Homepage/Protected By A Mafia Boss/
Chapter 34
~~~~ ELY'S POV ~~~~
Nasaksihan ko na naman ulit ang masakit na eksena para sakin pero para kay Tiffany yun na ang pinaka the best sa the best.
All this time ang taong hinahanap niya ng sobrang tagal ay si Yves lang pala.
Masakit pala talagang makita siya sa piling ng taong mahal niya samantalang ako nangangarap lang na magiging akin rin siya someday.
Bakit kasi hindi ako nanligaw kaagad sa kaniya nung una palang edi sana ngayon hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.
I can't take this so long.
Nagdesisyon akong umalis sa kinatatayuan ko at bumalik na lang sa kotse ko pero hindi pa ako nakabalik ay ay bumangga saking babae.
Sisigawan ko na sana siya pero nung makita ko siyang umiiyak ay hindi ko nalang ginawa.
Napaiba nalang ako ng tingin atsaka naman siya nagsimulang humakbang paalis dito sa kinatatayuan ko pero biglang pumasok sa isipan ko na parang familiar siya sakin.
Tinignan ko ulit yung babaeng yun at mabilis siyang sumakay sa kotse niya kaya hindi ko na siya namumukhaan pa.
She looks familiar, saan ba kami nagkita ng babaeng yun?
Atsaka anong ginagawa niya dito? Ang alam ko ni rentahan to ni Yves para sa date nila ni Tiffany kaya hindi siya pwede dito.
Teka? Bakit ba ako nagka interest sa kaniya dapat umalis na ako dito kanina pa kung hindi lang dahil sa kaniya.
Sumakay naman ako ng kotse ko at dumiretso sa favorite bar na pinupuntahan ko.
Pagdating ko ron pumwesto kaagad ako sa malapit sa bartender at umorder sa kaniya nung napakalas na liquor nila.
Sa tuwing naalala ko yung mga panahong hindi pa nakikita ulit at nagkakilala sina Yves at Tiffany masayang-masaya kaming dalawa ni Tiffany naging pangit lang nung umeksena na siya.
Ang sarap bumalik sa mga panahong yun dahil dun feel na feel kung meron pa sana akong pag-asa sa kaniya kung hindi lang UMEPAL SI YVES SA EKSENA!.
GUSTO KUNG MAGWALA!!!
GUSTO KUNG SUMIGAW!!
GUSTO KUNG MAGALIT KAY TIFFANY PERO DI KO MAGAWA KASI MAHAL NA MAHAL KO SIYA.
HINDI KO MAGAGAWANG MAKITANG NASASAKTAN KO SIYA AT UMIIYAK SIYA KAYA MAS PIPILIIN KO NALANG NA MAGING GANITO KESA ANG SAKTAN KO SIYA.
ITO NA ANG HULING ARAW NA MAKIKITA MO AKO TIFFANY PANGAKO HINDI NA KITA GUGULOHIN PA KAYO NI YVES DAHIL SA KANIYA KA MASAYA, HANDA AKONG MAGPAUBAYA SA KANIYA PARA LANG MAKITA KITANG PALAGING MASAYA.
SANA HINDI KO NIYA SAKTAN PARA HINDI KO RIN SIYA SISISIHIN PAGDATING NG PANAHON.
( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT )
( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT )
( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT ) ( TT. TT )
Uminom naman ako sa binigay saking drinks nung bartender at nagpa refill ulit ako sa kaniya pagkatapos kung mainom yung binigay niya sakin.
" Give me your hardest alcohol - sabi ng isang babaeng kararating lang dito at umupo siya sa tabi ko.
Tinignan ko naman siya at nakita ko na naman yung babaeng yun.
" Sandali lang po ma'am- saad naman sa kaniya nung bartender.
Hindi niya naman napansing nakatingin lang ako sa kaniya ngayon at nagsimula na naman siyang umiyak kaya napasinghal nalang ako.
Akalain mo nga namang hindi lang naman pala ako ang nag-eemot ngayon kasi dalawa kami may kasabay pala ako.
Kaya pala siya umiiyak kanina.
Nung binigay na sa kaniya yung drinks niya ay may lumapit naman sa kaniyang lalaki, mas tinuonan ko ng pansin yung lalaking lumapit sa kaniya.
Masyadong clingy yung lalaki sa girl nato at hindi naman siya pinapansin nung girl at ininom naman niya yung drinks niya habang hindi niya kinakausap ang lalaking nasa tabi niya.
Habang umiiyak yung babae ay palihim na may nilalalagay na something yung lalaki sa drinks ng babaeng yun.
Hindi niya ba ako napapansing nakatingin lang sa kaniya ngayon?
Tsk!
The girl is supposed to drink her drinks pero kaagad ko yung inagaw sa kaniya na ikinagulat nung lalaking katabi niya.
"What are you planing to do?.
Nagulat naman yung lalaki sa tanong ko at hindi kaagad siya nakasagot sakin.
" Wh--what are you trying to say?- nauutal na tanong niya naman sakin.
Tumingin naman yung babae sakin at sobrang nagkalat na yung make ups niya sa mukha, napa singhal naman ako dahil sa itsura niya.
Seriously? Maglalasing siya ng mag-isa lang at sa ganitong lugar pa talaga?
Maraming manyakis na nakamasid at naghihintay maka tyempo ng babae.
" Tsk, do I really need to tell everyone what you did?- sabi ko sa kaniya, napalingon naman sa kinaroroonann niya yung girl. " He put something on your drink- sabi ko naman dun sa girl na yun.
Kaagad namang tumayo ang lalaking yun at kinompronta ako.
"Anong pinagsasabi mo dyan ha---
Kalmado naman akong nagsalita at tinignan lang siya ng maiigi.
"Kung wala kang ginawang masama then drink her drinks- panghahamon ko naman sa kaniya, napa tawa naman siya sa sinabi ko habang ako naman ay hinahamon ko pa rin siya.
" HAHAHAHAHA!!! talaga bang pinagbibintangan mo ako ha!?
"No I'm not... Because my eyes never lies - sagot ko naman.
"TALAGANG SINUSUBOKAN MO AKO!!!
sigaw niya naman at susugorin na sana ako para suntokin pero kaagad kung napigilan ang kamao niya at binaliko sa likuran niya.
Nagulat naman ang lahat ng narito ngayon dahil sa maikling eksena dito sa bar.
" Sirr please po, strictly no wars po tayo dito- awat naman samin nung bartender ngayon.
" Umalis kana bago pa uminit ang ulo ko lalo sayo- pagbabanta ko naman sa lalaking ito.
Napasigaw naman siya sa sakit nung nas hinigpitan ko ang paghawak ng braso niya.
"A---Aalis na ako sige na bitawan mo na ako- pagmamakaawa niya namang sabi sakin.
Itinulak ko naman siya para lumayo na dito ngayon, bago siya umalis ay nagbow siya sakin at pati na rin sa babaeng ito atsaka nagmamadaling lumakad paalis dito.
Inayus ko ang porma ko at umupo ulit sa inuupuan ko kanina atsaka ininom yung drinks ko.
"Than--Thank you- sabi naman ng girl nato.
"Next time wag kang maglalasing kung hindi mo naman talaga kaya, if you want to drink dun ka sa bahay ninyo uminom hindi dito sa lugar nato- saad ko naman habang hindi ako nakatingin sa kaniya.
Hindi ko na siya kinausap pa pagkatapos kung sabihin yun sa kaniya at pinagtuunan nalang ng pansin ang pag-iinom.
~~~~~ YVES POV ~~~~
Kumakain na kami ngayon ni Tiffany at hindi ko pa rin inalis ang paningin ko sa kaniya dahil hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.
" M--May dumi ba ako sa mukha?- tanong niya sakin.
"No my love you look so gorgeous this night, I love staring at you all night- I answered with all my heart.
"Kanina mo pa sinasabi yan, HAHA alam ko na naman noon pa na maganda ako ano ka ba HAHAHAHA"
Napatawa naman ako sa sinabi niya atsaka ko kinuha ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.
"Remember what did I tell you at the funeral of your dad? - tanong ko naman sa kaniya.
" hmm...Alin dun?- nagugulohang tanong niya naman sakin.
" About sa pag-urong ko doon sa pinagkasunduan ng Daddy mo at ng lolo ko? About the engagement.
" Oo.
" Hindi ko na yun iuurong dahil tutuparin ko ang pinangako ko sayo noon na kapag magkita tayo magpapakasal tayong dalawa - sabi ko naman sa kaniya atsaka bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko.
"Uhm.. Yves gusto ko rin namang magpakasal sayo pero... Kasi uhm---
"I know the reason.. you have your career back and I understand about it- sagot ko naman sa kaniya kahit na disappointed ako sa sagot niya.
" Don't worry after ng movie na sinisimulan ko ulit ngayon magpapakasal na tayo- nakangiting saad niya naman sakin.
"Hindi mo naman kailangang magmadali, alam ko kung gaano mo to gustong mabalik sayo kaya pag-isipan mo ng mabuti ang mga desisyon mo, hindi naman ako mawawala sayo eh- sagot ko naman kay Tiffany, nginitian niya ako ng napakanatural lang at yun ang nagpapagaan sa puso ko.
" I promise after ng movie nato magpapakasal na tayo, promise - pangako naman niya sakin. "Okay ito nalang magpinky swear ulit tayo - suggest niya naman.
Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa sinabi niya at ganon din siya.
" Hindi na tayo mga bata pa para sa ganyan- reklamo ko pa.
" hindi lang naman kasi mga bata ang pwedeng mag pinky swear tss- inis na sabi niya sakin kaya napairap nalang ako. " Dali na kasi - pangungulit niya pa.
Binitiwan ko naman ang mga kamay niya at nagcross-arm habang nakatingin sa kaniya.
" aishh!!! Dali na wag ka ngang kj- sabi niya naman at tumayo siya para kunin yung kamay ko naka cross arm sakin. Hindi naman ako nagpadala sa kaniya at mas hinigpitan ko pa nainis naman siya at bumalik nalang sa inuupuan niya.
Aba!! Nagtatampo pa ang loka-loka.
Hindi naman siya nagsalita at pairap-irap lang siya sakin, aish!!!.
Lumapit naman ako ng konti sa kaniya atsaka makikipag pinky swear na sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Ito na nga oh makikipag pinky swear na nag-iinarte ka pa- reklamo ko agad at babawiin na sana ang kamay ko pero dali-dali niya itong kinuha at nakipag pinky swear sakin.
Napangiti nalang ako dahil sa naging itsura niya, ang cute niya talaga.
" I love you- nakangiting saad ko pa habang nakatingin ako ng malagkit sa kaniya.
" I love you too- walang ka emotiong-emotion na sagot niya habang nakatingin sa paligid.
Hayss!!! Di naman nakakakilig ang pagsambit niya ng ganon.
" Hindi mo na ba ako mahal Tiffany?- tanong ko naman sa kaniya dahilan para mabigla siya sa tanong ko at tinignan ako.
" Wh--what? Saan mo naman napulot ang salitang yan.
" di ba kapag nag i- I love you ka sa isang tao dapat tinitignan mo siya sa mata para---
" I love you Yves - diretsahang sagot niya sakin at this time nakatingin na siya sa mga mata ko habang sinasambit niya yun.
" Hindi ko pa rin feel yung love- kunwaring sabi ko pa.
" I love youuuuuu- halos mapasigaw na sagot niya at nagulat naman ako sa ginawa niya kaya pinigilan ko na siya.
Baka isipin ng mga taong nandito na inuutusan ko siya.
" Mahal nga kasi kita bakit ba ayaw mong paniwalaan yun?- nakangusong sabi niya naman sakin.
Napatawa nalang ako dahil dun at hinawakan ko yung mukha niya at kinukurot-kurot ko yun, sobrang lambot ng pisngi niya sarap kurotin.
" Naniniwala naman ako pinaulit ko lang sayo - masayang saad ko.
( SQUISHED )
( SQUISHED )
" Ekaw kashii di ka naniniwala shakin- sabi niya habang nakahawak pa rin ako sa pisngi niya.
Hindi naman ako nakapagpigil sa sarili kung di mapatawa dahil sa ka kyutan niya ngayon.
Tinanggal ko na yung kamay ko at nakapout lang siya habang nakatingin sakin.
" Kumain kana, babaeng matakaw- pang-aasar ko naman sa kaniya.
"A--Anong matakaw!! Hindi ka--kaya---
"Ah!!! Hindi pala? Nagulat naman ako dun- pang-aasar ko pa sa kaniya dahilan para mainis siya lalo sakin.
Kung noon ako ang iniinis niya siya naman ang madaling mapikon at mainis ngayon.
"Pero seryoso Tiffany handa akong maghintay kung kailan ka handang magpakasal sakin - sagot ko naman sa kaniya.
Ngumiti naman siya sakin ng napaka lawak atsaka ko naman siya nginitian pabalik.
"Sana hindi nalang matapos ang gabing ito- biglang sambit niya.
" I hope that so, I want to spend more time with you- sagot ko naman sa kaniya.
Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko at pumalakpak sign yun para simulan na nilang patugtogin ulit yung violen.
( STARTS TO PLAY VIOLEN )
( THE SONG IS PERFECT BY: ED SHEERAN )
Tumayo naman ako at inalok na isayaw si Tiffany sa gitna.
" May I have this dance?- alok ko naman kay Tiffany.
" Oo naman - sagot niya pa sakin kasabay ng mga ngiti niya.
Sa tuwing ngumingiti siya sobrang nakakatunay ng puso ko, yun yata weakness ko ang mga ngiti niya.
Pumunta naman kami sa gitna ni Tiffany at isinayaw ko siya at sinabayan namin yung tugtog.
" You don't know how happy I am to be with you again - saad ko naman sa kaniya.
" The feeling is mutual I was dreaming of this day and now here it is, you are now here at my side again- sagot niya naman sakin.
" Can we make us a deal?
"Deal?- nabiglang tanong niya sakin.
" Hmm... deal, pwede bang mangako tayo sa isa't-isa na walang secrets? - sabi ko sa kaniya.
" Sino ba masekreto sating dalawa e' ikaw lang naman HAHAH- pang-iinis naman niya sakin.
" I'm serious Tiffany.
" Okay, ito naman napaka init ng ulo. Opo nangangako akong walang secret²- saad naman niya and this time ay kaagad ko siyang niyakap ng napakahigpit.
Hindi ko alam bakit ako natatakot ng ganito ngayon siguro dahil may malaki pa akong sekreto na kailangan kong pangalagaan para hindi niya ako kamohian pagdating ng panahon.
Oo sinabi ko yun para hindi rin siya magtago ng secrets sakin kasi natatakot ako na baka magkahiwalay ulit kaming dalawa.
But I promise to tell you the truth when I'm ready again to share with you and by that time I am hoping you will forgive me for what I did. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (152)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
omg...omg I really love it ... you're awesome author you know that? ...I hope you know it ..keep writing;)
19/01/2022
1Ang ganda🥰🥰
14/02
0Sangat bagus
10/09/2025
0Tingnan Lahat