Chapter 40

~~YVES POV ~~
" Kung ako ang tatanongin wala namang problema sakin dahil nagugustohan naman kita para sa sister ko, just ask her if papayag ba siya -  sabi naman ni Sevi sakin.
Sabay naman kaming napatingin ni Sevi kay Tiffany at hanggang ngayon ay mukhang hindi niya pa rin tatanggapin ang alok ko sa kaniya.
" a--ano ka--kasi-  nabubulol na sagot niya habang hindi siya makatingin ng diretso sakin.
Alam ko na ang sagot niya, its a no.
Dapat alam ko na to dati pa diba? Ito ang gusto ni Tiffany at ito ang kaligayan niya ang pagiging artista niya kahit masaktan siya wala na siyang paki-alam dun basta't masaya lang siya sa ginagawa niya.
" I understand -  sagot ko naman atsaka tumayo, napatingin naman silang dalawa sakin at nagtaka sila pareho. " Sige aalis muna ako para makapagisip-isip ka-  sabi ko naman atsaka nagmamadaling lumabas dito sa kwarto niya.
Aishhh!!! Hindi ko na dapat inalok yun sa kaniya kung ganito lang din naman ang kalalabasan.
Masyado kasi akong ininggit ng kuya ko kanina kaya naisip ko ang bagay na yun.
( Ring!! Ring!! )
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sinong tumawag pero wala namang nakalagay na pangalan.
Sino naman kaya to?
Sinagot ko nalang at..
"Hello-  sagot ko naman.
" Si sir Yves po ba ito?-  tanong naman niya sa kabilang linya, ano bang kailanga niya sakin?
" Yes ako nga bakit?-  tanong ko din sa kaniya.
"Ahh---- sir A--ano po kasi si a--ano po ako si...
"Com'on I don't have time for you---
"Manager po ako ni Tiffany Miranda sir-  diretsahang sagot naman niya.
Tss.. isa pa to dagdag stress.
"So?-  sagot ko naman habang nakataas ang isa kung kilay.
" A--ayus lang po ba si Miss Tiff--
"Paano naging maayus kung nandito siya sa hospital ngayon!?-  galit namang sagot ko sa kaniya.
Tinitignan naman ako ng mga ibang taong narito kaya hininaan ko nalang ang boses ko.
" Si---sir kumalma po kayo sir hindi po nakakatulong ang ganyan sir."
"Talagang hindi!
" pupunta po ako dyan ngayon sir para bantayan siya -  sabi pa niya.
"Bahala ka sa buhay mo- sagot ko naman at binabaan siya ng cellphone.
Haystt!!! Nakakainis!! Nadadala na naman ako sa galit ko.
Umupo na muna ako dito at inerelax ang sarili ko masyado yata akong napagod ngayong araw nato, dumagdag pa ang nangyari kay Tiffany pati na rin sa nalaman ko kanina habang nandun kami sa room ni Ely.
Aishhh!!! Sakit sa ulo!
" Iho ayus ka lang ba?-  rinig kung tanong sakin ng isang matandang babae.
Iminulat ko naman ang mga mata ko at tinignan siya, syempre mas matanda pa rin siya sakin kaya dapat lang na magbigay galang pa rin ko kahit hindi ko naman siya kilala.
"Ah-- opo ayus lang ako-  sagot ko naman sa kaniya.
" Para kasing pagod na pagod ka, siguro girlfriend mo ang iniisip mo no? Ah! Hindi naman sa pakikialam iho, pero kaming mga babae talaga minsan hindi din namin nauunawaan ang mga sarili namin kaya nga sa huli nagsisisi lang kami sa mga desisyon namin sa buhay-  sagot naman niya sakin.
Paano naman niya nalamang tungkol dun ang pinoproblema ko ngayon.
" Bigyan mo lang ng time ang girlfriend mong magisip-isip ng sa ganon mas lalo niyang ma realize ang lahat, sure naman akong hindi ka niya basta-basta nalang iiwan... Sa gwapo mo ba naman HAHAHA-  saad niya pa at tumawa siya ng normal pagkatapos.
