Olivia's PoV Matapos kong makipagusap kay Jasmine ay naiiling akong lumapit sakanila. "Ano nandoon daw ba si Oceane?" Tanong ni Kuya Oliver. "Hindi pa daw nakakarating, tinatawagan at tinetext din daw nila pero hindi pa din nagrereply," sagot ko na may halo ng pagaalala. Kinakabahan ako na baka may masamang mangyare sakanya lalo pa na hindi siya nagdala ng bodyguard niya at hindi din siya naturuan nila Dad nang kahit na anong self defense. "Mas tatanggapin ko pa na hindi niya talaga gusto ang pumunta dito sa engagement party kaya wala siya ngayon dito," naiiyak ng saad ni Mom. "H'wag kang magisip ng ganyan hon, malay natin ay natraffic lang siya, hayaan mo at ipapahanap ko siya," pagaalo ni Dad, pagkatapos ay inutusan ito si Kuya Oliver na ipahanap si Oceane sa mga tauhan namin. Ilang minuto din ang tinagal ni Kuya bago siya nakabalik, pati na din ang mga tauhan nila Lesus ay inutusan na nila para hanapin ang kapatid ko. "Ayos ka lang ba?" mahinhing tanong ko kay Lesus na siyang nakaupo sa sulok. "Mmm" maikling sagot niya habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasan na mailang. Siya lang sa aming lahat ang mukhang walang pakielam na hindi pa dumadating si Oceane na siyang ipinagtataka ko dahil nitong nakita ko sila noon ay parang komportable na sila isa't isa. Lalo na si Oceane, masyadong mahiyain at mailap sa tao ang kapatid ko na 'yon, hindi siya yung tipo ng tao na ia-approach ka dahil sa hitsura o antas ng buhay mo, mas gusto niyang siya ang unang nilalapitan. Nagaalala nga din ako sa kanya dahil sa ugali niyang iyon, baka ang pagiging mahiyain niya at mailap niya ang maging dahilan upang hindi siya magkaroon ng kasintahan sa hinaharap. "Here," napatingin ako sa candy na hawak ni Lesus na siyang ibinibigay niya sa akin. "Huh? Aanhin ko yan?" nakakunot na noong tanong ko habang nakatingin pa din sa candy at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. "You need this to calm yourself, I know your sister is safe so stop worrying to much," saad niya na hindi pa din kakikitaan ng kahit na anong expression at kahit na ganoon ay hindi ko pa din maiwasang mapangiti. "Thankyou," ngiting pagpapasalamat ko na siyang sinuklian niya ng maikling ngitipagkatapos ay ginulo niya ng kaunti ang buhok ko. Ngayon lang kami nagkausap, pero sa tingin ko ang paghanga na natatanggap niya mula sa iba ay nararapat talaga para sakanya. Akala ko noong una ay para lang siyang bato na nag-anyong tao, dahil wala siya masyadong pinapakitang expression. Bago pa ipakilala nila Dad ang pamilya nila ay kilala ko na silang magkakapatid dahil sa iisang paaralan lang naman kami nagaaral at higit sa lahat ay kaklase ko si Lesus ngunit ito nga ang unang beses na nagkausap kami. Wala akong lakas na loob na kausapin siya lalo pa at nandoon si Kelly,masyadong itong patay na patay sa kanya na lahat ng babae na nalalapit kay Lesus ay hindi niya pinalalampas. Noon ay hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganon, mukha naman kasing walang pakielam sa mundo si Lesus at kung tumingin pa ay parang nakatingin siya sa pinakawalang kwentang bagay na nakita niya, kaya hindi ko maisip noon kung bakit sila baliw na baliw dito na kahit hindi naman sila binibigyan kahit isang tingin manlang nito ay ayos lamang sakanila. Ngunit ngayon ay naiintindihan ko na, hindi man ganoong kaexpressive si Lesus ay masasabi kong may care siya sa mga nasa paligid niya ay hindi ko maiwasang matuwa dahil kapag natuloy ang engagement party ay may chansa na mas lalo ko pa siyang makilala, pero ang tuwa na iyon ay may halong takot dahil baka may kung anong gawin si Kelly kapag nalaman niya ito. Nabalik ako sa reyalidad ng biglang magring ang hawak kong phone, muntik ko na iyong maibalibag dahil sa gulat pero agad kong ikinalma ang sarili at sinagot ang tawag na nagmumula sa unknown number. "Hello?" sagot ko pero wala akong ibang marinig sa kabilang linya bukod sa kaluskos ay wala na. "Who's this?" tanong ko ng maya-maya ay wala pa ding sumasagot sa kabilang linya. Nakarinig ako ng mahihinang pagmura at pagdaing na para bang may iniinda itong masakit at parang pamilyar ang boses na aking naririnig kaya pinakinggan ko itong mabuti, kahit na sobrang hina ay sinubukan kong alamin kung sino ang mayari ng boses na 'yon. "Oceane!" natutuwang saad ko ng makilala ko ang boses sa kabilang linya. Maging sila Mom ay napalingon sa gawi ko. "Si Oceane ba 'yan? I-loudspeaker mo gusto ko siyang makausap," dalidaling utos ni Mom na siyang ginawa ko naman. "Sweetie is that you? Where are you? Are you okay?" magkasunod na tanong ni Mom. "H-heller Mom~ Yeah! It's me ang pinakamaganda mong anak, I think I am okay naman," sagot niya at kasunod n'on ay ang malakas na pagtawa ni Kuya Oliver. "Where are you exactly, sweetie? You don't have to hide if you are against with this engagement," saad ni Dad. "P-pft are you for real Dad? HAHAHA I am not against with the engagement party, saan mo naman po nakuha yung idea na tutol ako? Choosy pa ba ako, eh ang ganda ng lahi nila, at kung hindi mapupunta sa lahi natin ang lahi nila lalo na si Lesus dahil wala namang bagay sakanya bukod sa akin, jokie," natatawang sagot nito na umani ng tawanan sa lahat pati nadin si Lesus ay nakita kong tumatawa. "Nasaan ka ba lil sis ng masundo kita?" ulit na tanong ni Kuya Oliver. Ouch! Nagkatinginan kami ng imbes na ang sagot niya ang marinig namin ay siyang pagdaing ni Oceane sa kabilang linya ang narinig namin. "Oceane, where are you? Are you sure na okay ka lang? Kanina man ay narinig ko ang pagdaing mo, may masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ko at hindi maitatanggi non ang pagaalala ko. "Calm down," mahinang pagtapik sa akin ni Lesus na mukhang umepekto naman sa akin. "A-aray ha! E-erkey lang ako, wala namang masakit sakin bukod sa heart ko dahil pinarinig niyo pa talaga sakin yung paglalandian niyo, eh" sagot nito na sa sobrang hina ng sa dulo ay wala ni isa saamin ang nakaintindi. Magsasalita na sana si Kuya Oliver ng makarinig kami ng pagsabog sa kabilang linya na ikinalaki ng aming mga mata. "Oceane?" Paulit-ulit na pagtawag ko sa kabilang linya pero walang sumasagot kundi pagugong lamang. "What happened?! Oceane, sweetie!" Naiiyak na tawag ni Mom. "Track down her number, we need to get there and check if she is alright," utos ni Dad kay Kuya Oliver na agad naman nitong sinunod.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good po
11/10
0this is very good
30/01/2025
0so very nice story
29/11/2024
0Tingnan Lahat