Homepage/The Bully I Hate, The Bully I Love/
✨️
- Billie's POV -
* kinabukasan *
Naupo ako sa tabi katabing upuan ni Jelly sa maliit na terrace ng bahay namin. Ipinatong ko din sa lamesang kahoy ang dala kong isang tasang kape at pandesal na may palaman na cheese.
Si Jelly naman ay mainit na gatas ang iniinom dahil hindi siya nagkakape.
"Ano'ng palaman ng pandesal mo?" tanong ko para makapagsimula ng conversation
"Liverspread." simpleng sagot niya lang na hindi ako tinitingnan man lang
"Galit ka pa rin?" nagugulat ko ng tanong sa kanya
Sina Tatay nga ay pinagbigyan na kami ni Westly pero siya ay naghihimutok pa rin.
Kumagat ng malaki si Jelly sa pandesal niya, ayaw sagutin ang tanong ko.
"Lalabas kami ni West mamaya, sama ka?"
3 days lang si Westly mag-stay dito sa province kaya naman susulitin namin 'yun.
"No, ayokong maging third wheel." tanggi niya na nakasimangot
"E'di isama mo ang boyfriend mo."
"Wala akong boyfriend, duh!"
"Mabuti naman."
Lalo akong sinimangutan ni Jelly. May boyfriend ako pero ayoko pa siyang magboyfriend.
"Sumama ka na. Para mas makilala mo si Westly." sambit ko pa rin then nanahimik na ako
Gusto kong magbonding sila para malaman niya na hindi naman masamang tao 'yung pinakilala ko sa kanila.
.
.
.
"Billie, anak!"
Napalingon ako sa may kusina nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Nanay.
"Po?"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kusina para alamin ang concern ni Nanay.
"Bakit po, Nay?" tanong ko
May binabalot siyang ulam sa tupperware. Nagluto kasi siya ng kare-kare.
"Anak, dalhin mo naman ito kita Tiya Karen mo. Miss na daw ang Luton ko." ani Nanay sabay abot sa'kin ng mga binalot niyang ulam
"Ngayon na po ba, 'Nay?"
Magp-prepare na kasi talaga dapat ako para sa pagkikita namin ni Westly.
"Oo, saglit lang naman 'yan, anak. Ako'y napapagod na kaya ikaw na muna ang magdala, ha?"
Wala akong nagawa kun'di sundin muna ang utos ni Nanay. Kinuha ko lang muna din ang cellphone ko tsaka ako lumakad na.
Hindi naman kalayuan ang bahay nina Tiya Karen. Mga 10 minutes walk away lang din. Si Tiya Karen ay mother ni Patrick. Magkaibigan kasi ang mga magulang namin kaya naman magkaibigan din kami ni Patrick.
Nakarating ako sa bahay nina Tiya Karen at dire-diretso lang akong pumasok dahil at home na ako dito. Sakto namang naghahanda na sina Tiya ng pananghalian nila.
"Tiya." tawag ko
Lahat sila ay napalingon sa'kin. May dalawang kapatid na babae si Patrick na pareho ng nasa college.
"O, Billie, napadaan ka? Kumain ka na muna." aya sa'kin ni Tiya Karen
"Tiya, pinapabigay po ito ni Nanay. Nagluto po siya ng kare-kare." sambit ko
"Ay tamang-tama at kakain na kami." wika naman ni Tiyo Polly
"Halika, Billie at saluhan mo na rin muna kami."
"Kumain na po ako, Tiya. Hehe." nahihiya kong tanggi
"Kuuh, e'di kumain ka ulit kahit kaunti. Miss ka na rin namin kasama kumain."
Hinila na ako ni Tiya Karen papunta sa hapag-kInainan nila kaya wala na akong nagawa kun'di makisalo sa kanila kahit kaunti. Isinama na rin nila sa tanghalian nila ang luto ni Nanay.
"Kailan naman ang balik mo sa University?" tanong ni Tiyo Polly
"May mahigit isang buwan pa po ako dito, Tiyo." sagot ko
"Tamang-tama! Uuwi si Patrick ko bago matapos ang buwan. Magbonding kayo." pagbabalita ni Tiya Karen
Natuwa naman ako sa narinig ko. Ang huling bonding pa namin ay nu'ng after nila magsuntukan ni Westly.
"Sige po, Tiya. Balitaan mo po ulit ako." tugon ko
"Oo naman, hindi ka naman nakakalimutan ng kaibigan mong 'yun. Takang-taka nga ako kung bakit hindi ka pa nililigawan. Sabi ko man din ay ikaw na lang ang asawahin."
Muntik na akong masamid sa sinabi ni Tiya Karen. Uminom agad ako ng tubig para makabawi.
"Ikaw naman, Karen, binibigla mo naman si Billie. Huwag mong pangunahan ang mga bata." saway ni Tiyo Polly sa kanyang asawa
"Ang sa akin lang ay botong-boto ako kay Billie. Bukod sa kilala na natin, mabait pang bata at maganda."
Kiming ngiti lang ang naitugon ko sa mga sinabi ni Tiya Karen. Hindi ko naman akalain na maririnig ko sa kanya ang mga 'yun. Hindi naman nila kami pinu-push ni Patrick sa isa't isa noon.
"Huwag mo ng pansinin ang Tiya mo, Billie. Kulang lang 'yan sa kain pa." biro ni Tiyo Polly na ikinatawa namin lahat
Noon naman nagvibrate ang cellphone na dala ko. Nang i-check ko 'yun ay tumatawag si Westly. Napangiwi ako dahil magkikita nga pala kami pero heto ako at nakikikain pa muna.
Hindi ko na muna sinagot ang tawag niya. Naghahanap na ako ng timing para makapagpaalam sa pamilya ni Patrick.
"Wala ka pa namang boyfriend di ba, hija? Papaligawan kita kay Patrick ko." patuloy pa rin ni Tiya Karen
"Hehe, naku, Tiya, kailangan ko na pong umuwi. Naalala ko po na may lakad pa po ako." sambit ko imbis na tugunin ang sinabi niya
"Tamo at natakot pa sa'yo si Billie." komento ni Tiyo Polly
"Kuuuh, 'yun ay sa akin lang naman, Billie." ani Tiya Karen
Ngiti lang ulit ang naitugon ko sa kanila.
"Sige na, Billie. Baka ikaw ay mahuli sa lakad mo. Huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ng Tiya Karen mo." ani Tiyo Polly
Tumayo na nga ako mula sa pagkakaupo ko at nagpaalam.
"Mag-iingat ka." bilin pa nila sa'kin
"Opo. Maraming salamat po."
Nang palabas na ako ng bahay ay sinagot ko na ang walang awat na pagtawag ni Westly na para bang emergency ang itinatawag.
"Hello, West, pauwi pa lang ako sa bahay." sambit ko sa kanya
("Bakit ka nasa place na 'yun?") bigla ay tanong niya
Naguluhan pa nga ako sa tanong niya.
"Ha? Saang place?" tanong ko pa
("You went outside, right?")
"Oo. Pero ano'ng place ang tinutukoy mo?"
("'Yung place na pinuntahan mo.")
"Kina Patrick?"
("Yes.")
Eh? Paano niya nalaman?
Luminga pa ako sa paligid ko kung na'ndito lang ba siya. Hindi ko naman siya matanaw.
"Nagdala lang ako ng lutong ulam ni Nanay sa kanila. Pabalik na rin ako sa bahay." sambit ko
("You did not meet that jerk there?") inis niya pang tanong, si Patrick ang tinutukoy niya
"Wala du'n si Patrick. Teka paano mo ba nalaman?"
Nakarating na ako sa bahay at natanaw ko si Jelly na nagcecellphone sa salas.
"Jelly, gumayak ka na." utos ko sa kanya
Tiningnan niya ako na parang kontra siya pero hindi naman siya nagsalita.
"Sige na, West, gagayak na ako. See you later!" sambit ko
Hindi naman siya umimik kaya ni-end ko na lang ang tawag. Selos na naman ang loko, e wala naman du'n si Patrick.
Nagpunta na ako sa kwarto at kinuha 'yung naihanda ko ng susuotin ko tsaka ako pumunta sa banyo para maligo.
Plano kong mag-ayos ng mabuti. Ayoko namang mapangitan sa'kin si Westly.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (174)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda ng history
05/02
0kakakilig naman galing mong gumawa pati Ako nanginginig sa kilig ^_^
21/05/2025
0I love the story so much
25/01/2025
0Tingnan Lahat