" Siguro nga po, handa naman kasi akong maghintay sa kaniya kaso nga lang parang mas tatagal pa bago ang gusto kung mangyari saming dalawa-  malungkot na sagot ko habang nakatukod yung mga elbow ko sa mga paa ko.
" Nagpo-propose kana  ba sa kaniya?-  gulat na tanong niya sakin at tumango naman ako. " Hintayin mo lang na ready na siya sigurado naman akong hindi ka paghihintayin nun ng mas matagal pa-  sabi naman niya.
Siguro nga kailangan ko lang na maghintay na ready na siya hindi yung ganitong nagtatampo ako.
" Lola I've been looking for you every---- OMGG!!! YVES IS THAT YOU?-  sabay naman kaming napalingon ni Lola sa babaeng nagsalita at nagulat rin ako dahil si Hadi pala to.
She called her lola, so it means.... FAMILY RELATED SILANG DALAWA.
"Magkakilala kayong dalawa?-  takang tanong naman ng matanda saming dalawa.
Kaagad naman akong tumayo para magpaliwanag sa kaniya pero naunahan ako ni Hadi.
" Ah... Yes po Lola we're schoolmate po dati, ha--hali na po kayo La, I'm sure po pagod na pagod na po kayo tara na po sa kwarto ninyo-  sabi naman ni Hadi sa lola niya at inalalayan itong tumayo.
" Hanggang sa muli nating pagkikita iho-  saad naman ni Lola sakin kaya tumango naman ako at nagbow sa kaniya.
Tinignan ko naman si Hadi at parang iniiwasan niya akong tignan, tss.. buti naman natutoto na siyang umiwas sakin ngayon.
Hindi siya nagpaalam na aalis na silang dalawa ng lola niya, tinignan ko naman sila habang naglalakad paalis dito at biglang sumagi sa isipan ko si Lolo.
Ayus lang kaya siya ngayon?
Umupo naman ulit ako at kinuha ko yung cellphone ko at denial ang number ni Lolo para kumustahin siya.
Wala namang sumagot sa tawag ko, baka tulog na siya ngayon bukas ko nalang siya dadalawin ng personal.
" Yvessss may nangyari-  hingal na sabi ni Kaius na kararating lang dito sa kinaroroonan ko.
"What happened?-  tanong ko naman.
" Yung lolo mo inatake sa puso-  sagot naman niya, dahil sa narinig ko dali-dali akong tumakbo at kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
"Nandito siya Yvess-  sigaw naman ni Kaius kaya huminto ako.
Sinunod ko siya at hanggang sa nakita kung nasa labas ng ICU si kuya at umiiyak siya.
Sa mga oras na yun bigla akong nakaramdam ng tinding kaba sa puso ko. Habang naglalakad ako papalapit kay kuya unti-unting nadudurog ang puso ko kagaya ng pagkadurog noon nung namatay si Daddy.
"K---Kuya-  tawag ko sa kaniya, nilingon naman niya ako habang umiiyak pa rin siya.
" He's.... -  sagot niya habang umiiyak pa rin siya. " Gone-  sagot niya.
Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko at naramdaman ko nalang na unti-unting humihina ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Ba---bakit pati ikaw lo, iniwan mo rin kami?
Pumasok naman si Kaius dun sa loob para kumpermahing wala na nga si Lolo at hindi pa nakalipas ang ilang minuto at bumalik siyang wala sa kaniyang sarili at umupo sa tabi ko.
" S---sorry -  tanging saad niya habang nagsisimula na siyang mapaiyak sa tabi ko. " Wa--wala na nga si Chairman-  sagot pa niya.
Mas lalo akong mapaiyak dahil sa narinig ko sa kaniya atsaka ako napasigaw sa galit ko.
"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! WHYYY???!!! -  walang tigil sa pag-iiyak ko.
Tumayo naman ako at pumasok sa loob atsaka ako sinundan ni Kaius dun. Nakita ko si Lolo na tinakpan ng puting tela sa buong katawan niya at nandun din ang ilang mga doctor sa loob at umiiyak sila habang nakatingin sa wala ng buhay na si Lolo.
"Hindi pa patay si Lolo, BUHAYIN MO SIYA!!!-  sigaw ko naman sa galit sa kaniya habang siya naman ay hindi niya magawang tumingin sa akin ng diretsahan at umiiyak lang  siya sa harapan ko.
Itinulak ko naman siya ng malakas at si Carrie ang nilapitan ko habang umiiyak pa rin ako.
"I--I'm so sorry Yves-  tanging sabi niya.
" AHHHH!!!!! BAKITTT WALA KAYONG GINAWA PARA BUHAYIN SIYA HA!!! BAKITTTT!!!-  sigaw ko pa atsaka ako nagwala dito sa loob, hinawakan naman ako ni Kaius at ng mga ilang doctors dito para pigilan ako sa ginagawa ko.
" Mga wala kayong kwentang doctors-  umiiyak na sabi ko habang nakaupo ulit ako sa sahig.
" Sorry -  sabay nilang paghingi ng tawad sakin.
" HINDI KO KAILANGAN ANG SORRY NIYO UMALIS KAYO!!! UMALIS KAYO SA HARAPAN KO!!!-  pagsisigaw ko pa.
"Umalis na muna kayo-  sabi naman sa kanila ni Kaius at doon pa sila sumunod at sabay na lumakad palabas.
Mga wala silang silbi!!!! Hindi nila binuhay ang lolo , sa mga oras na yun nakasalalay sa kanila ang buhay ni Lolo at sa kanila nakaasa ang buhay niya.
Sana binisita ko siya ng mas madalas sa mansion para hindi ako nagsisisi ngayong wala na siya. Palagi ko siyang iniiwasang mag dinner kami ng sabay dahil sa galit ko.
Sana ginawa ko nalang  lahat ng gusto niya at sana nakapagbonding kami ng mas matagal pa.
I'm sorry Lolo I'm sorry..
Makalipas ang ilang minuto ay inilabas na nila si Lolo mula dito at lahat ng mga doctors sa hospital namin at nag bow sa kaniya at lahat sila ay umiiyak habang nakatingin sa walang buhay na si Lolo.
Paalam Chairman Emilio De Guzman, paalam lolo.
Umupo ako dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang pagluha ng mga mata ko dahil naalala ko yung mga bondings namin ni Lolo when I was Young, halos sa kaniya na ako lumaki ni hindi ko man lang sinuklian ng kabaitan yun sa halip ay pinagtataasan ko pa siya ng boses.
" Yves may sinabi si Chairman sakin bago siya namaalam-  sabi naman ni Carrie at tumabi siya sakin ngayon, hinayaan ko naman siya kahit galit pa rin ako sa kaniya. " Sabi niya sabihin ko raw sayo na itigil na ang mga maling gawain mo at mamuhay nalang ng mapayapa, sabi pa niya wag mo ng ipaghigante ang dad mo laban sa pumatay sa kaniya dahil sure daw siya na masaya na ngayon ang son niya kung nasan man ito ngayon-  saad niya pa sakin.
Yan pa rin ang iniisip niya kahit sa ganong kalagayan niya, sorry lolo pero buo na ang desisyon ko lalo ng alam ko na kung sinong nasa likod ng lahat ng ito.
Hindi ko naman sinagot si Carrie at tumayo ako para lumakad palabas dito sa hospital.
"Yves-  rinig kung tawag pa sakin ni Carrie pero hindi ko na siya nilingon ulit at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ko.
Pagkalabas ko sumakay ako sa kotse ko para puntahan si Enrico sa kanila.
Siya ang may kasalanan ng lahat kaya dapat lang na siya ang sisingilin ko.
Mabilis kung minaneho ang sasakyan ko para mabilis akong makarating sa kung saan man naroon si Enrico.
( Ring!!! Ring!! )
( Kaius Calling )
Hindi ko siya sinagot dahil ang basa isipan ko ngayon ay ang pagharap ko kay Enrico.
Kinuha ko yung cellphone ko at denial ang phone number ni Sevi buti nalang at sinagot niya naman.
" Hello bayaw nasan ka? Nag-alala kami say--
"Give me the phone number of Yaenna- sagot ko agad na ikinagugulo ng isip niya.
" Wh---what? But why?
"I need it right now Sevi just give it to me-  sagot ko naman.
" Okay I'll text to you her number, nasan ka ba?-  tanong niya pa sakin.
" No need to tell you, bye -  sagot ko naman atsaka binabaan na siya ng cellphone.
This is the time para singilin kita Enrico humanda ka sa pagdating ko dyan.
( Phone Beeping )
Tinext na sakin ni Sevi ang phone number ni Yaenna atsaka ko ito tinawagan kaagad.
"H--hello who's this?-  tanong naman ni Yaenna sa kabilang linya.
" This is Yves--
" Kuyaaaa!!-  biglang pagtili niya dahilan para ilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko.
Sakit sa tenga ang pagtili niya.
"Alam mo ba kung nasan ngayon si Enrico?-  tanong ko  naman sa kaniya in a calm way para di niya mahalatang may masamang  balak ako sa kuya niya.
" nasa hide out niya-  sagot naman niya sakin.
"Saan ko mahahanap ang hide out niya?
"Wait!.. uhm-- bakit mo nga pala siya gustong mahanap kuya?-  tanong naman niya sakin.
Nakakarinding pakinggan ang pagtawag niya saking Kuya, hindi ko gusto ang pagsasalita niya.
" May gusto lang akong sabihin sa kaniya, so can you tell me where is he?-  tanong ko sa kaniya.
" Si--sige po-  sagot naman niya.
Sinabi ni Yaenna sakin kung nasan ngayon si Enrico atsaka ako nagmaneho papunta roon. Ring ng ring yung phone ko at pabalik-balik ang pagtawag nina Sevi, Kaius at Yexel sakin pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot.
Baka kapag sinagot ko sila pipigilan nila ako sa gusto kung mangyari.
Huminto naman ako sa pagmamaneho dahil nandito na ako, lumabas ako sa kotse ko at napapansin kung tahimik ang lugar nato ni-isang tao wala akong nakita.
Nandito nga ba kaya si Enrico sa lugar nato?
Lalakad na sana ako ng may biglang humampas sa bandang batok ko dahilan para humina ang lakas ko.
Napahawak ako sa likoran ko at nilingon ko kung sinong nandun, nakita ko si Enrico ang nandun at tumatawa siya ng mahina.
"Akala mo siguro hindi ko malalaman na dito ang punta mo-  sabi niya pa sakin.
Unti-unti namang lumabo ang paningin ko at hanggang sa tuluyan ng humina ang lakas ko at bumagsak ako sa lupa.
~~~~~ YEXEL'S POV ~~~~
Kinakabahan ako baka ano ng gagawin niya sa sarili niya, hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon.
" tumawag si Ely sabi niya tumawag daw si Yves sa sister ninyo para tanongin kung nasaan ang hide out ni Enrico-  balita naman samin ng brother ni Tiffany.
" Ha--ba--bakit naman niya gagawin yun?-  nagugulohang tanong naman ni Tiffany.
Nandito kasi kaming lahat ngayon sa lobby dahil hindi rin kami mapakali sa nangyari ngayon ni Yves.
Nagkatinginan kami ni Kaius dahil hindi nila pwedeng malaman ang buong katotohanan sa pagkatao ni Yves at kung bakit gusto niyang makita si Enrico dahil kapag malaman nila baka lumayo sila samin.
" Mas mabuti pang magpahinga ka na Tiffany lumalalim na ang gabi---
"Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ninyo sinasabi sakin kung bakit nagpunta si Yves kay Enrico-  sagot naman ni Tiffany.
" Hindi rin namin alam kung bakit sasabihin naman namin sayo kung bakit siya nandun kung alam lang namin eh -  sagot naman sa kaniya ni Kaius.
" Tara na sa kwarto mo Tiffany -  aya naman sa kaniya ng brother niya at inalalayan itong makatayo.
Makikita mo talaga ang pag-alala niya kay Yves pero wala siyang ibang magawa kundi ang sumunod nalang sa gusto namin.
" Balitaan niyo nalang kami kapag nahanap niyo siya-  sabi naman nung brother ni Tiffany samin.
" Sige -  sagot ko naman sa kaniya.
Inihatid na niya si Tiffany sa kwarto nito at kami nalang ang nandito ngayon ni Kaius sa lobby.
" Tigas talaga ng ulo ng kapatid mong yan, hindi man lang magsasabi satin kung anong pinaplano niya paano kyng mapahamak siya dahil sa maling pagpunta niya dun? Aishhh!!! Ewan ko ba sa utak niya-  inis na sabi ni Kaius habang napakamot siya sa batok niya.
Si Enrico nga kaya ang nasa likod nitong mga pangyayari sa buhay namin ngayon?
Kasi kung hindi, hindi rin siya pupuntahan doon ni Yves.
" Hindi siya pwedeng mapahamak lalo na't wala na si Lolo sa mundo -  sabi ko naman.
" Ako nalang muna bahala sa paghahanap sa kaniya basta asikasohin mo nalang ang libing ni chairman -  sabi naman ni Kaius sakin.
" Thank you -  sagot ko pa.
Tumango naman siya at kinuha yung cellphone niya at may tinawagan siya doon.
Ako naman ay tumawag kay Maddy para ipaalam sa kaniya ang nangyayari rito ngayon.
Sana nga walang ibang nangyari kay Yves sa pagpunta niya kay Enrico dahil hindi ko siya mapapatawad kung may mangyayari sa kaniya.
" Yexel-  rinig kung may tumawag sa pangalan ko, pagkalingon ko naman sa kaniya nakita ko si Mommy kasama ni Yaenna at mukhang galing pa sila sa kanila.
Nabalitaan siguro nilang may ibang nangyayari rito ngayon.
Tssk!! We don't need them.
" what are you doing here?-  tanong ko naman sa kanilang dalawa.
" Sorry po dahil sinabi ko kay mommy ang tungkol sa paghahanap ni Kuya Yves kay Kuya Enrico- paghingi ng sorry ni Yaenna sakin.
" Bantayan mong maigi ang step-son mo dahil mukhang may sayad na yun sa utak at madaming nadadamay na tao-  saad ko naman kay mommy.
" What do you mean, Yexel?-  she asked.
" Nothing, just go back we're you've been dahil ayus lang kami--- ah!! Oo nga pala nakalimutan kung sabihin... Patay na si Lolo wala ng manggugulo sa buhay na meron ka ngayon-  sabi ko naman kay Mommy. Nagulat naman siya sa balita ko sa kaniya at hindi siya makapaniwala ron.
Nag walk out ako dun dahil hindi ko gustong makita siyang umiiyak na naman, at sumunod naman sakin si Kaius.
" Na trace ko kung nasan ngayon si Yves buti nalang at open yung Gps niya, tinawagan ko na ang ilang members ng mafia para samahan ako, ikaw na muna ang bahala dito at aalis na ako-  paalam naman sakin ni Kaius, bago pa siya makaalis ng tuluyan ay hinawakan ko yung balikat niya.
" Do your best, ibalik niyo siya saking buhay-  saad ko pa sa kaniya.
" I promise -  sagot naman niya.
Sinenyasan ko na siyang umalis na para mapuntahan na niya si Yves dun.  Iba pa rin pala talaga ang nakukuha ng pagkakaibigan.
Sana mailigtas mo siya Kaius naniniwala ako sayo.
Bring him back to me because I need him.

Komento sa Aklat (152)

  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/02

      0
  • avatar
    hutahaean Official

    Sangat bagus

    10/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata