Homepage/Hiding His Duplicate/
32
Halos mapangiwi ako nang subukan kong lumakad ng normal. Hindi ko alam kung gaano katagal nang sumasakit ang bandang ibaba ko, naligo na ako lahat lahat, nakapagbihis na ako, nakakain na kami pero masakit pa rin.
Pota! Ito ata ang parusa sa mga mahaharot na kagaya ko.
Bahagya akong napalingon sa pinto nang mahinang kumatok si Zaffiro, dali-dali kong kinuha ang maliit na bag saka lumakad ng normal na medyo keri naman, sinalubong agad ako nito ng halik sa noo na ilang beses na niyang ginawa sa'kin. Kunot noong tumingin ito sa akin saka tiningnan ang kabuuan ko.
"Does it hurt?" bahagyang ngumiti pa ito na tinaasan ko ng kilay.
"Malamang, hindi ko naman alam na gano'n pala 'yang ballpen mo, edi sana nakapag-ready ako," nauna akong naglakad dito saka lumingon sa kaniya. "Parang ayoko na nga e, sobrang sakit kaya."
"Sure? Ayaw mo na?" nakangiting tanong nito.
"Oo noh, dapat kasi naglalagay ka ng warning bago mo hubarin yang boxer mo."
Aba! Dapat lang talaga lalo na't first time ko 'yon. Parang gusto ko na nga lang umatras e, pero dahil sa kalandiang taglay ko, aba! Di papatalo!
"Warning? Like?"
Bahagya itong lumapit sa akin at sabay na lumabas ng kwarto. Habang nakatingin ito ay sandali akong tumingin muli sa kung saan upang makapag-isip ng isasagot. Nang maisara na niya ang pintuan ay mahina nitong kinurot ang bewang ko
Tumingin ako rito na senyales na may kasagutan na, na nginitian niya.
"Warning, malaki 'to. Something na gano'n, tsk! Di marunong. Sa uulitin ah, dapat may warning," taas kilay kong saad na ikinailing niya hanggang sa makapasok kami ng elevator.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod ng katawan ko, hindi sapat sa'kin ang ilang oras na pagtulog dahil hindi ko naman akalaing nakakapagod pala iyon. Nang makaalis na kami ng hotel ay tinahak na namin ang daan papunta sa mansion. Ayoko pa sanang umalis sa resort kaso lang nakauwi na raw kagabi sila Zafia at doon na nakapagpahinga sa mansion, mas pinili kong pigilang magkwento si Zaffiro dahil wala ng exciting ang magaganap.
Napakunot na lang ako ng noo nang makarating kami sa mansion dahil sa dami ng sasakyang nakahilera sa isang tabi. Hindi naman ganito ang nadadatnan ko maliban na lang kung may pagsasalong nagaganap.
Nang makarating kami sa loob ay bumungad sa akin ang maraming tao, halos lahat ay nandoon maliban lang kay Tito Zenos. Himalang nagkasya pa sila sa mga sofa.
Nakuha namin ang atensyon nila kaya't mabilis silang napatahimik at panay ang lipat ng tingin sa amin ni Zaffiro na nasa likuran ko. Nang ihahakbang ko sana ang kaliwang Paa ko ay bahagya pa akong napangiwi dahil nararamdaman ko na naman ang sakit sa gitnang bahagi ko.
"Be careful," bulong nito sa akin na tinanguan ko lang.
Mabilis akong ngumiti upang hindi mapansin iyon at naupo agad sa tabi ni Lana na mapanuksong nakatingin sa amin.
"Wala kang sinasabi sa akin a," bulong nitong halos sumubsob na ang mukha sa tenga ko saka siya humiga sa balikat ko.
Bahagya ko na lang ito kinurot at hindi na pinansin. Nakakapagtaka lang dahil wala naman si Zafia rito at tanging si Kuya Von lang. Lahat sila ay na sa akin ngayon ang mga mata.
"Sa'n ka galing? Ba't pa-ika-ika kang maglakad?" kunot noong tanong ni Nikasha sa'kin.
Mabilis kong ipinagdikit ang dalawa kong hita na hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanila. Napansin kong wala na si Zaffiro sa sala, siguro nagtimpla na naman ng kape.
"Ah kasi—"
"Nadulas ka na naman ba?" mahinang tanong ni Zeren na halos mapatayo dahil sa pag-aalala.
"Ano na na naman bang katangahan kasi ang ginawa mo?" malamig na dugtong ni Nikasha na halos ikinaismid ko.
Nakakatawa lang dahil kung ano ang grabeng pag-aalala ng isa kong kambal ay kabaligtaran naman sa isa na May halong panlalait.
Kinurot-kurot ko pa ng mahina ang mga daliri ko para makahanap ng isasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may nangyari sa amin dahil malalagot ako.
"Y-Yong ballpen kasi, a-ahm ano," kagat labi kong iniwas ang tingin sa dalawang kambal ko saka inilipat sa iba.
Tang*nang ballpen talaga 'yon, laki ng epekto sa kaluluwa ko.
"Anyare sa ballpen?" tanong nila.
"K-Kukuha sana kasi ako ng ballpen sa kwarto pero ano, natisod ako sa may hagdanan kaya ayon, nadapa ako."
"Akala ko ba nasa hotel kayo? eh diba may elevator naman do'n" tanong ni Lana sa mismong leeg ko na tinanguan ko.
Nakita nga pala nila 'yong post kong video, taena, kailangan ko iyon panindigan.
"Marami kasing tao kaya mas pinili kong gumamit ng hagdanan. Tsaka medyo okay naman na ako, kailangan ko lang ata ng pahinga," sabi ko na tinanguan nila.
Bumalik na sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa, nagpa-alam si Kuya Von sa amin na kukunin lang ang bata para ipakita sa iba na kararating lang din.
Napansin ko na lumabas sa kusina si Tito Zack at si Zaffiro na may pinaguusapan, dumiretso sila sa swimming pool saka sinara ang sliding door kung saan hindi nila maririnig ang ingay dito sa sala.
Umalis sa tabi ko si Lana, pero bumalik din ito na May dalang cotton at isang langis, kaya takang binigyan namin siya ng tingin habang dire-diretso itong naupo sa tabi ko.
"Lana? What's that?" tukoy ng nanay nito sa hawak niya dahilan para tumingin ang iba sa kaniya.
Nabubuang na naman siguro 'to.
Napanguso itong tumingin sa bulak saka tumingin sa akin. "Namumula po kasi mommy 'yong leeg niya. Parang pasa po," naramdaman ko ang malamig na bagay sa mismong leeg ko na marahan niyang dinampian. "Masakit ba?"
Halos mapalunok ako nang mapatingin sila sa akin, mabilis kong inalis ang kamay ni Lana na nasa leeg ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero normal lang bang magkaroon ng gano'ng bagay pagkatapos mangyari 'yon?
Natapatayo na ako saka sila nginitian.
"Aakyat lang po ako, magpapahinga na rin po kasi ako," pagpapaalam ko na hindi pa rin inaalis ang kamay sa leeg.
"Mas okay pa nga, tatawagin ka na lang namin kapag kakain na," nakangiting saad ni Tita Cecil.
Tinanguan ko na lang ito saka dumiretso sa kwarto ko. Nang makahiga ako ay hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang mga tinginan nila, alam kong nakakahalata na sila sa akin. Pero ayokong magsalita, masyado akong nadala sa nararamdaman ko kaya naibigay ko ka agad ang sarili ko. Ni hindi ko alam kung tama ba 'yon.
Lalaki siya, alam kong may pangangailan pa rin siya, pero alam kung hindi niya kayang gumamit ng isang babae para lang punan 'yon. Sana nga hindi niya ako ginamit.
Hindi rin ako nagtagal sa mansion, nang makita ko ang bata ay umuwi na ako sa mismong condo ko. Magmula nang araw na iyon ay napapadalas ang pagsakit ng katawan ko but still nagkikita pa rin kami ni Zaffiro.
Nabalitaan ko rin na kasama na ni Kc ang kamag-anak niya. Nung huli naming pagkikita ay masyado siyang naging emosyonal. Nangako rin siya na madalas niya kaming bibisitahin. Hindi ko rin maiwasan na pansinin ang mga tinging ibinibigay niya kay Zaffiro, alam kong kahit naalala na niya ang lahat ay hindi maiaalis dito ang nararamdaman niya para dito. Pero panatag akong kaibigan lang at kapatid ang turing ni Zaffiro dito dahil siya na mismo ang naglinaw sa akin ng lahat.
"Wag ka na lang kayang pumunta sa kung saan-saan, baka mamaya mapano ka niyan," mahinang tugon ni Lana sa kabilang linya at maririnig pa ang pagkaluskos nito sa mga papel.
Naupo ako sa dulong bahagi ng kama, nakaharap lamang ako sa labas ng bintana kung saan malakas ang hangin. Madalas akong mahilo kaya kailangan ko lagi ng hangin na malalanghap.
"Eh? Keri ko naman na e, baka nasobrahan lang ako sa mga ginagawa ko. Magpapahinga na lang muna ako."
"Dapat lang," masungit na sabi nito.
Ngumiti na lang ako dahil sa inaasal nito sa akin. Ayoko namang sabihin ito sa dalawang kambal ko dahil parehas na oa ang ma iyon, ayoko namang iwan nila ang trabaho nila para lang sa'kin.
"Opo 'nay," pang-aasar ko rito.
Ibinaba ko na ang telepono saka nanahimik na lang muna sa kama, hindi ko alam kung bakit napapadalas ang pagsakit ng likuran ko, ayoko namang uminom ng gamot dahil hirap ako sa paglunok ng tableta.
Nawawalan ako ng gana sa lahat ng dati kong mga ginagawa, pati ang pag-da-drawing e, kinatatamaran ko na rin. Ito ata ang sign para hindi talaga tumuloy sa Spain.
Katamaran ata ang sisira sa kinabukasan ko.
Naitagilid ko na lang ang ulo ko nang may message na nag- pop-up sa mismong phone ko.
From: Bebe Zaffiro:> Hart!
Where are you? You okay? Lana told me about your situation.
Halos napabuntong hininga na lang ako dahil sa nabasa ko. Gago ka talaga Lana, sumbungera agh!
To: Bebe Zaffiro:> Hart!
Condo. Okay lang ako. Pahinga lang 'to bebe ko.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na siya sumagot pa. Ang huling kita lang namin ay nung nakaraang tatlong araw. Medyo naging abala lang kaming pareho kaya hindi kami nakakapagkita.
Ewan ko ba kung may sumpa ang tukmol na 'yon. Sa tuwing nagkikita kami madalas na May mangyari sa amin at ang ending ay lalong sumasakit ang katawan ko. Mygadness!
Past muna ako ngayon sa kama senaryo.
Alam ko naman na pupuntahan niya ako lalo na't hindi na siya nag-reply pa. Nag-asikaso agad ako ng mainit na tubig at malalamon niya rito sa condo.
Maya-maya pa kaunti ay dumating na siya. Simpleng gray turtle neck lang ito nang lumapit sa akin saka hinalikan ang aking noo.
"Magpahinga ka na lang, babantayan kita," kalmadong bulong nito sa tenga ko saka hinawakan ang kapeng hawak ko.
Binitawan niya ito sa mesang katabi namin, inalalayan pa ako nitong maupo sa sofa saka dahan-dahang inilagay ang ulo ko sa balikat niya.
Napakasimple lang ng mga ginagawa niya pero para sa akin binubuhos niya ang lahat ng effort nito sa akin. Lahat ng pag-aalala ko nawawala sa tuwing kasama ko na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari ang mga ito.
Ni hindi ko alam kung saan nagsimulang pakitunguhan niya ako ng ganito, na dati lang ay hinihiling ko lang. Pero ngayong nasa tabi ko na siya, hindi na ako magdadalawa-isip, hindi ko na siya pagdududahan. Ayokong masira ang koneksyon na meron kami ngayon.
Naalimpungatan ako na nasa mismong kwarto na ako. Rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa kusina, nagluluto ata siya. Inalis ko lang ang muta sa mismong mata ko saka lumabas ng kwarto. Bumungad agad sa akin ang lalaking nakatalikod, abala sa paghahalo ng kung ano-anong sangkap. Nagulat pa ito nang makita niyang nakaupo na ako, napailing na lang ito saka inilapag ang huling niluto niya.
"Ubusin mo lahat 'yan para magkaroon ka ng lakas," sabi nito habang pinaghahandaan ako ng pagkain.
Tumikhim ako dahilan para matigilan ito sa ginagawa niya. Binigyan ko ito ng mapanuksong tingin na mabilis naman niyang nakuha. Umiwas lang ito ng tingin sa akin saka naupo sa mismong harapan ko.
Mahiyain na pala siya ngayon, wow!
Natapos ang pag-kain namin ng tahimik at tanging mata lang ang nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nito, hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na't ang mismong mga mata niya ay kinakain ang kaluluwa ko.
"Go to your room now, aasikasuhin ko lang 'to," nanatiling naka-iwas ang mga mata nito sa akin.
"What now?" asar na tanong nito nang makalapit ako.
"Bakit kanina ka pa tahimik? Hindi mo man lang ako kinakausap, hindi ka rin tumitingin sa akin," sinadya kong ngumuso habang nakahawak sa laylayan ng damit niya kaya hindi siya makakilos.
"Nah, pahinga na, huhugasan ko pa ang mga 'to," turo niya sa mga plato.
"Okay... Honey," pang-aasar ko saka pinalo ang pwetan niya.
"What the—" sinamaan pa ako ng tingin nito bago ako makapasok ng kwarto.
Kala niya ah, galit na galit ampotek! Kung siya nga ilang beses na pinalo ang pag-upo ko pero never akong nagalit sa kaniya noh. Unfair agh!
Mabilis lang akong nag-asikaso ng sarili ko, as usual, nag-suot ako ng black dress sleepwear ko, mas kumportable akong matulog dahil sanay akong suotin iyon.
Sa gitna nang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay narinig ko ang mahinang katok sa mismong kwarto ko.
"Yes? Honey?" pang-aasar ko rito isabay pa ang kagat labing pag-ngiti.
"I-I'll go ahead now, take care—hey!"
Mabilis kong hinila ang kamay niya at pabagsak na umupo ito sa dulong bahagi ng kama. Kunot-noong tumitig ito sa akin at halatang pigil na pigil ang sarili.
"Ayaw mo bang matulog dito?" pang-aakit ko rito saka naupo sa mismong hita niya.
Mabilis kong iniligay ang dalawa kong Paa sa likuran nito, pinalupot ang dalawang kamay sa leeg nitong namamawis kahit na malamig naman.
"I have work tomorrow," paos nitong boses na humahagot sa mismong leeg ko.
Ang mga kamay nitong unti-unting gumagapang sa hita ko paakyat sa maselang parte. Bahagya pa akong natawa dahil natigilan ito nang makapa niya iyon.
"The heck, Ver—"
Mabilis ko itong siniil ng halik na sinabayan niya rin. Hinayaan ko lamang ang kamay niyang maglakbay pataas sa dibdib ko at ang mga halik nitong gumagapang na sa leeg ko. Bahagya akong nabigla dahil sa pagsuporta nito sa likuran ko, maingat akong inihiga nito dahilan para tumaas ang suot ko at tumambad sa kaniya ang pagkababae ko, at siya naman ngayon ang nasa ibabaw na puno ng pagnanasa ang mga mata.
Tinitigan akong mabuti nito, alam kong gagawin na naman niya ang parteng gustong-gusto ko. Bahagya akong napapikit dahil bibig nitong nasa tenga ko.
"I have to go. Goodnight honey," natatawang saad nito.
Hinawi niya ang kumot sa tabi ko saka ipinatong iyon sa bandang ibaba ko at umalis sa ibabaw.
Tang*na niya talaga! Pabitin pota!
"Nginingiti-ngiti mo diyan? Alis!" pagtataboy ko saka hinagis ang isang unan.
Mabilis lamang niyang nasalo iyon at dahan-dahang inilapag sa dulo ng kama, binalot ko agad ang katawan ko ng kumot at kagat-labing nilunok lahat ng kahihiyan ko
"Get well soon, Mrs. Arcus," mahinang saad nito saka isinara ang pinto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (160)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story 👍🙂🙂
07/06/2025
0ang Ganda Ng kwento
03/12/2024
0it's good jjj
04/11/2024
0Tingnan Lahat