55

"Van! Alis na si mama!"
Isang matinis na pagsigaw ang bumalot sa buong bahay, napasimangot pa ako dahil narinig ko na ang takbuhan nila palabas ng kama na bitbit ang mga tsinelas.
"Hindi kayo sasama. Mamimili lang ako. Magbasa na lang kayo rito," utos ko habang hinahanap ang tsinelas ko.
Automatikong sumimangot si Inah samantalang si Van naman ay kumaway pa at kinuha ang aking pouch na nasa sofa.
Kitang-kita ko na ang kaibahan nilang dalawa, lalo na't tatlong taong gulang na sila ngayon. Pero imbes na matuwa ay gusto ko silang ipamigay dahil sa sobrang kulit nila lalo na si Inah. Parang si Nikasha na handang makipag-debate.
"Sama ako po, hindi ako kukuha dami candy po," ngusong sambit nito na sinusuot na ang tsinelas.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ganito rin ba ka-stress sa akin si Tito noon?
Lumapit ako sa kanilang dalawa na hanggang hita ko na. Nakakapagsalita na sila ng dire-diretso at ang mas malala ay halos gamay ang pagsasalita ng Spanish, ingles at tagalog. Sa tagalog ay wala namang problema dahil tama lang na matuto sila. Pero sa lengwaheng ingles at spanish, sila Cyron at Mama A, ang nag-impluswensya sa kanila lalo na't bihira lang naman kaming magsalita ng gano'n.
"Inah. Wag nang makulit, dito na lang kayo at hintayin ang Lola niyo, may kinakausap lang siya sa labas," mahinahong sabi ko na pwinersa silang paupuin sa sofa.
Naka-arko pa rin ang bibig ni Inah na halatang iiyak na kaya mabilis ko itong pinanlakihan ng mata.
"Hayaan na natin si Inah. Ipapamigay na natin ya—"
"Hindi na sasama po si Inah," tarantang sabi nito na umuungot na.
Napangiti ako saka tumayo. Rinig ko ang pagtawa ni Van dahil sa itsura ng kambal niya. Tiningnan lamang ni Inah si Van ng masama bago muling tumingala sa akin.
"Wait for me here. Just read your books or play, sandali lang ako. Kiss na mama," bahagyang pag-nguso ko.
Mabilis na humalik si Inah na hindi maalis ang pagkasimangot at si Van na parang wala lang. Nakangiting inaasar lang ang kapatid.
Matiwasay akong nakaalis sa building. Kaunti lang naman ang mga bibilhin ko, at iba pang ingredients na kakailangin sa lulutuin namin ni Lana. Wala namang kahit na anong selebrasyon pero dahil nandoon silang lahat mamaya, maghahanda kami.
Maayos naman na ang kinikita ko sa pagiging freelancer, nilunok ko na lang ang pride ko para ibenta ang ilan sa mga gawa kong design. Dalawang taon ko na rin iyon ginagawa lalo na't, dalawang taon na ang lumipas mula nang matanggal ako sa trabaho.
Masasabi kong mas napagtutuunan ko ng pansin ang dalawang bata na mas lalong naging palatanong. Hindi ko alam kung may konsenya pa ba ako dahil ni hindi ko man lang sinagot ang mga tanong nila kung na saan ang tatay nila. Dinadaan ko ka lang sa laro at panlalambing ang mga iyon.
Natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa isang glass wall na ang mga naroon sa loob ay puro mga damit. Nandoon ang isa sa gawa ko at ang pangalan kong nasa ibaba.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit papaano ay may naiwan pa ring bakas na naging parte ako ng trabahong iyon.
Kitang-kita ko kung paano ako namayat, ito yong katawan ko noong dalaga pa ako. Maraming nagsasabi na hindi halatang may anak ako dahil sa hubog ng katawan ko na noon ay hirap na hirap pa akong pabalikin.
Matapos kong makapamili ay naglakad ulit ako. Mas gugustuhin kong maglakad dahil kaya naman dahil malapit lang naman ito sa building namin.
Sa pananatili ko rito ng halos apat na taon, masasabi kong ngayong taon lang ako nakaramdam ng kaginhawaan kahit na alam ko sa sarili kong may tinatago ako. Sa loob ng apat na taon ko na walang uwian sa pilipinas, masasabi kong naliwanagan ako sa lahat... Sana naliwanagan na nga talaga ako.
Magaan ang buhay namin kahit na maliit lang ang kinikita ko, nakakatawang isipin na wala man lang akong naipon kung sakaling umuwi kami sa Pilipinas ngayong taon dahil hanggang ngayon na lang ang palugit sa amin dito sa Spain. Huling taon na namin rito.
At sa pagkakataong ito, wala na akong dapat pang takbuhan dahil sapat na ang dalawang taon noon para makapag-isip at gumawa ng desisyon.
Natigil ako sa paglalakad nang mahagip ng aking paningin ang balkonahe sa itaas ng bahagi ng building. Napa-ismid na lang ako dahil sa dalawang bata roon na may kung anong hinahanap dahil palinga-linga ang mga ito. Napansin ko pa ang bahagyang pagkaway nila mula sa kabilang building at doon ko nalaman na kinakawayan nila ang mag-asawang Spaniard.
Mga bata talaga.
Bago pa man nila ako makita ay mabilis na akong pumasok sa loob ng building, malakas ang boses ni Inah lalo na kapag sumisigaw.
Nang makarating ako sa taas ay unang bumungad sa akin ang lahat na nagtatawanan, nakaupo sa sofa at si Mama A at Lana ay nasa mesa na may hinihiwang mga gulay.
Mabilis na tumayo si Alenna sa tabi ng pinsan niya saka ako tinulungan sa mga buhat ko.
"Hinahanap ka nila," pangungusong sambit ni Mama A sa balkonahe.
Naroon pa rin ang dalawa na halatang hindi pa ako napapansin sa pagpasok, todo kaway sila sa mga taong hindi naman nila kakilala lalo na sa mga taong nakasilip din sa kabilang building.
Ngumiti lang ako kay Mama A saka nagpalit ng damit, maingat kong sinara ang pinto saka kumuha ng short na itim at ang manipis na t-shirt. Napangiti pa ako sa harap ng repleksyon ko dahil mukha ng talaga akong dalaga marahil dala na rin ng maikling buhok ko na hanggang balikat na lamang.
Para akong broken na ewan.
"Oh my god!"
Mariin kong tinakpan ang bahagi ng dibdib ko at bumagsak ang isusuot ko sanang damit dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.
Nagtatakang sinara niya iyon saka marahang lumapit sa damit na nahulog at inabot sa akin.
"Gulat ka po mama?" ngusong tanong nito na nakatingala na.
Jusko naman! Sinong hindi magugulat kung biglang bubukas ang pinto.
"Inah, next time, kakatok ka muna bago mo buksan ang pinto, maliwanag? Hindi magandang pasok ka nang pasok, naiintindihan mo?" kalmadong sabi ko habang nakaharap kami sa salamin.
Tinitigan ko ang repleksyon ng anak ko na nakatitig lang sa akin, parang pinag-aaralan kung paano kong isuot ang damit pang-itaas. Maya-maya pa ay bumaba ang tingin nito sa pang-ibaba ko saka tumagilid ang ulo at muling tumingin sa akin.
"Mama?" paghihila niya sa laylayan ng damit ko.
"Hmm?"
Ngumuso ito saka tinititigan ang pang-ibaba ko, hindi ko alam kung anong iniisip niya. O di kaya, malamang magtatanong na naman siya.
"Na dito kami po nalalabas ni Banban?" hingal na hingal niyang sabinna turo-turo ang private part ko.
Kinunotan ko lang ito na ngayon ay kagat-kagat ang hinlalaki habang naghihintay ng isasagot ko.
"Yes."
Pero imbes na makuntento ay tumagilid ang ulo nito, mukhang magtatanong muli.
"Na hindi po kasya ulo namin ni Banban dyan po, mama," tatango-tangong sabi nito.
Humarap na ako sa batang tatlong taong gulang na itim na itim ang buhok na hanggang bewang nito. Nakasuot ng kulay puting Victorian dress na pantulog niya.
"Kasi dati, baby pa kayo, kaya kasya kayo ni Van," paglilinaw ko saka kinuha ang suklay.
"Na si papa kasya rin po dyan?" Walang pag-aalinlangan tanong nito dahilan para mapalunok ako.
Buntong-hiningang naupo ako sa kama saka siya pinalapit sa akin, bahagya ko itong pinatalikod upang masuklayan ko ang buhok niyang sobrang gulo na.
"No. Hindi siya kasya dyan," simpleng sagot ko.
"Nadede rin si papa po?" pangalawang sagot niya na ikinakaba ko.
Hindi na niya alam ang mga tinatanong niya. Hindi ko rin alam kung dapat Ko pa bang sagutin to.
"A-Ahm, no."
Tanging tango lang ang natanggap ko rito at hindi na muling nagtanong pa. Hindi naman ako madamit sa impormasyon tungkol sa tatay nila, sumasagot naman ako sa tuwing nagtatanong sila kung anong itsura ng kanilang ama, kung kamukha ba nila o ano.
Para lamang akong nananalamin sa kanila. Ganitong-ganito rin kaya noon kami ng mga kambal ko no'ng malilit pa kami? Ganito rin kaya yong mga tanungan namin?
Sadyang umiiwas na lang ako sa tanong nila kung ano ang pangalan ng kanilang tatay. Mas gugustuhin kong hindi na lang sumagot kaysa gumawa ng kwento na hindi ko kayang panindigan.
Hinayaan ko na si Inah na lumabas ng kwarto pero siya namang pagpasok ni Mama A. Alam ko na iyong bagay na yon na naman ang pag-uusapan namin.
Kagaya ng dati, naupo ito sa tabi ko, halata na sa kaniya ang pagiging matanda ngunit dahil sa pagiging maalaga sa sarili ay hindi iyon mahahalata ng iba.
"Naayos mo na ba lahat ng papeles?" marahang tanong nito.
Ang mainit nitong kamay ay inilapat niya sa aking palad. Mahina akong tumango bilang pagsang-ayon.
"Alam mong hanggang dito na lang ang kaya kong maitulong sa'yo rito sa Spain, alam mong ginawa ko ang lahat," naiiyak na sabi nito na namamasa na ang mga mata.
Mahina pa rin aking tumango saka humiga sa kaniyang balikat.
"Wala po kayong kasalanan. Tinulungan niyo lang po ako," mahinang sabi ko.
"Nagka-usap na ba kayo ng mga kapatid at Tito mo?" tanong nito sa akin.
Sa di malamang dahilan bigla na lang uminit ang sulok ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay dumating ang lahat ng kamalasan noong nakaraang dalawang taon, kung kailan nagkasakit nang malubha ang dalawa bata, natanggal ako sa trabaho, at nalaman nila ang totoo.
Oo, alam na nila ang totoo dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi ko makalimutan kung paanong narinig ko ang maraming tanong sa Tito ko, ang sermon kay Nikasha, naging tikom lamang si Zeren sa mga nalaman niya at sigurado akong alam na rin ito ng ibang tao sa mansyon, pero gaya ni Zeren, tahimik na lamang sila.
Hindi ko maiwasang maisip na dahil doon ay napilitan akong hindi sila kausapin. Oo, para maka-iwas sa tensyon, pinili kong hindi sila kausapin sa loob ng isang taon matapos kong magpaliwanag. Pero gaya ng ginagawa ko sa mga bata, hindi ko sinabi kung sino ang ama dahil ayokong magkagulo.
"Hindi nila kayang magalit sa'yo Veron, nabigla lang sila kaya gano'n. Lalo na ang Tito mo matapos niyang malaman ang lahat. Matutuwa yong mga yon kapag tatawag ka sa kanila," malambing na sabi nito.
Ako ang pumiling hindi sila kausapin at pahupain ang lahat, ang akala kong pauuwiin nila ako ay kabaliktaran pala.
"Desisyon mo kung uuwi ka rito o hindi kasama ang mga anak mo, wala kaming pakialam sa tatay ng mga batang yan kung hindi ka pinanagutan."
Isang salitang binitawan ni Nikasha bago ko putulin ang kumunikasyon sa kanila.
"They always asked me if you're okay, especially your Uncle. They want you to go home, in Mansion."

Komento sa Aklat (160)

  • avatar
    Amben Riza

    nice story 👍🙂🙂

    07/06/2025

      0
  • avatar
    Melissa Pondador

    ang Ganda Ng kwento

    03/12/2024

      0
  • avatar
    Francine Constana

    it's good jjj

    04/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata