Chapter 38

~~~~~ ELY'S POV ~~~~~
"May tao-  biglang sabi ni Enrico at dali-dali niyang binuksan ang pintuan.
Kinakabahan naman ako dahil baka may nakakarinig at nakakaalam sa pinag-uusapan naming dalawa.
Oo siya ang nakahoodie kanina ang Kuya Enrico ko, hindi ko pa rin maintindihan bakit niya ba ito ginagawa kay Tiffany dahil wala.naman siyang sinabi.
" Mabilis siyang nawala-  saad naman ni Enrico atsaka sinara ulit ang pintuan.
Lumapit naman siya sakin at binalaan ulit ako.
" Ang nangyari sayo ay hindi ko kasalanan dahil ginusto mo yan, ano man ang nalaman mo itikom mo lang ang bibig mo dahil kung hindi sasaktan ko lalo si Tiffany -  pagbabanta niya sakin.
" Anong nasa isip mo at ginagawa mo to?-  galit na tanong ko sa kaniya.
Palakad-lakad naman siya sa harapan ko habang tumatawa siya.
Nag-iba na siya hindi na siya ang kakilala kung kuya ko, he is not my brother anymore.
" Well!! HAHAHA alam mo rin bang ako ang naglason sa artistang si MAUREEN?-  tanong niya sakin.
Hindi naman ako nakapagsalita at kinuyom ko ng palihim ang mga kamao ko.
Pano mo to nagawa!!!
" BAKIT!!! BAKITT MO GINAGAWA TO!!!-  galit na sigaw ko sa kaniya at biglang sumakit ang ulo ko, napahawak naman ako sa ulo ko habang galit akong nakatingin sa kaniya.
" Simple gusto kung mawala siya para si Tiffany ang mas sisikat sa kanilang dalawa-  sagot naman niya.
Ang gulo niya kausap dahil hindi ko pa rin gets bakit ngayon si Tiffany naman ang punterya niya.
" P--pero bakit ngayon si Tiffany naman ang sinasaktan mo!!! -  galit paring sabi ko sa kaniya.
Bigla naman niya akong hinawakan ng mahigpit at sa mga mata niya makikita mong galit na galit siya.
" DAHIL SAKIN LANG SIYA!!-  sagot niya habang may pang gigil sakin at mas hinigpitan niya ang paghawak sa balikat ko.
" What do you mean?-  nagugulohang tanong ko sa kaniya.
Napatawa naman siya atsaka ako binitawan.
" Wala sa inyo ni Yves ang karapat-dapat kay Tiffany dahil ako!!... Ako ang nararapat para sa kaniya-  sagot niya pa.
All this time pala may gusto din siya kay Tiffany!!
" No!! Hindi mo pwedeng diktahan kung sino ang nababagay para sa kaniya desisyon yun ni Tiffany kung sino ang nagpapasaya sa kaniya doon siya mas karapat-dapat-  sagot ko naman, tinignan niya naman ako ng masama at susugorin sana ako buti nalang ay may bumukas ng pintuan at nakita naming pumasik si Daddy , Yaenna  at si Arianne.
" Kuya Ely what happened? Are you feeling okay na ba?-  nag-alalang tanong sakin ni Yaenna.
" Y--Yes I'm okay-  sagot ko naman habang nakatingin ng masama kag Enrico, mukhang napansin naman kami ni daddy at kinausap niya kami.
" I guess the two of you are not-  sabi naman ni Daddy habang tinignan kaming dalawa.
" You are now here, I better go-  sagot naman ni Enrico at nagmamadali siyang lumakad paalis dito.
Napapikit naman ako at hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang napag-usapan namin kanina.
Dapat ko siyang pigilan dahil kapag mas lumalala pa mas lalo siyang gagawa ng masama kay Tiffany, hindi ko dapat siya hinayaan sa gusto niyang mangyari.
"Anong sabi ng doctor sayo?-  tanong naman ni Daddy sakin.
" Hindi ganon ka in danger ang buhay ko kaya makakasama niyo pa ako ng mas matagal pa-  walang respetong sagot ko.
Hinawakan naman ni Yaenna ang ulo ko kung saan may gause dun atsaka pinagmasdan niya ito ng mabuti.
" Bakit daw ganito ang nangyari sayo?-  tanong naman ni Yaenna sakin, inalayo ko naman ang ulo ko sa kaniya para hindi na niya mahawakan pa.
