Chapter 42

~~~ TIFFANY'S POV ~~~
Nakatulog na ako ng biglang may napaginipan akong masama about kay Yves kaya napabangon ako at bigla kung naigalaw ang paa ko dahilan para sumakit ito ng sobra.
Nagtiis ako sa sakit at napahawak ako dun sa binti ko, napakasamang panaginip namang namatay si Yves sa panaginip ko.
Hindi magandang paniginip yun sa buong buhay ko yun ang pinakamasamang panaginip na naranasan ko.
( Knock, Knock )
Napabaling ang pansin ko sa may pintuan atsaka naman nagbukas nakita ko si Manager Cars ang nandito kaya pinapatuloy ko naman siya dito sa loob.
" Bakit nandito ka? e' gabing-gabi na -  sabi ko naman sa kaniya. Bigla nalang siyang naluha at niyakap ako bigla.
Siguro iniisip na naman niyang may kasalanan siya sa nangyari samin ni Ely ngayon.
" Sorry Tiffany dahil hindi kita pinigilan, hindi ko naman kasi alam na ganon ang mangyayari... S--sorry talaga-  paghihingi niya pa sakin ng tawad kaya hinagod ko yung likuran niya para patahanin siya.
"Wala ka namang kasalanan sa nangyari ginawa ko rin yun para sa movie-  sabi ko naman sa kaniya. Humiwalay na siya sa pagyakap sakin at magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sakin si Kaius na sobrang hingal na hingal at nakikita ko ring may dugo ang damit niya.
Doon ako nagsimulang kabahan dahil nakatitig lang siya sakin na para bang may nangyaring masama sa pagkakatingin pa lang niya kakaiba na ang dating sakin.
Pumasok naman siya at biglang napaluhod sa harapan ko na ikinagugulat kung gawin niya at pati na rin si Managet Cars nagulat sa ginawa niya.
"Ba--bakit Kaius?... Tumayo ka nga dyan-  sabi ko pa sa kaniya pero hindi pa rin siya tumatayo at nagsimula na siyang humahagolgol ng iyak ngayon habang nakaluhod pa rin siya.
" Si... -  hindi niya matapos na sambit kaya mas lalo akong kinabahan sa ginagawa niya.
"Si--sino?-  kinakabahang tanong ko naman sa kaniya.
"Si... * Sob * si ... ( TT • TT )  si.. Y---YVES m--may nangyari kay Y--Yves ( TT • TT )  -   saad niya.
"Anong nangyari sa kaniya?-  pilit na kalmadong tanong ko naman sa kaniya.
Tumayo naman siya at at pinunasan yung mga luha niya atsaka pinakiusapan akong sumama sa kaniya.
Inalalayan nila akong dalawa para makaalis sa kama at pasakayin ako sa wheelchair. Si Kaius ang tumutulak sakin palabas dito at doon pa lang ay sobrang sama na ng kutob kong may ibang nangyari kay Yves.
Sana wala.. Sana wala..
Nasa malayo pa lang kami ay nakita kung nasa labas ng ICU si Sevi at mukhang hindi rin siya mapakali at palakad-lakad siya doon.
Ba--bakit nasa ICU siya?
Anong nangyari?
" Tiffany?-  sambit niya nung mapansin niyang papalapit na kami sa kaniya at doon pa siya tumigil at kagaya ni Kaius ay namumuo na rin yung mga luha niya sa kaniyang mga mata.
"A--ANONG NANGYARI SEVI?-  nagugulohang tanong ko kay Sevi.
"Kumalma ka muna okay?-  sabi niya pa sakin habang pinapantayan niya yung height ko atsaka hinawakan niya rin ang magkabilang balikat ko. "Si Y--Yves nasa loob inooperahan siya ng mga doctor ka--kasi natamaan siya ng baril---
"H--Ha? Paanong nangyari? Diba nagpunta lang siya kila Enrico? Pa--panong?-  nagugulohang tanong ko habang nagsisimula ng maluha ang mga mata ko.
Pinatingin ako ni Sevi sa mga mata niya mas lalo akong nadala at naiyak dahil sa inaasta niya ngayon sa harapan ko.
"Gagaling siya, o--okay gagaling siya at.. ba--- babalik siya para sayo-  Sabi niya sakin at niyakap kaagad ako.
Doon ako umiyak sa balikat niya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko maunawaan kung bakit nangyari to sa kaniya.
Tinignan ko si Kaius para magpaliwanag siya sakin sa nangyayari ngayon dahil hinding-hindi ko talaga maunawaan kung bakit humantong sa ganito.
" I'm so sorry-  saad niya at nagbow sakin bago siya tumangan ulit ay huminga muna siya ng malalim. " Wala ngayon dito si Yves para magpaliwanag sa ano ba talagang nangyayari kaya ako nalang ang magsasabi sa inyo ng katotohanan sa buong pagkatao naming dalawa..  A--Ako at si Yves ay bahagi ng isang grupong tinatawag na Mafia Team si Yves ang mafia boss at ako naman assistant niya..
"Wha---what?-  hindi makapaniwalang tanong ko pa kay Kaius pero tinangohan niya lang ako hudyat para sabihin saking hindi siya nagsisinungaling.
" Ang grupo namin ay pumapatay ng tao lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagkamatay sa daddy ni Yves nabuhay siya sa ganitong pamamaraan at puro paghihigante nalang ang nasa isipan niya hanggang sa nitong mga nakaraang araw lang ay nalaman niya kung sinong pumatay sa daddy niya pati na rin sa daddy ninyo  at yun ay si. Enrico  siya ang puno't- dulo ng kasamaang nangyayari sa ating lahat.-  sagot naman ni Kaius.
Si Enrico ang may kasalanan?
At a--ano isang Mafia Boss si Yves? Paano ko nagawang magmahal ng ganong tao? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa Yves na nakikilala ko.
Ang Yves na nakikilala ko ay masungit at laging busy sa trabaho niya at hindi isang kriminal na sinabi ni Kaius ngayon.
" Bawiin mo ang sinasabi mo Kaius, hindi mamatay tao si Yves hindi niya magagawang pumatay ng tao---
"I'm sorry pero yun ang katotohanan, ngayon kung hindi mo siya kayang tanggapin bilang tunay na siya mas mabuti pa ngang magpanggap ka nalang na hindi mo siya kakilala at kalimutan nalang ang lahat-  sabi naman ni Kaius at sa pagkakataong yun ang seryoso niya habang nakatingin sa loob ng ICU.
Hindi ko magawang makapagsalita at pumayag akong umalis dun sa ICU dahil gulong-gulo ang isipan ko hindi ko alam kung saan ako maniniwala ngayon.
" Kahit na nalaman natin ang katotohanan siya pa rin ang Yves na mahal na mahal mo at hindi magbabago yun-  sabi naman sakin ni Sevi kaya tumulo nalang ang luha ko habang tulak na tulak niya ang wheel chair na sinasakyan ko.
" Nagawa lang naman niya yun dahil sa gusto niyang makipaghigante, even si Mr. Miranda ang daddy ninyo pinaghigante niya rin-  sabat naman ni Manager Cars.
Pinahinto ko si Sevi at inutusan ko siyang bumalik kami doon sa ICU dahil ngayon ko lang naunawaan ang lahat ng pagsasakripisyo ni Yves para rito.
Wag mo sana akong iiwan mag-isa Yves , dahil papayag na akong magpakasal tayo para tuparin natin ang pangako natin sa isa't-isa magmula noon pa man.
" Kaius-  tawag ko kay Kaius, napalingon naman siya sa kinaroroonan ko at bigla nalang siyang mapaluha nung makita niya akong bumalik. " Hindi ko kakalimutan kung anong meron sa amin ni Yves dahil lang sa nalaman ko, mahal na mahal ko siya higit pa sa sarili ko -  sabi ko pa, pinunasan naman ni Kaius ang mga luha niya at niyakap ako bigla.
Napatulo rin luha ko dahil sa ginawa niya at buong pasasalamat niya sakin kasi tinaggap ko ang kaibigan niya kahit nalaman ko pa ang tunay na pagkatao ni Yves.
Humiwalay naman sa pagkakayakap sakin si Kaius atsaka pa lumabas si Yexel at mukhang wala rin siya sa sarili niya ngayon.
Nagsimua ulit akong kabahan dahil sa nakikita ko sa kaniya.
" Anong nangyari kay Yves?-  tanong ni Kaius sa kaniya.
" Ayus na siya mabuti nalang at mabilis niyo siyang dinala rito dahil kung hindi mauubos ang dugo niya at tuluyan na siyang mawala satin-  sagot naman ni Yexel at bigla nalang siyang hindi makapag balance sa pagtayo buti nalang at naalalayan kaagad siya nina Sevi at Kaius.
" Pagod na pagod kana siguro,maupo kana muna-  sabi naman sa kaniya ni Kaius at pinaupo siya dito.
"Nag donate ako ng dugo kay Yves dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya, pasensya na kayo kung ganito ako ngayon nahilo lang ako-  sabi naman ni Yexel sa amin.
Napatingin ako sa loob ng ICU at nag-alala pa rin ako sa kalagayan ni Yves doon.
Ayus na ba kaya siya talaga? Gusto ko siyang makita at makausap kahit tulog siya.
" Siguro hindi maabutan ni Yves ang paglibing ni Lolo base kasi sa result matatagalan pa bago makagising si Yves at ililibing namin si Lolo sa makalawa na -  sabi pa ni Yexel sa amin.
" Sigurado akong pag gising ni Yves sasama ang loob niya dahil hindi man lang niya maabutan ang huling hantungan ni Chairman-  sagot naman ni Kaius sa kaniya.
" Nasabi mo na ba sa kanila ang katotohanan?-  tanong naman ni Yexel kay Kaius at tumango naman ito sabay tingin saming dalawa ni Sevi.
" Ako rin humihingi ng tawad dahil itinago namin ang katauhan namin - paghingi ng tawad ni Yexel samin.
" Wag nalang natin isipin pa ang bagay na yun dahil alam naman naming nagawa niyo lang itago yun para din sa safety namin, gayunpaman nagpapasalamat pa rin kami sa inyo lalo na kay Yves dahil kung hindi dahil sa kaniya sigurado akong ipinagpapatuloy ni Enrico ang kasamaaan niya-  sagot naman ni Sevi sa kaniya.
" Isa yan sa dahilan kung bakit malaki ang  tiwala ni Daddy sa kaniya kasi kahit na mapapahamak siya basta't ligtas lang ang mga taong mga mahal niya ayus lang sa kaniyang mapahamak siya ng ilang beses -  sagot din ni Yexel sa kaniya.
Napatulo ulit ang luha ko dahil sa mga naririnig ko sa kanila hindi maalis sa isipan ko si Yves na ngayon ay nasa loob pa rin ng ICU.
Magpagaling ka lang dyan dahil hindi kami magsasawang hinatayin ka sa pagising mo.
Tandaan mo lagi Yves na mahal na mahal rin kita, at hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.
( After 2 weeks )
Nailibing na ang lolo nina Yves at Yexel at nakalabas na rin ako sa hospital at maayus na ulit ang mga binti ko samantalang si Yves ay nandun pa rin sa ICU at hindi pa rin gumigising hanggang ngayon.
Sa dalawang linggong yun nagdecide na akong mag back-out sa movie na gagawin ko at ganon din si Sehun hindi na niya rin ipagpapatuloy ang movie namin dahil sa nangyari sa amin ni Ely nakapag decide ang company nina Sehun na ipababalik na lang siya sa korea para hindi siya lalong mapahamak dito sa pilipinas.
Gayonpaman masaya pa rin ako kasi nakasama ko siya kahit sandali lang at nagpapasalamat din ako sa kaniya dahil sa kabaitan niya.
Ako at si Ely ay ganon pa rin magkaibigan pa rin kami kahit na ganon ang nangyari sa pamilya namin dahil alam ko namang wala siyang kinalaman sa mga masasamang gawain ng kuya niya. Namatay nga si Enrico at nakulong naman ang daddy nina Ely at Enrico dahil sa pagkakasalang siya ang nag-utos na patayin ang daddy nina Yves at Yexel samantalang ang mommy nina Yves at Yexel ay nagkaayus na sa mahahang panahong pagtatampohan nila sa ngayon si Yexel pa ang nagpatawad sa mom niya dahil si Yves hindi pa gumigising.
Habang ako naman ay naka focus nalang sa pag pi-paint ko, ganito ang ginagawa ko kapag nabobored ako o kaya hindi ako pumupunta sa Hospital para dalawin si Yves.
Naipinta ko na rin siya dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya at sobrang ganda ng pagkakagawa ipapakita ko to sa kaniya kapag gising na siya.
" Pupunta ka na ba sa hospital?-  tanong naman ni Mommy sakin.
" Opo-  sagot ko naman sa kaniya, oo tama kayo ayus na kami ni Mommy matapos sabihin ni Sevi na wala akong kasalanan ng lahat, nagkapatawaran kami ni Mommy at hiniwalayan niya rin yung dini-date niyang lalaki sa ngayon at mas tumutok nalang sa amin ni Sevi.
" Mag-iingat ka-  sabi naman niya sakin at napatango ako habang may ngiti sa mga labi ko.
Sobrang gaan pala sa pakiramdam na wala kang kagalit no? Sobrang saya ng puso mo.
Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa hospital, ang saya ng puso ko ngayon at may pakiramdam akong may mangyayaring maganda ngayon.
Dala-dala ko rin yung painting na ginawa ko para kay Yves at excited na akong ipakita yun sa kaniya kapag gising na siya.
( Ring !!! Ring !! )
Ely's calling~~
Napangiti naman ako habang nakatingin sa cellphone ko dahil si Ely ang tumawag matagal ko na rin siyang hindi nakikita dahil sobrang busy na niya sa trabaho niya.
" Hi Elyyy-  masayang sagot ko sa kaniya.
" Pfft,, inaasahan mo ba ang pagtawag ko sayo?-  masayang tanong niya sakin.
" Oo matagal na rin tayong hindi nagkita eh ang busy mo kasi masyado HAHAHAH-  sagot ko sa kaniya.
" Oo nga eh hindi ko rin napansing ang oras HAHAH, uhm--- papunta ka na ng Hospital ngayon?-  tanong naman niya sakin.
" Yes I'm on my way na, bakit bibisitahin mo rin ba si Yves?-  tanong ko pa sa kaniya.
" Nauna pa nga ako sayong magpunta eh---
"A--Ano nandyan kana?-  takang tanong ko sa kaniya kaya narinig ko nalang na tumawa siya at narinig ko rin ang pagtawa ni Kaius sa kabilang linya.
Naunahan pa talaga ako ah, binabaan ko siya ng cellphone atsaka mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko para mas mabilis akong makarating ng hospital.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na nga ako sa hospital at bitbit na bitbit ko ang painting ko para kay Yves, ang saya talaga ng pakiramdam ko ngayon kaya sana naman may magandang balita na ako para kay Yves.
Sana gising na siya.
Sumakay ako ng elevator para mas mabilis akong makarating sa room ni Yves inilipat na rin kasi siya sa private room kahapon at nasa 5th floor yun.
Pagbukas ng Elevator naririnig kung tumatawa si Kaius ang tao yun talaga ang lakas tumawa kita mo umabot hanggang dito ang bunganga niya.
Inis naman akong naglakad at binuksan ang room ni Yves para sana pagalitan siya pero mas ako ang starstruck sa nakita ko.
G---Gising na siya,?
Nakatayo ako dito sa may pintuan at natigilan naman silang lahat sa pagtatawanan at nakatingin sakin. Kay Yves ako mas tumutok dahil sobrang miss na miss ko na siya.
" gising na prince charming mo, mahal na prinsesa-  pang-aasar pa sakin ni Kaius kaya sabay silang natawa ni Ely, itong mga to nagkaibigan lang ang sama na sakin.
Iniripan ko naman sila at saka tumuloy dito sa loob saka sinara ang pintuan.
" Sino siya?-  tanong naman sakin ni Yves kaya nabigla ako sa tanong niya.
Hindi niya ba ako nakikilala?
Wala naman siyang amnesia ah!!.
" Wag mo nga akong pinagloloko Yves!!-  galit na saad ko sa kaniya pero ang totoo niyan pinipigilan ko lang na tumulo ang mga luha ko para hindi ako lalo aasarin ng mga to.
" Sino siya? Bakit kayo nagpapasok ng ibang tao?-  seryosong tanong sa kanila ni Yves, sabay namang napatingin sina Ely at Kaius sa isa't-isa at punong-puno rin ng pagtataka ang mga mukha nila.
Doon ko na talaga hindi makayanan ang sarili ko at umiiyak ako, panong hindi niya ako kilala!!!
Matagal ko siyang hinintay tapos hindi niya lang pala ako makikilala.
" SAKIT MO NAMAN MAGSALITA!! - galit na sigaw ko kay Yves habang umiiyak ako, nagdecide nalang akong lumabas pero hindi pa nga ako nakalabas ay tumawa si Yves ng napakalakas.
"Hanggang ngayon pa rin ba'y ganyan ang baby ko? Sobrang iyakin-  natatawang sabi niya sakin kaya nilingon ko sila habang umiiyak ako.
Pinagtatawanan nila akong tatlo kaya mas lalo akong umiiyak sa harapan nila.
" Paano mo nagawang tumawa ng ganyan samantalang ako gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit -  umiiyak na sabi ko pa kaya natigilan silang tatlo.
"Lumapit ka sakin para mayakap mo ang pinakamamahal mo-  pang-aasar pa ni Yves sakin, patakbo naman akong lumapit sa kaniya at binitawan ko ang bitbit kung paint atsaka ko siya niyakap ng napakahigpit. "Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, Tiffany-  sabi pa niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
" Ang sama mo -  umiiyak na sabi ko sa kaniya. Kaya napatawa ulit siya ng mahina habang niyayakap niya ako.
"I love you-  saad naman niya sakin kaya kinilig ako.
"NAKSS!!!
" Umalis na nga kayo dyan eepal pa kayo sa moments naming dalawa eh-  sabi naman sa kanila ni Yves tinignan ko naman sila at binilaan.
" Pagalitan mo nga mga yan palagi akong pinagkakaisahan nung hindi ka pa nagising-  sumbong ko pa kay Yves atsaka patagong tumatawa.
" A---Anong---
" Tara na Ely mukhang mapapahamak pa tayo dito, arat sibat na-  nagmamadaling sabi ni Kaius atsaka nagmamadali rin silang lumabas dito sa kwarto ni Yves.
Umayus naman ako at tinignan ko ng maigi si Yves na ngayon ay sobrang healthy na.
" Sobrang ganda mo naman saan ka ba galing?-  tanong sakin ni Yves.
"Nagpapaganda lang naman ako kada punta ko rito para kapag gumising kana ang kagandahan ko agad ang bumangad sayo-  sabi ko naman sa kaniya at napangiti naman siya dun at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Sorry pala Tiff ha, kasi sa iba mo pa nalaman ang totoong pagkatao ko na dapat sakin mo malaman-  sabi ni Yves sakin.
" Ayus lang yun ganon pa rin naman ang gagawin ko eh kapag ikaw na ang magsasabi ng totoo patatawarin naman kita at buong puso kitang tatanggapin-  sagot ko pa sa kaniya.
" ngayon ko nalamang napaka importante ko pala sayo -  nakangiting saad niya, sos pinakikilig niya lang naman ako.
"Syempre naman -  sagot ko.
" Gusto pa kitang makasama ng mas matagal para iparamdam ko rin sayo kung gaano ka, ka importante sa buhay ko ah no--- how this heart love you as much as you do-  sabi niya pa sakin.
Enebe kenekeleg ne eketch detey.
" I love you so much Steffany Miranda -  saad niya atsaka hinalikan ang mga kamay ko.
"I love you more Yves Celeste De Guzman-  sabi ko naman sa kaniya.
Hahalikan na sana niya ako pero napagtanto niyang masakit pa rin ang mga sugat niya kaya hindi natuloy.
" So--sorry - paghingi niya ng tawad sakin kaya natawa nalang ako at ako nalang ang humalik sa kaniya.
We kissed fashionately and after it we hugged each other once again and feel our love for each other.
— — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — —
Lastly we kissed again.

Komento sa Aklat (152)

  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/02

      0
  • avatar
    hutahaean Official

    Sangat bagus

    10/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata