Chapter 39

~~~~~ ENRICO'S POV ~~~~~
( Flashbacks )
Sinundan ko sina Yves at Mr.  VALDEZ  nung huling araw niya dito sa mundo hanggang sa nakaabot kami sa mansion nina Yves dahil doon sila huminto. 
Nakita ko silang lumabas sa kani-kanilang sasakyan at pumasok sa loob.  Naghintay lang ako dito sa labas ng bahay nina Yves at hindi ako pumarada sa malapit sa kanila dahil maraming  nakabantay sa labas ng bahay nila. 
Ano kayang pinaplano ng Yves nato at hindi ko malaman-laman ang tinatakbo ng utak niya ngayon. 
Dumaan naman ang ilang oras at nakita kung binubuhat ng mga lalaki si Mr.  VALDEZ at pinasakay sa loob ng Kotse niya. 
Nakita kung lumabas si Yves kasama ng mga ilan at may pinag-uusapan sila dun narinig ko lang na sumisigaw si Valdez doon sa loob. 
At maya-maya pa ay pinalabas nila si Valdez at may sumunod sa kaniyang kotse na galing sa loob hindi naman yun si Yves kasi nandun pa rin siya sa loob,  sumunod naman ako at hindi pa nga kami nakalayo ay biglang nabangga ang kotse ni Valdez at sumabog ito. 
( end of flashbacks ) 
" wag mo na ulit saktan ang dalawang yun Enrico, maliwanag ba!!-  galit na saad sakin ni Daddy.
" bakit ko naman susundin ang gusto mo?-  taas kilay na tanong ko naman sa kaniya.
Hinila ni Daddy yung collar ko at galit na galit siyang nakatingin sakin.
" GAWIN MO ANG GUSTO KO DAHIL KUNG HINDI AKO MISMO ANG MANANAKIT SAYO!! -  galit na saad ni Daddy sakin,  itinulak ko naman siya ng malakas at buti nalang at nakabalance pa siya sa lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya.
" SASAKTAN MO ANG SARILI MONG KADUGO?  PARA LANG SA DALAWANG YUN?  HUH!! 
"TAMA NA YAN KUYA,  SUMOSOBRA KANA!!-  suway naman sakin ni Ely , napatingin naman ako sa kaniya at ganon na rin sa kanilang lahat ng narito ngayon. 
" ME?  BAKA NAKAKALIMUTAN MONG MAS SI DADDY ANG SUMOSOBRA ELY!!  AKO HALOS NAGPALAKI SAYO KAYA SAKIN KA KUMAMPI AT HINDI SA KANIYA!! -  sigaw ko naman. 
" kuya Enrico tama na po yan baka mapano si Kuya Ely-  awat naman sakin ni Yaenna at hinawakan niya pa ang braso ko pero kaagad ko siyang tinulak dahilan para napaupo siya sa sahig. 
" ENRICO ANO BA!!  -  galit namang saad ni Arianne at tinulongan niyang pinatayo ang daughter niya. 
Ano magagalit na rin ba siya sakin ngayon?  Huh!
" I am doing my best to be the good step mother  to you both but you're  still admitting  that I don't ---
"Coz you don't-  sagot ko naman kaagad sa kaniya. 
Tumulo naman ang mga luha niya at saka doon pa ako pinagalitan lalo ni daddy. 
" GET OUT !! -  galit na sigaw niya sakin.  " don't  you dare show me your face ever again!!  -  sigaw pa niya. 
" as you wish Dad-  sagot ko naman at saka nagsmirk palabas dito sa kwarto ni Ely. 
That's  all they want?  Then Fine!!  I will grant their wishes.
Seryoso akong naglalakad palabas dito sa hospital at sadyang napakabait ng tadhana at pinagtagpo ulit ang landas namin ni Yexel na ngayon ay palabas na rin ng hospital nato.  Hindi niya ako napansin dito at may kausap siya sa telepono niya. 
I wonder who is it? 
Naglakad naman ako papalapit sa kaniya habang hindi niya pa rin ako namamalayan,  kaya nakinig muna ako sa pinag-uusapan nila ng kausap niya. 
" Yes honey,  take good care of our kids I'll  be home later  okay,  I love you-  sabi niya pa. 
May asawa na pala siya?  Tanginang yan!!  Naunahan pa ako magkaroon ng hambog nato. 
Samantalang ako 35 years na wala pa ring asawa't anak dahil sa tanginang Tiffany  na yan, na stock ako sa kaniya kaya ako single ngayon. 
Binaba naman niya ang cellphone niya kaya tinignan ko siya ng mapang-asar nung lumingon siya sa kinaroroonan ko,  nabigla naman siya pero agad niya itong binawi. 
" what the hell are you doing here!! - gulat na tanong niya pa sakin.
" well,  may family kana pala? I didn't  know nagulat lang ako sa narinig ko mula sayo-  sabi ko naman,  lalapit na sana siya sakin pero napagtanto niyang maraming tao kaya hindi nalang niya itinuloy.
" labas kana dun-  sagot niya naman at aalis na sana kaso nagsalita pa ako. 
" I wonder how pretty your wife is , mas maganda pa kaya siya kay Tiffany? -  tanong ko pa sa sarili ko. 
Lumapit naman siya sakin at tinignan niya ako ng masama. 
" mas maganda pa dyan sa ugali mo,  alam mo napaisip ako kaya ka siguro walang asawa dahil dyan sa baliw na utak mo!  Kinain kana ng insecurity  dyan sa sarili mo kaya ka nagkamalas-malas ngayon-  sagot naman niya at saka na tuluyan akong iniwan dito. 
Baliw?  Ako baliw!!  Putang-inang yan!!  Mas baliw siya!!. 
~~~~~ YEXEL'S POV ~~~~~
Kinabahan ako bigla dahil sa curiosity  ni Enrico kanina nung tinanong niya ako about sa wife ko. 
" Doc are you okay? -  tanong naman ni Carrie sakin. 
" yes I--I'm fine-  sagot ko namn sa
kaniya. 
" kung hindi ka okay doc,  ako nalang muna ang titingin sa patients  mo-  sagot naman niya. 
" no it's  fine but anyways thank you for your concern-  sagot ko naman din,  tumango lang siya sakin atsaka siya nagpaalam para magpatuloy sa ginagawa niya. 
Matagal ko ng alam na connected  sina mommy at pamilya ni Enrico dahil nung minsang sinusundan ko si Mommy ay nakita ko si Enrico kasama nila,  hindi ko lang sinabi kay Yves dahil ayaw ko siyang masaktan pa at galing din siya sa pagka trauma noon nung kinidnapped siya. 
Nagpunta ako sa room ni Tiffany para e check siya at hanggang ngayon nandun pa rin si Yves dun kasama si Kaius. 
" umuwi na kayo malapit ng matapos ang visiting hours-  sabi ko naman sa kanilang dalawa. 
" ewan ko ba dyan sa kapatid mo at ayaw niyang umuwi-  reklamo naman ni Kaius at napakamot nalang sa ulo niya. 
" may sinabi ba akong mag stay ka dito, - sabi naman ni Yves sa kaniya. " sige na umuwi kana kanin ka pa nakabuntot sakin simula nung nakabalik ka galing korea alam kung pagod kana-  concern namang sabi niya. 
He's  never been like  that to me ever since,  but I'm  not Jealous  to Kaius because  I know  how he take a long time to be with my brother that's  why he knows everything  to him than me. 
" Salamat sa concern  ha pero uwing-uwi na talaga ako kanina pa kasi naman HMM-  natatawang sabi niya pa,  tss ano kayang nakakatawa sa sinabi niya? 
" sige na umuwi kana gigisingin mo pa si Tiffany sa ingay ng boses mo-  suway naman sa kaniya ni Yves. 
Tumayo naman si Kaius at inis na tinignan si Yves. 
" nakakatawa talaga kayong  tignan dalawa -  sabi ko nalang at ako ang pumalit sa pwesto kanina ni Kaius. 
" hindi kaya nakakatawa yun actually nakakaiyak nga minsan eh, HAHAHAHA sige na bye na,  balik nalang ako bukas-  paalam naman ni Kaius sa amin. 
"Take care ingat sa pagmamaneho-  saad ko naman sa kaniya at tumango naman siya sakin bilang pasasalamat atsaka na lumakad palabas dito sa kwarto ni Tiffany. 
Naging tahimik ang paligid namin dito at mukhang wala namang balak na magsalita si Yves kaya inunahan ko na siya. 
" magpapakasal na ulit kami ni Maddy-  simulang saad ko at tinignan ko siya. 
Oo nasaktan ko ang kapatid ko dahil naging selfish ako mas inuna ko pa ang kaligayan ko kesa sa kaligayan niya,  pero wala akong pinagsisihan sa nangyari dahil nagmamahalan na kami ngayon ni Maddy at isa pa kung hindi lang dahil sakin baka hanggang ngayon hindi na niya mahanap ang first love niya. 
" talaga ba?  I'm  happy  for the both of you-  sagot naman niya habang nakatingin siya kay Tiffany.
"Thanks,  kayo ba ni Tiffany kailan balak niyong magpakasal? -  tanong ko naman sa kaniya at natigilan siya at napabuntong hininga .
"Ang mga pangako namin noon sa isa't-isa baka matagalan pa bago matupad yun-  malungkot na sagot ni Yves. 
"Ha! -- ba--bakit naman? Akala ko ba pag magkita kayo ulit magpapakasal na kayo kaagad-  sabi ko naman sa kaniya.
" Hindi yun ganon kadali atsaka hindi naman dapat minamadali yun ano ka ba--
" Dapat lang! Kasi tumatanda kana malapit kanang lumagpas sa kalendaryo kaya dapat lang na magkaroon kana agad ng anak para naman may makakalaro na rin yung kambal-  sabi ko naman at natawa siya ng konti.
" I don't want to pressure her atsaka matagal na panahon din kaming hindi nagkita't nagkakasamang dalawa kaya susulitin ko muna yun habang hindi pa siya ready na magpapakasal kami-  sagot naman niya sakin.
" Maiba ako Yves, yung nangyari kanina sana wag mo nalang masyadong isipin pa dahil kapag nalaman to ni Lolo ako ang malalagot sating dalawa, ayaw ni Lolo na babanggitin nating dalawa ang tungkol kay mommy dahil hanggang ngayon galit pa rin siya sa kaniya ayaw kung atakehin naman siya pag nalaman niyang nagkaharap tayong tatlo with his new family-  saad ko pa.
"Yung time ba na binaggit ko si mommy inatake si Lolo nun? Pero hindi niyo lang pinaalam sakin?-  tanong niya naman sakin, napasinghal naman ako at sumandal sa pader.
" Yeah-  sagot ko naman. At pumikit kahit sandali lang medyo napagod ako kanina.
" Sorry kuya-  biglang saad niya atsaka dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at tinignan siya, nakikita ko sa mga mata niyang malungkot siya.
"Bakit ka naman nagsosorry?-  tanong ko pa sa kaniya.
" Because all this time ikaw pala ang mas nasasaktan sating dalawa ang iniisip ko lang kasi nun ay ang sarili ko hindi kita inisip kung ano bang nararamdaman mo, nagagalit ka ba? O kaya gusto mo ng kausap. Ang tanging ginawa ko lang kasi nun ay ang e ignore ka at pagtaasan ng boses-  malungkot na sagot niya, hinawakan ko naman ang balikat niya at inakbayan nalang siya.
"Haysss, wag mo na isipin yun dahil ayus lang ako---
"Sorry kasi nagalit din ako ang totoo kasi niyan matagal pa bago ko to na realize na kayo talaga ni Maddy ang para sa isa't-isa at hindi kami, tsk!! Kaya kampante na rin  ako at ikaw ang nakatuluyan niya.
" Sorry din kasi inagaw ko sayo ang kaligayan mo---- aishh!!!! Ano ba tong usapan nato hindi ko na to gusto baka marinig pa tayo ni Tiffany aishh!! Makaalis na nga-  sabi ko nalang atsaka tumayo pero bago pa ako tuluyang makaalis ay may sinabi pa siya.
" Thank you kuya -  saad niya naman sakin napahinto ako sa paglalakad at lumingon ulit sa kaniya atsaka siya nginitian.
Ang sarap sa pakiramdam nun, ngayon ko lang yata narinig ulit yun galing sa kaniya.
~~~~~ TIFFANY'S POV ~~~~~ 
Si Maddy pala ang babaeng kinukwento sakin ni Kaius noon, bakit hindi ko agad napagtanto yun.
"Gising ka tama ba?-  biglang saad ni Yves na ikinagugulat ko, paano niya nalamang gising ako?
Aissshh!!! Wag kang magpapahalata Tiffany dapat matulog ka lang dyan. Sige lang matulog ka lang wag mong ipahalata sa kaniyang gising ka.
" Hey, com'on stop pretending that you're sleeping even if it's not-  rinig kung inis na sabi niya pero pinandigan ko talaga ang tulog moment ko.
Bahala siya dyan.
" Tama ka sa narinig mo si Maddy ang ikinuwento sayo ni Kaius nagkagalit kami ng brother ko dahil sa kaniya at mas lalo akong napalayo ng loob sa brother ko dahil inagaw niya sakin si Maddy at binuntis niya, patago lang kaming nagkaroon ng relasyon ni Maddy kaya tingin nila single lang siya syempre masakit naman talagang malaman na buntis siya at hindi ako ang ama, haysss... Matagal-tagal na panahon na rin yun kaya wag mo nalang isipin ang importante ngayon ay tayong dalawa-  saad niya pa sa kinauupuan niya.
Bigla tuloy akong naguilty kasi mas inuuna ko pa talaga ang career ko kesa sa kaligayan naming dalawa, gusto ko rin namang magpakasal na kami kaso hindi pa kasi tapos yung pelikula ko at kakabalik ko lang sa industry.
" Ngayon ikakasal na sila ulit at this time I'm supper happy for them-  sagot naman ni Yves, iminulat ko naman ang kanang mata ko habang yung kaliwang kanan ko ay nakapikit pa rin.
Happy nga siya kitang-kita sa mukha niya eh. Nilingon niya naman ako sa kinaroroonan ko kaya dali-dali kung ipinikit ang mata ko.
Sana di niya yun napansin.
" Hoy!! Wag ka ngang magpanggap na natutulog ka!-  inis na sabi niya at niyuyog-yog niya pa ako.
Pero pinandidigan ko talaga na natutulog ako para hindi niya ako asarin lalo.
" Ah---- ayaw mong gumising ah-  sabi naman niya sakin.
Ano namang gagawin niya sakin?, Iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko nalang na nasa ibabaw na siya sakin kaya dali-dali akong bumangon at nauntog ang nga ulo naming dalawa.
Aishh!!!
"Araayyy!!-  reklamo ko pa habang nakahawak ako sa ulo ko.
" Not my fault, ikaw kasi ayaw mong gumising-  sabi naman niya sakin. Habang nakahawak din siya sa ulo niya.
"Ano ba kasing gagawin mo? Sakit tuloy ng ulo ko hindi pa nga gumaling ang binti ko sa ulo ko na naman.. hook!! Ara---
" Talaga! Seryoso ka? Ako pa talaga ang may kasalanan ha-  taas boses na sabi niya sakin.
Umayus nalang ako sa pag-upo at napahinga nalang ako ng maluwag.
" Sorry-  saad ko naman habang nakatingin sa kaniya, umupo naman siya sa tabi ko at hinawakan niya yung kamay ko at tinititigan niya yun.
" Kasalanan ko rin naman talaga wag ka ng magsorry-  sabi naman ni Yves sakin, tinignan ko yung mga mata niya at nararamdaman ko yung lungkot niya. 
"A--Ayus ka lang? Mukhang madami kang iniisip-  sabi ko naman sa kaniya.
" Ipagpapatuloy mo ba ang pagtupad sa pangarap mo gayong nandito na naman ako?-  tanong niya naman sakin.
Siguro naisip niya yung sinabi sa kaniya ni Yexel kanina, hayss..
Hindi kaya gusto na niyang magkaroon kami ng sariling baby?
Omo!!! Hindi pa ako handa..
" Uhm... Yves sa totoo lang hindi ko rin alam sa ngayon-  sagot ko naman sa kaniya.
" Wag mo nalang ipagpatuloy magpakasal nalang tayo-  biglang sabi niya sakin na ikinabigla ko.
Nagkatitigan naman kaming dalawa at hindi ko naman alam ang isasagot ko sa alok niya sakin.
Bigla namang bumukas ang pintuan at sabay naman kaming napatingin sa may pintuan.
" Sorry! Nakadisturbo ba ako?-  sabi naman ni Sevi, binitawan ko naman ang kamay ni Yves at umayus ako sa sarili ko.
Tumuloy naman si Sevi dito sa loob at umupo dito sa sofa.
" I want to marry your sister, is it okay for you?-  biglang sabi ni Yves kay Sevi.
Pati ako ay nagulat rin sa sinabi niya kay Sevi at hindi ko naman siya napigilan kasi hindi siya nagpaalam sakin na sasabihin niya yun kay Sevi.
" Kung ako ang tatanongin wala namang problema sakin dahil nagugustohan naman kita para sa sister ko, just ask her if papayag ba siya -  sabi naman ni Sevi sa kaniya.
Napatingin silang dalawa sakin at naghihintay sila sa sagot ko.
Hindi ko talaga alam ang isasagot ko eh, talagang hindi ko alam.

Komento sa Aklat (152)

  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/02

      0
  • avatar
    hutahaean Official

    Sangat bagus

    10/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata