Homepage/Protected By A Mafia Boss/
Chapter 36
~~~~ ELY'S POV ~~~~
Napaisip ako sa sinabi ni Yves at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa labas ng condo niya dahil sa sinabi niya sakin kanina.
" If you don't accept us please respect us - sabi ni Yves. "
Urghhh!!! Ang sakit ng ulo ko!!!
Pero sa bagay tama nga naman si Yves sa sinabi niya alam kung gusto ni Tiffany na magkaayus na kaming dalawa ni Yves at kakasabi lang kanina ni Yves na makikiipag-ayus siya sakin para maging masaya si Tiffany.
Ang hirap ng ganito!! Haystt!! Bakit ps ba kasi ako nasasaktan ng ganito kahit alam ko na namang hindi na ako at talagang hindi ako ang pipiliin sa huli.
Bigla namang pumasok sa isipan ko ulit ang mga sinabi pa ni Yves kanina at nasagi sa isipan ko kung paano ko nakilala si Arriane yung step mom ko.
( Flasbacks )
I was 10 years old when Daddy finally introduce his new bride to be and as his son we don't accept it directly.
" Dad you can't change mommy that fast- galit na sabi ni Kuya kay Daddy.
" wag mo akong simulan Enrico whether you like it or not she's gonna be your new mother, because she is pregnat to our baby- sagot ni Daddy na mas lalong ikinagagalit ni Enrico.
Sa mga panahong iyon hindi galit din ako pero ayaw kung sumali sa away nila dahil nakakasawa na rin ang bangayang ganyan kaya nakikinig at nanunuod nalang ako kesa ang sumali sa gulo nila.
" Ely anak you said you want a sister right?--- sabi naman sakin ni Daddy pero ang sumagot naman sa kaniya ay si Enrico.
" WE WANT A SISTER COMING FROM OUR BIOLOGICAL MOTHER AND NOT ON THAT GIRL YOU BRI--
Hindi natapos ni Enrico ang sasabihin niya kasi kaagad siyang sinampal ng napakalakas ni Daddy at doon pa ako gumalaw sa kinatatayuan ko at niyakap si Enrico para harangan siya.
"NAPAKABASTOS MONG BATA!!- sigaw sa kaniya ni Daddy.
"Tama na yan bata lang siya at hindi niya pa alam ang mga sinasbi ng bibig niya- awat naman nung babae ni Daddy sa kaniya.
Tinignan ko ulit ang babaeng ito at ang masasabi ko lang, sayang! Sayang dahil napunta siya sa pamilyang walang kasingsama.
Napuno ng masasamang pag-uugali ang pamilyang kinalalakihan ko kaya lumaki ring ganyan ka bastos si Enrico ngayon.
"ALAM MO SAYANG KA!! ANG SAYANG-SAYANG MO PARA MAPUNTA SA DADDY KO! ALAM MO KUNG BAKIT?- galit na sabi ni Enrico dun sa babae.
"Stop this bullsh*t Enrico!!- matigas na saad ni Daddy kay kuya.
" SAYANG KA KASI SA KANIYA KA PA TALAGA NAPUNTA!! ALAM MO HINDI KA NABABAGAY SA MUNDONG MERON KAMI MASYADO KANG MAHINA PARA DITO KAYA KUNG AKO SAYO HANGGAT MAAGA PA UMALIS KA NALANG AT WAG MO NG PAKAPALAN PA ANG MUKHA MO - sagot naman ni Enrico sa kaniya.
"TALAGANG!!
sasampalin na sana si kuya ulit ni Daddy pero doon na ako sumigaw.
" PLEASE STOP IT!! - sigaw ko naman
Nahinto naman sila atsaka nag walk-out si Enrico dito.
" dad don't expect me to accept her directly please give us a time to think- mahinahong sabi ko bago ko sinundan ang kuya ko.
( End of flashbacks )
Si Yves at si Arriane related kaya silang dalawa? Hindi kaya siya yung mommy ni Yves.
I need to know the truth.
Lumakad naman ako para pumasok sa elevator at makauwi na samin.
( Fast forward )
Pagkarating ko samin ay wala ng maingay at nakapatay na yung ilaw ibig sabihin tulog na sila.
Pumasok naman ako sa loob at dumiretso nalang ako sa kwarto ko para bukas ko nalang tatanongin si Arriane about this one.
( Kinabukasan )
Nagising naman ako dahil sa ingay ng cellphone ko at sumabay pa ang sakit ng ulo ko. Hang-over siguro to kagabi.
Bumangon namana ko at napahawak sa ulo ko atsaka hinahanap ko rin ang cellphone ko gamit ang mga mata ko nung makita ko na yung cellphone ko na nakalagay sa gilid ng kama ko ay kinuha ko naman yun at sinagot ang tawag ni Tiffany.
" Hello.
" Did I wake you? - tanong niya sakin kaagad.
Paano niya nalamang kakagising ko lang?
" No HAHA - Sagot ko naman. " napatawag ka?- tanong ko naman sa kaniya.
" Namiss ko lang yung bestfriend ko - sagot niya naman na nakapagpatigil sakin.
Hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sakin at wala ng mas hihigit pa dun.
I felt sorry for myself.
" Do you want to see me?- tanong ko naman sa kaniya, this time gagawin ko na yung tama para maging fully happy na talaga siya.
" Kung free ka aba'y oo naman gusto kitang makita- sagot niya naman sakin.
"Sige pupuntahan kita dyan- sagot ko naman sa kaniya na sobrang ikinatuwa niya.
" See you Elyy- masayang sabi niya atsaka na ako binabaan ng cellphone.
Hays, ang sakit pa rin ng pakiramdam ko pati na rin yung puso ko, kaya hangga't maaga pa puputolin ko na to at maging masaya nalang para sa kaniya.
Tumayo naman ako para maligo para din maalis yung amoy alak ko sa katawan.
Habang nasa loob na ako ng banyo hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi yung mga sinabi ni Yves sakin kagabi.
Binilisan ko yung pagliligo ko atsaka nagbihis na pagkatapos.
Lumabas naman ako sa kwarto ko nung matapos na ako atsaka na bumaba para kumain ng almusal.
" Glad you join us for breakfast- sabi naman ni Daddy .
Napatingin naman sina Arriane at si Yaenna sakin at bakas rin sa nga mukha nila ang saya nung makita ako.
" I'm sorry for not attending to our dinner last night- paghingi ko agad ng sorry sa kanila.
"Ayus lang kuya sige na umupo kana- sabi naman ni Yaenna sakin.
Ngumiti naman ako ng sapilitan sa kaniya atsaka na umupo sa tabi niya. pagkaupo ko nahagip agad ng mga mata ko si Arriane na nakatingin lang sakin mula kanina pa.
Bigla kung naalala yung dahilan kung bakit ako dito umuwi ngayon ay para tanongin siya about kay Yves.
" Kuya Ely can we go shopping together?- sabi sakin ni Yaenna.
"Next time nalang may pupuntahan pa kasi ako- sagot ko naman sa kaniya at nagsimula ng kumain.
Hindi kami gaano ka close dalawa even Enrico hindi rin kaya I felt pity for her kasi itinatrato namin siya ng ganito even though she is our sister.
" Ely kumusta ang pagpapatakbo mo sa business natin?- tanong naman ni Daddy sakin kaya napatingin naman ako sa kaniya ngayon.
"I handled it well dad don't worry- sagot ko naman sa kaniya.
" Good - sagot naman ni Daddy sakin at humigop na siya ng coffee niya.
Napatingin ulit ako kay Arriane na kumakain na ngayon ng tahimik.
"Uhm--- you mentioned that you have a two sons---
"Ely ang aga-aga yan kaagad ibinungad mo- suway sakin ni Daddy pero hindi ko siya pinakinggan.
I want to know the answer through her.
"I have two more brothers? - gulat na tanong naman ni Yaenna.
" It's okay honey, - sabi naman ni Arriane kay Daddy at napasmirk nalang ako sa sinabi niya. " Bakit mo nga pala nabanggit ulit yan, Ely?- tanong naman sakin ni Arriane.
" I think I know one of them, it's Yves Celeste De Guzman , Am I right?- tanong ko naman sa kaniya.
" Yes he is - sagot naman ni Arriane.
I knew it! Hindi nga ako nagkamali siya nga ang mommy ni Yves. Sa laki ng mundo bakit siya pa nahing wife ng daddy ko.
At sa laki ng mundo bakit siya pa ng naging mommy ng hambog na Yves na yun.
" Yves?- taka namang tanong ni Yaenna dahilan para mapatingin ako sa kaniya, sa reaction niyang yan parang kilala niya rin si Yves.
" Why? Do you know him too?- tanong ko naman sa kaniya.
" Maybe I know him If I was not mistaken- sagot naman ni Yaenna.
Nagkakilala na din sila ni Yves? Ho--How come?
" Do you want to see him, don't you?- tanong naman ni Daddy kay Yaenna.
" Can I dad?- tanong naman ni Yaenna kay Daddy.
" Of course you can he is your brother from your mother side so why not meeting him- sagot naman ni Daddy sa kaniya na ikinatutuwa ni Yaena atsaka siya tumayo para yakapin si Daddy.
Napairap nalang ako at nakita yun ni Arriane, sa tingin palang niya sakin mukhang alam na niyang hindi kami magkasundo ng son niya.
~~~~ TIFFANY'S POV ~~~~
Nasa set na naman ako ngayon at lahat ng mga casts sa movie na gagawin namin ay tudo bigay ng best nila at syempre ako din dahil inspired tayo eh.
" 20 minutes break muna kayo- sabi naman ni Direk samin nung matapos na yung ang huling eksena.
Lumapit naman ako kay manager Cars at binigyan niya ako ng tubig atsaka naman ako tumabi sa kaniya sa pag-upo.
"Napaka ganado mo naman today girl, anyare ba?- tanong niya pa sakin at napangiti naman ako sa tanong niya sakin.
" Yung taong hinahanap ko mula noon nahanap ko na kasi ngayon- nakangiting sabi ko naman.
" Sino? - interesadong tanong niya naman sakin.
Sasagot na sana ako pero biglang may sumigaw mula sa labas.
" May coffee truck sa labas galing kay Mr. De Guzman- sigaw naman ng isang boses lalaki mula sa labas.
What? De Guzman? Galing yan kay Yves?
Napatayo naman ako at nagsilabasan ang lahat ng mga taong narito ngayon pati na rin si manager Cars kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Paglabas ko nandun nga ang coffee truck na nakaparada sa labas at yung mga ka trabaho ko naman at yung staffs ay lumapit dun habang ako naiwan dito at tumingin sa paligid at nagbabakasakaling makita ko si Yves.
Nandito kaya siya?
" Miss Tiffany Miranda pakipirmahan po ito please- sabi naman sakin nung staff nitong sinasabi nilang Coffee.
Binigay niya sakin yung pipirmahan ko at saka ko din pinermahan pagkatapos ay bumalik na siya dun sa harap.
Inaalala pa rin talaga ko ni Yves despite of he's too busy.
Bumalik naman ako sa loob para kukunin ko yung cellphone na naiwan ko sa loob at para tawagan si Yves para magpasalamat sa kaniya.
Pagbalik ko ron sa loob nagkasalubong pa kami ni Sehun at palabas siya ngayon dito kasama ng manager niya.
" Why did you came back here? Are they done outside?- tanong naman ni Sehun sakin.
"I forgot my cellphone I need to call someone- sagot ko naman sa kaniya.
"Okay hmm-- then let me join you- saad naman ni Sehun.
Wala ng epek yung kilig ko sa kaniya ngayon dahil nandito na yung one true love ko, kaya hanggang fan nalang ako kay Sehun ngayon.
" gaseo keopileul masil pil-yoga eobs-seubnida ( no way you need to go and drink some coffee ) - sabi naman nung manager ni Sehun sa kaniya.
" naneun dangsin-eul jjoch-eul geos-ibnida ( I will go after you ) - sagot naman ni Sehun sa kaniya.
Sa pakiramdam ko parang ayaw sakin ng manager ni Sehun wala na feel ko lang na iniiwas niya sakin si Sehun.
Paalis na sana ako pero kaagad din akong tinawag ni Sehun dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.
"I'll go with you- sabi niya naman kaya hinintay ko naman siya hanggang sa makalapit siya sakin. " I'm sorry about that my manager always keep me safe that's why he is very strict- sabi naman ni Sehun.
Akala ko ako lang yung nakatrabaho ni Sehun na ayaw niya halos lahat naman pala.
Hindi ka nag-iisa selp marami kayo.
" It's okay I used to treat that way back then- sagot ko naman sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad dalawa pabalik sa loob.
" The reason why I join you go back is I felt something bad in this place and no one are inside to be with you - sabi naman ni Sehun sakin.
Aw!! Napaka thoughtful niya talaga.
" Thank you- sagot ko naman sa kaniya.
Ngumiti naman sakin si Sehun atsaka na kami pumasok sa loob, hinanap ko agad ang cellphone ko at kaagad ko naman itong nakita.
" Who are you?- biglang sabi ni Sehun dahilan para mapatingin ako sa likuran ko kung saan siya nakatayo.
May lalaking nakasuot ng hoodie na kulay itim at hindi namin makita ang itsura niya dahil sa naka mask din siya ng itim.
Sa wari ko matangkad siya at magkasingtangkad lang sila ni Sehun at...atsaka may hawak siyang kutsilyo sa kaliwang kamay niya.
"Don't you dare take any steps towards us- walang halong takot na sabi ni Sehun dun sa lalaki atsaka ako hinarangan.
" Get lost, I don't want you... I want that girl behind you- sagot naman ng lalaking nama hoodie kay Sehun.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at the same na rin ang lakas ng kabog ng puso ko.
Bakit ako ang kailangan niya?
" No way! Don't you dare touch her or else---
"Or else what? - panghahamong sabi nung naka hoodie kay Sehun atsaka pa niya nilalaro ang kutsilyong hawak niya na mas lalong nagpapakaba sakin.
Paano kung may mangyari kay Sehun? Hindi pwede!! Hindi ko hahayaang may mangyari sa kaniya.
NO NEVER!!
" You wanted to call a police? Tsk! It's too late for that man- sabi naman niya kay Sehun.
Sasakin na sana niya si Sehun pero kaagad akong humarang para hindi niya masaktan si Sehun, ipinikit ko ang mata ko at naghihintay akong may may kusilyong nakasaksakin pero nagulat nalang ako kasi may narinig akong kalabog kaya minulat ko ang nga mata ko.
"Ely- saad ko naman.
Natumba yung nakahoodie at hawak na hawak na niya ngayon ang lalaking yun.
Buti nalang at dumating si Ely kung hindi baka nasaksak na ako ngayon.
" Are you okay?- tanong niya sakin.
" Yes I'm okay- sagot ko naman sa kaniya. Inilapit ako ni Sehun sa kaniya at habang ang mga mata ko nakay Ely lang ngayon.
" What's going on here?- takang tanong ni Direk mabilis namang kumilos ang lalaking naka hoodie atsaka nagmamadaling tumakbo paalis dito.
Susundan pa sana siya ni Sehun pero pinigilan ko na siya baka ituloy ng lalaking yun ang binabalak niya kay Sehun kanina kapag sinundan siya nito.
Nilapitan ko naman si Ely at parang nagulat din yung mukha niya at hanggang ngayon ay hindi siya makapagsalita.
" Ely- tawag ko pa sa kaniya.
Tinignan niya naman ako at bigla nalang akong niyakap ng napakahigpit.
" Ayus ka lang?- tanong ko naman sa kaniya habang hinahagod-hagod ko yung likuran niya.
Wala na akong paki kung may makakita man saming nagyayakapan ngayon, e' ano naman? Bestfriend ko siya at alam na nilang lahat yun.
" Don't worry about me - saad naman niya habang yakap na yakap niya ako. " Are you okay? - nag-alalang tanong ni Ely sakin atsaka humiwalay sa pagyakap sakin at cheneck ako. " Nasaktan ka ba? Kailangan ba kitang dalhin sa hospital?- tarantang tanong niya kaya pinahinto ko siya at pinakalma.
" Ayus lang ako- sagot ko naman sa kaniya at pagkatapos kung sabihin yun ay niyakap niya ulit ako.
"Uh... I--I think we're going to start now, T--Tiffany- sabi naman sakin ni Sehun na nasa likuran ko lang hanggang ngayon.
" Ah-- Oo - sagot ko naman sa kaniya at humiwalay ako sa pagyakap sakin ni Ely.
Siguro sobrang nag-alala lang sakin si Ely kaya ganyan ang actions niya ngayon.
( UNKNOWN POV )
BULLSHIT NAMUKHAAN KAYA AKO NI ELY?
HINDI PWEDE TO!!
BAKA MAGSUMBONG SIYA AT ITUTUGMA NIYA LAHAT NG MGA NANGYARI KAY TIFFANY NOON HANGGANG NGAYON NA AKO ANG NASA LIKOD NG LAHAT.
NO WAY!! WALANG PWEDENG MAKAKAALAM SA SEKRETO KO!
~~~~ YVES POV ~~~~
" Sir may bisita po kayo- sabi ng secretary ko, busy na naman kasi ako sa papers ko kaya nakatuon lang ako dito ngayon sa ginagawa ko.
"Hindi muna ako tatanggap ng bisita sa ngayon, paalisin mo na lang - sagot ko naman sa kaniya.
"Pe--Pero sir sabi niya po na sabihin ko po sa inyong ang mommy po ninyo ang narito- sagot naman niya sakin.
Napahinto naman ako sa ginagawa ko at napahawak ng mahigpit sa ballpen na hawak ko ngayon habang pumapasok din sa isipan ko ang sinabi ni Ely kagabi.
Tss, siguro alam na niyang magkakilala kami ni Ely kaya siya narito ngayon.
" Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?- galit na sabi ko sa secretary ko dahilan para humingi kaagad siya ng tawad sakin.
"I'm sorry po sir, papaalisin ko nalang po- sagot naman niya at nagmamadaling lumabas dito sa office ko.
Napahawak naman ako sa ulo ko at napapikit ng sandali.
( Knock knock knock )
" Diba sabi ko---
" MY FRIENDDDDD!!!- masayang bati sakin ni Kaius na ikinabigla ko.
Nandito na siya? Diba nasa korea pa siya ngayon kasi ang sabi niya 2 month pa siya makakauwi dito.
Tumayo naman ako at kaagad siyang lumapit sakin at niyakap ako ng napakahigpit yun bang hindi na ako makahinga, punyetang to.
"Miss na miss mo siguro ako no?- pang-aasar ko naman sa kaniya at doon siya humiwalay ng mabilis sakin.
" Kapal mo ah!
"Ah!! Porket ba hindi mo na ako boss ngayon ginaganyan mo na ako hali ka nga dito at mabatokan kita- natatawang sabi ko pa habang nilalapitan siya pero siya naman tudo iwas sakin.
" ANO BA YVES! hindi naman sa ganon yun no? Pero ang rason kung bakit ako bumalik ng mas maaga ay ----
" Hindi ka makatiis na mawalay sakin ng mas matagal at baka ipagpalit kita sa ibang kaibigan dyan- sagot ko naman na nakapagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. "Com'on Kaius your only the one whom I can trust - sagot ko naman sa kaniya at hinawakan yun balikat niya.
" You're my family - sagot ko pa.
Masyado ko na ba siyang sinurpresa sa mga salitang binibigkas ko ngayon at ganyan siya kung makapagreact sakin?
Nakatulala lang siya at parang blangko yung utak niya.
( POK )
" ARAYY!!! - reklamo niya naman at napahawak siya sa batok niya.
" Wag mong sabihin saking nagustohan mo na ako? Baklang to- pang-aasar ko naman sa kaniya.
" FYI YVES, HINDI AKO KAILANMAN MAGKAKAGUSTO SAYO OVER MY DEAD BODIES!! EEYYY!!! NAKAKADIRI ANO TO SPADAHAN? LOKONG TO- natatawang sabi niya kaya napatawa lang ako.
" Nabigla lang kasi ako sayo akalain mo nga namang nawala lang ako ng mga ilang araw nagbago kana ng tuluyan- Manghang sabi naman niya sakin at napangiti nalang ako ng bahagya sa kaniya. " Inlove na inlove ka sigurong hayop ka no? yung aura mo ngayon - saad niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa at pataas naman ulit mula paa hanggang ulo. " Napaka perfect naksss share naman dyan- sagot pa niya.
"Seriously? umuwi ka lang dito para personal na tanongin ako niyan?
" Tsk! Hindi ako mag-isang umuwi dinala ko na pamilya ko pauwi ng pilipinas- masayang sagot niya naman.
" Ginawa mo talaga?
" Why not?- sagot naman niya at umupo sa upuan habang ako ay nakatayo pa rin.
"Alam ba ng dad mo about that?- tanong ko naman sa kaniya.
" There's no need to tell him kahit na hindi ko sasabihin malalaman din naman niya yun sa dami ba namang tauhan niya diba?- kalmadong sagot niya sakin.
Sa bagay tama nga naman siya dun dahil that's his dad he knews what his sons think.
" Hmm nga pala Yves nakabanggit ba si Yexel sayo about his restaurant at kung kailan siya ulit magsisimula?- tanong naman niya bigla sakin.
" He didn't told me about it why are you asking about he's business?- takang tanong ko sa kaniya.
" Yung dad kasi ni Leinel is one of those chef of his business - sagot naman niya sakin.
" Really?
" Yeah, at naisip kung makipagtulongan ako kay Yexel tungkol dun at para na rin sa panibagong buhay ng pamilya ko- masayang sabi niya pa.
he really do what he wants ganyan ba talaga kapag inlove ka?
Lately lang alam kung pagod sila sa pagta-trabaho dun sa set kaya pinadalhan ko sila ng Coffee truck at kasunod na rin dun yung food truck na ipapadala ko rin para hindi na sila maabala pa.
Woah!!
I can't believe I made this.
" Nag-uusap pa ba tayo Yves? Kasi parang pakiramdam ko nasa ibang mundo ka na naman eh- pang-aasar niya pa sakin kaya nagpumigil nalang ako sa inis ko at umupo nalang ulit sa swivel chair ko.
" May sasabihin pala ako sayo- sabi ko naman at naging interasado naman siya, mukha nito napaka chismoso talaga.
" G ako, ano ba yan?- sagot naman niya at parang naririnig ko ang pagbakla-baklaan ng boses niya, kinuha ko naman yung libro sa tabi ki at binato ng mahina sa mukha niya.
" Kapag nandito ka wag kang umastang bakla kakadiri ka- angal ko pa at bigla naman siyang padabog na tumayo.
"PINAGSASABI MO DYAN!! Hindi nga ako bakla, nagbibiro lang naman ako kanina napaka KJ mo talaga- defense niya sa sarili niya at umupp ulit. " Ano bang sasabihin mo?.- interesado niya ulit na tanong.
" Ely's step mom is my mom- sagot ko pa at dahilan para mapasigaw siya.
" WHATTTT!!!
Putang-ina ang sakit nun sa tenga?! Bwesit talaga.
" Darn it!
" Totoo ba yan?- hindi makapaniwalang tanong niya sakin.
" mukha ba akong nagbibiro dito?- tanong ko pa sa kaniya.
" Woah!! Grabe pinagtagpo talaga kayo ng tadhana Tsk - hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.
Ganito na ba kaliit ang mundo para ang maging step mom niya ang mommy ko?
Sa lahat ng tao bakit siya pa?
Nakakairita!!
" Kung ganon pala step brothers kayo---
" ANONG STEP BROTHERS KA DYAN!! NO WAY NEVER MANGYARI YAN- galit na saad ko agad.
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ANG LIIT NG MUNDO NIYO- Natatawang sabi niya pa sakin.
Iniripan ko nalang siya at mukhang nagsisisi na akong sinabi ko pa sa kaniya kung ganito lang din naman ang kalalabasan.
Putangina nandito na naman siya para gulohin ang buhay ko, TAMA NGA SI SEVI ISA SIYANG PARROT NA KUDA NG KUDA.
CAN SOMEONE HELP ME?
HAHAHAHAHAHAHA!! I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (152)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)
19/01/2022
1Ang ganda🥰🥰
14/02
0Sangat bagus
10/09/2025
0Tingnan Lahat