Chapter 37

~~~~ ELY'S POV ~~~~
Kilala ko ang lalaking naka hoodie kanina dahil nakita ko ang mukha niya, hindi ako makapaniwalang siya ang nagtatangkang patayin si Tiffany.
Nandito pa rin ako ngayon sa set na pinagsho-shootingan nina Tiffany at pinanood ko siya dito sa backstage.
Hindi pa rin ako mapakali ngayon dahil nasa isipan ko pa rin ang nangyari kanina.
Napakuyom ang mga kamao ko habang inaalala ko pa rin ang mukha niya.
Bakit niya nagawa ang bagay na to?
Akala ko hindi niya sasaktan si Tiffany peroo... Bakit!!!
Ibinalik ko ang tingin ko kay Tiffany na busy sa pagte-take ng part niya, nagulat naman ako kasi bakit may pa take pa sila na nasa itaas si Tiffany, takot siya sa matataas na lugar.
"Stay Calm Tiffany wag kang magalaw -  sabi naman ng director nila kaya dali-dali ko siyang nilapitan.
" Do not include this part she has a fear of heights -   galit namang sabi ko dito sa direktor nila.
" Wala namang mangyayari kung hindi ka lang magpapadala sa pag-alala----
I grab he's collar pero dali-dali din nila akong inalayo dun sa direkto nila at inayus niya ang kwelyo niya.
" Kapag mangyari sa kaniya hindi kita mapapatawad tandaan mo yan!!-  sigaw ko dun sa direktor.
Galit siyang nakatingin sakin ngayon at bigla nalang akong itinawag ni Tiffany.
"Ayus lang ako Ely hindi naman masyadong malayo to, kaya ayus lang ako-  sabi naman ni Tiffany dahilan para lingonin ko siya.
" Ayus lang naman pala siya -  sagot naman ni Direk at nilingon pa ako. " Let's retake-  saad naman nung direktor at umayus ng upo.
Kapag may mangyari kay Tiffany humanda kayong lahat sakin, siguradohin niyo lang na maayus ang lahat kung hindi!! Magbabayad kayo!!
Tinignan ko si Tiffany at sa kaniya lang ang focus ko ngayon at kinakabahan din ako baka kung ano ng mangyari sa kaniya dyan sa itaas.
Tinignan ko naman ang mga nakasabit sa kaniya para susuporta sa kaniya sa itaas at bigla akong kinakabahan ng malakas, hindi maganda ang kutob ko para sa gagawin nila.
Sana lang talaga hindi magkakatotoo ang kutob dahil hinding-hindi ko sila PAPATAWARING LAHAT!!!
maayus namang nagawa ni Tiffany at dahan-dahan na siyang ibaba galing sa taas kaya medyo napanatag ang loob ko at tinignan ko yung direktor nila na kanina pa pala nakatingin sakin ngayon.
Sa tingin niya palang pinagmamalaki na niya ang successful na ginawa nila.
Tsk!!
"Oh!! No!!-  biglang saad ni Tiffany.
Napatingin naman ulit ako sa kaniya at hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nakababa galing sa taas. Nakita ko naman yung mga nakasupporta sa kaniyang katawan na medyo kumakawala na sa kapit yung isang tali kaya nagmamadali akong tumakbo para punatahan siya.
"TIFFANY-  rinig kung sabi ng mga nandito.
Nasalo ko naman si Tiffany at sabay kaming bumagsak sa sahig dahilan upang sumakit ang braso ko ng husto.
hindi ko naman iniinda ang sakit at may isa pang hindi ko inaasahang mangyari dahil may humagsak na bakal papunta saming dalawa habang walang kamalay-malay si Tiffany dun.
Dali-dali kung hinarang ang sarili ko sa kaniya at sakin nga bumagsak ang bakal na yun at tumama sa ulo ko.
~~~~~ TIFFANY'S POV ~~~~~
" ELYYY!!!! GUMISING KA! ELYY!!-  sabi ko pa.
Nakaibabaw siya sakin habang tumutulo na rin yung dugo galing sa ulo niya sa damit ko.
Kinuha nila yung bakal na tumama sa ulo ni Ely at pinagtulongan nila itong buhatin.
Hindi ko din maigalawang mga paa ko ngayon at hindi ko alam kung bakit.
" Can you stand up?-  nag-alalang tanong sakin ni Sehun pero umiling lang ako habang umiiyak pa rin.
" Okay I got you-  sagot naman niya at binuhat niya ako.
Mabilis namang dumating ang ambulance atsaka ako dinala ni Sehun palabas dito upang isakay din sa ambulance kasama ni Ely.
He is really a true bestfriend of mine because he'll do everything to protect me even though he's life is in return of it.
Habang nasa loob kami ng ambulance nakahiga ako sa kabila habang sa kabila naman si Ely at dugoan pa rin ang ulo niya.
Natatakot ako!
Na--natatakot ako na baka mawala siya katulad ni Maureen, natatakot akong mawala lahat ng mga malalapit na kaibigan ko sakin.
" Elyy-  umiiyak pa ring saad ko.
Hindi ito ang gusto ko, ang dahilan kung bakit ko siya gustong makita at makausap ngayon ay dahil gusto kung  ibahagi sa kaniya ang masayang nangyari sa buhay ko, I'm sure he's gonna be happy too because that's what he said to me long time ago.
At hindi sa ganito ang paroroonan ang lahat.
Ely please wag kang mamatay wag mo akong iwan.
PLEASE!!
Pagdating namin sa Hospital ay kaagad nilang inilabas si Ely habang ako naman ay sinubukan kung igalaw ang mga paa ko pero sobrang sakit talaga, tinulungan naman ako nung nurse at pinababa niya ako at pinaupo sa wheelchair.
"Anong nangyari?-  nag-alalang tanong ni Yves na kararating lang din dito. Pagkakita ko sa kaniya ay doon ako mas umiyak.  " Hi--Hindi sana  to mangyayari kung hindi ako iniligtas -  umiiyak na sabi ko.
Nilapitan naman ako ni Yves at niyakap niya ako kahit nasa harapan kami ng hospital nila.
"It's fine maging okay si Ely-  sagot naman niya sakin pero hindi pa rin yun sapat para maging okay na ako.
Kasalanan ko to eh!! Kung hindi ko sana ipinilit ang sarili ko at sinunod nalang si Ely hindi sana mangayayari to ngayon.
Tinulangan naman ni Kaius yung mga nurse na nagbubuhat kay Ely ngayon papasok sa loob ng hospital at habang ako naman ay itinutulak ni Yves papasok sa loob.
Maraming mga taong nagtataka dahil nandito ako ngayon sa hospital at halos sila ay nagtaka at yung iba naman ay pinag-uusapan nila ako.
" Ng dahil na naman sa kaniya mawawalan ulit siya ng kaibigan, napakamalas niya talaga-  rinig kung sabi saking ng isang matandang babae.
Tama nga siya, napakamalas kung tao siguro hindi ako bagay na magkaroon ng kaibigan kasi ng dahil sakin... Ng dahil sa katangahan ko nawawala sila sakin.
" Don't mind them tandaan mong wala kang kasalanan sa lahat at napatunayan ko na yun-  sabi naman sakin ni Yves para pagaanin ang loob ko.
Napayuko naman ako at umiyak habang patuloy pa rin akong itinutulak ni Yves kasunod ni Ely.
Ely please don't give up wag mo akong iiwan. Please...
Nawala si Maureen kasabay ng career ko iniwan  ako ni daddy at pati ba naman ikaw iiwan din ako?
( TT • TT )
Tapos na akong matignan ng doctor at nilagyang lang nila gause yung binti ko dahil may fracture ako dun.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali dahil nasa OR pa rin si Ely ngayon. Kinakabahan ako at umiiyak na rin at the same time.
Kasalanan ko talaga to lahat!!.
" Tiffany-  tawag sakin ni Yves na  kararating lang niya dito.
"Pinunatahan mo ba si Ely? Kumusta na siya? Okay lang ba siya? -  sunod-sunod na tanong ko pa kay Yves dahil sa taranta ko.
Lumapit naman siya sakin para pakalmahin ako atsaka ako niyakap ng mahigpit.
" He's fine now don't worry-  sabi niya naman sakin kaya niyakap ko din siya ng mahigpit habang umiiyak ako sa balikat niya. 
" Elyyy-  sambit ko naman habang umiiyak pa rin.
Hinahagod-hagod ni Yves yung likuran ko para patahanin niya ako pero sadyang hindi talaga tumitigil ang mga luha ko.
" Tiffany -  rinig kung tawag sakin ni Sevi, humiwalay naman ako sa pagyakap kay Yves at doon pa lumapit si Sevi sakin.  " What happened?-  nag-aalalang tanong sakin ni Sevi.
Tumabi naman muna si Yves at tumayo sa tabi ko.
" Si..... E---Ely * sob *  -  sabi ko naman kay Sevi habang umiiyak pa rin ako, lumapit naman siya sakin at niyakap niya ako para damayan ako.
Ngayon lang ulit ako ginanito ni Sevi dahil usually kasi si Dad yung nagco-comfort sakin.
" Tinawagan ko na yung family ni Ely at sabi nila papunta na sila dito ngayon- singit naman ni Kaius sa eksena namin.
" Ano ba talagang nangyari sa kanila? - tanong naman ni Sevi at umayus siya ng tayo nung humiwalay siya sa pagyakap sakin.
" bakit parang galit ka?-  tanong naman sa kaniya ni Kaius kaya dali-daling pumagitna si Yves sa kanilang dalawa at inawat si Kaius.
" Not this time Kaius -  suway naman sa kaniya ni Yves atsaka humingi ng pasensya kay Sevi. "I'm sorry for that- paghingi niya ng sorry kay sevi.
"Ayus lang-  sagot naman ni Sevi kay Yves atsaka siya tumingin kay Kaius.
Magkaaway ba mga to?
" So what Happened?-  mahinahong tanong ni Sevi sa kanila.
" We also don't know what happend, we're about to go there to visit your sister but it turns out that we've seen an ambulance there and inside of it, is your sister and also Ely they are both lying on the stretcher, and we decided to follow them from here-  sagot naman ni Yves kay Sevi.
Nilingon naman ako ni Sevi at ako nalang ang tinanong niya.
" What Happened?-  tanong niya sakin.
" Ka--Kaninang umaga tinawagan ko si Ely na puntahan ako dun sa set para sana ibalita sa kaniyang sobrang saya ko ngayon, tapos nun pumayag naman siyang makipagkita sakin at bago siya makarating dun habang busy ang lahat sa pag-iinom ng coffee na ipinadala ni Yves para sa aming lahat naisipan kung pumasok sa loob upang kunin ang cellphone ko at pasalamatan si Yves sa ginawa niya. Habang nasa loob kami at kasama ko si Sehun dun may isang lalaking armadong nakahoodie at may hawak siyang kutsilyo atsaka tinakot-takot niya pa kaming dalawa ni Sehun para patayin niya at buti nalang din at dumating dun si Ely para mahuli siya... Pero hindi namin siya nahuli at nakatakas siya ng ganon ka bilis dahil narinig niyang nandoon na rin sa loob yung iba---
" Namukhaan niyo ba ang taong nagtangka sa inyo?-  tanong naman ni Kaius sakin pero umiling lang ako.
" Mukhang si Ely nakita niya ang mukha ng lalaking yun -  sagot ko naman.
"Kung yun lang ang nangyari bakit kayo humantong sa ganito?-  nagugulohang tanong ni Yves sakin.
" Kanina habang nagte-taping kami sinabihan ni Ely ang direktor namin na wag ipagawa sakin ang pagpunta ko sa itaas dahil alam niyang takot ako dun pero ginawa ko pa rin kasi nafe-feel ko namang walang problema kung haharapin ko yung fearness ko pero... Nung ibaba na nila ako biglang natanggal yung nakasupporta sakin sa itaas kaya dali-dali akong sinalo ni Ely at sabay kaming nahulog sa sahig atsaka dun ko na nafeel na nanghihina ang mga paa ko at biglang nalang na pumaibabaw sakin si Ely at doon ko nalang napansin na pinotrektahan lang niya ako sa pabagsak na bakal na sana sakin tatama-  sagot ko naman.
Hindi naman kaagad sila nakapagsalita kaya nafefeel ko ulit na kasalanan ko nga ang nangyari.
" K---KASALANAN KO TO LAHAT!!! HUHUHU KUNG HINDI LANG DAHIL SAKIN HINDI SANA SIYA NANDITO NGAYON -  malakas na pag-iyak ko pa.
Niyakap naman ako ulit ni Sevi ng napakahigpit at doon ako mas umiiyak sa shoulders niya.
Kasalanan ko to lahat!!!
~~~~~ YVES POV ~~~~~
I didn't expected that Ely would sacrifice he's safety for her, but it doesn't mean that Tiffany would be blame after what he did.
Everyone on that place knew what happend and they knew that Tiffany is not the one to blame.
Habang nakikita ko siyanh umiiyak ngayon parang kinukurot ang puso ko dahil hindi ko man lang nagawa ang responsibility ko bilang boyfriend niya at pangako ko sa daddy niyang po-protektahan ko siya.
Kung hindi lang ako sobrang nag-alala sa kaniya at pinadalhan ko pa sila ng coffee dun edi sana hindi mangyari ang ganito.
Sa sinasabi ni Tiffany kanina may lalaking nakahoodie at pinagtangkaan ang buhay nila hindi man ito nahuli ni Ely pero sure ako na nandun pa rin siya sa lugar na yun at naghahanap siya ng tyempo para saktan si Tiffany pero si Ely ang sumugal para hindi nito masaktan si Tiffany.
" Kaius -  sambit ko naman sa pangalan ni Kaius na kaagad akong hinarap.
"Boss-  sagot naman niya.
"Maghanda ka ng security guards upang bantayan ang bawat sulok ng Hospital na ito, right now!-  utos ko naman sa kaniya.
"Y--Yes boss -  sagot naman niya atsaka lumabas sa kwartong ito.
Hindi ko man naggampanan ang role ko bilang boyfriend mo hayaan mong gawin ko ito para sa inyo ni Ely.
Hindi natin alam kung kailan babalik ang taong yun para takotin ka ulit kaya hangga't maaga pa paghahandaan natin sila.
Wag kang matakot Tiffang dahil nandito lang ako para sayo handa akong maging shield mo sa kahit na anong bagay tulad ng ginawang pagsasakripisyo ni Ely sayo.
Lumabas na muna ako sa kwarto ni Tiffany dahil hindi ko kayang makita siyang umiiyak ngayon dahil kay Ely pakiramdam ko talaga wala akong kwentang boyfriend sa kaniya.
Umupo ako dito sa gilid at sumandal sa pader habang pinagpo-pokpok ko ang ulo ko sa pader na sinasandalan ko.
" I'm useless!!  Sambit ko habang nakapikit.
" If you think that you are? Then your probably wrong-  biglang saad ni Sevi napamulat naman ko at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. " She's fine at leg lang yung problema sa kaniya unless kay Ely na sa ulo talaga niya tumama ang bakal na sinasabi niya kanina - sagot naman ni Sevi at tumabi sakin dito sa pag-upo.
Napahinga naman ako ng malalim atsaka siya sinagot sa sinabi niya.
" Masakit pala talaga kapag nakikita mo yung taong mahal mo t umiiyak dahil sa taong nagligtas sa kaniya-   sabi ko naman kay Sevi habang nakatulala ngayon.
" Wala kang dapat ikabahala alam ni Tiffany kung anong lugar ni Ely sa buhay niya, kung nagseselos ka kay Ely I'm sure ganon din ang nararamdaman ni Ely kapag nakikita niya kayong masayang magkasama-  sagot naman ni Sevi dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
" Tama ka hindi ko dapat iniisip to ngayon -  sagot ko naman sa kaniya, ngumiti naman siya ng bahagya sakin at inakbayan ako.
" Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ely ngayon I'm sure ganyan din ang pag-iyak ni Tiffany sayo, tsk! stop your  jealousy baka isipin ko na niyang mahina pala ang bayaw ko-  sabi naman niya kaya napasmirk nalang ako dahil dun.
Binawi naman niya ang kamay niya at  nilagay sa dalawa niyang paa, pagtingin ko sa kaniya bigla siyang nalungkot.
Naalala ko naman ang nangyari sa kahapon at sa ikinuwento din ni Astrid sakin kahapon tungkol sa nangyari sa kaniya.
" You're not okay too, am I right?-  tanong ko naman sa kaniya, doon naman siya sumandal sa pader na inuupuan namin at napabuntong hininga.
" Kailangan kong maging okay para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao I maybe not look okay now but later I'll be better -  sagot naman niya sakin.
" you're being selfish again, Sevi it's better to share your problems than to hide it -  sabi ko naman sa kaniya .
" I'll be better don't worry, you take care of her inside pupuntahan ko lang si Ely-  sabi naman ni Sevi sakin atsaka siya tumayo.
"Okay-  sagot ko naman sa kaniya, lumakad naman siya palayo sakin kaya napabuntong hininga ulit ako at ikinalma ang sarili ko bago ako tumayo para pumasok sa loob ng kwarto ni Tiffany.
Binuksan ko yung pintuan at nakita ko siyang nakahiga at nakatulala sa ceiling, nung mapansin niya akong nandito ay nagsimula ulit siyang maluha.
" why is she being like that- bulong ko naman sa sarili ko atsaka pumasok sa loob at sinara yung pintuan.
Nilapitan ko naman siya at tinignan lang siya ngayon habang siya naman ay nagsimula ng umiyak.
Napabuntong hininga nalang ako at pumikit, baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at mapagalitan ko siya kaya ikinalma ko nalang muna ang sarili ko at isinintabi ang galit ko.
" Masakit pa ba ang mga paa mo?-  tanong ko nalang sa kaniya.
" Oo-  sagot naman niya sakin at hinawakan niya ang mga kamay ko. " Ayaw kung mawalan ulit ng kaibigan n---natatakot akong baka maulit yung nangyari kay Maureen... A--Ayaw ko na ng ganon-  umiiyak na sabi niya sakin.
" Hindi mangyayari yan magtiwala ka lang kay Ely at kakayanin niya to, siya pa ba? Malakas kaya yun-  pampagaang loob na sabi ko kay Tiffany.
" Sana nga makayanan niya yun- sagot naman niya sakin.
Tumabi naman ako kay Tiffany at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya para din maramdaman niyang nandito ako para sa kaniya.
"Sabi ng surgeon niya hindi naman daw gaano ka delikado ang damage sa ulo niya at baka mamaya daw ay  gigising na siya-  sagot ko naman kay Tiffany at biglang lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.
" really?-  tanong niya sakin at tumango naman ako.
" Magpahinga ka muna para pag gising mo baka gising na rin si Ely sabay nating dalawin siya sa room niya-  sabi ko naman kay Tiffany.
Sinunod naman niya ako at nakaguhit sa mukha niya ang masaya niyang mukha, ang sakit pala. Ngayon naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Ely kapag ako ang pinipili ni Tiffany sa aming dalawa.
Tama si Sevi hindi ako dapat magselos dahil alam ni Tiffany kung sino ang boyfriend niya at ang taong mahal niya.
Kaya kalma ka lang Yves ayus lang yan.
Pagbigyan mo muna si Ely dahil sa magandang ginawa niya, you must be thankful to him because he saved Tiffany's Life.
Magkahawak kamay pa rin kaming dalawan ni Tiffany ngayon habang pinapatulog ko siya para manumbalik ang lakas niya.
Kung sino man ang gumawa nito humanda siya sakin hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kila Ely at Tiffany.
HUMANDA SIYA SAKIN!!!
( FAST FORWARD )
" Yves nagising na raw si Ely-  balita sakin ni Kaius, napatingin naman ako sa tabi ko at natutulog pa rin si Tiffany ngayon.
" Bantayan mo muna si Tiffany pupuntahan ko lang siya-  sabi ko naman kay Kaius at pumayag naman siya.
Dahan-dahan kung binitawan ang kamay ni Tiffany at nilagay yun sa gilid niya atsaka ako lumakad palabas sa kwartong ito para puntahan si Ely sa room niya.
Sana masagot mo ang katanongan ko sayo Ely ng sa ganon ay malaman ko ng mas mabilis kung sinong may gawa nito.
Pagdating ko sa room 302 ang room kung saan nandun si Ely ay hindi pa muna ako pumasok at ikinalma ko pa muna ang sarili ko saka ako nagdesisyong hawakan ang door knob at bubuksan na sana pero may narinig akong mga boses sa loob kaya inilapit ko ang tenga ko dun at nakinig.
" How could you do such things to her?-  galit na tanong ni Ely sa kausap niya dun sa loob.
" Wala ka na ron, kung ano man ang nakita mo kanina kalimutan mo na kung ayaw mong kakalimutan din kita bilang... Brother ko-  sagot naman nung kausap niya.
Nagulat naman ako sa narinig ko ngayon dahil ang kausap ni Ely ay yung brother niya which is si Enrico.
" I won't let you hurt her, ako muna ang makakalaban mo before her! You know how much I love her so I'm gonna do my best to protect her kahit ikakasama mo pa yun - galit namang sabi ni Ely sa loob.
Ah!! So he already know that he's brother  hurts Tiffany and even threatened her.
" You can't bet me Elias and you knew already what I can do, If you are going to stop me I will forget that you are my brother-  sabi sa kaniya ni Enrico.
Pagkatapos kung marinig yun ay bumalik ako sa kwarto ni Tiffany at hindi pa rin siya gising.
Ikaw pala ang gumawa nito sa kanila!!! Tsk!! Kung si Ely matatakot mo pwes!!! Ako hindi mo ako matatakot.

Komento sa Aklat (152)

  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)

    19/01/2022

      1
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/02

      0
  • avatar
    hutahaean Official

    Sangat bagus

    10/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata