni Jack, ano? Ayun... nagkita kita ulit kami. Palagi na kaming magkakasama ngayon, nasama na sila sa barkada natin. Nakakainis nga, e. Wala ka na!" Tumulo ulit ang mga luha ko. Halo halo na ang dahilan ng pagluha ko. "Si Blaze? Nauna kong bestfriend bago si Ylac at kayo. Kanina ko lang nalaman na may nararamdaman pala siya para sakin. Haba na ba ng hair ko? May umaming may nagkakagusto sakin?" Tumawa ako. Pinunasan ko ulit ang mukha ko pero patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. "First time, no? Hindi mo naman kasi ako katulad, Tash, e. Anghel na anghel ka kaya maraming nagkakagusto sa'yo. Kita mo? Pati nag iisang mahal mo, mahal ka rin!" Tumingala ulit ako para pigilan ang pagluha pero kahit anong gawin ko ay tuloy tuloy pa rin ito sa pagbuhos. Kinagat ko ang labi ko. "Ikaw, Natasha? Wala ka bang ikukwento? Anong hitsura ng langit? Ayos ka ba diyan?" Ngumisi ako. Baliw na siguro ako sa paningin ng iba pero dito gumagaan ang loob ko. Alam ko namang nasa paligid lang si Natasha at nakikinig sakin. "Kate?" Napalingon ako sa tumawag. Nakita ko si Kuya Allen na naka white shirt at blue pants. "K-Kuya? What are you doing here?" Tanong ko. "What are you doing here?" Pag uulit niya. "Nandito ako palagi kapag gabi. Bakit ka napadpad dito?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Tuwing gabi narito si Kuya Allen? Sigurado? Ngayon pa lang ako nagpunta rito ng gabi. Tuwing umaga o kaya hapon nung nagpupunta ako rito pero never pa 'kong umabot ng gabi.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
29/05/2025
0So close yet so far
11/05/2025
0very nice
28/02/2025
0Tingnan Lahat