" Umalis na kayo gusto kung magpahinga ng mapayapa-  sagot ko naman.
" Nagdala kami ng dinner for you---
" Ilapag mo lang dyan sa mesa at umalis na kayo, siguro naman this time pagbibigyan niyo ako sa gusto ko-  sabi ko pa.
" ELY!!-  taas boses na saad ni daddy sakin pero umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.
" Ayus lang tara na baka napagod lang siya-  sabi naman ni Arianne kay  Daddy.
" THIS IS ENOUGH!! YOU KNEW ALREADY THAT ARIANNE IS MY WIFE NOW!! KAILAN NIYO BA SIYA RERESPETOHIN BILANG ASAWA KO?-  galit na sigaw sakin ni daddy. 
" Hon, ayus lang naiintindihan ko naman sige na kumalma kana -  pagpapakalma naman sa kaniya ni Arianne.
Kahit pa ilang beses namin siyang pinaramdam na hindi namin siya gusto, ganito pa rin ang nakukuha namin sa kaniya ang kabutihan niya.
" Get well soon Elias-  sabi naman ni Arianne sakin.
" Sana huli natong pagsasabihan kita Ely-  sabi naman ni Daddy at lumabas na sila dito sa kwarto ko.
Napapikit naman ako sa inis ko at napahawak na rin sa ulo ko.
Hindi ako pwedeng nandito dahil gagawa ng paraan si Enrico para makuha niya ang gusto niya, kapag nandito ako hindi ko siya mapipigilan.
Kailangan kung gumawa ng paraan para maging maayus ako.
( Tok, Tok ) 
Napamulat naman ako sa kumatok at nakita kung bumukas ang pintuan at pumasok sina Yves na tulak na tulak si Tiffang sa wheelchair kasama din nila si Kaius.
" Elyy thank god naabutan ka pa naming gising-  masayang sabi ni Tiffany sakin, ibang klase talaga ang ngiti niya at nawawala ang stress ko sa katawan.
Inilapit naman siya ni Yves sakin at pagtingin ko kay Yves nakatingin siya saking ng diretsahan na para bang may sasabihin siya sakin.
" sana nagpahinga ka nalang sa kwarto mo-  sabi ko naman kay Tiffany. Pero umiling naman siya at hinawakan niya yung ulo ko.
Napatingin naman ako kay Yves at dali-dali niyang iniwas ang tingin niya sakin, tsk! Hindi siya dapat nagseselos kasi alam ko naman kung saan ako lulugar.
" Masakit pa ba ang ulo mo?-  mangiyak-iyak na tanong sakin ni Tiffany. " Bakit mo naman ginawa yun? *Sob* -  naiyak na talagang sabi niya.
Hinawakan ko naman ang ulo ni Tiffany at ngumiti ako sa kaniya.
"Kung hindi ko yun gagawin pagsisihan ko yun habang buhay-  sagot ko naman sa kaniya. Umiyak naman siya ng umiyak sa harapan ko kaya pinunasan ko yung mga luha niya. " I'm fine now wag ka ng umiyak, baka mamaya niyan upakan pa ako ng boyfriend mo dahil iniiyakan mo ako- sabi ko naman at tinignan ulit si Yves at nagsmirk pa.
" Not gonna happen-  sagot  naman ni Yves sakin.
Talaga lang ha?  Pulang-pula na nga ilong niya at parang uusok na sa sobrang selos eh.
" Tiffany hawakan mo nga ang kamay ko-  pang-aasar ko naman para magalit si Yves.
" ANONG!! TUMIGIL KA NGA SA KAARTEHAN MO!-  galit na sabi ni Yves sakin.
" HAHAHAHAHA!! Patient ako dito igalang mo naman ako-  natatawang sabi ko sa kaniya, iniripan niya naman ako at napa crossarm.
"Igalang mo mukha mo! -  inis na sabi niya sakin kaya natawa ako.
Natawa naman pati si Tiffany sa reactions niya at doon pa ako tumigil at pinagmasdan ko si Tiffany.
Ang mga ngiting yan ang gusto kong makita araw-araw dahil yun ang nagbibigay ligaya sa puso ko ang mga ngiti niya.
" Arayy!!-  angal ko pa at napahawak ako sa braso ko, hinampas kasi ako ni Yves.
" Kung makatingin ka ah parang sayo -  sabi niya naman kaya natawa ulit ako.
" Wag kasing tumingin sa  pagmamay-ari ng iba-  pagpaparinig naman sakin ni Kaius.
" Ano ba kayo wag niyo ngang pagtulongan si Ely -  suway naman sa kanila ni Tiffany kaya mas ngumiti pa ako para asarin lalo si Yves.
" Wag niyo kasi akong awayin kita niyo nainis na rin yung bestfriend ko sa inyo-  pang-iinis ko pa.
" Bestfriend ha?-  sabi naman ni Yves.
" I know my place you should've to worry, I give up and I believe she belongs to you-  sabi ko naman kay Yves at doon nakita ko siyang naging confident ulit.
" Mabuti naman alam mo ang lugar mo -  sabat naman ni Kaius sa usapan namin.
Hindi na ako dapat pa makigulo sa relasyon nilang duha ang magagawa ko lang sa ngayon ay gawin ang responsibility ko as her bestfriend, I  failed to protect Maureen from my brother and this time I won't let him hurt her.
Nagkasiyahan lang kami dito ngayon at natigil lang yun kasi dumating yung ilang kasama sa set kanina including na dun yung director nila.
" Si--sir Ely nandito po si Direk para humingi ng tawad sa inyo-  sabi naman ni Manager Carla.
"Wala ba siyang mga bibig para ikaw ang magsalita para sa kaniya?-  sarkastikong tanong ko, hinawakan naman ni Tiffany ang braso ko para pakalmahin ako. " I already warned you that would be danger but you insisted look what happened now!-  galit namang saad ko.
"Ely calm down hindi maayus ang problema kapag galit ka-  mahinahong sabi sakin ni Tiffany. At lumingon ulit siya sa kanila. " Pasensya na po kayo Direk-  paghingi niya naman ng patawad dun sa director nila.
"My apologies mr. Rivera I promise I will pay your bills---
" Do I look like I can't afford?-  sarkastiko ko pa ring sabi sa kaniya. 
Napatingin naman si Yves at nagulat din siya sa nasabi ko, siguro iniisip niyang mabait ako kapag nandyan si Tiffany.
Ngayong nagpapakatotoo ako gaya ng sabi niya hindi ko na to pipigilan pa.
" Please all you can do is to leave in this room and never show me your faces ever again!!!-  galit na saad ko naman.
" Excuse me to interrupt but Ely needs to rest maybe next time nalang kayo dumalaw kapag ready na niya kayong makita at makausap, please baka ano pa mangyari sa kaniya-  sabi naman sa kanila ni Yves ng mahinahon.
Tinignan pa muna ako nung direktor nila atsaka nagdesisyong lumabas dito sa kwarto ko.
Napahawak naman ako sa ulo ko kasi na stress ako sa kanilang lahat.
" are you alright?-  tanong naman sakin ni Yves.
Tsk!!! Nag-alala ba siya sakin?
" Don't worry about me brother-   sagot ko naman sa kaniya na ikinagugulat niya pa.
Siguro hindi niya pa alam na mag step-brothers kaming dalawa.
" Woaahhh!!! HAHAHAHAHAHA!!! step brother huh!-  pang-aasar naman ni Kaius samin ni Yves at pinagpapalo-palo niya pa si Yves sa balikat nito.
" What d--do you mean?-  nagugulohang tanong ni Tiffany sakin.
" HAHAHAHA just kidding-  sabi ko naman, pero pagtingin ko kay Yves alam kung may gusto siyang sabihin sakin.
Para naman kaming nag-uusap sa mga mata naming dalawa at mamaya nalang kaming mag-uusap na kami lang.
~~~~~ YVES POV ~~~~~
Pinauna ko naman sina Kaius sa kwarto ni Tiffany at nagpaiwan ako dito sa loob para kausapin si Ely.
Umupo naman ako malapit sa kaniya at sumandal doon.
"Alam kung alam mo na, that my mom is your step-mom-  saad ko naman.
" Hindi ko nga rin alam kung bakit nagkataon pa talagang siya ang mapapangasawa ng daddy ko sa dami namang babae dyan-  sagot naman ni Ely kaya napatingin ako sa kaniya.
" Umalis yung mom ko when I was 10 years old iniwan niya kami ng kuya ko sa daddy at lolo ko-  sagot ko naman sa kaniya.
" My mom died when I was 8 years old at mabilis lang din niyang napalitan ang mommy ko to your mom, isang umaga nagulat nalang kami sa balitang may iba na si Daddy at yun ay ang mommy mo at ang mas ikinagugulat namin your mom was pregnant at that time -  sagot naman ni Ely, sa pakiwari ko hindi na ganon ang galit niya sa puso kumpara sakin na mas kinamumuhian ko ng husto ang mom ko.
"She's pregnant at that time? H--how!!
" Yes and our sister's name is Yaenna Reyes Rivera and she's 20 years old-  sagot naman ni Ely.
Nabuntis si mommy?
Hindi kaya yan ang reason kung bakit siya umalis sa bahay kasi buntis siya at hindi si Daddy ang ama?!
Kinuyom ko naman ang mga kamao ko at galit kung inisip ang lahat ng memories ko with mom.
I HATE HER SO MUCHHH?!!
" Alam kung galit ka we're in the same situation right now but don't let your anger eats you, Yaenna is a good girl pinalaki siya ng maayus ng mommy mo, actually gusto ka nga niya makita---
"I don't want to see her
Tumayo naman ako at lalabas na sana pero nagsalita pa siya kaya natigilan ako.
" Do everything to protect what's yours coz I believe in you starting today-  saad niya, taka naman akong tumingin sa kaniya na ngayon ay napaka seryoso ng mukha niya.
Naalala ko bigla ang narinig ko kanina mula sa kanila ng kiya niya buti nalang pala at hindi nila ako nahuli .
" why are you  telling me this? -  tanong ko sa kaniya. 
Napahinga naman siya ng malalim bago ako sinagot. 
" dahil alam kung mas malakas ka sakin, sana gawin mo ang lahat para ma protektahan mo ang mga taong mahal mo ng sa ganon wala na tayong bibisitahin sa lugar nato-  sagot naman niya sakin,  anong akala niya sakin?  Duwag kagaya niya?  Tss. 
" you don't  have to tell me about  it alam ko na naman ang gagawin ko pagdating sa bagay na yan , kaya mag-ingat nalang yung mga taong nagtatangkang saktan ang mga mahal dahil sa impyerno ang punta nila kapag ako ang kinalaban nila-  sabi ko naman , ramdam ko naman ang guilt ness  niya pagkasabi ko nun .
Dapat lang na may gawin ka rin Ely kapatid mo si Enrico at mas alam mo ang takbo ng utak niya , sana pigilan mo siya para hindi ko siya masaktan ng sobra. 
" magpagaling ka dyan hindi ako sanay na nakikita kang matamlay-  sabi ko naman sa kaniya at mahinang sinuntok ang braso niya. 
Natawa naman siya sa sinabi ko at natawa na rin ako sa kaniya. 
" protect  her of all your cost Yves -  huling sambit niya. 
"Ofcourse I will-  sagot ko naman.
Tumango naman siya sakin atsaka na ako nagpaalam na aalis na para puntahan si Tiffany. 
Mahirap man kalabanin ang sarili mong  kadugo pero mas mahirap ang magpanggap na wala kang alam at hinahayaan mo lang na may saktang tao ang kadugo mo. 
Sana ganon ka rin Ely gawin mo ang tama para sa ikakabuti ng lahat. 
Paglabas ko ng kwarto ni Ely nagkasalubong kami ni Enrico dito at tinignan niya ako diretsahan sa mata at ganon din ang ginawa ko sa kaniya. 
Ang pagkakataon nga naman HAHAHAHA!!!
" hindi ko alam na magkaibigan na pala kayo ng brother ko... mr. YVES DE GUZMAN-  sabi naman niya sakin.
" we decided to be friends for us to be happy, ikaw ba? Ganon din ba ang gagawin mo?-  tanong ko sa kaniya.
" why do you care to ask?
"Concerned lang naman ako sayo baka mamaya  niyan wala ka na palang friends na masasandalan sa araw ng kalugmokan-  sagot ko naman at talagang sinasadya ko talagang. Sabihin yun sa kaniya.
" actually!!.. Hmm.. Nag-alala nga ako kasi wala na... PINATAY KASI NG IBA DYAN - pagpaparinig niya naman sakin.
Paano niya nalamang ako ang nagpapatay kay Mr. VALDEZ? wala namang bakas para matukoy kung sinong nasa likod ng pagkamatay ng matandang yun ah.
" sa tingin ko deserve niya ang kamatayang nangyari sa kaniya kasi alam mo... Walang lugar sa mundo ang mga MURDERER NA KAGAYA NIYA!!-   galit na sabi ko at sa huli ay pinapatama ko rin sa kaniya.
Hinila naman niya ang collar ko ng mahigpit at tinignan ako ng masama.
" kung sa tingin mo matatalo mo ako nagkakamali ka!! Wala kang pagkakaiba ng brother mo pareho kayong mapagmataas sa inyong mga sarili---
"Bakitt!! Inggit na inggit ka na ba kaya mo to ginagawa ngayon?-  sabi ko pa para mas lalo siyang magalit.
"Kahit kailanman hindi ako nakaramdam ng inggit sa inyo!! KASI ANG TULAD NINYONG MGA MAYAYABANG NABABAGAY LAMANG NA BURAHIN SA MUNDO-  gigil na sabi niya at susuntokin na sana ako pero kaagad siyang pinigilan ni Yexel at hinawakan ng mahigpit ang braso nito.
" don't you ever hurt my brother -  sabi naman sa ni Yexel sa kaniya .
Ngayon lang niya ulit ginagawa to na ipagtanggol ako sa ibang tao.
" Yexel let him go-  sabi ng isang pamilyar na boses,  napalingon naman ako sa likuran nilang dalawa kasi nakaharang sila at hindi ng ako nagkamali sa iniisip ko dahil si Mommy ang nagsasalita at may kasama siyang isang lalaki at si...  YAENNA? 
hindi kaya!!! 
Siya ang sinasabi ni Ely na sister  namin?
" m---mom? -  takang tanong ni kuya sa kaniya at dahan-dahan niyang binitawan si Enrico.
"Mom? Are you calling her mom? -  hindi makapaniwalang tanong naman ni Enrico kay Yexel. 
" pumasok muna kayo sa loob masyado na kayong center of attraction dito -  sabi naman nung lalaking kasama niya. 
T---Teka namumukhaan ko siya,  dahil siya yung kaibigan noon  ni Daddy na nagpupuntahan sa amin noon. 
Siya ba ang husband ngayon ni mommy?
Pinapapasok naman nila kaming tatlo at nagulat din si Ely nung bigla kaming pumasok ulit sa kwarto niya.
" I told you to go home why didn't  you follow me!? -  galit namang saad ni Ely sa family niya.
Confirmed!!!  Siya nga ang husband  ngayon ni Mommy at ang new family  ni Mommy ay sila including Yaenna. 
" magandang pagkakataon to para magkakakilala kayong lahat,  especially  sa inyo Yexel at Ysmael-  sabi naman ni Mommy sa amin ni Kuya .
" tara na Yves we're  no longer connected  to that lady-  sabi naman sakin ni Yexel at hinawakan niya ang braso ko para hilahin ako paalis dun pero humarang yung husband ni Mommy sa pintuan dahilan para hindi kami tuluyang nakalabas. 
" let your mom explain to the both of you,  please Yexel -  paki-usap naman nung husband ni mommy samin ni Yexel.
Sa pagkakahawak ni Yexel sa braso ko masasabi ko talagang galit na galit din siya dahil ang higpit ng pagkahawak niya sakin.
" How could you say that after you stole my mom from my DAD!!!  DADDY TRUSTED YOU AND EVEN PROUD OF YOU AS HIS BESTFRIEND  BUT LOOK WHAT YOU DID!!!  YOU RUINED IT NOT ONLY  IN MY DAD'S HEART BUT ALSO IN OUR HEARTS !!! YOU DON'T  KNOW HOW PAINFUL IT WAS WHEN WE NEEDED HER AND IT REALLY  HURTS SEEING YOUR BROTHER  LOOKING FOR HIS MOTHER TO THE POINT THAT HE WAS KIDNAPPED!! -  Galit na saad ni Yexel sa kaniya at ganon na rin kay mommy. 
Tinignan ko naman si Mommy at sobrang nagulat siya sa sinabi ni Yexel at nagsimul na siyang maiyak habang tinatakpan niya ang bibig niya at tumitingin sakin. 
Hindi mo ako dapat kaawaan because  all this time kasalanan mo yun. 
" is it true my baby-----
" I AM NOT GONNA LET YOU TALK TO HIM AND TOUCH HIM , WE SURVIVE  TOGETHER  WITHOUT  YOU BECAUSE  IN OUR HEARTS YOUR 12 FEET DEEPER  ON THE GROUND!!! - sigaw sa galit ni Yexel kay mommy . Nakita ko namang umiiyak si Mommy sa harapan naming dalawa at yun ang ikinababagsak ng mga luha ko.
Dapat hindi ko na maramdamang maawa sa kaniya gaya ng ginaw niyang pag-iwan samin noon. 
" YE---YEXEL I---IM SORRYY I DIDN'T  KNOW,  I---IM SORRY-  nagmamakaawang sabi ni mommy kay Yexel at lalapitan na sana siya pero nagsalita pa si Yexel. 
" DON'T  YOU EVER STEP CLOSER TO US OR ELSE I WILL HURT YOU-  pagbabanta naman ni Yexel kay mommy.
" HAHAHAHAHAHAHA!!!  WHAT A NICE SCENARIO  -  saad naman ni Enrico pero walang nakinig sa kaniya. 
" MY SON'S PLEASE FO--FORGIVE ME---
( TT • TT ) 
" THIS IS ENOUGH!!! -  Sigaw ko habang galit na tumitingin kay  mommy.  " YOU WANT  OUR FORGIVENESS?  THEN DIE FIRST SO THAT WE WILL FORGIVE YOU-  sabi ko naman. 
" GANYAN NA BA KAYO KABASTOS!! -  galit na saad sa amin nung husband ni Mommy. 
" GAYA NG PAMBABASTOS MO SA PAMILYA NAMIN?  GANON BA! -  sarkastikong sabi ko naman sa kaniya.
Hinila naman ang collar ko ulit ni Enrico at idiniin niya yung mukha niya sakin. 
"Wag mong gaganyanin ang daddy ko!!  Ang mommy mo ang kusang sumama sa kaniya at hindi ang daddy ko ang pumilit----
" ako ang harapin mo-  hindi natapos ni Enrico ang sasabihin niya sakin sinuntok kaagad siya ni Yexel. 
Inawat ko naman si Yexel dahil sobrang galit na siya ngayon humarang ako sa kaniya para hindi na ulit niya masaktan si Enrico. 
" WAG NA WAG NIYONG SAKTAN ANG KAPATID KO!!  AKO MUNA ANG HARAPIN NIYO BAGO NIYO SIYA MAHAWAKAN!! -  sigaw niya naman sa galit. 
" tumabi ka dyan bago pa magdilim ang utak ko -  sabi ko naman sa husband ni mommy na nakaharang sa may pintuan. 
Tumabi naman siya at pinadaan niya kaming magkakapatid pero hindi pa kami nakalabas ay tinawag kami ni Yaenna.
" mga kuya-  nilingon ko naman siya at umiiyak na rin siya ngayon. 
Muntik ko ng malimutan siya pala ang nangloko kay Sevi dahil siya ang ex nito. 
" we're  not your brothers yan ang isaksak mo dyan sa utak mo-  saad ko naman at tuluyan na kaming lumabas ni Kuya dito .
" ayus ka lang? -  nag-alalang tanong sakin ni Yexel habang hinahawakan niya yung mukha ko. 
" Yeah I'm  always fine how about  you? -  tanong ko naman sa kaniya. 
" hindi ako okay ngayon,  but I'll  be better later .. Yves wag ka ng ulit lumapit sa pamilyang yun dahil hindi sila mabubuting tao -  sabi naman sakin ni Yexel. 
Tumango nalang ako at sabay kaming naglakad dito sa hallway. 
Hindi ko alam na mas nasasaktan ko pala ang kuya ko nung na kidnapped  ako pero hindi niya lang yun pinapahalata na nag-alala siya sakin sa halip ay pinatatag niya ang puso ko at tuluyan ko ngang nalimutang wala na akong mommy. 
Thank you kuya and I'm  sorry for hurting you all this time. 
I promise I would  be better  brother of yours.

Komento sa Aklat (152)

  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/02

      0
  • avatar
    hutahaean Official

    Sangat bagus

    10/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata